5 - His First Love's Gift

3070 Words
“TALAGA? Nangyari iyon?” humahagalpak ang tawang tanong ni Jannah matapos niyang ikuwento rito ang nangyari kahapon.   Nang mga oras na iyon ay tinutulungan niya itong pumitas ng bulaklak sa hardin nina Ate Hazel. At habang tinutulungan niya ito ay nagkukwento naman siya. Habang siya ay nanggigigil na sa matinding inis ito naman ay halos mamatay na sa kakatawa.   “Oo nga. Pero teka nga muna, bakit ka ba tawa nang tawa? Do you find that funny? Eh kita mo na ngang naiinis ako rito,” maktol niya at inirapan niya ito nang wala sa oras.   “Eh nakakatawa naman kasi yung mga nangyari eh,” tumatawa pa ring sabi nito.   Napasimangot siya. “Ay ewan ko sayo. Iba ang trip mo.”   “Nga pala, bakit ba parang ang init ng dugo mo kay Señorito Rayven eh sobrang bait naman niya?” nagtatakang tanong nito.   “Mabait?” hindi makapaniwalang ulit niya. “Hello? Okay ka lang? He’s not nice ‘no. Maldito siya, masungit, mayabang, mahilig sa mga madumi eww! And worst, feeling gwapo.” Halos ay magkasalubong na ang kilay niya habang dinidescribe niya ang lalaki.   “Huh? Gwapo naman talaga si Señorito Rayven ah.” Pagtatanggol nito sa lalaki.   “Yung totoo kaibigan ba talaga kita?” Pinamaywangan niya ito nang wala sa oras.   “Oo naman, kaso masamang sabihin ang totoo?”   “O baka naman..” Tinitigan niya ito ng matiim. “Don’t tell me may gusto ka sa kanya?” Tinaasan niya ito ng kilay.   “Wala ‘no. Nababaitan lang talaga ako sa kanya.”   “Sigurado ka r’yan?” paninigurado niya.   “Oo.”   “Oh yun naman pala eh, kaya ako ang panigan mo.”   Nagkibit-balikat na lang ito sa sinabi niya.   “Balang araw, lagot sakin ang hinayupak na ‘yon. Magbabayad siya sa ginawa niya sakin.”   “Huh? Ano namang kasalanan niya sa’yo?” nagtatakang tanong nito.   Natiplak niya ang noo nang wala sa oras. “Yung totoo? Nakikinig ka ba?”   “Ayon sa pagkakaintindi ko, parang wala naman siyang kasalanan sa’yo. Aksidente lang naman ang nangyari.”   “Hindi, may kasalanan siya sakin. Kinutya-kutya niya ako hindi ba? Pagkatapos niya akong kutya-kutyain, talagang magbabayad siya sakin.”   “Luh siya. Di ba’t ikaw ang naunang kumutya sa kanya?” nagtatakang tanong ng kaibigan.   “Hindi ko naman alam na siya yun eh, malay ko ba.” She rolled eyes.   “Isa lang ang ibig sabihin nun, huwag kang judgmental.”   Sinamaan niya ito ng tingin.   “Yung totoo, kaibigan ba talaga kita?”   “Huwag mong masamain, sinasabi ko lang.”   “Anyway, matanong ko lang, ano ba ang hilig ng lalaking iyon?”   “Oh bakit mukhang bumaliktad ang mundo at bigla ka na lang nagkainteres sa kanya? Yung totoo naaaning ka na ba?”   “Excuse me, hindi ako interesado sa kanya ‘no!”   “Weh? Maniniwala na ba ako sa love thy enemy?”   “Ewwiee as if naman!” She rolled her eyes. “Gusto ko lang malaman kung anong mga hilig niya at nang magawa ko ang mga plano ko.” Ngumiti siya nang nakaloloko.   “Ay naku, kung ako sa’yo, tigil-tigilan mo na ‘yan.”   Napalis ang ngiti niya. “At bakit naman?” Tinaasan niya ito ng kilay.   “Kasi baka masaktan ka lang.”   “Sus friend, tigil-tigilan mo na kakapanuod ng mga telenovela mukha kang tanga eh. So ano? Artista lang ang peg? Maiinlove ako sa enemy ko? Kalokohan tsk! Tsaka isa pa, for your information, I don’t believe in love ‘no.”   “Bakit naranasan mo na bang mainlove?”   Kinunutan niya ito ng noo. “Adik ka ba? Paano ako maiinlove eh hindi nga ako naniniwala doon di ba?”   Ikinibit nito ang balikat. “Hindi ka pa naniniwala sa love ngayon kasi nga, hindi mo pa naramdaman. Kaya kung ako sa’yo huwag kang magsalita ng pataos at baka isang araw kakainin mo iyang mgga sinasabi mo.”   “Eh ikaw naniniwala ka ba sa love?”   “Oo naman.”   “Bakit nainlove ka na ba? Nagkaboyfriend ka na ba?”   “Hindi pa.”   “Naniniwala ka sa love pero hindi mo pa naramdamang ma-inlove. So, kabilang ka pala sa HRS.” Napailing-iling siya.   “Anong HRS?” nagtatakang tanong nito. “Heart Rheumatic Syndrome?”   Napabunghalit siya ng tawa sa sinabi nito. Kahit kailan, napakakwela talaga ng babaeng ito.   “Loka! Hindi iyon Heart Rheumatic Syndrome. Sakit lang ang peg?” tumatawang sabi niya. “It’s Hopeless Romantic Squad teh.”   “Ang bad mo.”           “SYDNEY, gusto mo bang sumama sa amin? Pupunta kami sa bahay,” tanong sa kanya ni Kuya Patrick nang maabutan siya ng mga itong naggigitara sa living room sa ikalawang palapag.   “Next time na lang Kuya,” sagot niya at nginitian ito. ‘Baka makita ko pa ang kapatid mo r’on at baka lalo lang akong mabadtrip. Ayoko pa namang masira ang araw ko ngayon,’ dugtong ng isip niya. Kaya mas mabuti sigurong umiwas na lang siya.   “Okay, if that’s what you want.” Naglakad na ang dalawa pababa ng hagdan. Habang siya naman ay itinuloy na ang naudlot na paggigitara. Nang matapos siya sa pagtugtog ay napagpasyahan niyang maglakad-lakad sa labas upang magpahangin.   Ilang sandali pa’y napangiti siya nang matanaw niya si Jannah na naglalakad sa di kalayuan.   “Jannah!”   Nang lumingon ito sa kinaroroonan niya ay masayang kumaway sila sa isa’t-isa. Mabilis siyang lumapit sa kaibigan.   “Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong niya nang mapansin niyang nakasuot ito ng damit pambukid.   “Mag-aani lang kami ng mga mais sa bukid.”   “Ahm.. Pwedeng sumama? Boring kasi sa bahay eh wala akong magawa at wala rin akong makausap.”   “Sigurado ka? Mainit sa bukid.”   Masayang tumango siya. “Okay lang.”   “Sige, tara na.”   Habang naglalakad sila nang mga oras na iyon sa pilapil ay nagkukwentuhan sila tungkol sa buhay nila.   Ang tatay pala nito ay isa sa mga katiwala sa bukid nina Ate Hazel. Ito ang panganay sa apat na magkakapatid. Nag-aaral ito at ang Tito Sebastian niya ang tumutulong financially sa mga batang katulad nito sa hacienda na makapag-aral.   “Masarap sigurong tumira sa Manila ‘no?” tanong nito.   Napangiti siya nang maalala kung gaano kaganda ang kinalakhang siyudad.   “Oo naman. Halos lahat ng mga bagay na kailangan ng isang tao ay nandoon.”   “Talaga?”   “Oo. Marami ring mga naglalakihang gusali roon, mga malls kung saan pwede mong bilhin lahat ng gusto mo.”   “Parang pang-mayaman lang naman yata ang lugar na iyon.”   “Hindi naman.”   “May mahirap ba r’on gaya namin?”   Natigilan at natahimik siya sa tanong nitong iyon.   “Marami rin. Yung iba nga namamalimos sa kalsada.” Mahinang tugon niya.   “So maganda lang ang buhay r’on kung mayaman ka. Kasi kung mahirap ka, hindi mo naman makukuha lahat ng bagay na gusto mo sa lugar na iyon.”   Nakakalungkot mang sabihin but she was right. Natahimik siya sa sinabi nito.   Ilang sandali pa’y nakarating na sila sa maisan. Naabutan nilang nagpipitas ng puting mais ang pamilya nito.   “Diyan ka lang ha? Huwag kang lumapit doon kasi makati sa balat,” paalala ni Jannah sa kanya na agad naman niyang tinanguan. Nang magtungo na ito sa pamilya nito ay nagtungo siya sa lilim ng punong manga. Umupo siya roon at sumandig sa katawan ng puno. Bahagya niyang inilibot ang paningin at itinuon ang atensiyon sa paligid. Mabuti na lang at luntian ang paligid dahil sa mga dahon at d**o kaya kahit papaano ay narerelax siya lalo na at malamig at presko ang simoy ng hangin. Mas masarap pa siguro ang tumambay roon habang tumutugtog siya ng gitara. Hindi niya napigilan ang sariling ipikit ang mga mata nang umihip ang hangin. Pakiramdam niya’y tila idinuduyan siya niyon. Ilang sandali pa’y halos hindi na niya namalayang nakatulog na siya roon.   Naalimpungatan lang siya nang marinig ang kakaibang tunog. Naramdaman din niyang tila may gumagalaw sa hita niya. Nang imulat niya ang mata ay halos mawalan na siya ng ulirat nang makita ang apat na kalapating nakadapo sa hita niya habang tinutuka ang isang napakatabang uod.   “Ahhh! Get away from me!” Dala ng matinding gulat, takot at pandidiri ay mabilis siyang tumayo at nagtatatalon habang pinapagpag ang sarili. Malay ba niya kung meron pang ibang uod sa katawan niya. Para siyang bulateng nabudburan ng asin nang mga oras na iyon. Kaya ayaw na ayaw niya sa mga hayop dahil puro kamalasan lang ang hatid ng mga iyon sa kanya.   “Sydney? Anong problema?” Humahangos siyang nilapitan ni Jannah. Marahil ay narinig nito ang malakas na sigaw niya. “May nangyari ba?”   “M-may matabang uod sa hita ko. Eww! Kadiri! Scary!”   “Para uod lang eh.” Napailing-iling ito.   “Eh sa takot ako sa uod eh. Anong magagawa ko.” She rolled her eyes. “And one more thing, ang taba niya kaya! It’s scary. Malay ko ba kung naninipsip iyon ng dugo.”   “Nasaan ba yung uod?”   “Hayun o.” Inginuso niya ang talampakan at itinaas ang kaliwang paa. At ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita niya ang isang kalapating halos ay wala nang buhay. Sa pagkataranta niya ay agad siyang napaurong palayo sa kawawang ibon.   “Hala! Sydney, anong ginawa mo?” gulat na gulat na tanong ni Jannah. “Akala ko ba uod? Bakit kalapati naman ang nandito? At bakit pinatay mo?” sunud-sunod na tanong nito.   Napanguso siya. “Hindi ko naman sinasadya eh. Tsaka kasalanan din naman niya iyan. Bakit kasi siya dumapo sa hita ko? Kung hindi lang sana sila dumapo sa hita ko, e di sana hindi iyan mangyayari sa kanya,” pagdadahilan niya. “Tsaka apat sila kanina. Ano? Uugod-ugod na ba siya para hindi agad makalipad? Nakalipad nga palayo yung mga kasama niya eh tapos siya hindi? Babagal-bagal kasi.” She rolled her eyes while blaming the bird for its own misfortune.   Tila awang-awang kinilatis ni Jannah ang ibon.    “Andami mong pwedeng biktimahin, ito pa talaga ang napagtripan mo. Jusko Sydney, patay ka talaga nito.” Nailing-iling na niyugyog nito ang kalapati ngunit tila kahit anong gawin nito ay hindi na iyon mabubuhay pa.   “Hindi ko nga sinasadya di ba?” Napahalukipkip siya. “Kaya magsosorry na lang ako para mapatawad ako ng may-ari. Tsaka babayaran ko na lang iyan para hindi siya magalit sakin.”   Tiningala siya nito. “Naku malabong mangyari iyang sinasabi mo. As if naman tatanggapin niya yung bayad at sorry mo.”   Kumunot ang noo niya sa sinabi ng kaibigan. “At bakit naman ayaw niyang tanggapin ang bayad at sorry ko? Sino ba siya sa inaakala niya? Presidente ng Pilipinas? Mayor? Anak ng governor? Ano? Sino ba ang may-ari niyan at nang mapagsabihan kong matuto siyang tumanggap ng sorry.”   “Si Rayven.”   Nang marinig niya ang pangalang iyon ay halos takasan na siya ng kulay sa mukha. Gusto niyang inisin ang lalaki ngunit hindi sa ganoong paraan.   ‘Shoot! I’m dead!’         “SYDNEY?”   Napalingon siya sa pinto nang marinig ang sunud-sunod na pagkatok sa pinto ng silid niya. Nang mabosesan niya si Ate Hazel ay agad siyang lumapit doon at pinagbuksan ito ng pinto.   “Bakit ate?”   “May naghahanap sa’yo sa baba.”   Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “Sino po?” Sino naman kayang pontio pilato ang maghahanap sa kanya ng ganoong oras? Gabi na kaya.   “Si Rayven.”   “Ha?” Nataranta siya at tinakasan ng kulay ang mukha niya sa narinig na pangalan.   “Ang sabi ko, si Rayven. Wait, bakit namumutla ka? May sakit ka ba?” nag-aalalang tanong nito.   “A-ahm ate..” Agad naman niyang tinutop ang noo. “Masama ang pakiramdam ko. Nahihilo ako..”   Nagkunwari siyang nahihilo. Hell yeah, she’s really good in acting. Pwede na siyang sumali sa mga reality search kung tutuusin pero wala naman sa bokabularyo niya ang sumali sa magulong mundo ng showbiz. She’s only using her acting skills for emergency purposes, just like now.  Kung iyon lang ang tanging paraan upang maiwasan niya si Rayven ay gagawin niya.   “Should we take you to the hospital?”   Sunud-sunod siyang napailing. “Naku, huwag na ate. Napagod lang siguro ako sa pamamasyal sa bukid.”   “Ah ganon ba?”   “Oo ate, pahinga lang ang kailangan ko. At kung maaari, ayaw ko sanang magpa-istorbo.”   Tila nakakaintinding napatango ito. “O sige magpahinga ka na at nang guminhawa ang nararamdaman mo.”   “Oo ate.”   Nang magpaalam ito ay agad niyang isinara ang pinto. Napasandig siya sa likod ng pinto. Halos ay nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang makaalis na ito.   “Hayy.. Salamat naman at napaniwala ko si Ate.”   Nagsuot na siya ng pantulog niya at nag-dive sa kama. Alam na niya kung ano ang pakay sa kanya ni Rayven. For sure ay tungkol lang naman sa alaga nitong pigeon ang sinadya nito. At sigurado siyang bubungangaan at sesermunan lang siya nito. She’s not interested with his sermons kaya bahala na ito sa buhay nito.   Ilang sandali pa’y dinig na dinig niya ang sunud-sunod na pagkatok.   “Sino iyan?” kunwari ay malamya ang boses na tanong niya at mabilis na nagtalukbong ng kumot. Aba, may sakit nga siya di ba? Kaya susulitin at papanindigan na niya.   “Si Ate Hazel mo ito. Dinalhan kita ng gamot.”   Ang sweet talaga ng pinsan niya.   “Pasok ka na ate at pakilagay na lang sa table. Iinumin ko na lang iyan mamaya.” Kung kanina ay malamya ang boses niya, ngayon naman ay may panginig-nginig pa. Gusto niyang matawa sa sarili dahil sa mga pinaggagagawa niya, but she doesn’t have a choice. May sakit nga siya di ba?   Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto. Pagkatapos niyon ay dinig na dinig din niya ang mga yapak palapit sa table na katabi ng kama niya.   “Thank you ate, ang sweet mo talaga kapag nag-aalala ka.”   “Oo, ang sweet ko talaga, dinalhan pa nga kita ng gamot hindi ba?”   Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang boses ni Rayven. Agad siyang napabalikwas ng bangon at humarap sa pinanggalingan ng boses. Malay ba niya kung nagkamali siya ng pagkakarinig. Ngunit ganon na lang ang gulat niya nang makita niyang si Rayven nga ang mismong nakatayo sa harapan niya. And for the second time, she saw his handsome face.   ‘Buset! Hindi ba’t si Ate Hazel ang nagsalita kanina? Bakit siya ang nakapasok sa silid ko?’ Don’t tell me pakana ni Ate Hazel ito? Darn it!’   “Pero tigil-tigilan mo nga ako sa kadramahan mo. Hindi ako naniniwalang may sakit ka. I know you’re just making excuses para iwasan ako. So, stop pretending, will you?”   “What the hell are you doing here?” Hindi niya pinansin ang sinabi nito.   “Well, alam mo naman na siguro ang dahilan kung bakit kita sinadya rito hindi ba?” Taas ang kilay na napahalukipkip ito.   “What are you talking about?” patay-malisyang tanong niya.   “Wow, great, just great! Ano? Kunwari ka pang walang alam? Ang lakas din ng loob mong magmaang-maangan. Gusto mong ipaalala ko sa’yo yung ginawa mong kasalanan? Pinatay mo lang naman yung paborito kong pigeon.”   ‘Paborito?’ She rolled her eyes. ‘As if I know, lahat naman ng hayop dito eh paborito mo.’ Muntik na niyang maisatinig iyon. Mabuti na lang at nakapagpigil siya dahil kung hindi ay baka nabigwasan na siya nito.   “Ano tatahimik ka na lang? Asan na yung tapang mo?”   “Anong gusto mong sabihin ko?” Napahalukipkip siya. Lumarawan ang pagkairita at matinding inis sa mukha nito. Napabuga siya. “Fine. Pwedeng mag-sorry? Hindi ko naman sinasadya yun eh.” Napanguso siya.   “Madali lang sayong sabihin iyan kasi hindi mo alam kung gaano kahalaga sakin si Pixie! Mahal na mahal ko ‘yon eh!”   ‘Pati ba naman kalapati binigyan niya ng pangalan? Jusko naman.’   “Ayaw mo ng sorry ko e ‘di huwag! Arte mo.” Inirapan niya ito. “Huwag kang mag-alala papalitan ko na lang.”   “Kung galing lang naman sa’yo huwag na lang!”   “Choosy ka pa! Ang dami kayang lalaking gustong makatanggap ng regalo mula sakin.”   “Puwes, hindi ako kabilang sa mga siraulong lalaking iyon!”   Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. Bakit ganon? Bakit kahit galit na galit na ito ay gwapo pa rin ito? Lalo siyang nakaramdam ng inis dahil doon.   “Umalis ka na nga rito! Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo!”   “Alam mo sa sobrang inis ko sa’yo gusto kitang itapon ngayon sa terrace ng kwartong ito?”   “Then do it!” amok niya at umalis siya sa kama upang harapin ito. Nanlaki ang mga mata nito. Kumunot ang noo niya nang bigla itong natahimik at namumula ang mukhang iniiwas ang tingin sa kanya. Nagtatakang napatingin siya sa sarili at halos ay isumpa na niya ang sarili nang makitang ang suot lang niyang pang-ibaba ay boyleg underwear. Tila gusto niyang lumubog sa kinatatayuan nang mga oras na iyon dahil sa matinding hiya. Tumitiling dinampot niya ang kumot at itinakip sa sarili. Bakit ba kasi nakalimutan niyang ganoon ang suot niya kapag natutulog siya?   “How dare you! You’re such a p*****t!” nag-iinit ang pisnging tili niya.   Sanay naman siyang magsuot ng underwear or bathing suit kahit may mga nakakakita sa kanyang ibang tao sa mga pool, resorts at beaches na pinuntahan niya. Pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng hiya rito.   “W-wala akong nakita..” patay malisyang sabi nito.   ‘Walang nakita pero namumula ang mukha? Sinong niloloko niya?’   “Liar! Get out!” umuusok ang ilong na bulyaw niya at itinuro ang pinto. “Get out now!”   Malalaki ang mga hakbang na tinungo nito ang pinto. Kulang na lang ay kumaripas na ito ng takbo. Ngunit bago nito isara iyon ay nagsalita ito.   “The pigeon you killed has a sentimental value. It’s a gift from my first love.”   “I don’t care! Get out and just leave me alone p*****t freak!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD