BANGS Humingi ako ng dalawang linggo kay Cam bago magsimula sa bagong trabaho ko sa kanya as a courtesy kina Madam. Bagamat nalulungkot sila na hindi na ako magtatrabaho doon ay sinabi nilang bukas ang kanilang pintuan palagi sa akin. Bakas ang magkahalong tuwa at inggit sa mga mata ni Ruffa habang kumakain kami ng sabay-sabay sa staff lounge. Tuwang tuwa si Trina at nagbibida. "Naku, Bangs! Ito na ang swerteng hinihintay mo. Mantakin mo, sa tagal ng ipinaghintay mo sa pag-aapply sa atin at maging dito sa Maynila ay sa CGC ka pala hinihintay. Congrats talaga, sis! Masayang masaya ako para sa 'yo." Bago pa ako nakapagpasalamat sa kanya ay sumabat na si Ruffa. "Sus! Kaya lang naman n'ya nakuha ang trabahong 'yon e inakit n'ya siguro 'yong may-ari d'yan sa tapat." Ano kaya ipinag-iinarte n