12 - Save Her From Death

2642 Words
“WALA kayong practice ngayon Sydney hindi ba?” tanong sa kanya ni Ate Hazel habang nag-aalmusal sila ng sabadong iyon.   “Wala Ate.” Nakakalungkot mang sabihin at isipin, wala talaga silang practice ngayon. Hindi tuloy siya makapunta ngayon sa discobar na pinupuntahan niya. Actually, apat na araw na rin siyang nakapunta r’on. But now, hindi siya makakapunta dahil wala silang practice ngayon. For sure, maboboring na naman siya sa bahay na iyon.   “That’s good, may pupuntahan tayo.”   Natigilan siya sa narinig. “Saan naman?”   “Magpipicnic tayo.”   ‘Picnic? Hmm.. Not bad.’ Mas mabuting sumama na lang siya rito kaysa naman maburyo siya sa bahay at tuluyang mabaliw sa kakaisip kung anong gagawin niya sa buhay niya.   Habang nagpeprepare si Ate Hazel ng mga gamit at pagkaing dadalhin sa picnic ay nagpasya naman siyang magpalit ng damit. Matapos mag-ayos, suot ang puting floral dress ay humayo na sila ni Ate Hazel. Tangan ang tig-isang basket ay tinahak nila ang isang daan patungo sa isang lugar na hindi niya alam. Nakasunod lang siya rito kaya habang naglalakad sila ay bahagya niyang inililibot ang paningin sa paligid.   “Ate malayo pa ba?” muli niyang usisa rito. Ang layo na kasi ng nilalakad nila. Ilang beses na rin niya natanong iyon dito ngunit isang sagot lang ang natanggap niya rito.   “Malapit na, konting tiis na lang.”   ‘Gaano ba kalapit para kay Ate Hazel ang salitang malapit na? Jusko! Halos isang oras na yata kaming naglalakad. Nadaanan na namin ang palayan, ang maisan at ang pastulan ng mga baka at kambing ngunit hindi pa rin kami nakararating sa pupuntahan naming lugar. Geezz! What a pain!’   She rolled her eyes and sighed. Hindi niya alam kung ilang beses na niyang narinig ang sagot nitong iyon. She lost count already.   Napahinto siya sa pag-akyat sa malawak na burol at hinihingal na napatingin kay Ate Hazel na patuloy lang sa pag-akyat sa itaas ng burol.   ‘Seriously? Aakyat kami diyan? My gosh!’  Habang siya ay hindi na mapinta ang mukha, ito naman ay tila tuwang-tuwa at excited pang umaakyat sa burol. Parang wala lang dito ang layo ng nilakad nila. Hindi ba ito napapagod? Kasi siya, pagod na pagod na.   Kung alam lang niyang ganoon ang lugar na pupuntahan nila, hindi na sana siya sumama. Ngunit magsisi man siya ngayon ay huli na.   “Sydney! Come on!” tawag sa kanya ni Ate Hazel nang mapansin nitong hindi siya sumusunod dito.   “Yeah, I’m coming!” sigaw niya at agad na sumunod dito.   “At last, we’re here!”   “Yeah, and I’m glad you made it baby.”   Pagkatapak na pagkatapak niya sa tuktok ng burol ay agad na bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Kuya Patrick at ang seryosong mukha ni Rayven na nakatayo malapit sa tree house.   ‘What the heck! Anong ginagawa ng hinayupak na ito dito?’ It’s been five days when they last saw each other. Sa totoo lang, hindi siya natutuwang makita ito roon. Kung alam lang niyang nandoon ito ay hindi na sana siya sumama. Kung minamalas nga naman. Sirang-sira na talaga ang araw niya.   “Look Sydney!” Masayang ipinihit siya ni Ate Hazel paharap sa pinanggalingan nila.   At halos ay umawang ang mga labi niya nang mula sa kinaroroonan nila ay kitang-kita niya ang malawak na hacienda ng pamilya nina Kuya Patrick at Ate Hazel. She loves the view. Bahagya siyang napangiti nang maramdaman ang malamig at sariwang simoy ng hangin. Ilang sandali pa’y napatingin siya sa isang direksiyon at napasimangot siya nang makita ang pastulan ng mga baka at kabayo sa di kalayuan.   “Maganda na sana eh, nasira pa.” Naiinis na pumihit siya paharap sa mga ito.   “Why?” nagtatakang tanong ni Ate Hazel nang makita ang nakabusangot niyang mukha.   Napabuga siya. Tinatanong pa ba iyon? “You knew how much I hate animals Ate.”   Napangiti ito sa sinabi niya at pagkatapos ay nakangiting humarap at tumanaw sa malawak na lupain. “You know dear, hindi sa lahat ng pagkakataon eh yung pangit at mali ang iintindihin mo, at ang tanging makikita at pupunahin mo. Because sometimes, kailangan mo ring intindihin ang mga bagay na hindi mo makita, kasi kadalasan yun pa yung mga bagay na maganda at tama.”   “Whatever!” ikinibit niya ang mga balikat. Hindi niya alam na balak palang maging makata ng pinsan niya. ‘Geezz.. Korni..’ Pag-angat niya ng tingin ay ang mukha ni Rayven ang agad na bumungad sa kanya.   “Anong pangit sa mga hayop?” taas ang kilay na tanong nito. “And one more thing, saan ka nakakita ng hacienda na walang hayop? Di mo maappreciate ang mga hayop rito palibhasa kasi, city girl ka.”   Tinaasan niya ito ng kilay. Nang-aamok ba ito ng away? At ang kapal ng mukha nitong tawagin siyang city girl. Kung siya ay city girl ano naman ito aber?   “Hindi ko kailangan ng komento mo, country boy!” pagtataray niya at sinamaan ito ng tingin. Nagtagisan sila ng nakamamatay na tingin. Hindi naman siya nagpatalo rito at matapang na sinalubong ang tingin nito. Bago pa man sila magtalo ay agad na pumagitna ang dalawa sa kanila.   “Whoah! Enough guys! Ang mabuti pa, kumain na tayo,” pag-iiba ani Kuya Patrick. “Nagutom kasi ako sa matinding pagod. Alam niyo naman, nagmamarakulyo na ang mga alaga ko.” Hinatak nito si Rayven habang siya naman ay hinatak ni Ate Hazel.   “Nanggigigil na talaga ako sa lalaking iyan,” naiinis na bulong niya kay Ate Hazel.   “Actually mabait ang batang iyan.”   “Mabait? Duh! Saang banda? Di ko kasi makita.” She rolled her eyes.   “Katulad nga ng sinabi ko kanina, yung pangit ang napapansin mo kasi di mo makita ang kabutihan niya.”   “Kabutihan?” hindi makapaniwalang ulit niya at natawa ng pagak. “Ate gumising ka nga, hindi mabuti ang lalaking iyan. Kahit saang anggulo ko tingnan, wala talaga.”   “Ay ewan ko sa inyong dalawa.” Napailing-iling ito. “Bakit ba ang init ng dugo niyo sa isa’t-isa?” nagtatakang tanong nito pagkuwan.   “Ang yabang kasi niya. Nakakainis.”   “Hay naku, trust me, hindi siya katulad ng pagkakakilala mo. Napakabuting bata niyan.”   “No. Basta ako, masama ang ugali niya dahil iyon ang nakikita ko,” hindi patatalong sagot niya.   Naiiling na lang si Ate Hazel sa kanya. “Hay naku, ang tigas ng ulo mo. Bahala ka.”   “Maglalakad-lakad na lang muna ako ate.” Paalam niya rito at nagsimulang maglakad palayo. Ayaw kasi niyang makaharap ang kinaiinisang lalaki. At mas lalong ayaw niyang makasalo ito sa pagkain. Kaya mas mabuti na lang na maglibot-libot siya sa paligid nang matanggal ang inis na nararamdaman niya. Magpapalamig na lang muna siya ng ulo.   Hindi naman siya napigilan ng pinsan dahil mabilis ang mga naging hakbang niya. “Malapit na tayo sa gubat at bundok kaya huwag kang magpakalayo-layo baka mawala ka,” paalala nito at naiiling na sinundan na lang siya nito ng tingin.   “Yeah, I will.” She doesn’t need someone to remind her. She can take care of herself.   Malayo-layo na rin ang nalalakad niya nang ilang sandali pa’y isang ilog ang nakita niya. Wala sa sariling sinundan niya ang pinagmumulan ng tubig. Napakalinaw ng tubig at medyo blue green ang kulay niyon kaya naman ay nawiwili siyang pagmasdan iyon. Hindi siya marunong lumangoy but the color is very inviting. Kung marunong lang sana siyang lumangoy, hindi siya magdadalawang isip na tumalon doon. Pero hanggang pangarap at imagination na lang niya iyon. Kaya naman ay nagkasya na lang siya sa paglalakad doon habang pinagmamasdan ang kagandahan niyon.   Sa sobrang pagkaaliw niya nang mga oras na iyon ay halos ay hindi na niya namamalayang napapalayo na siya sa kinaroroonan ng mga kasama.   Nang may makita siyang tulay na gawa sa kawayan ay tuwang-tuwang tinungo niya iyon. She excitedly took her step to see the bluish green clear water down below. Natigilan siya nang marinig ang paglangitngit ng mga kawayan. Tila noon lang siya natauhan. Kinakabahang napatingin siya sa kawayan at pakiramdam niya’y nanginig ang mga tuhod niya at pinanlamigan ng katawan nang makita kung gaano na kaluma iyon. May mga anay na nga ang ilang bahagi niyon.   “Sh*t!” napamura siya nang wala sa oras. She can’t deny it but she’s in big trouble! So, she need to do something! Natatarantang lumingon siya sa pinanggalingan at bukana ng tulay. That’s eight steps! Masyadong malayo sa kanya iyon. “Darn it!” She need to be quick before it’s too late! She started to move. Ngunit bago pa man niya maihakbang ang mga paa ay tuluyan nang bumigay ang pundasyon niyon.  “Ahhh!!” napasigaw na lang siya sa matinding takot. Wala siyang nagawa kundi ipikit ang mga mata habang nakayakap at nakakapit sa isang kahoy.   Kasabay ng pagbagsak ng tulay sa tubig ay ang pagbagsak niya. Ang ilan sa mga iyon ay tumama pa sa ulo niya dahilan para mahilo siya. Nahihilo man ay pilit siyang nagpumiglas sa tubig ngunit tila may kung anong bagay ang humahatak sa kanya patungo sa pinakailalim na bahagi ng ilog.   Dala ng maraming nainom na tubig at kawalan na rin ng hangin sa baga ay tuluyan nang nagdilim ang paningin niya.   ‘Kuya.. kung mawala man ako sa mundong ito, sana ikaw ang una kong makita..’   _ _ _ _ _ _ _ _     “RAYVEN, pakisundan mo nga si Sydney. Baka kung saan-saan na nagsususuot iyon. Mukhang accident prone pa naman ang batang iyon.”   Naidilat niya ang mga mata nang marinig ang ipinag-uutos ng Kuya niya na abala sa pagkaing niluto ni Ate Hazel.   “She can take care of herself.” Bumiling siya ng pagkakahiga sa damuhan at muling ipinikit ang mga mata. Ang tapang-tapang ng babaeng iyon kaya sigurado siyang walang mangyayari rito. ‘Tsaka hindi na siya bata para tingnan pa. She’s big already.”   “Rayven Harris..” babala ng Kuya.   He rolled his eyes. ‘Darn it! Heto na naman ito sa boses niyang nakakatakot. Buset!’   “Fine! I’m going to find her!” naiinis na sabi niya at padabog na tumayo. “But I’m asking a favor from the two of you. Stop pairing us! Stop playing cupid, will you?”   “We’re not playing cupid, you idiot.” Nailing na sabi ni Kuya Patrick.   “Neknek mo! Sungalngalin kita eh!”   Natawa lang ito sa sinabi niya. “Just go and find her will you?”   “Fine!” naiinis na nagmartsa na siya paalis upang sundan si Sydney. Actually, naiinis na siya sa dalawang iyon na mukhang mayroong binabalak. Hindi man sabihin ng mga ito pero hindi siya manhid.  Masyado naman kasing halatang itinutukso siya ng mga ito sa babaeng iyon, no, hindi lang ang mga ito kundi maging ang ibang taong nakapaligid sa kanila. They’re all playing cupid fools. And that made him feel sick and annoyed.   Ayaw nga sana niyang sumama sa picnic na iyon dahil alam niyang isasama ng mga ito si Sydney ngunit binlackmail siya ng Kuya niya. Hindi raw nito ibibigay sa kanya ang new cellphone number ni Coleen kapag hindi siya sumama sa mga ito. Believe it or not, mula nang dumating ang mga ito galing kina Ate Fiona ay hindi pa binibigay ng mga ito ang number ni Coleen. And for goodness’ sake, it’s been five days since that day. So he was left with no choice but to come kahit alam niyang kasama ng mga ito si Sydney.   Honestly naiinis siya sa babeng iyon. Ngunit ang inis na nararamdaman niya rito ay hindi na katulad noong una. Lalo na at nakita niyang lumuha at nasasaktan ito noong nakaraang gabi dahil sa Kuya nito. At some point ay nakakaawa pa rin ito sa kabila ng pangit na ugali nito.   Hindi naman siya katulad nito na may sa bato at bakal yata ang puso. Hindi lang niya magawang maging mabait dito dahil sa ugali at pagtrato nito sa kanya.   Napabuga na lang siya.   “Aaahhh!”   Natigilan siya nang marinig ang malakas na tili sa di kalayuan na sinundan ng kung anong bagay na bumagsak sa tubig.   Mabilis siyang tumakbo patungo roon at halos ay naipako siya sa kinatatayuan nang makita ang sirang tulay. Ang ibang bahagi niyon ay nasama na sa agos ng tubig na naging kulay kape na. Hinihingal na huminto siya sa tapat ng sirang tulay at pilit na hinagilap kung nasaan ang babae. Sinundan niya ng tingin ang ilang kahoy na nasa malayo na. Wala naman si Sydney doon.   Kapag may nangyaring masama dito sigurado siyang siya ang masisisi. And he just couldn’t let that happen. So, he needs to do something before it’s too late. Walang pagdadalawang-isip na tumalon siya sa tubig at lumangoy sa kung saan-saan upang hanapin ito. Nakailang sagap na siya ng hangin but she’s nowhere to be found.   “Sh*t!” pagmumura niya. “Sydney!” malakas niyang tawag sa pangalan nito. Hindi naman kasi ito sisigaw kung walang nangyaring masama rito. Ngunit kahit anong sigaw yata ang gawin niya’y wala pa rin siyang makukuhang sagot. Kaya naman ay napagpasyahan niyang sumisid sa pinakailalim niyon. Nang maabot niya ang lupa at agad niyang ikinalat ang paningin. At ganon na lang ang pagkabog ng puso niya nang maaninag niya ang kulay puting bagay. If he’s not mistaken, Sydney is wearing white dress so it might be her. Mabilis siyang lumangoy patungo roon at lalo pa niyang binilisan ang paglapit nang makita ang bulto ng isang tao. Nang makarating sa kinaroroonan nito ay agad niya itong hinawakan sa braso, balak sana niya itong hatakin ngunit tila may  kung anong pumipigil rito. Nang makita niyang nakasabit ang panloob na short nito ay agad niyang kinalag iyon sa pagkakasabit. Matapos niyang matanggal iyon sa pagkakasabit ay agad niya itong hinatak palangoy sa itaas ng tubig.   Habol niya ang hininga nang tuluyan siyang makasagap ng hangin. Wala pa ring malay ang dalaga. Nababahalang hinatak niya ito patungo sa gilid ng ilog.   “Sydney? Sydney, wake up!” marahan niya itong niyugyog. There’s still no sign of life from her. Inihawi niya ang buhok nito na tumabing sa mukha nito and then he froze again when he saw how beautiful she is. Sa dami ng ilang beses niyang pagkatulala rito ay hindi na niya maalala at mabilang.   She resembles a girl whose beauty radiates like that of the sun, with her hair a rich shade of auburn that adores her glowing, porcelain-like skin. Her dark, as black as ink almond shaped eyes framed with long lashes and perfectly arched brows, were bright and fiery sometimes, that can brighten someone’s world. A straight nose, rosy cheeks, full pink lips, and heart shaped face that looks like a perfect art made by the greatest sculpture.   Her beauty is indeed beyond compare.   She can be scary sometimes but right now, she’s just like an angel sleeping peacefully. Mas maganda pala ito kapag payapa ang mukha nito. Ibang-iba kasi ang mukha nito kapag gising ito at kapag kaharap siya. She’s just like a dragon, na anumang oras ay bubuga ng apoy anumang oras gustuhin nito. But when she’s like this, she’s too beautiful, just like a goddess that fell from the sky to adorn and beautify the world.   Nang maalala niyang nalunod ito ay agad niyang ipinilig ang ulo. Tila noon lang siya natauhan. He needed to do something bago pa tuluyang may mangyaring masama rito. Hindi naman pwedeng titigan na lang niya ito roon. Mabilis siyang nag-isip ng gagawin. Nag-aalinlangan siya sa gagawin niya but he doesn’t have a choice.   “Sorry sa kapangahasan ko but I have to do this to save your life.” And right then and there, he gave her CPR to save her from death.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD