Nang natanggal na ang stainless sa aking tuhod ay hindi na ako gumamit ng wheelchair. Lagi na akong naglalakad tuwing umaga upang ma-stretch ang aking mga ugat. Tatlong buwan na rin ang lumilipas mula nang iniwan ako ni Darren. Nagulat ako habang kumakain kami ng breakfast nina mommy at daddy ay bigla akong sinisikmura at naduduwal. "Anak, meron ka bang kinain na hindi mo nagustuhan?" "Mommy, ang baho ng ulam. Ayoko sa ganiyang amoy." tumakbo ako sa lababo at sumuka. Puro laway lang naman ang lumabas. "Anong ayaw mo? Paborito mo ang beef with broccoli 'di ba? Bakit ngayon ay nasusuka ka na?" nagtatakang tanong ni mommy. Paborito ko ang ganitong ulam mula pa noong bata pa ako, nagtataka ako kung bakit ganito ang reaksiyon ng sikmura ko ngayon. "Mommy, hindi ko alam. Tiningnan ako ni Dad