BANGS Naglakad kami palabas ng mall at humiwalay na si Trina at Mikoy. Walang nagsasalita sa aming dalawa ni Cam at tahimik naming tinungo ang kotse n'ya sa parking lot. SUV ang dala n'yang sasakyan ngayon. Ipinagbukas n'ya ako ng pinto at saka pinaupo. Tinulungan n'ya rin akong maglagay ng seatbelt. Bahagya akong nagulat nang haplusin n'ya ng pisngi ko. Hindi kami sa restaurant nagtungo kung hindi sa penthouse. "Good evening, Sir," bati ng guard. Tinanguan lang ito ni Cam at ako naman ay ngumiti sa kanya. Naglakad kami papuntang elevator at nang bumukas 'yon ay iginiya n'ya ako. "I will cook for you next time. For now, I'll order food for us," sabi n'ya sa akin. "Hindi naman kailangan. Pwede namang sa bahay ako kumain. Bakit nga pala tayo nagpunta dito?" Naisip ko tuloy na dahil