SAMANTHA'S POV. MASAYA kami ni mommy habang nag-shopping sa isang malaking mall. Gusto kong bumili ng mga bagong damit at bag. Nagulat kaming pareho nang biglang sumulpot si Valen sa aming harapan, nakangiti siyang lumapit sa amin ni mommy. Ayaw namin ng gulo kaya umiwas na kami at lumipat kami ng ibang department. Pero sinusundan niya pa rin kami. "Iniiwasan ba ninyo ako Veronica? Gusto ko lang naman makipagkaibigan sa ex-wife ng asawa ko. Wala naman sigurong masama 'di ba? Oh. . . Sam, kumusta ka na? Hindi mo ba ako nami-miss?" "Walang dahilan para mami-miss kita. Nagpapatawa ka ba? Puwede ba huwag mo kaming sundan dahil ayokong pumatol sa matandang higad tulad mo." "Dahan-dahan ka sa tabas ng dila mo Samantha, baka iniisip mo na hindi kita kayang saktan dahil anak ka ng asawa ko