9 - I Hate You

2816 Words
“O, BAKIT kanina ka pa nakasimangot d’yan?” nagtatakang puna sa kanya ni Ate Hazel.   Nang mga oras na iyon ay nasa gymnasium sila at nanunuod ng basketball kasama si Kuya Patrick at ang ilang tauhan ng hacienda. Ayaw sana siyang payagan ng Tita niyang sumama kina Jannah ngunit hindi niya ito tinigilan sa pangungulit hangga’t hindi siya nito pinapayagan. Pumayag naman ito ngunit pinakiusapan nito sina Ate Hazel at Kuya Patrick na samahan siyang manuod ng basketball.   “Oo nga, halos hindi na maipinta ang mukha mo r’yan,” segunda ni Kuya Patrick. “May problema ka ba?”   Nagtanong pa talaga ang mga ito kung bakit.   “Geezzz.. Kailangan pa bang tanungin ang obvious?” pagsusungit niya at wala sa sariling pinaikot ang mga mata.   “Naiinis ka ba dahil sinamahan ka namin dito?” si Ate Hazel.   Isa iyon sa mga dahilan. Naisip kasi niyang hindi siya makakapaglakwatsa hangga’t kasama niya ang mga ito. Ngunit imbes na sabihin ang totoo ay mas pinili niyang ilihim na lang iyon. Baka kasi hindi na siya payagan ng Tita niya sa susunod.   “That’s not it.”   “Then what?”   Nanggigigil na napaharap siya sa mga ito. She doesn’t have any choice but to tell the truth why she’s pissed off.   “Kasi, walang nakapagsabi sakin na si Rayven pala ang papanuorin ko rito!” nanggigigil na sagot niya. Isa pala ito sa player na bumubuo sa team ng Hacienda Castillo at Guillermo. Kasama nito ang ilang mga binatilyo sa hacienda ng pamilya nito at ng pamilya nina Ate Hazel. She hate to admit it but he’s an ace player. Idagdag pang gwapo ito. Kaya naman halos lahat ng babaeng nasa loob ng gym ay panay ang cheer dito. At lalo siyang naiinis dahil doon.   Natawa ang dalawa sa sinabi niya.   “I don’t know why you hate each other that much. Bakit nga ba?”   Hindi siya sumagot sa tanong ni Ate Hazel. Mukhang tanggap naman ng dalawa ang pakikitungo nila ni Rayven sa isa’t-isa, na never silang magkakasundong dalawa ng binata. Kaya naman ay alam ng mga ito na hindi sila susunod ni Rayven sa pakiusap ng parents nito at Tita niya na maging mabait sila sa isa’t-isa. Magugunaw na siguro ang mundo bago pa man mangyari iyon.   “Alam mo ba yung tungkol sa kasabihan na, the more you hate, the more you love?”   Tinaasan niya ng kilay si Kuya Patrick.   “Duh! Hindi uso sa akin iyan Kuya kaya tigil-tigilan mo ako sa love na iyan. At ito ang tandaan mo, never akong magkakagusto at never akong maiinlove diyan sa kapatid mong siraulo!”   Natawa ito sa sinabi niya.   “Naku, kung naririnig ka lang niya ngayon, I’m sure, mag-aaway na naman kayo.”   “E di mag-away. Pake ko sa kanya.” She rolled her eyes.   “If that happened, I’m sure, mapapagalitan na naman kayong dalawa nina Mama at Tita,” natatawang singit ni Ate Hazel.   Imbes na mamroblema ang dalawa sa pag-aaway nila ni Rayven ay mukhang natatawa pa ang mga ito at tila ay gustung-gusto pa silang tuksuhin. Ewan ba niya sa dalawang ito, both of them find their fight very amusing. Hindi tulad ng parents ng mga ito na hindi naman natutuwa sa pag-aaway nila.   “Hindi naman nila malalaman eh, unless, isusumbong niyo kaming dalawa.”   “Well, siguraduhin niyo lang na hindi kayo magkasakitan,” si Kuya Patrick. “Trust me, hindi namin kayo isusumbong.”   Ikinibit na lang niya ang balikat sa sinabi nito.   “Shoot Rayven!”   Napasimangot siya nang marinig ang malakas na sigawan ng mga tao sa loob ng gym. Napalingon silang tatlo sa court at lalo siyang napasimangot nang makitang nagpi-free throw si Rayven dahil finoul ito ng kalaban.   “Shoot!”   Ibinato nito ang bola sa ring. At katulad ng paulit-ulit na nangyayari ay walang mintis na pumasok ang bola sa loob ng ring. Halos ay mabingi na siya sa lakas ng hiyawan ng mga tao. Bakit kahit anong tapon at bato ang gawin nito sa bola ay laging pumapasok iyon sa ring. Mapa-two points o three points ay pumapasok iyon. Ni hindi pa nga yata ito sumablay kahit isang beses man lang. Nakaramdam siya ng pagkayamot dahil doon.   “Shoot!” muli ay nagsigawan ang mga tao.   Sa sobrang inis niya ay hindi na niya napigilan ang sarili.   “Wala!” malakas na sigaw niya. Sa lakas ng boses niya ay natahimik ang buong gym at lahat ng tao ay napatingin sa kanya. Maging ang mga players sa loob ng court ay napatingin sa kanya, at kabilang na roon si Rayven na salubong ang kilay na nakatingin sa kanya. “Sumablay ka sana!” dugtong pa niya. Isang irap lang ang ibinigay nito bago itinutok ang tingin sa ring.   “Hey,” natatawang awat sa kanya nina Ate Hazel at Kuya Patrick. “Quiet ka lang diyan, baka kuyugin ka ng mga fans niya.”   “Pag-untugin ko pa silang lahat eh,” nanggigigil na sagot niya.   “Shoot Rayven!” muli ay nagsigawan ang mga tao at hindi siya pinansin sa pangongontra niya.   Hindi naman siya nagpatalo. “Wala! Sablay ‘yan! Sablay!”   Itinapon na ni Rayven ang bola sa ring at sa kauna-unahang pagkakataon ay sumablay iyon. Napahagalpak siya ng tawa.   “Bwahahahaha! Ang galing ko talaga! Buti nga sa’yo!”   Agad na narebound ng mga kalaban ang bola at tumakbo ang mga ito sa kabilang court.   “Ishoot niyo ‘yan!” sigaw niya at chineer ang kabilang team.   Ngunit ganon na lang ang inis niya nang bigla na lang ini-steal ni Rayven ang bola at nagmamadaling tumakbo patungo sa ring ng mga ito at dire-diretsong ishinoot iyon.   “Kainis!” Nanggigigil na napapadyak siya. Rayven looked at her and gave her a smirk. Lalo naman siyang nainis dahil ginawi nito. “Arrogant freak!” Sa matinding inis niya ay tumayo na siya at naglakad palayo. Mas gugustuhin na lang niyang tumambay sa labas kaysa panuorin itong maglaro at magyabang.   “Hey Sydney! Where are you going?” sigaw na tanong sa kanya ni Ate Hazel.   “Magpapahangin lang ako sa labas. Don’t follow me.” Pagkasabi niya niyon ay mabilis na siyang tumakbo palabas ng gym upang hindi siya sundan ng dalawa. Pagkalabas niya sa gym ay noon niya napagtantong madilim na pala ang paligid. Ikinalat niya ang paningin. Marahil sa mga oras na iyon ay bukas na ang discobar sa lugar na iyon. Napangiti siya. Third quarter pa lang naman. May oras pa siya para magtungo sa lugar na gusto niyang puntahan.   Agad siyang naglibot sa bayan. Maliit lang ang bayan na iyon kumpara sa siyudad. Hindi rin ganon kalaki ang mga gusali sa lugar na iyon kumpara sa mga naglalakihang gusali sa Manila. Ngunit ganon pa man, ay pagtitiyagaan na lang niya ang lugar na iyon tutal ay miss na niya ang night life niya sa Manila.   Agad naman niyang nahanap ang pakay niyang gusali at agad siyang pumasok doon. Dalawang palapag lang iyon. Ang unang palapag niyon ay restaurant. Mukhang okay naman ang restaurant na iyon. Agad niyang tinungo ang ikalawang palapag. Nang papasukin siya ng dalawang bouncer ay napangiti siya. Pagkapasok na pagkapasok niya roon ay agad na bumungad sa kanya ang malakas na tugtog. Medyo marami na rin ang taong naroroon nang mga oras na iyon. Yung iba ay nakita niyang sumasayaw sa dance floor at yung iba naman ay umiinom ng alak. Ang ilan sa mga taong naroroon ay mukhang turista pa galing sa ibang lugar. But she never mind that. Ang mahalaga sa kanya nang mga oras na iyon ay enjoyin niya ang mga bagay na nakasanayan na rin niyang gawin noong nasa Manila siya.    Napangiti siya. She missed this kind of life. Kaya naman ay susulitin na niya hangga’t meron pa siyang panahon at pagkakataon.   Agad siyang nagtungo sa bar counter at umorder ng juice na may halong alak. Hindi siya pwedeng uminom ng purong alak dahil sigurado siyang maaamoy lang siya nina Ate Hazel at Kuya Patrick. Kaya pagtitiyagaan na lang muna niya ang juice na iyon.   Nang maubos niya iyon ay agad siyang nagtungo sa dance floor at sumali sa mga taong nagsasayawan doon. Wala namang nakakakilala sa kanya roon kaya hindi niya pinansin ang ilang taong napapasulayap sa kanya. Ilang sandali pa’y isang lalaki ang lumapit sa kanya.   “Hi beautiful! I’m Dave,” pakilala nito sa kanya. Nakangiti ito nang matamis sa kanya na wari ay nagpapacute pa sa kanya. “Are you alone?”   “I’m not interested, so back off,” pagsusungit niya at hindi ito pinansin. Wala siyang balak makipagkilala sa kahit na sino. He reeks of alcohol and she doesn’t like that. At some point kasi, kahit nagbabar siya ay ilag siya sa mga lalaki, lalo na sa mga lasing na lalaking nakikipagkilala sa kanya.   Imbes na mapahiya ito ay lalo lang lumawak ang pagkakangiti nito. “You’re a snob, I like it.”    She rolled her eyes. Ang pinakaayaw pa man din niya sa lahat ay ang mga lalaking makulit tulad nito. Sa sobrang inis niya ay tinalikuran na niya ito matapos maglapag ng pera sa counter. Nawalan na siya ng gana dahil may asungot na dumating. Mas mabuti siguro kung babalik na lang siya sa gym. Baka kasi tapos na ang laro at baka hinahanap na siya nina Ate Hazel.   Agad na siyang lumabas sa gusaling iyon at tinahak ang daan pabalik sa gym.   Malapit na siya roon nang mapansin niya ang aninong tila sumusunod sa kanya. Nang lumingon siya sa kanyang likuran ay kinabahan siya nang makita ang lalaking nangungulit sa kanya kanina na nakasunod sa kanya.   “Sh*t!” napamura siya nang mapansin niyang binilisan nito ang paglalakad palapit sa kanya. Sa takot niya ay napilitan siyang tumakbo ngunit hindi pa man din siya nakakalayo ay nakatapak siya ng bato at natapilok. Napasigaw siya nang bumagsak siya sa semento. Napangiwi siya nang maramdaman ang pagkirot ng sakong niya. “Aray..” nakangiwing sinapo niya ang kumikirot na paa. ‘Kung minamalas nga naman.’ Bakit pa siya natapilok kung kailan siya’y mayroong tinatakbuhan? Ni kahit minsan ay hindi pa niya naranasang sundan ng mga lalaking nangungulit sa kanya. Lalo na at may mga kaibigan siyang mga lalaki na handang protektahan siya. But right now, she’s helpless because she’s alone.   “You need help?” tanong sa kanya ng lalaki at ngumiti ng malawak sa kanya nang makalapit ito sa kanya.   His smile is too creepy. Dahil sa matinding takot ay tinabig niya ang kamay nito.   “Don’t touch me! Don’t you dare come near me!” bulyaw niya rito at kinakabahang umusog palayo rito. Sa sakit ng paa niya ay sigurado siyang mahihirapan siyang makatayo. And she knew if she tried to stand, the guy will take advantage of that.   Ngunit tila kahit anong sabihin niya sa lalaki ay wala yata itong balak makinig sa kanya. Imbes na umalis ay mas lalo lang itong lumapit sa kanya na tila ba ay wala itong kinakatakutan. Marahil ay epekto iyon ng alak na nainom nito. At lalo siyang nakaramdam ng takot dahil sa isiping iyon. He smiled at her evilly that made her freak out.   “Damn you freak! Why are you so stubborn?! I said, get away! Leave me alone!” natatakot na singhal niya.   “Come on, huwag ka nang magpakipot.”   Akmang hahawakan sana siya nito nito sa braso ngunit mabilis niya itong tinadyakan sa binti. Sa lakas ng pagkakatadyak niya rito ay nabuwal ito sa sahig. Nang bumangon ito ay kinilabutan siya nang makita ang nanlilisik nitong mga mata. Takot na takot na napausog siya palayo rito.   “How dare you do that to me you b***h!” Kuyom ang kamao at nangigigil na lumapit sa kanya ang lalaki.   Nanlaki ang mga mata niya sa matinding takot at napasigaw siya nang tiim ang mga bagang na pinalipad nito ang kanang palad nito sa mukha niya. Pakiramdam niya’y katapusan na niya nang mga oras na iyon ngunit bago pa man dumapo ang palad nito sa pisngi niya ay isang sapatos ang sumalpok sa mukha nito.   “F*ck!” panay mura ang lalaki habang sapo ang nasaktang mukha.   ‘Who did that? Who saved me from this freak?’   Isang lalaki ang agad na nagtungo sa harap niya upang harapin ang lalaking may balak na masama sa kanya.   “Sino ka bang pakialamero ka? Hindi mo ba ako kilala?” nakangiwi at nanggigigil na tanong ng lalaking nagngangalang Dave.   Imbes na sagutin ng savior niya ang tanong ng lalaki ay isang suntok sa mukha ang ibinigay nito. Napamaang siya sa matinding gulat sa ginawa nito.   “No, I don’t. But even if I know you, I won’t give a damn.”   “Damn you!” pagmumura ng lalaking halos ay dumudugo na ang ilong. “How dare you ruin my nose!”   “Should I ruin your whole face then?” Nanggigigil na kinuwelyuhan ng lalaking nagligtas sa kanya ang lalaki. “Leave or I’ll call the police and sue you for harassing a minor!”   ‘That voice. It can’t be!’ Iniba at pinatapang man nito ang boses nito ay kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.   Natulala na lang siya sa matinding gulat nang mga oras na iyon nang mapag-alaman kung sino ang nagligtas sa kanya.   ‘Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit siya pa?’   Sukat sa sinabi nito ay kumaripas ng takbo palayo ang lalaki. Nang wala na ito ay isinuot na ng lalaki ang sapatos na ibinato nito kanina at pagkatapos ay hinarap siya. Agad na bumungad sa paningin niya ang gwapong mukha ni Rayven.   Darn it. Bakit pakiramdam niya’y lalo lang itong naging gwapo sa paningin niya.   “And you, tumayo ka na r’yan at huwag ka nang umarte, uuwi na tayo,” pagsusungit nito.   Tila noon siya natauhan. Iniligtas nga siya nito pero sinungitan  naman siya. Imbes na magpasalamat siya rito ay hindi na niya ginawa dahil sa matinding inis.   ‘Ako? Umaarte? Ang kapal ng mukha ng hinayupak na ‘to. Eh kung tadyakan din kaya kitang bwisit ka!’ sa isip-isip niya. “Hindi ako umaarte, buset ka!” singhal niya rito at binigyan ito ng isang matalim na irap.   Tinaasan lang siya nito ng kilay. “Fine, suit yourself.”   Nang talikuran siya nito ay wala siyang choice kundi ang piliting tumayo upang sundan ito patungo sa parking lot ng gym. Ngunit tila kahit anong gawin niya ay hindi siya makatayo o makapaglakad man lang nang maayos dahil sa tuwing ihahakbang niya ang paa niya ay lalo lang kumikirot iyon.   “Aray..” nakangiwing daing niya.   Napabuga si Rayven. Napipilitang bumalik ito at walang sabi-sabi ay kinarga siya. Napasigaw siya matinding gulat.   “Hey! Put me down!” kumakabog ang dibdib at natatarantang nagpumiglas siya. Halos ay mabingi na siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya nang mga oras na iyon.   “If I were you, I’ll shut my mouth. Dahil kung hindi, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maihagis kita sa kanal.”   Dahil sa takot na totohanin nito ang sinabi nito ay tumahimik na lang siya at binigyan ito ng isang nakamamatay na tingin.   “Don’t look at me like that, baka matusok ko iyang mga mata mo,” banta nito.   Sa sobrang inis niya ay ipinikit na lang niya ang mga mata at napabuga. Kung kaya lang sana niyang maglakad ay never siyang magpapakarga rito. But she doesn’t have any choice right now.   Kahit nakapikit ang mga mata niya ay nararamdaman niyang tila may mga matang nakatitig sa kanya. Nang imulat niya ang mga mata ay bumungad sa paningin niya ang gwapong mukha ni Rayven. At ganon na lang ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya nang makita niyang nakatingin ito sa kanya. Agad naman itong nag-iwas ng tingin nang mahuli niya ito.   Tinaasan ito ng kilay at pilit na pinalis ang nararamdamang kaba. “So, why are you looking at me? Nagagandahan ka ba sakin?”   “Hindi ka maganda.”   ‘Buset talaga ang lalaking ito.’ Napahalukipkip siya nang wala sa oras. “Then don’t look at me! You freak!”   “May muta ka kasi.”   “W-what?” Nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito. Sinabihan niya itong nagagandahan ito sa kanya iyon pala’y may muta siya. ‘Gosh! Nakakahiya!’ Agad naman niyang kinapa ang mga mata.   Sukat sa ginawa niya ay napabunghalit ito ng tawa. “Pfft! What a fool. I’m just kidding.”   Sa sobrang inis niya ay sinabunutan niya ito. “Bwisit ka talaga! Kahit kailan ay wala kang magawang matino sa buhay! Damn you! I hate you!”   He smirked at her. At parang gusto niyang tusukin ang sariling mga mata nang makita kung gaano ito kagwapo. His reaction made her stunned and breathless.   “Don’t worry, I feel the same Sydney Camilla Rosales.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD