BANGS Mabilis na lumipas ang isang linggo at nakapag-adjust ako sa araw-araw na gawaing bahay dito sa amo namin ni Trina. Patuloy pa rin ako sa paghahanap ng trabaho pero daig ko pa ang blacklisted, palaging may napipili na para sa posisyon o nakalimutang tanggalin ng company ang advertisement. Ayos lang naman dahil willing akong maghintay. Mahirap na madaliin ang paghahanap ng trabaho at mapunta sa hindi ko talagang gusto. Isa pa ay mabait naman ang mga tao dito sa bahay mapwera na lang si Ruffa na mukhang mainit ang dugo sa akin sa kung anong kadahilanan. Ang sabi ni Trina ay nauna lang ito sa akin ng isang buwan kaya feeling boss. Isa pa ay napansin kong palagi s'yang nakatutok sa cellphone. Hinahayaan ko na lang dahil masyado ng madrama ang buhay ko para idagdag ko pa s'ya sa mga pr