4 - Accidental Meet

2692 Words
WALANG nagawa si Sydney nang tuluyan siyang bumagsak sa putikan. Dala ng matinding gulat ay mabilis siyang tumayo bago pa man tuluyang malublob doon ang buong katawan niya. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa damit at mga braso. Tinakasan ng kulay ang mukha niya nang makita kung gaano siya karumi. Punung-puno kasi ng putik ang katawan at damit niya. Nang maramdaman ang panlalagkit ng mukha niya ay kinapa niya iyon. Napangiwi siya. Her precious and beautiful face is full of dirty mud. Dala ng matinding pandidiri ay pumalahaw siya ng iyak na tila ba inagawan ng laruan. “Can you please shut your mouth for a minute?!” Nang tingnan niya kung sino ang nagsalita ay natigilan siya nang makita ang isang lalaking katulad niya ay punung-puno rin ng putik ang katawan at mukha habang nakaupo sa tabi niya. Dahil puro putik ang mukha nito ay hindi niya makita ang itsura nito. “How can I shut my mouth? Look at me! I’m full of mud! I’m so dirty na!” singhal niya rito. Kung hindi lang sana dahil sa asong iyon ay hindi sana mangyayari iyon sa kanya. “Tsaka teka nga, sino ka ba? And what are you doing here? Nagsuswimming ka ba rito?” Matapos niyang tanungin iyon ay nakangiwi at nandidiring pinasadahan niya ito ng tingin at kinilatis. Ilang sandali pa’y natigilan siya. Wait, he resembles someone. Saan na nga ba niya ito nakita? Sandali siyang nag-isip at pilit itong inalala. Ilang sandali pa’y pumasok sa isip niya ang lalaking madungis kahapon. Wait, hindi ba’t ito yung nakaencounter niyang lalaki na madungis kahapon? ‘Yes! It’s definitely him!’ Sigurado siya r’on. Ganon na ganon kasi ang itsura nito kahapon. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Nagkatagpo na naman silang dalawa. Kahapon niya ito unang nakita at ngayon ay ganon na ganon pa rin ang itsura nito. Sa putikan pa talaga ito naligo. “Wow ang galing! Nagtanong ka pa talaga?” padabog na tumayo ito upang harapin siya. “Ako lang naman yung binunggo mo sa itaas at isinama mo sa pagbagsak mo rito! And now here you are insulting me as if wala kang nagawang kasalanan?” “Ganon? Well, don’t blame me. On the first place, hindi ko naman sinadyang bungguin ka.” Hindi patatalong sagot niya. “Blame that freaking dog for chasing me!” Naiinis na tiningala niya ang asong nakaupo sa taas na kumakawag ang buntot at pinapanuod silang dalawa. Mukhang tuwang-tuwa pa ito sa mga itsura nila. Sa sobrang inis niya sa aso ay mabilis siyang pumulot ng bato sa pilapil at akmang babatuhin iyon nang pigilan siya ng lalaki. Mabilis nitong hinawakan ang braso niya. “Don’t you ever dare lay your hand on my dog.” “Wow! Ang dungis pero englishero. Pasosyal at feelingero.” She rolled her eyes. Nang mapansin niya ang kamay nitong nakahawak pa rin sa braso niya ay sinamaan niya ito ng tingin. “And don’t you even dare touch me!” inis na ipiniksi niya ang kamay nito. “Fine! As if I want to touch you. Dream on.” She greeted her teeth. Nakakagigil din ang lalaking ito. Sino ba ito sa inaakala nito? As if naman gusto rin niyang magpahawak dito ano. Ano ito? Sinuswerte? “And one more thing, hindi basta-basta nanghahabol ng tao ang alaga ko nang wala kang ginagawang masama. So, tell me, anong ginawa mo?” Napahalukipkip siya. “Well, tinadyakan ko lang naman ‘yung anak niya,” she said proudly. “What the hell did you do?!” Naniningkit ang mga matang tanong ng lalaki sa kanya. “Kasasabi ko lang. Bingi ka ba?” pagsusungit niya. “Kung hindi ka lang babae, nakatikim ka na ng suntok sakin. Pero sa oras na makita ko pang sinaktan mo ang mga alaga ko, humanda ka sakin,” banta nito at nagdadabog na umahon sa putikan. “Nye.. nye.. nye.. Daming satsat.. Upakan kita eh.” Nanggigigil na bulong niya at inambahan ito ng kamao niya nang tumalikod ito sa kanya paakyat sa taas. Kahit alaga nito iyon ay wala siyang pakialam. Habang umaakyat ito nang mga oras na iyon ay pinagmasdan at kinilatis niya ito. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Natigilan siya ng mapansin ang suot nito. “Hindi ba’t iyon yung..” Hindi makapaniwalang napatitig siya sa lalaki. Base sa damit, tindig at likod nito sigurado siyang ito ang nakababatang kapatid ni Kuya Patrick na nakita niya sa likod ng halamang rosas kanina. So it means, ang lalaking arogante, hambog at madungis kahapon ay si Rayven na kapatid ni Kuya Patrick? ‘This must be some kind of a joke.’ Ilang sandali pa’y hindi niya napigilan ang sariling matawa nang may maalala. “What are you laughing at?” naiiritang tanong nito sa kanya at nilingon siya. “Ikaw yung lalaking madungis kahapon hindi ba?” Kumunot ang noo nito sa sinabi niya. “And don’t tell me ikaw yung feelingera at maarteng babae kahapon?” Naningkit ang mga mata niya. ‘Ako? Feelingera at maarte? Aba’t! Ang kapal talaga ng mukha nito. Hindi ako feelingera at maarte ano! Totoo lang ako sa sarili ko! Period!’ Naiinis man ay hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito. She smirked at him. “Nasaan na yung ipinagmamalaki mong kagwapuhan mo? Kahapon madungis ka, at ngayon, madungis ka pa ring haharap sakin. Nakakatawa hindi ba?” “Whatever. I don’t need to explain nor impress myself to someone like you.” Tinalikuran na siya nito. “Tsaka isa pa, hindi ka maganda kaya huwag kang ilusyunada.” Literal na umawang ang mga labi niya sa sinabi nito. Ang kapal ng mukha nito para sabihin iyon. Hindi ba nito alam na siya lagi ang pambato ng section nila sa mga pageants sa school nila. Di pala nito alam iyon dahil hindi sila close at ngayon lang naman sila nagkakilala. “For your information, maganda ako ‘no!” pinamaywangan niya ito nang wala sa oras. Napahalukipkip ito at ngumiti ng nakaloloko sa kanya. “Maganda ka? Talaga?” Pinasadahan siya nito ng tingin. “Nasaan ang pruweba? Eh ang dungis mo nga di ba?” Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. “Alam mo ang gandang sinasabi at ipinagmamalaki mo ay parang multo lang, iyon yung gandang ikaw lang ang nakakakita at nakakaalam.” Literal na napanganga siya sa sinabi nito. “Ang kapal ng mukha mo! Arrogant freak!” Sa sobrang inis at gigil niya ay dumampot siya ng putik at akmang babatuhin ito nang maramdamang may gumagalaw sa palad niya. Natigilan siya at nagtatakang ibinukas ang palad upang tingnan kung ano iyon. ‘OMG! Is it a fish? Or a tadpole?’ She doesn’t know. At ganon na lang ang pagtakas ng kulay sa mukha niya nang makita ang isang matabang bulate na gumagalaw doon. Kinilabutan siya. “Ahh!” Wala sa oras ay napatili siya ng malakas dahil sa matinding gulat at takot. Gustuhin man niyang tumakbo palayo ngunit pakiramdam niya’y nanghina ang mga tuhod niya. At bago pa man siya makagalaw ay nagdilim na ang paningin at mundo niya. KASALUKUYANG naglalakad si Sydney sa tabi ng dagat nang mapansin niya ang isang lalaking nakatayo at nakaharap sa dagat na tila ba ang lalim ng iniisip. Ilang sandali pa’y natigilan siya nang makita niyang nagsimula itong humakbang patungo sa tubig. Pilit nitong sinasalubong ang malalakas at malalaking alon. Balak yata nitong magpakalunod doon. Sa laki at lakas ng alon ay sigurado siyang malulunod talaga ito. Hahayaan na sana niya ito nang mapansin niya ang balat sa batok nito. Nahigit niya ang paghinga. “K-Kuya?” kumakabog ang dibdib na bulong niya. Tumigil ito sa paghakbang at dahan-dahang lumingon sa kinaroroonan niya. Ngumiti ito sa kanya. Ngiting tila may gustong ipahiwatig at iparating sa kanya ngunit hindi niya mawari kung ano iyon. Muli itong humarap sa dagat at itinuloy ang naudlot na paghakbang. Nanlamig ang buong katawan niya at binalot ng matinding takot ang puso niya. “Kuya!” malakas na tawag niya at mabilis siyang tumakbo. Gusto niyang lapitan at pigilan ito ngunit hindi niya magawa. Hindi kasi siya marunong lumangoy. Kaya kahit gusto man niya itong pigilan sa binabalak nito’y hindi niya magawa. “Kuya! Stop! Please don’t do this! Kuya!” Ngunit tila kahit anong sigaw ang gawin niya nang mga oras na iyon ay ayaw siya nitong pakinggan. Napaiyak siya. Wala siyang alam sa pinagdadaanan nito kaya hindi niya maintindihan kung bakit nito ginagawa iyon. Hanggang sa unti-unti itong nilamon ng dagat ay wala siyang ibang nagawa kundi ang umiyak at sumigaw. “Kuyaaaa!” Hinihingal na napabangon at naalimpungatan siya mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa masamang nakaraan na iyon na pilit siyang binabalikan. Ilang beses na ba niyang napanaginipan iyon? Sa sobrang dami, she lost count already. Dala ng matinding kalungkutang nararamdaman dahil sa sobrang pagkamiss niya sa kuya niya ay sunud-sunod ang naging patak ng mga luha niya. Naninikip ang dibdib na niyakap niya ang mga tuhod at umiyak nang marahan. Masakit para sa kanya ang nangyari sa Kuya niya lalo na at nakita niya kung papaano ito nawala sa kanila. Sometimes she blamed herself for letting that tragedy happen to him. Nawala ito sa mundo nang wala man lang siyang nagawa upang tulungan ito. She took all the blame until she found out that her brother took his life just because of a worthless woman. A woman whom he love the most, yet she broke his pure heart and she cheated on him. That is the reason why she doesn’t believe in true love. For her love is a very dangerous emotion to deal with. Once you let it control you, it can be the end of you. Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang mawala ang Kuya Stephen niya. At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap iyon. Lalo na at alam niyang marami itong pangarap sa buhay na hindi man lang nito na-accomplish. And that’s hurting her the most. Nang mahimasmasan siya sa pag-iyak ay mabilis niyang pinahid ang basang pisngi at inayos ang sarili. Nang ikalat niya ang paningin ay natigilan siya nang mapansin niyang hindi pamilyar sa kanya ang silid na iyon. “Where am I?” nagtatakang tanong niya sa sarili. “And what am I doing here? At bakit iba ang damit ko?” Pilit niyang inalala ang mga nangyari at natigilan siya nang maalalang nahimatay siya sa putikan. Nang maalala iyon ay mabilis niyang sinipat ang sarili. Malinis na ang katawan at mukha niya. Hindi na siya madungis tulad kanina. Ilang sandali pa’y nakuha ng isang gitarang nakasabit sa dingding ng silid ang atensiyon niya. Agad niyang kinuha iyon at bumalik sa kama. Matagal-tagal na rin nang huli siyang humawak ng ganoong instrumento. She automatically strummed the guitar and sing her favorite song. Bahagya siyang napangiti nang marinig ang sariling boses. Now she realized how much she missed singing and playing musical instruments. Mula kasi nang mawala ang Kuya niya ay nawalan na siya ng oras sa hobby niyang iyon. Habang umaawit siya nang mga oras na iyon ay hindi niya napigilan ang sariling ipikit ang mga mata. Lalo na at naririnig niya kung gaano kaganda ang awit na nililikha niya nang mga oras na iyon. Bahagya siyang nakaramdam ng lungkot nang unang pumasok sa isip niya ang mukha ng Kuya niya. Halos ay hindi man lang niya namalayang pumapatak na ang luha niya nang mga oras na iyon dahil sa matinding kalungkutang nararamdaman. She still can’t move on from her brother’s death. And the pain of losing him is still inside her, haunting her. Yes, she’s still in pain. But she needed to be strong for her self. One day, maybe she will get through all these pain. Natauhan siya nang may marinig na may kumalabog sa medyo nakaawang na pinto. Nakatalikod kasi siya sa pinto kaya hindi niya nakita kung may tao roon kanina. Nang lumingon siya roon ay isang anino ang nakita niyang mabilis na nagtago. The hell? May namboboso ba sa kanya? Lagot sa kanya ang m******s na iyon. Mabilis niyang inilapag sa kama ang gitara at nagmamadaling tumakbo patungo sa pinto. Pagkalabas niya ay agad niyang ikinalat ang tingin sa mahabang pasilyo. Nang makita niya ang isang nakapulang lalaking tumatakbo palayo ay mabilis niya itong sinundan. “Hey! p*****t! Come back here!” malakas na sigaw niya habang tumatakbo nang mabilis. Dahil sa sinabi niya ay agad naman itong huminto sa pagtakbo nang hindi lumilingon sa kanya. Nang makalapit siya rito ay habol ang hiningang napahinto siya sa pagtakbo. “Ikaw yung naninilip sa pinto ano? Namboboso ka ba huh? How dare you do that! Gusto mo bang dalhin kita sa police?” “I am not a p*****t,” anito nang hindi man lang humaharap sa kanya. “Really?” natawa siya ng pagak. “Huwag nga ako ang pinaglololoko mo. I already caught you red handed! And one more thing, bakit ka tumatakbo kung hindi ka guilty di ba?” sa sobrang inis at gigil na nararamdaman niya rito ay agad niya itong binigyan ng isang suntok na sakto namang paglingon nito. Mabilis naman nitong nailagan ang kamao niya at agad na hinawakan iyon upang hindi niya maituloy ang binabalak niya. Natigilan siya nang makita niya ang mukha ng lalaking kaharap. A tall man towered over her. Ngayon lang niya napansin kung gaano ito katangkad ngayong nasa mismong harapan niya ito. She secretly examined his appearance. She remained breathless and speechless while doing that. He had prominent cheekbones, sharp jaw, thin pair red lips and a well-defined chin and nose. His spiky raven black hair, which glisten in the sunlight illuminating from the window. He had strong arched dark brows that are currently furrowed in a frown. And then his blazing hazel brown eyes, they were deep and catastrophic. His skin was tanned that made him look devilishly handsome. The guy's rugged features were alluring. As if God had molded him just to spoil her eyes. Darn it. Sino ba itong gwapong hinayupak na ito na nagpatahimik sa kanya nang walang kahirap-hirap? She saw a lot of handsome guys in Manila but it’s her first time being caught off guard like this. She hates to admit it but this guy is too irristibly handsome. And she doesn’t know how to deal with it. “Rayven, Sydney.. Nandiyan pala kayo.” Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya si Kuya Patrick at Ate Hazel na papalapit sa kinaroroonan nila. Nang matauhan siya ay tsaka lang pumasok sa isip niya ang narinig. ‘Wait, did he just call him Rayven?’ Awang ang mga labi at hindi makapaniwalang napatingin siya sa lalaking nasa harapan. Kung ganoon, ito ang younger brother ni Kuya Patrick? ‘What the hell!’ “By the way Rayven this is Sydney, your Ate Hazel’s cousin, and Sydney this is Rayven, my younger brother.” Pagpapakilala sa kanilang dalawa ni Kuya Patrick habang nakapaskil ang isang mapanuksong ngiti sa mga labi nito. Nagkatinginan lang sila ni Rayven. Nang makita ang gwapong mukha nito ay lalo lang siyang nakaramdam ng inis dito. ‘Gwapo, buset!’ Inirapan niya ito nang wala sa oras. Nang maglakad na ito palayo ay binalingan na niya si Ate Hazel. “Ate hindi pa ba tayo uuwi?” hindi maipinta ang mukhang tanong niya. “Actually, pupuntahan ka sana namin para sabihing uuwi na tayo.” “Mabuti naman kung ganon,” bulong niya. “Pero bago iyon, gusto ko sanang magpasalamat ka kay Rayven sa pagligtas niya sa’yo.” Tumaas ang kilay niya sa narinig. ‘What? Ako? Niligtas ng Rayven na iyon? How come?’ “At papaano naman nangyaring iniligtas niya ako aber?” Napahalukipkip siya nang wala sa oras. “Well, ang sabi niya, nagswimming ka raw sa bukid at nadulas kaya nawalan ng malay. Kaya dapat lang na magpasalamat ka sa kanya dahil tinulungan ka niya.” She greeted her teeth because of so much anger. ‘How dare him make up a story like that!’ “No! I will not show any gratitude towards that guy for all his lies! Never!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD