13 - The Sign

2375 Words
NANG IMULAT ni Sydney ang mga mata ay unang bumungad sa kanya ang puting kisame. Hindi pamilyar sa kanya ang kisameng iyon. Nang ikinalat niya ang tingin ay noon niya napagtantong nasa pribadong silid siya ng isang hospital. Nanghihina man ay pilit siyang bumangon sa pagkakahiga.   “Sydney, gising ka na pala. Kumusta ang pakiramdam mo?” napabalikwas ng bangon si Ate Hazel nang makita siyang gising na. Agad itong lumapit sa kanya.   “Ate anong nangyari? What am I doing here? I thought.. I thought I was dead.” Nagsimulang maglaglagan ang mga luha niya sa matinding takot nang mga oras na iyon.   “Sshh.. You’re not dead okay? You’re alive. You’re safe now, don’t cry,” pang-aalo nito at niyakap siya.   “Papaanong nangyaring buhay pa ako ngayon? Ang akala ko malulunod na ako katulad ni Kuya. Ang akala ko, susunod na ako sa kanya.”   “Hindi mo pa oras Sydney trust me. Mabuti na lang at nailigtas ka agad ni Rayven. Kaya utang mo ang buhay sa kanya.”   Natigilan siya sa narinig. “I-iniligtas ako ni Rayven?” hindi makapaniwalang ulit niya at tiningala ito.   Ngumiti ito at tumango. “Yes, he saved you dear, so you have to thank him for that.”   Marahan siyang tumango sa sinabi nito. “Okay..”   Hindi niya alam kung papaano nakarating agad sa ilog na iyon si Rayven. Her mind is still clouding with so much fear but one thing is for sure, Rayven saved her life so she needed to thank him for the first time. Isa lang ang nasa isip niya nang mga oras na iyon, Rayven isn’t a bad person at all.   “By the way, your parents called a while ago. Labis silang nag-aalala sa’yo.”   “I’ll call them later ate. But I want to eat first.”     _ _ _ _ _ _ _ _     “SYDNEY?”   Nagpapahinga na siya nang gabing iyon at handa nang matulog nang marinig ang pagkatok sa pinto ng silid niya. Kakalabas niya lang galing sa hospital nang araw na iyon.   “Bakit ate?” nagtatakang tanong niya nang pumasok ito.   Kumunot ang noo niya nang makitang nanunukso ang ngiti nito nang lumapit ito sa kanya at pagkatapos ay iniabot sa kanya ang cordless phone na hawak nito.   Para saan naman kaya ang ngiti nitong iyon? Nagtatanong ang mga matang napatingin siya sa cordless phone na hawak nito.   “What is that for?”   “You got a call. May gustong kumausap sa’yo.”   “Sino?” Kumunot ang noo niya. Imposibleng ang parents niya iyon dahil nakausap na siya ng mga ito kaninang hapon.   “Just answer it nang malaman mo.”   Nagtatakang tinanggap naman niya iyon. Nang matapos ay iniwan na siya ng pinsan na may naglalarong mapanuksong ngiti sa mga labi. Nawiwerduhan man sa mga inaasta nito ay nagkibit-balikat na lang siya at idinikit ang cordless phone sa tainga.   “Hello?”   Narinig niya ang pagtikhim ng lalaking nasa kabilang linya. Kumunot ang noo niya. Who’s this guy calling her at this kind of hour?   “Hi! How are you?”   “Who’s this?”   “It’s.. Rayven.”   Tila naumid ang dila niya nang malaman kung sino ang nasa kabilang linya. By simply just hearing his name made her heart beat fast. Halos ay mabingi na siya sa lakas ng t***k ng puso niya nang mga oras na iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nakakaramdam niyon.   “Hey, are you still there?”   Mabilis niyang ipinilig ang ulo at pilit na hinamig ang sarili sa mga weirdong pakiramdam na nararamdaman niya. “Yeah, I’m still here.”   “So, how are you?” pangungumusta nito.   “I’m fine already,” sagot niya. “Thanks to you I’m still alive.”   “It’s nothing.”   Isang mahaba at nakabibinging katahimikan ang namayani sa pagitan nila. Honestly, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya rito. Talking to him is too awkward. Pakiramdam niya’y kinakabahan siya na hindi niya mawari. Ngayon lang kasi sila nagkausap nang hindi nag-aaway o nagtataasan ng boses. Hindi siya sanay na kausap ito nang ganoon.   Nang may maalala siya ay tumikhim siya.   “So, papaano mo nalamang nahulog at nalunod ako?” nagtatakang tanong niya. Hindi kasi niya alam kung papaanong nangyaring nandoon ito sa ilog gayong ang alam niya ay iniwan niya ito sa treehouse kasama sina Kuya Patrick at Ate Hazel.   “Actually, pinasundan ka sakin nina Ate Hazel at Kuya. And then I heard you scream ang yung pagbagsak ng tulay sa ilog. So, alam kong nandoon ka so I was left with no choice but to dive in the water to save you.”   Napatango-tango siya. “Buti na lang dumating ka. Kung wala ka, I’m sure pinaglalamayan na ako ngayon. Sa kabila ng lahat ng mga nagawa ko sa’yo, hindi ka pa rin nagdalawang isip na iligtas ako. And I’m so grateful because of that.”   “Hindi naman kasi ako kasing-sama katulad ng iniisip at inaakala mo.”   “Yeah and I’m so sorry for treating you that way. I’m so sorry for acting like a brat and a bad girl towards you.”   “Inaamin ko rin naman na at some point ay naging masama rin ako sa’yo. And I’m so sorry for that too.”   “Well, what’s done is done. We need to move on from that phase in our life.”   “Then, can we start anew? Can we be friends?”   Sandali siyang hindi nakaimik sa naging suggestion nito. ‘We’ll start as what? As friends?’ Parang ang bilis naman yata ng mga pangyayari. Parang noong isang araw lang ay inis na inis sila sa isa’t-isa. At ngayon ay magiging friends sila? Agad-agad? She doesn’t expect that.   Napaisip siya. Pero wala naman sigurong masama sa suggestion nito. Maiiwasan pa nila ang pag-aaway nila if ever na maging magkaibigan sila. It’s not a bad idea after all.   “Okay, deal, let’s give it a try. So, friends?”   “Yeah, friends.”     _ _ _ _ _ _ _ _     NANG MGA oras na iyon ay nakalulan si Sydney sa kotse ng Tita niya dahil ihahatid siya ni Mang Waldo sa gym. May practice na sila ngayon. Ayaw sana siyang payagan ng Tita niya dahil baka hindi pa raw siya okay but she insisted. On the first place, pictorial nila ngayon.   Nang matanaw niya ang mala-mansiyong bahay nina Rayven ay napatingin siya sa basket na naglalaman ng mangga na nasa kandungan. She’s planning to give it to Rayven, bilang pasasalamat sa ginawa nitong pagligtas sa kanya, bilang peace offering at gift sa pagkakaibigan nila.   “Mang Waldo, pwedeng daan po muna tayo kina Kuya Patrick?”   “Sige señorita.”   Ilang sandali pa’y nakarating sila r’on. Agad naman siyang bumaba at pumasok sa malawak na living room ng mansiyon. Natigilan siya nang bumungad sa kanya ang parents ni Rayven na kasalukuyang nakaupo sa sofa. Napangiti ang dalawa nang makita siya.   “Sydney! Hello hija!” masayang lumapit sa kanya ang ginang at niyakap siya matapos siyang halikan sa pisngi.   “Good morning po,” namumula man ang pisngi ay magalang na bati niya.   “Magandang umaga rin sa’yo hija. Do you feel better now? Dinalaw ka namin sa hospital noong nakaraang araw nung wala ka pang malay.”    “Ganoon po ba, salamat po sa pagdalaw sakin sa hospital.”   “Huwag mo na akong po-in, mas lalo mo lang akong pinapatanda niyan hija. Tita Margie na lang ang itawag mo sakin.”   Napangiti siya. “Sige po, Tita Margie.”   Masayang hinatak siya ng ginang palapit sa esposo nito.   “Hello po Tito, magandang umaga po sa inyo.”   “Magandang umaga rin sa’yo hija. Kumusta na ang pakiramdam mo?”   “Okay na po, laking pasasalamat ko nga po kay Rayven dahil niligtas niya ako sa kabila ng pag-aaway namin. Kung wala siya baka kung ano na po ang nangyari sakin.”   “Oo nga eh. Siguro naman ay magkakasundo na kayo pagkatapos nang nangyari.”   Ngumiti lang siya sa sinabi nito. So, wala pang nakakaalam na magkaibigan na sila ni Rayven. Mas mabuti na siguro iyon. Dahil alam niya, panunukso lang ang matatanggap nila sa mga ito.   “Anyway, bakit ka napadalaw hija?” pag-iiba sa usapan ni Tita Margie.   Lumunok siya. “Ahm.. Ibibigay ko lang po sana kay Rayven ito bilang pasasalamat sa ginawa niyang pagligtas sakin.” Ipinakita niya ang dalang basket na may lamang mangga.   “Naku sakto, paborito iyan ni Rayven, I’m sure magugustuhan niya iyan.”   Yeah, just like what she remembered noong minsang kumain ang mga ito sa bahay nina Ate Hazel. Mango is his favorite. Ang regalo niyang iyon ay wala nang halong kalokohan hindi katulad noong una. And one more thing, bukal na sa loob niyang gawin iyon dahil utang niya ang buhay niya rito kaya marahil naman ay tatanggapin na nito iyon lalo na ngayong okay na sila.   “Naku, tulog pa ang batang iyon. Ang mabuti pa, puntahan mo na lang siya sa taas. Mas maganda kasi kapag ikaw mismo ang magbigay niyan sa kanya.”   Wala siyang nagawa nang halos ay ipagtulakan na siya ng ginang paakyat sa hagdan habang sinasabi nito kung nasaan ang silid ng lalaki. But wait, parang hindi naman yata tama iyon. Pupuntahan niya ang binate sa mismong silid nito? Ano bang meron sa mga taong ito at ganoon umasta ang mga ito pagdating sa kanilang dalawa?   “They’re all weirdo.”   Napabuga na lang siya at tinalunton ang daan patungo sa silid ni Rayven na itinuro ng mommy nito. Mas mabuti sigurong gawin na niya iyon at nang makaalis na siya. Baka malate pa kasi siya sa pupuntahan niya. Ayaw naman niyang masermonan ng organizer nila.   Kumatok siya sa pinto ng silid ni Rayven ngunit walang sumagot kaya pinihit na niya iyon. Nang sumilip siya sa siwang ng pinto ay tumambad sa kanya ang malinis at malawak na silid ng binata. Pumasok na siya sa loob at wala sa sariling pinag-aralan ang kabuuan ng silid. His room is filled with Rayven’s scent. Puti ang kulay ng walls and the cabinet fixed on the walls are filled with trophies and medals.   “Mukhang achiever ang loko-loko.”   Ikinibit niya ang balikat. Inilipat niya ang tingin sa lalaking mahimbing pa ring natutulog sa kama habang nakadapa.   Tahimik niyang inilapag ang dalang basket at pagkatapos ay kumuha siya ng sticky note sa bag at nagsimulang magsulat ng munting mensahe ng pasasalamat para sa binata. Nang matapos iyon ay nakangiting iniwan na niya ito.   “Bye sleepyhead.”   _ _ _ _ _ _ _ _     MARAHANG iminulat ni Rayven ang mga mata nang maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa kanya. Ibinaling niya sa ibang direksiyon ang mukha niya upang iiwas ang paningin sa sinag nang araw nang may mapansin siyang basket na puno ng hinog na mangga.   Kumunot ang noo niya. Kanino naman kaya galing iyon?   Nagtatakang dinampot niya ang sticky note na nakadikit sa gilid ng basket at binasa ang laman niyon.   “Good morning Rayven, please accept this friendly gift as a sign of gratitude for saving my life the other day. Thank you so much. I remember this is one of your favorite, so here it is. Hindi ko alam if sweet siya but anyway, I hope you like it. From your beautiful friend, Sydney.”   ‘Nakakatawa pala magsulat ng letter ang babaeng iyon.’   Hindi niya alam kung bakit ilang beses niyang binalikan ang salitang “sweet” sa sulat na iyon ni Sydney habang napapangiti na parang baliw.   “Siguraduhin mo lang na matamis ito dahil kung hindi lagot ka sakin. But anyway, sweet naman pala siya kahit papaano kaya okay na rin siguro ito.” Ikinibit na lang niya ang balikat at nakangiting isinubsob ang mukha sa malambot na unan.   Ilang sandali pa’y bumangon na siya at lumabas ng silid niya upang mag-almusal.   “Good morning papa, mama.” Bati niya sa parents niya nang maabutan niya ang mga ito sa sala kasama ang Kuya niya.   “Good morning son. You look so happy today.” Ngumiti ng mapanudyo ang mama niya.   Ikinibit lang niya ang balikat at nakangiting sumalampak ng upo sa tabi nito.   “Naku mama, mukhang masamang senyales na yata ito,” tatawa-tawang panunudyo naman ng Kuya niya.   “Shut up!” Panira talaga ito ng araw kahit kailan. Ibinato niya rito ang throw pillow na nasa tabi niya. Tatawa-tawang sinalo naman nito iyon.   “By the way, nakita mo na ba yung binigay ni Sydney?” usisa ng Papa niya.   “Uhmm yeah.”   “Do you like it?” malawak ang ngiting tanong ng mama niya.   “Of course it’s my favorite you know.”   “So, nagkausap kayo? Ano naman ang pinag-usapan niyo?” usisa ng mama niya. Kumunot ang noo niya.   “Nagka-usap?” naguguluhang tanong niya.   “Hindi ka ba niya ginising kanina nung dinala niya yung mango sa room mo?”   Napamaang siya sa nalaman. “P-pumasok siya sa r-room ko?” hindi makapaniwalang tanong niya. He didn’t know that. Ang buong akala kasi niya dinala lang iyon ng isa sa mga kasambahay nila.   “Oo, gulat ka ‘no?” pang-aasar ng Kuya niya. “So, siya ang pinakaunang babaeng pumasok sa room mo maliban kay mama at sa mga kasambahay natin. Naaalala mo pa ba yung sinabi mo sa amin noong bata ka pa lang? Yung tungkol sa sign?”   ‘The heck? He can still remember that?’ Natahimik siya sa sinabi nito.   “I can still remember it when you told me na kung sinumang babae ang pinakaunang tatapak sa silid mo maliban kina mama ay siyang makakatuluyan mo.”   Sinamaan niya ito ng tingin. “Nagpapaniwala ka naman doon. Ang tagal-tagal na nun! It’s just a part of my silliness.”   “Hoy for your information, alam ko rin na si Coleen ang gusto mong gumawa noon kaso nung papasok na siya, bigla siyang tinawag ng Ate Fiona niya kaya hindi natuloy. So, whether you like it or not, si Sydney ang makakatuluyan mo. Congrats bro, you have found your soulmate.”   That reality made him so f*ckin’ speechless.   ‘God.. This can’t be!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD