6 - Her Gift

2679 Words
“GOOD morning ate, tita, tito!” masayang bati ni Sydney nang maabutan niya ang mga itong nag-aalmusal sa dining area.   “Good morning din hija.”   Nakangiting umupo siya sa upuang katabi ni Tita Tina.   “Mukhang maganda yata ang gising mo ngayon ah,” nakangiting puna ni Ate Hazel sa kanya habang sumasandok siya ng sinangag na kanin at itlog.   “Nope, sakto lang naman ate. I just wanted to welcome this day with happiness and positivity. Ayokong mastress ngayon,” nakangiting sagot niya at nagsimulang kumain ng almusal.   “Nga pala naalala ko, anong nangyari kay Rayven kagabi? Sobrang pula ng mukha niya kagabi nang umuwi siya.”   Muntik na niyang maibuga ang pagkaing nasa bunganga sa tanong sa kanya ng Tita niya. Nasamid siya nang wala sa oras at umuubong uminom ng tubig.   “May ginawa ka bang kalokohan hija?”   “W-wala ha! Wala naman akong ginawa sa lalaking iyon,” pagsisinungaling niya. Kahit anong mangyari ay hinding-hindi niya sasabihin ang nangyari kagabi sa kahit na sino. Mananatiling sekreto iyon hanggang sa huling hininga niya.   “Mabuti naman kung ganoon.” Nginitian siya ng Tita niya. “Akala ko nagkasakitan kayo.”   Ngumiti na lang siya ng pilit dito at mabilis na iniiwas ang tingin.   “Good morning!”   Sabay-sabay silang napalingon sa pinto ng dining area at mula roon ay nakita nila si Kuya Patrick. Ang aga naman yata nitong mangapit-bahay.   “Good morning din hijo. Come on, join us.”   Humalik ito sa pisngi ni Tita Tina at Ate Hazel bago ito umupo sa upuang katabi ni Ate Hazel.   “Hmm… Sarap ng breakfast natin ngayon ah.” Nakangiting sumandok ito ng pagkain.   Napailing-iling na lang siya. Marahil mula pagkabata ay close na ito sa pamilya nina Ate Hazel. Feel at home din kasi ito minsan. Sabagay, magbestfriend nga pala ang dalawa simula noong maliit pa lang ang mga ito.   “Nasaan nga pala si Rayven?” nagtatakang tanong ni Ate Hazel dito.   “Hayun malungkot at nagmumukmok.”   Kumunot ang noo niya sa narinig ngunit sa huli ay nagkibit-balikat na lang siya. Ano nga palang pakialam niya kung gusto nitong magmukmok? Bahala ito sa buhay nito. The hell she care.   “Bakit? May nangyari ba? May dinaramdam ba siya?” nagtatakang tanong ni Tito Sebastian.   “His favorite pigeon was dead.”   “Oh..” napatakip ng bibig ang Tita niya. “How sad.”   She rolled her eyes. ‘It’s just a pigeon. Why make it a big deal? Geezz, ang babaw naman ng lalaking ‘yon He’s too sensitive.’   “Wait, favorite pigeon? You mean Pixie? ‘Yung iniregalo sa kanya ni Coleen?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Ate Hazel.   “Yeah..”   Kumunot ang noo niya. ‘Coleen?’   “The pigeon you killed has a sentimental value. It’s a gift from my first love.” Parang sirang plakang paulit-ulit na nag-play sa utak niya ang sinabing iyon ni Rayven kagabi.   ‘So, does it mean, that Coleen girl is Rayven’s first love? Geeezz, ang korni ng lalaking ‘yon. May first love first love pang nalalaman eh wala namang forever.’ She rolled her eyes.   “Omg, he must be really depressed. Pero teka, papaanong namatay si Pixie?”   Tinakasan ng kulay ang mukha niya sa tanong ni Ate Hazel. Napalunok siya nang dumako ang tingin sa kanya ni Kuya Patrick. Mukhang alam nito ang nangyari.   ‘Don’t say my name. Don’t say my name!’ piping usal niya. Sigurado siyang igigisa siya at sesermunan ng Tita at Ate Hazel niya oras na malaman ng mga ito na siya ang nakapatay sa pinakamamahal na ibon ni Rayven. Lalo na at alam niya kung gaano ka-close si Rayven sa mga ito. She’s dead meat if they found out it was her who did it.   “Someone killed it.”   Nakahinga siya ng maluwag nang hindi nito binanggit ang pangalan niya. Lihim na lang siya nagpasalamat.   “Wait Sydney, pinuntahan ka ni Rayven kagabi hindi ba?” nagtatakang tanong sa kanya ni Ate Hazel.   Tinakasan ng kulay ang mukha niya nang dumako ang tingin sa kanya ng lahat. She tried to open her mouth to say something but she remained speechless to say a word.   “Sa kanya lang nagtanong si Rayven kung sino ang pumatay sa ibon.”   Natigilan siya. Naguguluhan at nagtatanong ang mga matang napatitig siya kay Kuya Patrick. It’s too obvious that Kuya Patrick knew everything. Pero bakit kailangan siya nitong pagtakpan? Bakit nito kailangang gawin iyon?   Isang ngiti lang ang isinagot nito sa nagtatanong niyang mga mata. Maraming katanungan ang gumugulo sa isip niya na hindi niya mabigyan ng kasagutan. And his smile is not the answer she want. She need to know what’s running inside his mind.   _ _ _ _ _ _ _ _ _ _     “KUYA can I talk to you?”   Mula sa pagkakatanaw ni Kuya Patrick sa swimming pool ay napalingon ito sa kanya.   “Yeah, sure. Come over here,” nakangiting sagot nito.   Tahimik na lumapit siya rito at naupo sa kaharap nitong upuan na bakal.   “What is it?”   Napanguso siya. “You knew everything right? Na ako ang nakapatay sa alagang ibon ni Rayven?”   “Yeah, I knew everything.”   Lalo siyang napanguso sa naging sagot nito.   “Then why did you hide the truth? Why did you lie to them? Why did you cover me up?” sunud-sunod na tanong niya.   Muli itong napangiti. Amusement is written on his face.   “Well, if malaman man nila ang totoo, ayokong manggaling mismo ‘yon sakin. On the first place, it has nothing to do with me kahit pa sabihin nating kapatid ko si Rayven. And one more thing, nakikita mo naman siguro kung gaano kamahal nina Tita, Tito at Hazel si Rayven. If they found out that it’s you who did it, I know hindi lang sermon ang aabutin mo.”   Napabuga siya. He was right.   “What should I do?”   “If I were you, I’ll apologize to him bago pa man siya magsumbong kina Hazel.”   “I already apologized to him, but he didn’t accept it.”   “Oh, that’s bad. You must have really pissed him off.”   Napabuga siya.   “Wait, why don’t you try to give him a present instead?” suhestiyon nito.   Napasimangot siya. “I even said that last night but he said he doesn’t want to accept anything from me.”   “Huwag kang maniwala dun. Nagsisinungaling lang ‘yon.” Kinindatan siya nito. “Trust me, he’ll forgive you if you give him a present.”   Nagkibit-balikat siya sa sinabi nito. “Matanong ko lang Kuya Patrick. I’m just curious. Sabi mo kanina si Coleen ang nagbigay ng pigeon na ‘yon. Who is she by the way?”   “Si Coleen? Kapatid siya ng kabarkada ni Ate Hazel mo. And she’s Rayven’s first love.”   Napatango-tango na lang siya sa nalaman.   “So what’s your plan? Are you going to give him a present?”   Saglit siyang nag-isip. If hindi niya papalitan ang ibon for sure ay malalagot siya kina Ate Hazel at sa Tita niya. ‘So I was left with no choice after all.’ Tumango siya. “Sige. Maghahanap na ako ng ipanreregalo ko. But pwedeng ikaw na lang mag-abot sa kanya? Baka kasi ibato niya sakin yung ibibigay ko.”   “Okay, I’ll wait for it then,” malawak ang ngiting sabi nito.   Tumayo na siya at naglakad palayo. Habang naglalakad siya ay nag-isip siya kung papaano at saan siya makakakuha ng pigeon na kapalit ng pigeon na napatay niya. Nang makita niya si Mang Waldo na naglilinis ng mga kotse ay nagliwanag ang mundo niya.   “Magandang umaga po Mang Waldo.”   “Magandang umaga din hija,” nakangiting bati nito pabalik sa kanya.   “Mang Waldo pwede po ba tayong pumunta sa town?”   “May gagawin ka ba r’on hija?”   “May bibilhin po sana ako.”   “Ngayon na ba?”   “Opo sana.”   “O sige, magbibihis lang ako hija.”   “Sige po.”   Nginitian niya ito nang pumasok ito  sa bahay nina Ate Hazel. Ilang sandali pa’y bumalik na ito. Agad silang sumakay sa kotse at nagtungo sa town.   Nang makarating sila roon ay dumiretso sila sa isang petshop. Mula sa kotse pa lang ay kitang-kita na niya na mayroong tindang kalapati sa naturang tindahan. Papasok na sana siya roon nang maalala niya ang nangyari kagabi.   “Wait, bakit ko nga pala siya bibigyan ng present eh nasilipan niya ako kagabi?” Nagngitngit ang kalooban niya nang maalala iyon. “No, I will never buy a pigeon for him. Never!”      _  _ _ _ _ _ _ _     “RAYVEN?”   “What?” nababagot na tanong ni Rayven sa Kuya niya nang marinig niya itong kumakatok sa pinto ng silid niya. Nang mga oras na iyon ay nasa silid lang siya, nakahiga sa kama at nagmumukmok. He’s not in the mood to get out from his room.   “Can I enter? Please?” Hindi siya umimik sa pakiusap nito. “Look, I need to give you something.”   Napabangon siya mula sa pagkakahiga sa kama. At some point, he got curious about what he just said. Ano naman kaya ang ibibigay nito?   “Come in.” Pagkasabi niya niyon ay bumukas ang pinto at pumasok ang Kuya niya. Awtomatikong dumako ang tingin niya sa dala nitong kahon. Kumunot ang noo niya. Ano naman kaya iyon?   Pagkalapit nito sa kamang kinaroroonan niya ay iniumang nito sa kanya ang kahon na iyon. “Here, take it.”   “What is that for? Where does it come from? And why should I take that?”   “Well, pinabibigay ‘yan sa’yo ni Sydney. Pamalit daw niya sa namatay na pigeon mo.”   “No thanks. Just throw it away. I don’t need that.” Naiinis na humiga siya sa kama at hindi pinansin ang kapatid.   “Oh come on li’l bro, stop acting like a gay. It doesn’t suit you.”   He rolled his eyes.   “Hindi mo kasi alam yung pakiramdam na mawalan ng alaga na mahalaga sa’yo kaya hindi mo ako naiintindihan.”   “I understand your feelings but Sydney’s trying her best to make it up to you. Can’t you see that? Heto nga at papalitan na niya yung pigeon mo.”   “So what do you want me to do? Should I be happy that I lost the only gift Coleen gave me? And accept that f*cking gift from that girl as a replacement of Coleen’s gift?”   “Ayoko lang naman na mag-away kayo.”   “Siya lang naman itong gumagawa ng rason para mag-away kami,”dahilan niya.   “Kahit na. Lalaki ka at babae siya. Anong kalaban-laban niya sayo?”   “Akala mo lang wala. Pero mas masahol pa siya sa amasona. Kaya never ako tatanggap ng kahit na ano sa amasonang iyon.”   Napabuga ang Kuya niya. “Ang tigas masyado ng puso mo. Pero kung iyan ang gusto, bahala ka.” Ikinibit nito ang balikat. “But I’m telling you, whether you like it or not, I’ll put it here.” Inilapag nito ang kahon sa ibabaw ng side table niya bago ito tumalikod at naglakad patungo sa pinto.   “But Kuya!” anggil na sigaw niya. “Bring it with you! I don’t like this thing inside my room!”   Isang nanunuksong ngiti at kaway lang ang isinagot nito. Naiinis na napasigaw na lang siya at nagtalukbong ng kumot. Ilang sandali pa’y may marinig siyang tunog kaya nagtatakang inalis niya ang kumot. Unang tumambad sa paningin niya ang kahon na nakalapag sa ibabaw ng side table niya.   “Ano naman kaya ang laman niyan?” Nagsalubong ang kilay niya. At some point ay hindi niya mapigilan ang sariling macurious sa laman ng kahon na iyon.   Dala ng kuryusidad ay bumangon siya sa kama at kinuha ang kahon. Nang buksan niya iyon ay kumunot ang noo niya nang makitang may iba pang panloob na takip iyon at doon ay kitang-kita niya ang isang hand-written na sulat. Buong pagtatakang binasa niya ang nilalaman ng sulat.   “Hey Rayven, can you still remember what you did last night? I will never forgive you for that, I swear. Here, accept this gift you p*****t freak.”   Pakiramdam niya’y nag-init ang mukha niya nang mabasa niya ang laman ng sulat ni Sydney sa kanya.   “Damn that girl for reminding me that. And she even called me p*****t freak? How dare her say that! Kasalanan ko bang ganon ang suot niya? Aish!”   Naiinis na nilakumos niya iyon at ibinato sa sahig. At ito pa talaga ang may ganang magsabing hindi siya nito mapapatawad gayong ito nga ang may kasalanan sa kanya? On the first place, it’s not his fault na makita itong naka-underwear lang. malay ba niyang ganoon ang suot nito kapag natutulog ito. Agad niyang ipinilig ang ulo upang iwaglit iyon sa isipan. Itinuon niya ang atensiyon sa kahon. Nagdadalawang isip tuloy siya kung bubuksan niya iyon o hindi.   Kumakabog ang dibdib na inilapag niya ang kahon sa sahig at kumuha ng mahabang panungkit. Malay ba niya kung bomba ang laman niyon. Gamit ang mahabang stick ay dahan-dahan niyang binuksan iyon upang tingnan ang laman niyon. At ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya sa nakita. Mahigpit niyang ikinuyom ang kamao at mariing ipinikit ang mga mata dahil sa matinding kunsumisyon. Pakiramdam niya’y umakyat na yata sa ulo niya ang dugo niya. Naiinis na inihampas niya sa sahig ang hawak na stick. Kung nasa harap lang niya si Sydney malamang ay murdered na ito sa kanya.   Nang hindi na niya mapigilan ang sarili ay napasigaw na lang siya sa inis at napasabunot sa buhok. That girl is really a pain in the ass.   “Aiiyysshh Sydney! Nang-iinis ka bang babae ka? How dare you give this thing to me!?” Nanggigigil na dinamot niya ang kahon at lumabas ng kwarto niya upang hanapin si Kuya Patrick. “Where’s Kuya?” salubong ang kilay na tanong niya sa kasambahay nilang nakita niya sa hallway.   “Nasa room niya Señorito,” sagot nito at napatingin ito sa tangan niya. “Ang cute naman niyan Señorito Rayven.”   Pakiramdam niya’y lalong siyang nakaramdam ng inis sa narinig.   ‘The heck! Anong cute dito?’   Hindi ba nito alam na nakakainsulto sa kanya ang bagay na iyon?   Bago pa man niya ito masungitan ay agad siyang nagtungo sa silid ng Kuya niya. He stormed inside his brother’s room withput knocking. At mula roon ay naabutan niya itong prenteng nakahiga sa kama habang tumutugtog ng gitara.   “Hey what’s up bro. Bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba?” nagtatakang tanong nito nang makita ang hindi maipintang mukha niya.   “Here look at this!” Nanggigigil  na inilapag niya sa harap nito ang tangang kahon. Nagtatakang tiningnan nito ang laman niyon.   “Bwahahahahahahahaha!”   Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang humagalpak ito ng tawa.  ‘At may gana pa talaga siyang pagtawanan ako? Buset!’   “What’s funny?” naiiritang tanong niya rito.   “It’s cute. I didn’t know Sydney is hilarious when it comes with gift giving.”   “Cute? Anong cute sa kulay pink na sisiw na naka-brief?!” Gusto niyang matawa ngunit hindi niya magawa. Baka maiyak at mag-ngawa lang kasi siya sa matinding inis. “Cute sa inyo. But I felt so insulted!”   Itinikom nito ang bibig. “So, what do you want me to do?” nagpipigil ang tawang tumingin ito sa kanya.   “Give that back to her!”   “Ikaw na ang magbigay. Bakit ako pa? Kaya mo na ‘yan.” Tatawa-tawang humiga ito pabalik sa kama.   “Ikaw ang nagdala rito niyan kaya ikaw ang magsauli. And please tell her this. ‘Ito ba ang ipinagmamalaki mong replacement ng pigeon na bigay ni Coleen? Damn! I hate you! Magtago-tago ka na! Huwag na huwag kang magpapakita sakin, dahil kung hindi, talagang babalatan kita ng buhay!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD