11 - Representative

2430 Words
“ARAY!”   Halos ay mapangiwi si Rayven nang makitang halos ay umiiyak na si Sydney hang hinihilot ng kasambahay nilang si Manang Helen ang namamagang paa ng dalaga. Nang mga oras na iyon ay pababa siya ng hagdan upang magtungo sa salas kung nasaan ang mga ito. Kakatapos lang kasi niyang maligo.   “Aray.. Manang masakit po talaga.. Ayoko na..” muli itong pumalahaw ng iyak.   ‘Ganon ba talaga kagrabe ang sakit ng paa niya?’ Nangunot ang noo niya. O baka naman over acting at exaggerated na naman ito lalo na at alam naman niya kung gaano kagaan ang kamay ni Manang Helen kappa naghihilot ito. For sure ay umaakting lang dalaga. Knowing how good Sydney’s acting skills. Naiiling na sumalampak siya ng upo sa pang-isahang sofa. Kay Manang Helen din kasi sila nagpapagamot minsan kapag nagkakaroon sila ng mga injury.   “It’s okay hija, you’ll get over the pain. Mawawala rin iyan,” pang-aalo naman ng mama niya kay Sydey na siyang katabi nito sa mahabang sofa. Niyakap pa nito ang dalaga.   He rolled his eyes. It’s too obvious that her mom is very fond of her. Sabagay, matagal na niyang alam na gusto nitong magkaroon ng anak na babae. Hindi nga lang iyon nangyari because 7 months after giving birth to him ay naoperahan ito sa ovary. Kaya pati kay Ate Hazel ay ganon din ito. She treated her like her own daughter.   “Bukas, magiging okay na itong paa mo señorita,” ani Manang Helen at dahan-dahan nitong inilapag ang paa ni Sydney sa sahig. “Basta huwag mo na muna ito basahin agad ng tubig para hindi malamigan.”   Tumango lang si Sydney. Ni hindi man lang ito umalis sa pagkakayakap sa mama niya. Mukhang feel na feel na nga nito roon habang panay ang hikbi nito. At ang mama naman niya, heto, at hinahagod-hagod ang likod nito. Feel na feel din ang pagiging ina sa dalaga.   ‘Mother and daughter lang ang peg?’ Napabuga na lang siya nang wala sa oras.   “Salamat Manang Helen.”   “Walang anuman Señora,” sagot nito at matapos ligpitin ang mga ginamit nito sa panghihilot ay umalis na ito.   “Kawawa naman ang batang ‘to.”   Kumunot ang noo niya nang makita kung gaano titigan ng mama niya ang dalaga. Tila ba awang-awa ito sa kalagayan ng babae. Kung tutuusin simpleng injury lang iyon. He rolled his eyes for the second time.   “Pwede ko naman na siguro siyang ihatid sa kanila?”   Kumunot ang noo ng mama niya.   “No, gabi na, dito na siya matutulog. I already called your Tita Tina and she said yes.”   “What?” literal na umawang ang mga labi niya sa nalaman.   “Why? Is there any problem with it?”   Tumikhim siya. “Wala naman Mama.”   “Good.” Napangiti ito at pagkatapos ay tinitigan ang dalaga. “Napakaganda talaga ng batang ito. Do you find her beautiful anak?”   ‘Anak ng tipaklong. Ang dami-dami niyang pwedeng itanong, iyon pa talaga?’ Wala sa sariling napatingin siya kay Sydney. Dahil nakayakap ito sa mama niya ay ang side view lang ng mukha nito ang nakikita niya. Payapa na ang mukha nito at tila ba ay tulog na tulog na ito.   Well, ayaw man niyang aminin pero maganda naman talaga ang dalaga. He lied when he said she’s not beautiful. Masyado kasing mataas ang tingin nito sa sarili nito minsan kaya nasabi niya iyon.   Wala sa sariling tumango siya sa tanong ng ina. Napangiti naman ito sa naging sagot niya.   “I would love it if siya ang makatuluyan mo anak.”   ‘What the hell!?’ Nanlaki ang mga mata niya sa matinding gulat sa sinabi nito. “Mom! The heck are you saying?” This isn’t good at all. Mukhang may napapansin na siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Diyata’t lahat ng mga ito ay gusto silang paglapiting dalawa. At doon siya nababahala.   Natawa ito sa naging reaksiyon niya. “Why? What’s wrong, you’ll be a lovely couple.”   Pakiramdam niya’y nanindig ang mga balahibo niya sa katawan sa sinabi nito. Never niyang inisip ang tungkol sa bagay na iyon. Bago pa man dumako sa kung saan ang pinag-uusapan nila ng ina ay tumayo na siya.   “Matutulog na ako. I don’t like that topic. Alam niyo naman kung gaano namin kaayaw ang isa’t-isa. You know, being in love with her is not a good idea at all.”   “I’m just kidding.” Natawa ito. “Hey sweetheart, would you mind to help me here at nang makatulog na rin ako?”   Napalingon siya rito at nakita niyang tulog na talaga si Sydney na yakap-yakap nito. Napabuga siya. Bumalik siya upang tulungan ito. Kawawa naman ang mama niya kung ito pa ang magbubuhat kay Sydney.   “Can you please carry her and take her to the guest room? Ikaw na ang bahala sa kanya anak.”   Tumango siya at tahimik na pinangko ang tulog na dalaga. Agad siyang umakyat sa taas ng hagdan upang dalhin ito sa guest room kung saan ito matutulog ngayon. Ilang sandali pa’y natigilan siya nang bigla na lang yumakap sa kanya ang dalaga. Napigil niya ang paghinga nang malanghap niya ang buhok nitong amoy shampoo. He felt his heart beats fast nang makita niya kung gaano kalapit ang magandang mukha nito sa kanya. Halos ay mabingi na siya sa lakas ng t***k ng puso niya. It felt like his heart wanted to jump out of its cage. Mabilis niyang ipinilig ang ulo upang iwaglit ang lahat ng nararamdaman nang mga oras na iyon.   Mabilis at malalaki ang mga hakbang na binaybay niya ang mahabang pasilyo at agad na tinungo ang isa sa mga guest room na nakalaan para rito. Pasalamat na lang siya at nakaawang ang pinto niyon kaya naman ay hindi siya nahirapang makapasok doon. Maingat niya itong inilapag sa kama at pagkatapos ay tinanggal muna niya ang sandal na suot ng isang paa nito at pagkuwa’y kinumutan ito.   Iiwan na sana niya ito nang marinig niya ang paghikbi nito. Nagtatakang nilingon niya ito.   “Kuya.. I missed you.. I missed you.. so much.” Kasabay ng mga katagang paulit-ulit nitong sinasambit ay ang mga paglaglag ng mga luha sa mga mata nito.   Seeing her vulnerable like that, tila nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng awa rito. Hindi niya alam kung ano ang pinagdadaanan nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa Kuya nito para masaktan ito ng ganoon. Ngunit hindi niya maikakailang sa kabila ng pangit na ugaling ipinakita nito sa kanya ay nakakaawa ito. Ibang-iba ang Sydney na nakita niya ngayong gabi. Mula sa Sydney na iniligtas niya, sa isinakay niya sa motor niya at sa Sydney na tahimik na lumuluha ngayon. Now that he’s seeing her weak and vulnerable side ay hindi niya maiwasang makaramdam ng awa rito.   Lumapit siya rito at umupo sa gilid ng kama. He wiped her tears with his thumb. Habang ginagawa niya iyon ay nagkaroon siya ng pagkakataon na titigan ang magandang mukha nito.   Alam niya, hindi man nito sabihin, ang taong iniiyakan nito kanina habang nakasakay sa motor niya ay ang taong sinasambit nito ngayon. And knowing she’s in pain right now, his heart ached for her. Even if they’re not in good terms, nalulungkot at nasasaktan siya para rito. At ngayon ay nagiging malinaw na sa kanya ang lahat.   Wala sa sariling napangiti siya.   “No, you lied when you said you never believe in love. When you miss someone, that can also mean you love that person. You believe in love Sydney, and you’re just denying it. I don’t know what’s stopping and holding you back from feeling that but I hope someday you’ll find the reason to accept and believe in it all over again.”   _ _ _ _ _ _ _     “SYDNEY?”   Napalingon siya sa kanyang likuran nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Ate Hazel. Nang mga oras na iyon ay tahimik siyang nakatanaw sa malawak na taniman at hardin ng lupain nina Ate Hazel nang dumating ito.   “Bakit Ate?”   “May gustong kumausap sayo sa baba.”   Kumunot ang noo niya sa narinig. At sino naman kaya ang tinutukoy nito? To think na hindi naman siya masyadong naglalalabas ng bahay dahil mas lalo lang siyang nababadtrip at nabobored kapag may nakikita siyang mga hayop. Wala naman kasi siyang makitang rason para mag-enjoy sa lugar na iyon, maliban na lang sa mga nakikita niyang bulaklak dahil mahilig siya sa mga iyon. Mabuti na lang talaga at sa hardin nakaharap ang silid niya dahil kung hindi ay baka kung ano na ang nagawa niya.   “Sino po?”   “Basta, come on.”   Wala siyang nagawa nang hatakin siya nito sa kamay. Nang makarating sila sa malawak na sala ay nakita niya ang isang lalaking ang edad ay nasa 30 na. Kumunot ang noo niya. Hindi naman niya kilala ang lalaki so papaano nangyaring siya ang gusto nitong makausap?   Nang hatakin siya ni Ate Hazel paupo sa sofa paharap sa lalaki ay wala siyang nagawa.   “So, Sydney, I want you to meet JZ Mendoza, JZ, this is my cousin Sydney,” pagpapakilala ni Ate Hazel sa kanilang dalawa.   Kumunot ang noo niya. Ano na naman ba itong binabalak ng Ate niya? Noong isang araw si Rayven. Ngayon naman ay sa may edad na lalaki? Mygawd! Eh kung maglayas na lang kaya siya r’on? Tutal mukhang hinahanapan lang naman siya nito ng jojowain niya.   “Hi, nice meeting you dear!” bati nito at nakipagbeso-beso pa sa kanya.   Bahagyang umawang ang mga labi niya nang makitang pumipilantik pa ang mga daliri ng lalaki. ‘Geezz.. I didn’t expect that.’ At some point ay nakahinga siya ng maluwag sa nalaman.   Napangiti ng matamis si JZ sa pinsan niya. “Ang ganda nitong pinsan mo dear. Plus matangkad pa. Naku, may pag-asa tayong makuha ang title this year.”   “Told you, she’s the one.” Humalakhak ang dalawa na tila ba nanalo ang mga ito sa lotto.   Kunot-noong pinaglipat-lipat niya ng tingin sa dalawa. Anong title ang pinagsasasabi ng mga ito?   “Ahm excuse me, what’s going on?” naguguluhang tanong niya.   “Dear, I’m a famous beauty pageant handler in this town,” pagmamalaki ng bakla sa kanya.   Lalong kumunot ang noo niya. So, anong kinalaman niya r’on? “Okay?”   “Sydney, we’re planning na isali ka sa beauty contest dito sa town natin bilang representative ng hacienda. Nagkataon kasing nadisgrasya yung representative namin so we don’t have a choice but to send you in that pageant since nandito ka naman. And one more thing, sanay ka naman na sa pageant, so alam kong kayang-kaya mo iyon,” mahabang paliwanang sa kanya ni Ate Hazel.   Wala siyang balak sumali sa mga pageant for now. Hihindian na sana niya iyon nang may maalala. Hindi ba’t sinabi sa kanya ni Mang Waldo na nasa town lang ang mga discobar? So kapag pumayag siya, that means, madali lang sa kanyang pumunta r’on. Lalo na at alam niyang sa town lang din sila magpapractice. So, she can go there anytime she wants. Hindi na siya maboboring sa buhay niya sa hacienda. Makakapaglakwatsa na rin siya sa town nang walang kahirap-hirap.   Kung hindi lang sana kasi malayo ang town sa hacienda ay tumakas na siya papunta roon. Pero hanggang pangarap na lang niya iyon. Ngunit ngayon, ang pagkakataon na ang mismong kumakatok sa kanya. Napangiti siya ng matagumpay.   She will grab the opportunity without second thought.   “Okay, I will join that beauty contest. Kailan ba ang start ng practice?”   “Ngayon na sana.”   “Oh I’d love that!” Excited na ngumiti siya rito at tumayo. “Magbibihis lang ako.”   ‘Yes! It’s time for me to paint the town red.’   _ _ _ _ _ _ _ _ _     “CONGRATULATIONS girls! You did a great job!”   Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao sa gym kung saan sila nagpapractice.   “So, bukas ulit, see you!” paalam ng mga pageant coordinators at organizers sa kanila.   Nang umalis na ang mga ito ay nag-ayos na ang mga kasama niyang candidates ng kani-kanilang gamit.   Tahimik na tinungo niya ang kinaroroonan ng gamit. She never bothered to make friends with her co-candidates. Obvious naman kasing ayaw ng mga ito sa kanya dahil sa tinging ipinukol ng mga ito sa kanya pagkatapak na pagkatapak pa lang niya sa gym na iyon kanina. Yung iba nga sa mga ito ay tinaasan lang siya ng kilay nang ipakilala siya ni JZ sa mga ito. It’s okay if they throw hatred against her. The hell she care.   Mabuti na lang at maaga silang dinismiss ng organizer kumpara sa time na iniexpect nina Ate Hazel at JZ kaya magagawa rin niya ang gusto niyang gawin. Pupunta na lang siyang sa parking lot ng gym mamaya bago mag-alas otso ng gabi. Iyon kasi ang oras na sinabi ni Ate Hazel kung kailan siya susunduin ng mga ito. So for now, mag-eenjoy na muna siya habang wala pa ang mga ito.   Kinuha niya ang dalang bagpack at mabilis na nagtungo sa comfort room upang magpalit ng damit. Wearing her sunglasses, fitted black pants, long sleeve crop top and whiterubber shoes, she excitedly goes out of the gym. Masayang nagpalakad-lakad siya sa lugar. Hindi man iyon katulad ng Manila na puno ng mga matatayog na building ay okay na iyon sa kanya kahit papaano, basta huwag lang siyang makakita ng mga hayop.   Habang naglalakad siya nang mga oras na iyon ay halos nakuha na niya ang pansin ng lahat ng mga taong nakakasalubong at nakakasabayan niya sa paglalakad. She never mind the attention she got from everybody. And one more thing, sanay na rin kasi siya sa ganoon. So, she never mind at all.   Ilang sandali pa’y naagaw ng atensiyon niya ang isang building. Napangiti siya. At last! She had found what she’s looking for. Iyon ang restaurant at discobar na pinuntahan niya noong isang araw.   Excited na tinungo niya ang entrance ng restauranr. Katulad ng dati ay agad naman siyang pinapasok ng guard.   Tinungo niya ang second floor at katulad noong una ay agad siyang pinagbuksan ng pinto ng mga guard na mukhang bouncer na nagbabantay roon. Thanks to her height mukha siyang matured kumpara sa real age niya. Agad na sumalubong sa kanya ang malakas na tutog at hiyawan ng mga taong naroon.   Napangiti siya ng matagumpay. Her plans ended successfully.   “It’s time to paint the town red, baby!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD