7 - Her Punishment

3077 Words
“SYDNEY?” naalimpungatan siya sa mahimbing na tulog nang marinig ang sunud-sunod na pagkatok sa pinto silid niya.   Pupungas-pungas na bumangon siya sa kama at pikit ang mga matang tinungo ang pinto upang pagbuksan ang Ate Hazel niya.   “Bakit ate?”   “Mag-handa ka. May darating tayong mga bisita.”   “Bakit Ate? Anong meron? Tsaka sino ang mga bisita natin?” Pilit niyang iminulat ang mga mata at kumunot ang noo niya nang makitang nakaayos ito. She’s wearing a white floral dress.   “Huwag ka nang magtanong, dali na! Maligo ka na at mag-ayos!” Halos ay wala siyang nagawa nang ipagtulakan siya nito papasok sa banyo ng silid niya. Napabuga na lang siya at napipilitan man ay nagsimula na siyang naligo. Paglabas niya ng banyo ay agad siyang naghanap ng isusuot niya. Ang napili niya ay isang red dress. Nang maisuot niya iyon ay napangiti siya. Mas pinalutang kasi ng dress na iyon ang kaputian niya. Tutal ay natural na ang kulay ng rosy cheeks niya at pink lips ay hindi na siya nag-make up. And one more thing, hindi naman niya kailangang magmake up. Sino ba ang mga bisita nila para mag-ayos siya?   She just rolled her eyes. Matapos niyang suklayin ang mahabang buhok ay isinuot na niya ang sandals niya. Nang matapos ay lumabas na siya at bumaba sa sala.   “Good morning Tita, Tito.” Humalik siya sa pisngi ng Tita at Tito niya na kasalukuyang nakaupo sa sala. Marahil ay hinihintay ng mga ito ang bisita nila.   “Good morning din hija.”   Nakangiting pinagmasdan siya ng Tita niya. “Ang ganda mo hija. Bagay na bagay sayo iyang suot mo.”   “Thank you Tita. Anyway, si Ate Hazel po?”   “Nasa kusina. Tumutulong siya sa paghahanda ng mga pagkain.”   Napatango-tango siya. “Ganon po ba? Hindi pa po ba sila tapos magluto?”   “Patapos na yata sila. By the way, naalala ko, hindi ba’t may specialty kang niluluto noon?”   “Ahm meron po.” Hindi naman sa nagmamayabang but she’s a good cook actually.   “Can you do me a favor hija?”   “Ano po ‘yon tita?” nagtatakang tanong niya.   “Can you cook your specialty for our guests?”   “Sige po.”   “Naku, salamat hija. I’m sure, our guests will like that.”   Napangiti na lang siya rito at naglakad na papunta sa kusina. Pagkarating niya roon ay agad siyang naghanap ng mga ingredients na kailangan niya. Nang makita niyang kumpleto ang ingredients doon ay napangiti siya.   “Magluluto ka?” nagtatakang tanong sa kanya ni Ate Hazel nang makita siya nitong naglalapag ng mga ingredients sa table.   “Oo ate.”   “Anong lulutuin mo?” nagtatakang lumapit ito at sinipat ang mga nasa harapan niya.   “Of course, my specialty.”   Kumunot ang noo nito. “Ano naman iyon? Sa galing mong magluto at sa dami mo nang nalutong pagkain na natikman ko, halos lahat na yata iyon eh specialty mo.”   Napangiti siya. “Hindi mo pa natitikman itong bagong specialty ko.”   “Naku, sa sarap mong magluto, I’m sure magiging favorite ko na naman iyan.”   Natawa na lang siya sa sinabi nito. That’s true. Halos lahat ng niluto niyang pagkain na natitikman nito  ay nagiging paborito nito.   “Anyway, do you need my help?”   “Hindi na ate. I can handle this.” Nginitian niya ito.   “O siya sige, lulutuin ko pa yung isang menu na pinapagawa ni Mama.” Paalam nito at lumapit sa ibang kasambahay.   Nakangiting itinuon na lang niya ang atensiyon sa ginagawa. Despite sa pagiging pasaway niya sa family niya ay mayroon naman siyang mga good qualities like marunong at mahilig siyang magluto ng mga pagkain, and she’s also talented when it comes with music.   “Ate Hazel? Mga anong oras darating ang mga bisita?” Usisa niya habang nagmimix ng ingredients.   “Mga two hours from now.”   “Okay.” Napangiti siya. Sakto, matatapos niya iyon bago pa man dumating ang mga bisita.   _ _ _ _ _ _ _ _ _     “AT LAST! I’m finished!” Nakangiting napatingin siya sa pagkaing nasa harapan niya na nasa ibabaw ng table. Kakatapos lang nilang kunin ang mga niluto niya mula sa refregirator.   “Wow! Mukhang masarap siya.” Namimilog ang mga matang sabi ni Ate Hazel.   “Siyempre, ako yata nagluto niyan,” buong pagmamalaking sabi niya.   “Ang bango naman ng niluto mo Señorita Sydney.”   “Oo nga. Nakakatakam sa sobrang bango.”   Napangiti siya sa sinabi ng mga kasamabahay na sina Manang Helen at Manang Rita.   “Huwag po kayong mag-alala, matitikman niyo pong lahat iyan. Sa dami ng niluto ko I’m sure hindi naman mauubos iyan ng mga bisita natin,” nakangiting sabi niya.   “Talaga Señorita?” namilog ang mga mata ng mga ito sa matinding tuwa.   “Opo.”   “Narito na sila.”   Sabay-sabay silang napalingon sa pinto nang humahangos na pumasok si Manang Linda.   “Talaga?” excited na tanong ni Ate Hazel.   “Opo Señorita Hazel.”   “Hi baby!”   Napalingon siya sa pinto at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya sa nakita.   “Kuya Patrick?!” gulat na gulat na tanong niya sa lalaking nakayakap kay Ate Hazel.   “O bakit parang nakakita ka ng multo?” nagtatakang tanong nito.   “Don’t tell me, ikaw ang bisita nila?” hindi makapaniwalang tanong niya. ‘What the hell? This must be some kind of a joke.’   “Uhm yeah, me and family.”   Pagkasabi nito niyon ay pumasok na sa pinto ang pamilya nito – his mom, dad and…. his younger brother.   She automatically rolled her eyes when she saw Rayven. Like what the hell! She’s expecting other visitors, not them. Kung makapagsabi kasi ng bisita ang Tita at Ate Hazel niya akala mo’y galing sa malayong lugar ang panauhin nila, pero kapitbahay lang naman pala nila. Kung alam lang niyang sina Rayven ang magiging bisita nila, hindi na sana siya nagluto. Napabuga na lang siya nang wala sa oras.   ‘Nagpaka-effort ako sa pagluluto, siya lang pala ang kakain. Buset!’   “What’s that smell?” nakangiting tanong ng ginang na kasama ng mg ito.   She must be their mom. Maganda at gwapo ang parents ng dalawa. Hindi na siya magtataka kung bakit gwapo rin ang magkapatid. May pinagmanahan kasi. Base pa lang sa mukha ng mag-asawa ay halata nang mabait ang mga ito. Mabait din naman si Kuya Patrick. Itong manyak na Rayven lang naman ang hindi.   “Niluto po namin Tita,” nakangiting sagot ni Ate Hazel.   “I’m sure, masarap ang mga pagkaing iyan.” Nakangiting sagot ng ginoo habang nakatingin sa mga pagkaing nasa mahabang mesa.   “Anyway, who is this beautiful young lady?”   Dumako ang tingin sa kanya ng lahat.   “Siya po si Sydney ‘Ma,” si Kuya Patrick.   “Oh, hello hija, at last, nakita at nakilala rin kita.” Nakangiting lumapit sa kanya ang ginang at nakipagbeso-beso sa kanya. “By the way, just call me Tita Margie, and this is my husband, Ricky.”    “Hello po, it’s my pleasure to meet you po,” magalang na sagot niya.   “Anyway, tototo nga ang balita, maganda ka nga talagang bata.”   Nang dumako ang tingin niya kay Rayven ay hindi nakaligtas sa paningin niya ang pag-ikot ng eyeballs nito. She smirked at him.   ‘O anong say mong maldito ka? Gandang-ganda sakin ang Mama mo. Pasalamin ka na!’   Pasimpleng inirapan niya ang binata. Ngumiti siya ng kimi sa ginang. “Salamat po. Kayo rin po, ang ganda niyo po.”   Bahagyang natawa ang ginang. Napangiti siya nang makita ang bahagyang pamumula ng psingi nito. She’s like her mom, may pakamahiyain din ito.   “Hindi ka lang maganda, bolero ka rin pala hija.”   “Nagsasabi lang po ako ng totoo tita.”   “I’m sure magkakasundo tayong dalawa.”   Napangiti siya sa sinabi nito.   “Can we take our seat? Nangangawit na ako rito,” reklamo ni Rayven.   Kinunutan niya ito ng noo. Kahit kailan ay papansin ito.   “Yeah, sure hijo, please take your seat,” anang Tita niya rito. “Halika balae, maupo na tayo at pagsaluhan natin itong niluto ng mga bata.”   “Yeah, sure balae.”   Nagkanya-kanyang upo na sila paharap sa mahabang mesa. Umupo siya sa upuang nasa gitna nina Ate Hazel at Tita Tina. Katabi naman ni Ate Hazel si Kuya Patrick. Habang sa kabila naman nakaupo ang parents nito at si Rayven. Pasalamat na lang talaga siya at hindi ito mismo ang kaharap kundi mawawalan lang siya ng gana sa pagkain. And worse, baka hindi niya mapigilan ang sarili at matarget pa niya ito ng tinidor sa mukha.   Ilang sandali pa’y nagsimula na sila sa pagkain. Habang kumakain sila ay panay ang puri ng mag-asawang Castillo sa mga pagkaing niluto nila.   “By the way, it’s Crème Burlee right?” tanong ni Tita Margie at dumampot ng maliit na bowl na kinalalagyan ng pagkaing niluto niya.   “Opo.”   “Kakaiba ang itsura niya. Mas mukha siyang masarap kaysa sa mga ibang Crème Burlee na nakita at natikman ko.”   “Specialty kasi iyan Tita,” sagot ni Ate Hazel.   “Really? This must be delicious for sure.”   Habang tinitikman nito ang Crème Burlee na niluto niya ay nakangiting hinintay niya ang reaction nito.   “Mmm.. It’s very delicious! Sabi ko na eh, kakaiba ang lasa nito. Sa lahat ng Crème Burlee, ito na ang pinakamasarap na natikman ko.”   Lumawak ang ngiti niya sa sinabi nito.   “Really?” Si Kuya Patrick at tinikman din ang niluto niya. Sinubuan naman ni Tita Margie si Tito Ricky.   “Mmmm.. It’s true masarap nga.”   “Here Rayven, taste it.”   Walang nagawa ang binata nang inilapag ng mommy nito ang maliit na mangkok sa harap nito. Tahimik na tinikman nito iyon.   “Who cook this? It’s delicious,” si Kuya Patrick. “Pwede siguro natin itong isali sa listahan ng menu sa wedding natin babe. Our guests will love this for sure.”   “Pwede naman. Si Sydney ang nagluto niyan.”   “Oh really?” Natuwa ang lahat nang malaman ng mga itong siya ang nagluto niyon, maliban lang kay Rayven na nanatiling tahimik na ngumunguya.   “Opo ako po.”   “So, you’re a good cook din pala hija. Ang swerte naman ng mapapangasawa mo,” nakangiting sabi ni Tita Margie.   Napangiti na lang siya sa sinabi nito.   “So Rayven, what can you say about the food?” nanunukso ang ngiting tanong ni Kuya Patrick sa kapatid.   “It’s not delicious.”   Natahimik ang lahat sa naging sagot nito. Naningkit ang mga mata niya. Hindi lang pala ang mata nito ang may diperensiya, pati rin pala ang dila nito. Well, ano nga pala ang ini-expect niyang isasagot niya sa malditong ito? She just rolled her eyes and decided to ignore what he said.   “Don’t mind her hija, he’s just lying. Anyway, anong mga ingredients nito? Ang sarap talaga nito,” pag-iiba ni Tita Margie sa usapan.   “Eggyolk, vanilla, sugar and cream, with rum and mango po,” sagot niya.   “O ‘di ba favorite mo ang mango Rayven?” nanunukso ang ngiting tanong ni Kuya Patrick sa kapatid.   It’s too obvious that he likes to piss him off.   “Ngayon hindi na.”   “Siraulo..” nanggigigil na bulong niya at binigyan ito ng isang nakamamatay na irap. Kung wala lang talaga ang pamilya nito doon ay baka natarget na niya ito ng tinidor.   “Anyway hija, nakapasyal ka na ba sa kabuuan ng mga hacienda namin at ng hacienda ng Tita mo?” pag-iiba ng Mommy nito.   “Ahmm.. Hindi pa po.”   “Rayven, bakit hindi mo ipasyal itong si Sydney at nang mag-enjoy naman siya sa hacienda.”   “Huh? Bakit ako? Si Kuya na lang!” maktol nito.   “Busy ako, you know that.”   “Ayoko nga.”   As if naman gusto niya itong makasama. No way, over her dead body. “Tita, salamat po pero  huwag na lang po.”   “No, I insist hija. I’m sure magi-enjoy ka sa pamamasyal dito sa hacienda. I promise you that. So, ikaw Rayven, whether you like it or not, ikaw ang magiging tour guide niya. Is that understood?”   _ _ _ _ _ _ _ _     “HUWAG mo nga akong mairap-irapan diyan at baka matusok ko iyang mga mata mo,” banta at sita sa kanya ni Rayven habang naglalakad sila nang mga oras na iyon.   “Ano bang pake mo? Eh sa naiinis ako eh!” pagtataray niya rito.   “Well, para sa kaalaman mo, I feel the same so it’s just a tie.”   “Who cares?” She rolled her eyes.   Sinamaan lang siya nito ng tingin. Walang kibong binilisan nito ang paglalakad.   Naiinis man ay wala siyang nagawa kundi ang sundan ito. Malayo-layo na din ang nilakad nila at sigurado siyang kapag hindi siya sumunod dito ay mawawala at maliligaw lang siya.   “Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad!” reklamo niya.   “Kaninang pinapasakay kita sa kabayo ayaw mo? Ngayon namang naglalakad tayo nagmamaktol ka pa rin diyan?” singhal nito. “Anong gusto mo? Magkotse sa bukid? Arte-arte.”   “Well, for your information, I hate animals!”   “Arte mo. Palibhasa kasi, city girl ka.”   “Di bale nang maging city girl, huwag lang matulad sayong boring country boy.”   Napahinto ito sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Naniningkit ang mga matang hinarap siya nito. Kinabahan siya sa tinging ipinupukol nito sa kanya nang mga oras na iyon kaya naman ay napaurong siya. Kung makatingin kasi ito ay tila puputulan na siya nito ng ulo. Kung may laser beam nga lang ang mata nito baka kanina pa siya nalagutan ng hininga doon.    “What did you say? Boring country boy?” He gritted his teeth.   It seems like he was pissed off. She’s dead meat.   “Gusto mo bang ibalibag kita ngayon diyan sa kinatatayuan mo?”   Sukat sa sinabi nito ay sumisigaw na napatakbo siya palayo. Mahirap na baka kung ano pa ang gawin nito sa kanya o baka totohanin nito ang sinabi nito. Kaya mas mabuti nang lumayo na lang siya rito bago pa ito may gawin sa kanya. Nang makita niya ang isang gusaling gawa sa kahoy ay agad niyang tinungo iyon upang doon ay magtago.   Nagulat siya nang pagkapasok niya sa pintong rehas ay sumara iyon. Nang lumingon siya ay agad na bumungad sa kanya ang nakangising mukha ni Rayven. Nanlaki ang mga mata niya nang ipadlock nito ang pinto.   ‘What the hell?’   “Hey!” Agad siyang lumapit sa pinto at inalog-alog iyon. “Open the door! Siraulo ka talaga! Buksan mo ito! Ang baho rito!” umuubong maktol niya.   Mula sa labas ay nakangising humalukipkip ito sa kanya. “Ayaw mo sa mga hayop hindi ba?” nakaloloko ang ngiting tanong nito.   Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.   “Goodluck to you then.”   “What do you mean?” naguguluhang tanong niya rito.   “Look behind you.” Inginuso nito ang likod niya.   Dahan-dahan siyang lumingon sa likuran niya at pakiramdam niya’y tila mawawalan na siya ng ulirat nang makita ang napakaraming manok. Kaya pala mabaho ang gusaling iyon. Kulungan pala iyong ng mga manok.   “Sh*t! Hey! Open this damn door you freak!” napasigaw na siya sa matinding inis nang mga oras na iyon. Muli siyang napaubo. The bad odor is suffocating her.   Tinawanan lang siya nito. “That’s suits you right. On the first place, baka nakakalimutan mong  marami kang kasalanan sa akin. First, you killed my favorite pigeon-.”   “I apologized already!” putol niya sa sinasabi nito.   “That’s not enough! Second, you pissed me off with that pink chick! How dare you give that to me!”   “That’s for being a p*****t!”   Namula ang mukha nito sa sinabi niya.   “That’s not my fault! Malay ko bang ganon ang suot mo?”   “No, it’s still your fault dahil nagpumilit kang pumasok sa silid ko!” hindi patatalong sagot niya.   “I’m sorry okay? Hindi ko naman ginusto iyon. If you felt humiliated or feeling mo nabastos ka or what I apologize.”   Natigilan siya sa sinabi nito. Marunong din naman pala itong humingi ng tawad kahit papaano. That’s new to her.   “So, you want me to accept that? Ni hindi ka nga marunong tumanggap ng apology eh!”   Ito naman ang natigilan sa sinabi niya. Her words must have slapped him big time.   “Papatawarin naman kita eh but it will take time. Pero sa ginawa mo, pinalala mo lang yung galit ko. Alam mo bang imbes na matuwa ako sa ibinigay mo, lalo lang akong nainis sayo. How dare you give that pink chick with brief to me!”   “Hoy, hindi brief ‘yon ‘no!”   “At anong tawag mo dun aber? Panty?”   ‘Panty? Buset na lalaki ‘to ah.’ Muntik na siyang matawa sa sinabi nito.   “Mas lalong hindi panty ‘yon!”   “At ano naman ‘yon aber?” Taas ang kilay na napahalukipkip ito.   “Ano pa e di, diaper!”   Nanggigigil na napasabunot ito sa sariling buhok. Tila masisiraan na ito ng bait nang mga oras na iyon dahil sa matinding kunsumisyon sa kanya. Lihim na lang siyang natawa sa itsura nito.   ‘Pfft! Bakit ba ang cute asarin ng lalaking ito?’   “Mas lalo lang akong nainis sa’yo alam mo iyon? Ang sarap mong tirisin sa totoo lang.”   “Ayaw mo nun? Hindi siya magkakalat ng pupu niya sa kwarto mo,” pang-aasar niya.   “As if naman gusto kong ilagay ‘yon sa kwarto ko!”   She rolled her eyes. “Ayaw mo e di ‘wag! Bahala ka sa buhay mo. Arte at choosy mo.”   “Talaga! At bahala ka ring mabulok diyan!” pagkasabi nito niyo ay tumalikod na ito at naglakad palayo.   “H-Hey!” Nataranta siya. “Rayven! Come back here! Get me out of here!” Ngunit tila kahit anong sigaw at pakiusap yata niya rito ay naging bingi na ito sa mga pakiusap niya. Napaiyak siya. If he’s only doing this to take his revenge, this is too much! “Rayven! Please, come back! Rayven!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD