10 - His Scent

2606 Words
“OH MY GOSH! What happened to you Sydney?” nag-aalalang sinalubong siya nina Ate Hazel at Kuya Patrick nang makita siyang pangko ni Rayven.   “Hayun may la-.”   “Natapilok lang ako Ate. Don’t worry I’m fine,” mabilis niyang putol sa mga sinasabi ni Rayven. Ayaw niyang malaman ng pinsan niya ang nangyari. Dahil sigurado siyang kapag nalaman nito na muntik na siyang mapahamak ay alam niyang hindi na siya papayagan ng mga itong pumunta sa bayan.   Tinaasan siya ng kilay ni Rayven ngunit binigyan niya ito ng masamang tingin na tila ba binabalaan itong huwag magsalita at magsumbong sa mga ito.   “Ahemm!” tumikhim si Kuya Patrick. “So ano? Mukhang nag-eenjoy yata kayong dalawa sa ayos niyo. Parang bagong kasal lang ang peg ah. Wala ba kayong balak bitawan ang isa’t-isa?” nanunukso ang ngiting tanong nito.   Nagkatinginan sila ni Rayven. Namula ang mukha niya sa matinding pagkapahiya nang mapansin niyang pangko pa rin siya ng binata. Nagpumiglas siya at mabilis na bumaba upang lumayo rito. Natatawang siniko naman ni Ate Hazel ang tatawa-tawang nobyo. Dahil sa biglaang pagbaba niya ay napwersa niya ang paa niyang may injury.   “Aray..” daing niya at napakapit siya sa binti ng katabi.   “Excuse me, tuko ka ba?”   Sinamaan niya ng tingin si Rayven. ‘Ako? Tuko? Sa ganda kong ito? Eh kung sungalngalin kaya kitang hayop ka!’ gustuhin man niyang sigawan at tarayan ito ay hindi na niya ginawa.   “Just so you know, binti ko iyang kinakapitan mo. Nananantsing ka ba? Baka gusto mong matadyakan nang wala sa oras.”   Napatingala siya sa nagmamay-ari ng binting kinapitan niya at ganon na lang ang inis niya nang mapag-alamang kay Rayven nga iyon. Nanggigigil na itinulak niya ang binti nito palayo sa kanya.   “Pwede ba! Lumayo-layo ka nga kasi sakin! As if naman gusto kitang hawakan ‘noh!” Inirapan niya ito. “Tsaka for your information, walang katsansing-tsansing sa’yo!”   He rolled his eyes. “Kung hindi ka lang talaga babae, malamang matagal na kitang pinatulan.”   Hindi na lang niya ito pinansin. It’s useless to argue with him. Ayaw niyang sayangin ang braincells niya rito. Masakit man ang paa ay pinilit pa rin niyang tumayo. Agad naman siyang inalalayan ni Ate Hazel papasok sa black Ford Ranger ni Kuya Patrick.   Sumakay na silang tatlo nina Ate Hazel sa sasakyan. Balak na sanang paandarin ni Kuya Patrick ang sasakyan nito ngunit nanatili lang na nakapangalumbaba si Rayven sa bintana habang nakatingin sa kanya.   ‘Ano na naman bang problema ng hinayupak na ‘to?’   May sariling motor kasi Rayven kaya hindi ito sasabay sa kanila na labis naman niyang ipinagpapasalamat. Knowing how much they hate each other. Sigurado siyang magkakaroon lang ng riot sa loob ng sasakyan kapag nagsama silang dalawa.   At ngayon ay mukhang may balak pa yata siyang bwisitin ng lalaki.   “What?!” Tinaasan niya ito ng kilay. Imbes na sagutin siya nito ay inirapan lang siya nito. Lalo siyang nanggigil sa ginawi nito. ‘Napakabalikto talaga nito.’   “May kailangan ka pa ba?” nagtatakang tanong ni Kuya Patrick dito.   “I’m waiting for someone to say thank you.”   Napangiti ang dalawa sa sinabi nito at pagkuwa’y tila nanunuksong napalingon sa kanya.   She glared at Rayven. “You want me to say thank you? For what? Sa pambubwisit sakin? Thank you mo mukha mo!” Inirapan niya ito.   Natawa ang dalawa sa sinabi niya.   “You’re welcome,” sarkastikong sagot ni Rayven at tumalikod na ito patungo sa motor nito.   “Freak,” nanggigigil na bulong niya. Hindi na lang niya ito pinansin at itinuon ang atensiyon sa paang medyo namamaga na. Napangiwi siya nang maramdaman ang sakit at pagkirot niyon.   Ilang sandali pa’y narinig niya ang pagtunog ng cellphone ni Kuya Patrick na agad naman nitong sinagot.   “Namamaga na iyang paa mo. Kaya mo bang maglakad?” nag-aalalang tanong ni Ate Hazel.   “I’ll try Ate.”   “Baka lalo lang lalala iyang injury niyan kapag pinuwersa mo ang paglalakad.”   Iyon na nga din ang iniisip niya. Napabuga na lang siya nang wala sa oras.   “Do you want us to take you to the hospital?” nag-aalalang tanong nito.   “No ate, I’m fine. I’ll just put first aid when we get home.”   Napatango ito. “Sige, if that’s what you want.”   “Babe, tumawag si Fiona,” singit ni Kuya Patrick nang matapos itong makipag-usap sa cellphone nito. “Hindi ka raw niya macontact kaya ako ang tinawagan niya.”   “Hindi ko dala yung cellphone ko eh. So anong sabi niya?”   “She needs help. So we need to go there right now. Baka madaling araw na tayo makakauwi.”   “Papaano si Sydney?” nag-aalalang tanong ni Ate Hazel. “Namamaga pa man din yung paa niya. Kailangang malapatan ng gamot ‘yon ngayon.” Sabay na napalingon ang dalawa sa kanya.   “Wait,” si Kuya Paatrick na tila ba ay may naalala. “Rayven!”   “Kuya Patrick, t-teka lang..” Mukhang nahihinuha na niya kung ano ang binabalak nito.   Nang lumingon si Rayven ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Kuya Patrick.   “Can you do us a favor? May pupuntahan kami ni Ate Hazel mo ngayon. Pwede bang ihatid mo sa kanila si Sydney.”   ‘Hell no! You’ve gotta be kidding me!’ Sinasabi na nga ba niya.   Tumaas lang ang kilay ni Rayven sa sinabi ng kapatid.   “And why would I do that? Ni hindi nga alam tumanaw ng utang na loob iyang babaeng iyan.”   “Rayven please, pupuntahan namin si Fiona. She needs us right now. Baka madaling araw na kami makauwi. Kailangan pa naman malapatan ng gamot ang paa ni Sydney bago pa tuluyang lumala yung pamamaga ng paa niya,” nagmamakaawang pakiusap ni Ate Hazel dito.   “P-pupunta kayo kina Coleen?” nagbago ang expression ng mukha nito sa nalaman. Tila bigla itong bumait na ewan. And his eyes are like shining.   “Yeah, may emergency sa bahay nila. Please do us a favor.”   “Okay, sige,” agad naman itong pumayag.   ‘What the hell?’ Nalaman lang nitong sa first love nito pupunta ang dalawa ay agad naman itong pumayag. Naalala nito ang Coleen na iyon, eh siya na kaaway nito eh nakalimutan nito?   She rolled her eyes. ‘Geezz.. What a weak guy! Dahil lang sa babae magkakaganyan siya. So, kahinaan niya ang Coleen na iyon? Korni ng lalaking ito. I really hate love. It can cause anyone’s weakness. And I don’t like that.’   “Wait, hindi niyo man lang ba ako tatanungin kung okay lang sa akin na sumabay sa lalaking iyan?” Napahalukipkip siya nang wala sa oras.   “Sweetie, you don’t have a choice, unless gusto mong maiwan at matulog sa kalsada.”   ‘What the heck! Ako? Matutulog sa kalsada? No way!’ Never niyang pinangarap iyon. Napabuga na lang siya nang wala sa oras. Mukhang wala nga yata siyang choice kundi ang sumama at sumabay kay Rayven.   “Fine, sasama na ako sa kanya,” nababagot at walang kasigla-siglang pagpayag niya.   “That’s good,” nakangiting sagot ni Kuya Patrick. “Anyway, sa bahay mo na siya ideretso at ipahilot yung paa niya kay Manang Helen,” dugtong nito.   Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. ‘Did he just say HILOT? Omg!’ Pakiramdam niya’y gusto niyang himatayin nang mga oras na iyon. Uso ba iyon sa probinsiya?   “Okay,” agad namang sagot ni Rayven.   Sinamaan niya ito ng tingin. Letse! Bakit ba lahat na lang ng sasabihin ng dalawa ay oo ito ng oo? Wala ba itong sariling desisyon? Nang sumulyap ito sa kanya ay binigyan niya ito ng isang nagbababalang tingin ngunit nagngitngit lang ang kalooban niya nang hindi siya nito pinansin.   “Sige, halika na at tutulungan na kitang sumampa sa motor ni Rayven,” ani Ate Hazel at pinagbuksan siya ng pinto. Wala siyang nagawa nang hawakan siya nito sa kamay. Napabuga na lang siya at nagpatianod sa pag-alalay nito sa kanya. Sa tulong nito ay agad naman siyang nakasakay sa motor ni Rayven.   “Mag-ingat kayo sa daan,” paalala ni Kuya Patrick na tinanguan lang ni Rayven.   “Rayven, ikaw na ang bahala sa pinsan ko,” ani Ate Hazel.   “Oo ate.”   Napangiti si Ate Hazel sa sagot ng binata.   Nang tunguhin na ni Ate Hazel ang kotse ay pinaandar na ni Rayven ang motor. Ilang sandali pa’y hindi mapakaling napatingin si Rayven sa dalawa na nakasakay na sa kotse.   “Ate, can you do me a favor?”   Napalingon ang dalawa rito. Habang siya naman ay hindi maipinta ang mukha at naiiritang kinunutan ito ng noo.   “Yeah, sure, what is it?”   “Ahm, can you say hi to her for me?”   Napangiti si Ate Hazel. “Okay, I will. And I will get her new cellphone number for you.”   “Thank you ate.”   Hindi nakaligtas sa paningin niya ang tuwa na lumarawan sa mukha ni Rayven. She rolled her eyes.   ‘Para iyon lang? Tuwang-tuwa na siya? My gosh! Ang babaw naman yata ng kaligayahan ng lalaking ito.’ Kung wala lang ang dalawa r’on ay baka kanina pa niya ito kinutusan.   Ilang sandali pa’y tuluyan nang pinausad ni Rayven ang motor nito matapos magpaalam sa dalawa. Dahil ayaw niyang dumikit dito ay nagpasya na lang siyang humawak at kumapit sa grab bar ng motor nito na nasa kanyang likuran.   Habang binabagtas nila ang maluwang at malinis na daan nang mga oras na iyon ay tahimik lang siyang nakatingin sa paligid na nadadaanan at nasisinagan ng ilaw ng motor ni Rayven. Dahil tumatama sa kanya ang malamig na hangin na dumadaan dito ay amoy na amoy niya ang panlalaking amoy nito. Nanunuot sa ilong niya ang amoy nito. And she can’t deny the fact that her nostrils love his scent because it reminds her of someone.   ‘Hindi ba’t halos ay maligo na siya sa pawis kaninang naglalaro siya? Bakit ang bango pa rin niya?’ Wala sa sariling napatingin siya rito. His wet hair is swaying swiftly with the movement of the wind. Hindi man niya aminin ngunit kahit nakatalikod ito sa kanya nang mga oras na iyon ay napakagwapo pa rin nito.   Hindi na siya nagtataka kung bakit ang daming babae ang nagkakagusto rito. He’s handsome, rich and athletic. Iyon pa lang naman ang positive characteristics nito na nakikita niya so far. Kahit sabihin ng iba na mabait ito ay ayaw niyang paniwalaan iyon. Ibang-iba kasi ito sa Rayven na nakikita at nakakasalamuha niya kumpara sa Rayven na sinasabi ng iba. Not to mention that he’s weak when it comes to love, just like her brother.   Nang maalala niya ang kapatid ay tila may mga karayom na tumusok sa puso niya. Hopefully, ay hindi ito magaya sa kapatid niyang isinuko ang buhay dahil sa failure nito sa love. Mostly ay ganoon naman kasi ang nangyayari sa mga taong ibinigay ang lahat at ginawang mundo ang isang tao nang walang pag-aalinlangan. They never knew that loving someone sometimes is a gamble. A gamble where you have to give up your own happiness for that person. Kaya sa oras na masaktan ka dahil sa taong iyon, it will be hard to stand all alone.   “Kesa matulala ka r’yan, kumapit ka na lang sakin kung ayaw mong mahulog dahil sa oras na mangyari iyon, talagang sa hospital na kita ihahatid.”   Natauhan siya nang marinig ang sinabing iyon ni Rayven. ‘Nakita at nahuli ba niya akong nakatingin sa kanya?’ Pakiramdam niya’y nag-init ang pisngi niya sa naisip. Kung iniisip nitong pinagpapantasyahan niya ito ay nagkakamali ito. ‘As if naman! Wala akong gusto sa kanya ano!’   “What now? Kumapit ka na sakin,” utos nito at bahagya itong sumulyap sa kanya.   “Huh?” nanlaki ang mga mata niya. “Never ako yayakap sa’yo ano! Ano ka sinuswerte?”   Napabuga ito. “As if naman gusto kong magpayakap sa’yo.”   Tumaas ang kilay niya nang wala sa oras. “Eh bakit gusto mo akong kumapit sa’yo aber?”   “Para mabilisan ko ang pagpapatakbo nitong motor at nang makauwi na tayo agad. Tss!”   Natahimik siya at saglit na napaisip sa sinabi nito. Tama nga naman ang sinabi nito. Nasa 40 lang yata kasi ang takbo ng motor nito. Kung ganon kasi ang pagpapatakbo nito malamang ay tatlong oras ang biyahe nila pauwi.   “Kung ayaw mo pa rin, bahala ka, I will not force you. Kaya kapag nahulog ka r’yan, walang sisihan ah.”   She rolled her eyes. “Heto na po oh, yayakap at kakapit na po. Atat lang?” Nag-aalinlangan man ay wala siyang nagawa kundi ang iyakap ang mga braso rito. Dahil sa ginawa niya ay napalapit siya ng husto sa katawan nito at lalo lang nanuot sa ilong niya ang pabango ng binata. Honestly, his scent is a little bit similar with her brother. Remembering her brother in him made her feel sad. At some point ay hindi niya maiwasang mamiss ang kapatid. She missed him so much.   Ilang sandali pa’y nanlalabo na ang paningin niya sanhi ng mga luhang nabubuo sa mga mata niya.   ‘Don’t cry Sydney. Don’t cry.’ Pilit niyang pinigilan ang sariling mapaluha ngunit kahit anong gawin niya’y hindi niya magawa. Her tears started to fall. Dala na rin ng samu’t-saring emosyong nararamdaman nang mga oras na iyon ay ibinaon niya ang mukha sa likod ni Rayven at hinigpitan ang pagkakayakap rito.   Bahagyang napalingon sa kanya si Rayven dahil sa ginawi niya but she never mind that, dahil ang tanging naiisip lang niya nang mga oras na iyon ay ang kuya niya.   ‘Kuya.. I miss you so much.. If I can only embrace you tight like this.’   “Are you crying?” nagtatakang tanong ni Rayven.   “No I’m not, don’t mind me.”   “I can feel you tears dripping on my shirt.”   “I’m sorry.” Dala ng pagkapahiya ay agad niyang tinanggal ang mukha sa pagkakadikit sa likod nito at pasimpleng pinunasan ang mukha.   “It’s okay. You know, it’s not wrong to cry at all. Crying can help you lighten up the baggages you’re carrying inside your heart.”   “Yeah, whatever.” Pilit niyang hinamig ang sarili at hindi pinansin ang pagiging mabait nito ngayon. It’s awkward and kinda scary.   Muli ay bahagya itong sumulyap sa kanya.   “Eyes on the road please.”   Ikinibit nito ang balikat at muling ibinalik ang tingin sa daan.   “Trust me, you’ll get over it. One day, you’ll forget him.”   “I will never forget him.” Ni kahit minsan ay hindi pumasok sa isip niyang kalimutan ang kapatid.   Kunot ang noong napalingon ito sa kanya.   “I said, eyes on the road.”   “Then what? Hahayaan mong iyakan mo siya ng ganyan?”   “Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, so can you please shut your mouth?”   Napabuga ito. “Alam mo, lahat ng tao pinagdadaanan iyan. Love is very mysterious and challenging  it’s magical and wonderful. You’ll meet a lot of people. And you will never stop loving every person you meet until you find the right individual who’s destined for you. Remember this, even if all the people you learned to love hurt you, even if they turn their backs on you, there’s someone God created only just for you.”   Natawa siya ng pagak sa sinabi nito.   “Why?” nagtatakang tanong nito.   “I don’t believe in love. So stop blurting out things about that because I hate it. It’s suffocating.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD