8 - Over My Dead Body

1744 Words
“JANNAH!” masayang tawag ni Sydney sa kaibigan nang makita niya ito nang hapong iyon kasama ang ibang mga dalaga at binata sa hacienda. Bihis na bihis ang mga ito at mukhang may pupuntahan.   “O Sydney, kumusta?” Napangiti ito nang makita siya.   “I’m fine.”   “Nabalitaan ko yung nangyari sa’yo kahapon. Okay na ba ang pakiramdam mo?”   Awtomatikong napasimangot siya nang maalala ang pangyayaring tinutukoy nito.   “Heto, nanggigigil pa rin ako sa matinding inis sa Rayven na iyon. Imagine? Nilock niya ako sa kulungan ng mga manok? Kung hindi lang nagawi roon si Mang Randy baka nabulok na ako roon at baka naging manok na rin ako. Kaya laking pasasalamat ko sa kanya na tinulungan niya akong makalabas doon.”   Bahagya itong natawa. “Hindi ko talaga lubos akalain na magagawa iyon ni Señorito Rayven sa’yo. Lalo na at alam namin kung gaano siya kabait.”   She rolled her eyes. “Nagkukunwaring mabait lang iyon. Ngayon kita mo na ba kung gaano siya kasama?”   Ikinibit nito ang balikat. “Parang ayaw ko pa ngang maniwala.”   Napabuga siya. “Bahala ka kung ayaw mong maniwala.”   “Nga pala, so anong sinabi ng Tita at Tito mo noong malaman nila ang nangyari?”   Napaingos siya sa tanong nito. “Hayun, sinermunan ako. Mas kinampihan pa nila ang bwisit na lalaking ‘yon!” Napahalukipkip siya sa matinding inis at pagkadismaya.   “Huh? Bakit ikaw ang sinermunan?”   Napipilitang ikinuwento niya rito ang nangyari kahapon at habang ginagawa iyon ay inalala niya ang mga nangyari.     UMIIYAK na bumaba siya sa kariton kung saan siya isinakay ni Mang Randy – isa sa mga tauhan ng Tita niya sa hacienda na siyang nagligtas sa kanya at nagpalabas sa kanya sa kulungan ng mga manok.   Ayaw sana niyang sumakay sa kariton nito but she doesn’t have a choice. Dahil kung maglalakad siya ay matatagalan na naman siya. Lalo nanghihina at exhausted siya sa pagkakakulong niya sa kulungan ng mga manok.   “Anong nangyari?”   Humahangos na nagsilabasan ang mga tao sa mansion. Nanlisik ang mga mata niya sa matinding galit nang makita niya si Rayven na nakatayo sa likuran ng mga ito. Mukhang wala lang dito ang nangyari dahil nakapamaywang lang ito habang kumakain ng mansanas.                        Nspakamot sa ulo si Mang Randy. Mukhang nag-aalangan pa itong magkwento. “Kuwan kasi Señora-.”   “Ikinulong ako ni Rayven sa kulungan ng mga manok!” mabilis niyang putol sa mga sinasabi ni Mang Randy. Hindi siya makakapayag na hindi ito malalagot sa mga ginawa nito. Kailangan nitong pagbayaran iyon.   “Rayven?” Kinunutan ito ng noo ng pamilya nito.   “Ginawa mo ba talaga iyon? Akala ko ba nagpapahangin lang si Sydney sa labas?”   ‘Wow ang galing!’ At talagang ginawan pa siya nito ng kwento. Nakakagigil na talaga ang hinayupak na lalaki. Napakasinungaling nito.   Rayven looked at her blankly. Mukhang hindi naman ito takot sa parents nito nang mga oras na iyon. Ni hindi man lang kasi ito kinabakasan ng takot. Parang wala lang rito ang mga nangyayari.   “I admit it, I lied to you. Ikinulong ko talaga siya roon,” walang pag-aalinlangang pag-amin nito.   “Why did you do that?! Hindi kita pinalaking ganyan!” sermon ng Papa nito.   “Bago kayo magalit sakin at bago niyo ako husgahan, bakit hindi niyo siya tanungin kung bakit ko nagawa iyon sa kanya? On the first place, I didn’t do it without any valid reason.”   Dahil sa sinabi nito ay napalingon sa kanya ang lahat. Nagtatanong ang mga mata ng lahat.   Namutla siya at pinanlamigan ng katawan dahil sa matinding takot at kaba. Mukhang babalik yata sa kanya ang lahat ng balak niyang mangyari.   “Sydney, ano ba talagang nangyari? Kilala namin si Rayven. Mabait siyang bata. And honestly, parang ayaw naming maniwalang magagawa niya iyon sa’yo nang walang dahilan. Now tell us, ano ba talagang nangyari? May nagawa ka bang kasalanan sa kanya?”   “I..” mahinang bulong niya. Halos ay wala siyang lakas ng loob na sabihin sa mga ito ang lahat. Alam naman kasi niyang siya ang madidiin. On the first place, it’s all her fault. Pilit niyang nilunok ang bikig sa kanyang lalamunan.   “Why don’t you tell them what really happened from the very start?” taas ang noong hamon sa kanya ni Rayven.   Ikinuyom niya nang mahigpit ang mga kamao. ‘He’s making the situation worse. Damn him! Ano bang gusto niyang mangyari? Paluin ako at saktan ni Tita? Sampalin? Ikulong sa silid? Damn it!’ Kung nasa malapit lang niya ito ay baka sinabunutan na niya ito sa matinding galit.   “I already apologized! What do you want?! Pwede bang tigilan mo na ako?!”   “Akala mo ba ganon lang kadali? Palibhasa kasi, hindi mo kayang pahalagahan yung mga bagay na ibinibigay ng ibang tao.”   “Huwag mo akong husgahan dahil hindi mo ako kilala at wala kang alam sa buhay ko, lalo na sa mga pinagdaanan ko!” Hindi na niya napigilan ang maging emosyonal nang mga oras na iyon. “Please lang, tigilan mo na ako!”   Tumawa ito ng pagak. “Tinigilan kita di ba? Pero anong ginawa mo? Tinigilan mo ba ako? No, you didn’t! Instead, you gave that insulting gift to me!”   Natigilan at natahimik siya sa sinabi nito.   “Wait, wala kaming maintindihan,” singit ni Ate Hazel. “Ano ba talagang nangyari?”   Napabuga si Kuya Patrick. “Si Sydney ang nakapatay sa favorite pigeon ni Rayven. Tapos si Sydney pinadalhan niya ng console gift si Rayven kapalit ng namatay na pigeon. Pero yung gift na ‘yon, sisiw ‘yon na kulay pink. So, Rayven felt insulted because of that and maybe that’s the reason why he took revenge on her by locking her at the poultry house,” mahabang kwento ni Kuya Patrick na hindi na nakatiis pang sumingit sa usapan.   “Sydney, pumunta ka sa silid mo,” seryosong utos sa kanya ng Tita niya.   Base sa mukha nito ay mukhang galit ito. She’s dead. Palabiro ang Tita niya ngunit nakakatakot ito kapag galit.   She was left with no choice but to go upstairs. Habang umaakyat siya sa hagdan nang mga oras na iyon ay panay ang hingi ng paumanhin ng Tita niya sa pamilya nina Rayven.   Napabuga siya. It’s her fault, yes she admit that. Pero hindi naman yata tama na ibaba nito ang sarili nito sa ibang tao ng ganon-ganon na lang.   Nang makarating siya sa silid ay naluluhang umupo siya sa paanan ng kama. Ano na kayang mangyayari sa kanya ngayon? Isa lang ang nasisiguro niya nang mga oras na iyon. Katakot-takot na sermon ang aabutin niya sa Tita niya.   Ilang sandali pa’y pumasok sa silid niya ang Tita niya.   “Bakit mo ginawa iyon? You should have apologized to him instead of giving that insulting gift! Nakakahiya kang bata ka! Puro na lang kalokohan ang nasa isip mo! Wala ka na bang gagawing tama sa buhay mo?”   Tila may kumurot sa puso niya sa mga binitiwan nitong mga salita. Nakakahiya siya? Wala siyang ginawang tama? Ganon ba siya kasama sa paningin ng lahat? Hindi na niya napigilan ang sariling mapaluha nang mga oras na iyon. Agad naman siyang nagbaba ng tingin upang itago iyon dito.   “Alam mo naman kung bakit ka ipinadala rito ng mommy at daddy mo hindi ba?” tanong nito. “Gusto nilang ayusin mo ang buhay mo at ituwid mo ang mga pagkakamali mo. Pero anong ginagawa mo? You’re making everything worst! Ano bang balak mong gawin sa buhay mo huh? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ka-career-in mo ang ganyang pag-uugali. Walang maitutulong na maganda iyan sa’yo.”   Habang ito ay panay ang sermon sa kanya ay nanatili lang siyang tahimik na lumuluha nang mga oras na iyon habang yakap-yakap ang mga tuhod.   “Kung ano man ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan, sana magising ka na, sana tumigil ka na at sana maisip mong walang maidudulot na maganda iyan sa buhay mo. Hindi sa lahat ng oras at panahon ay sa’yo lang umiikot ang mundo. May ibang tao ring nasasaktan at naapakan sa mga ginagawa mo.” Napabuga ito. “Alam mo naman siguro na may usapan kami ng mommy mo. Hindi kita papapuntahin sa America hangga’t hindi ka nagbabago. So, starting from now on, you must follow all my rules and you have to do everything I tell you.”   “What do you want me to do?” walang emosyon at matamlay na tanong niya.   “You owe an apology to Rayven and be nice to him starting today.”       MATAPOS niyang ikuwento iyon kay Jannah ay napatango-tango ito.   “So, mag-aapologize ka sa kanya?”   She rolled her eyes. “Ano siya sinuswerte? No way, bahala siya sa buhay niya.”   Galit siya rito at kahit anong gawin niya’y hindi iyon mawawala nang basta-basta. Walang kahit na anong bagay ang makakatanggal at makakapagpabago niyon. Lalo na at napagalitan siya nang dahil dito. Kung iniisip ng lahat na magiging mabait siya sa lalaking iyon pagkatapos ng lahat ng nangyari ay nagkakamali ang mga ito. On the first place, hindi naman kasi siya plastic na tao. Ayaw niyang magpanggap. Hindi niya kasi ugali iyon.   Nanlaki ang mga mata nito. “Hala ka! Di ba sinabihan ka na ng Tita mo?”   Ikinibit niya ang balikat. “Ayokong makipagplastikan sa lalaking iyon. Over my dead body.”   “Sabagay.”   “Hindi ko na lang siya papansinin.” Oo tama. Iisipin na lang niyang hindi ito nagi-exist sa paningin at sa buhay niya. “Nga pala, bakit bihis na bihis kayo? Saan ang punta niyo?” nagtatakang pag-iiba niya sa usapan. Ayaw niyang masira ang araw niya dahil sa lalaking iyon kaya hangga’t maaari ay ayaw na niya itong isipin at alalahanin pa.   “Manunood kami ng liga ng basketball sa bayan.”   “Talaga?” Nanlaki ang mga mata niya sa matinding tuwa lalo na nang marinig niya kung saan magtutungo ang mga ito. “Pwede ba akong sumama?”   “Sige, pero magpaalam ka muna kina Señora.”   Sunud-sunod siyang napatango.   “Sige, sige, magpapaalam ako sa kanya.” Humahangos na tumakbo siya papasok sa loob ng mansion upang hanapin ang Tita niya. Iniisip pa lang niyang pupunta siya sa bayan ay sobrang nai-excite na siya. Isa lang ang hiling niya nang mga oras na iyon. “Sana payagan ako ni Tita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD