3 - Accidental Eavesdrop

1826 Words
“FOR PETE’S sake! Shut up! I’m sleeping!” nagmamarakulyong sigaw niya nang magising siya mula sa mahimbing na tulog dahil sa malakas at sunud-sunod na tilaok ng mga manok. “Darn it! I hate it!” Naririnding tinakpan niya ng unan ang tainga. “Magpatulog naman kayo! Ang aga-aga pa eh!”   Ngunit kahit anong gawin niyang pagtakip ay nanunuot pa rin sa pandinig niya ang pagtilaok ng mga manok sa labas ng mansiyon na sinundan pa ng huni ng mga baka, kambing at kalabaw. Lalo siyang nanggigil sa narinig.   “Arrgg!” naiinis na napabangon siya nang wala sa oras habang pikit pa rin ang mga mata. Sa totoo lang ay inaantok pa siya. Pero papaano siya makakatulog kung ganoon naman kaingay sa labas? “Don’t tell me you’re going to ruin my sleep and wake me up this early every morning?!” Parang gusto niyang pasabugin ang paligid nang mga oras na iyon dahil sa matinding inis. Hindi rin kasi siya sanay gumising at bumangon ng ganoon kaaga. Ugali kasi niyang gumising kapag mataas at tirik na ang araw. Pilit niyang iminulat ang mga mata at napatingin sa bintana at halos ay ngumawa na siya matinding inis nang makita niyang madilim pa sa labas.   “For pete’s sake! Hindi ako makakatagal nito!” Naiinis na isinubsob niya ang mukha sa unan at doon ay nagsisisigaw sa matinding stress.   Dahil na rin sa inis ay nagkulong na lang siya sa banyo at nagbabad sa bathtub. Nang lumabas siya roon ay may liwanag na sa labas kaya nagpasya na lang siyang lumabas upang makapag-almusal. Naabutan niya sa dining room ang Tito at Tita niya na nag-aalmusal.   “Good morning po,” bati niya.   “Ang aga mo yata nagising hija.”   “Ang aga po kasi akong ginising ng mga alarm clock niyo rito.”   Bahagyang natawa ang mga ito sa sinabi niya. Mukhang nahinuha ng mga ito kung ano ang ibig niyang sabihin doon.   “Huwag kang mag-alala hija, masasanay ka rin.”   Ikinibit na lang niya ang balikat at itinuon ang pansin sa pagkaing nasa harapan.   Nang matapos siyang kumain ay napagpasyahan niyang magtungo sa hardin sa may likod ng mansiyon. Nang makita niya ang isang dalagang kasing edad niya ay agad siyang lumapit dito. Okay lang naman sigurong makipagkilala at makipagkaibigan siya rito para kahit papaano ay makausap siya paminsan-minsan.   “Hi!”   Napahinto ito sa ginagawang pagpitas ng mga bulaklak at kunot ang noong napatingin sa kanya.   “I’m Sydney Camiella. And you are?” Nakangiting iniumang niya ang palad niya rito upang makipagkilala. Napatingin naman ito sa kamay niya. Bakas ang matinding pagtataka sa mukha nito. Wala yata itong balak abutin iyon kaya binawi na lang niya ang kamay. “Anong pangalan mo?”   “Jannah,” tipid na sagot nito at itinuloy ang ginagawang pagpitas ng bulaklak. “Ikaw ba yung bagong dating na sinundo nila kahapon?”   “Uhm, yeah ako nga ‘yon.”   “Bakit dito ang una mong napiling pasyalan?” usisa nito. “Pwede namang sa falls, o kaya sa pastulan ng mga hayop. Pwede ka ring mamasyal sa burol at parang habang nakasakay sa kabayo.”   Hindi niya napigilan ang sariling mapangiwi sa sinabi nito.   “Hindi ako marunong lumangoy para magtungo sa falls. At mas lalong ayokong magtungo sa pastulan o kahit sumakay sa kabayo.”   “Bakit naman?” nagtatakang tanong nito.   “Hindi ako mahilig sa mga hayop.”   “Naku, marami kang hindi makakasundo rito kung ganoon,” iiling-iling na sabi nito.   Hindi na niya kailangang tanungin kung bakit. Natural nasa probinsiya siya at hacienda, kaya malamang sa malamang, lahat ng tao roon ay mahilig sa mga hayop na kabaliktaran naman niya.   “Ikaw pa lang ang kauna-unahang panauhin nila rito na walang kahilig-hilig sa hayop.”   Ikinibit na lang niya ang balikat. “Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko. Kung ayaw nila sakin, bahala sila.”   “Sydney!”   Napalingon siya sa kanyang likuran nang marinig na may tumawag sa pangalan niya. Napangiti siya nang makita niya si Kuya Patrick.   “Bakit Kuya?” Hindi niya maintindihan ngunit magaan ang loob niya rito. Pakiramdam nga niya’y nakikita niya ang Kuya Stephen niya rito. Mukha kasi itong mabait.   “Gusto mong sumama sa bahay? Mamamasyal daw doon ang Ate Hazel mo.”   Namilog ang mga mata niya. She really wanted to go there lalo na at nakita niya kung gaano kaganda ang bahay ng mga ito. “Sure Kuya. I’d love to! Hindi ko tatanggihan iyang offer mo.”   “Sige tara na.”   Excited na sumunod siya rito. Naabutan naman niya si Ate Hazel na nakasakay na sa isang kotse. “Good morning Ate Hazel.” Masayang bati niya at sumakay sa backseat.   “Good morning Sydney. Kumusta naman ang tulog mo?”   “Okay naman ate, maaga nga lang akong nagising dahil sa tilaok ng mga manok.”   Natawa ang dalawa sa sinabi niya. “Sa simula lang iyan. Masasanay ka rin.”   Ikinibit na lang niya ang balikat at itinuon ang atensiyon sa labas ng bintana. Habang nakalulan siya sa backseat ay abot hanggang tainga ang ngiti niya. She’s too excited to see their house. Nang makarating sila roon ay mabilis siyang bumaba ng sasakyan at buong pagkamanghang inilibot ang tingin. Mas maganda pala ang mansiyon ng mga ito sa malapitan. Malawak rin ang bakuran niyon. Nang may makita siyang fountain ay agad niyang tinungo iyon. At ganon na lang ang pagkamangha niya nang makitang fishpond din pala iyon na may mga Koi at Betta fish.   “Sydney!”   Nang tawagin siya ni Ate Hazel ay agad siyang sumunod dito papasok sa loob ng bahay. Katulad ng bahay nina Ate Hazel ay malawak rin ang sala at marmol ang sahig. May malalaking paintings at portraits ang mga ninuno ng pamilya nina Kuya Patrick na nakakabit sa dingding. May mga vases at figurines din doon. Sa isang sulok naman ay mayroong wine bar at katabi niyon ang puting piano.   Ayon kay Kuya Patrick ay nasa sakahan daw ang parents nito at ang tanging naroon lang na kasama nito ay ang ilang kasambahay at ang bunsong kapatid nito.   Nang magkayayaan ang dalawang maligo sa pool ay napagpasyahan naman niyang maglakad-lakad sa paligid ng bahay. Ilang sandali pa’y nakarating siya sa garden na puno ng mga halaman at bulaklak. Napangiti siya nang makita ang mataas at mayabong na red rose sa pinakagitnang bahagi ng hardin. Nabubukod tangi iyon dahil mukhang imported iyon. Maliban kasi sa malalaki ang mga bulaklak niyon ay mixed color na white at red ang petals ng naturang bulaklak.   She’s really fond of flowers kaya naman ay halos hindi na niya magawang alisin ang tingin sa mga bulaklak. Tuwang-tuwang tinungo niya iyon at akmang pipitas ng isang tangkay nang mahagip ng tingin niya ang isang matangkad at nakaputing lalaki na nasa likod ng halamang iyon. Nakatalikod ito sa kanya kaya habang may kausap ito sa cellphone ay hindi nito napansin ang presensiya niya.   “Yes of course! You know I always did. But you can’t understand the situation and I hate it!” naiinis na sabi nito. Tumahimik ito upang pakinggan ang sinasabi ng kausap nito ngunit mukhang wala sa bokabularyo nito ang magpatalo sa kahit na sino. “Darn it! I’m tired of following your caprice Kate! Ilang beses na akong nagpakababa. I lost count already! Sometimes I even accepted that it’s all my fault just to fix everything and to save this relationship. I’ve lost everything I want for myself. Ang dami kong sacrifices pero balewala lang lahat ng iyon sa’yo! I’ve sacrificed too much already Kate and I think, it’s time to give up!”   ‘Ooopps! It’s not my intention to eavesdrop.’   Naglakad na ito palayo patungo sa daang hindi niya alam kung saan papunta. Iiling-iling na sinundan niya ito ng tingin.   “Tsk! Another victim of ‘falling in love with the wrong person.” Masyado nang toxic ang relationship nito kaya marahil ay mas pinili na lang nitong humiwalay ng landas.   Ilang sandali pa’y napaisip siya. Base pa lang sa porma nito ay mukhang ito ang nakababatang kapatid ni Kuya Patrick na si Rayven.   “Wait, di ba sabi ni Kuya Patrick at Ate Hazel may Coleen na siya? Tapos yung katawag niya kanina Kate naman ang pangalan. Aba’y magaling ang loko! Dalawa ang girlfriend? Ay gago ‘yun ah! Ang lakas makipagbreak, may reserba naman pala! Babaero ang hinayupak! Tapos irereto pa nila sakin? Ay letse siya! Huwag niya akong isasali sa listahan ng mga babae niya! Ano siya? Sinuswerte? Subukan niya lang talaga. Bubugbugin ko siya at sinisiguro kong mata niya lang ang walang latay. Tsk!” Naiiling na pinagtuunan niya ng pansin ang mga bulaklak na nasa harapan. Ayaw niyang magpaka-stress sa pagiging babaero ng lalaking iyon na balak ireto nina Kuya Patrick at Ate Hazel sa kanya kaya mas mabuting ang mga magagandang bulaklak na iyon na lang siya titingin. Napangiti siya at dagling nabura ang inis na nararamdaman niya nang mapagmasdan ang napakagandang bulaklak na nasa harapan.   Akmang pipitasin na sana niya ang bulaklak nang maramdamang may kumikiliti sa binti niya. Nagtatakang napatingin siya roon at tila ipinako siya sa kinatatayuan nang makita ang isang golden retriever na tuta na kumakawag ang buntot habang dinidilaan ang binti niya. Medyo madungis ito dahil may ilang putik ito sa katawan nito.   “Shoo! Get away from me!” Dala ng matinding pandidiri ay tinadyakan niya ito. Kasabay ng pag-iyak ng tuta ay narinig ang pagkahol ng aso sa kanyang likuran. Gulat na napalingon siya roon at ganon na lang ang takot niya nang makita ang isang malaking golden retriever. Nanlilisik ang mga matang nakatitig ito sa kanya. If she’s not mistaken, nanay ito ng tutang nasaktan niya. If that’s the case, she’s dead. Knowing how protective and territorial dogs are when it comes to their pups. Malamang sa malamang ay gusto na siya nitong balatan ng buhay.   “Ahh! Help! Help!” Dala ng matinding kaba at takot ay mabilis siyang kumaripas ng takbo nang makitang dadambahin na siya nito. Panay ang sigaw niya habang tumatakbo. Hindi na niya alam kung saan siya nagsususuot dahil ang mahalaga sa kanya nang mga oras na iyon ay makalayo sa asong iyon na may balak yatang pagpira-pirasuhin ang katawan niya.   Ilang sandali pa’y napatili siya nang sumalpok siya sa isang bagay. Sa lakas ng impact ng pagkakabunggo niya ay nagpagulong-gulong siya habang yakap-yakap ang nabunggo niya. Nang mapatingin siya sa lugar na babagsakan niya ay ganon na lang ang tili niya. She doesn’t want to fall on that field of mud!   “Ahh! No! Help!”          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD