14 - His Ex

1941 Words
NANG MGA oras na iyon ay kakatapos lang ng practice nina Sydney nang bigla na lang lumapit ang tatlong babae sa isang candidate na kasama nila. Hindi niya lang alam ang pangalan nito because on the first place, wala naman siyang balak makipagkilala or makipagkaibigan sa mga ito.   “Hey sis, yung boyfriend mo nasa labas, mukhang sinusundo ka yata.”   “T-talaga?”   “Oo. Ayyiieehh!”   Habang naglalakad siya patungo sa kinaroroonan ng mga gamit niya ay dinig na dinig niya ang pag-uusap ng mga ito.  Nagkibit-balikat na lang siya at agad na nagtungo sa comfort room upang magpalit ng damit. Balak na naman kasi niyang pumunta sa discobar ngayon tutal ay maaga pa naman.   Ang suot niya nang mga oras na iyon crop top na off shoulder, white maong shorts at puting rubber shoes. Sa iksi ng suot niya ay kitang-kita ang kaseksihan niya. Idagdag pang maputi at matangkad siya. For sure, she’ll be a head turner again.   Naglakad na siya palabas ng gym nang matapos siyang mag-ayos. Halos lahat nang taong nakakakita sa kanya nang mga oras na iyon ay sinusundan siya ng tingin. But as usual, she never mind the attention she got from everyone. The hell she care. Nagpatuloy siya sa paglalakad na tila ba rumarampa sa stage.   “Sydney!”   “Ay palaka!” muntik na siyang mapatalon sa matinding gulat nang may tumawag sa kanya. Nang mapalingon siya sa pinanggalingan ng boses ay kumunot ang noo niya nang makita si Rayven na naglalakad palapit sa kanya. Iniwan nito ang apat na babaeng kausap nito kanina.   “What the hell are you doing here?”   “What the hell are you wearing? Tanggalin mo nga ang mga iyan.” Salubong ang kilay na pinasadahan siya nito ng tingin.   Tumaas ang kilay niya.   “Ah so ano? Maghuhubad ako rito? You’re such a p*****t, you freak country boy!”   Namula ang mukha nito sa sinabi niya. “Damn! That’s not what I mean! What I’m trying to say is you should change your clothes!”   “Change? Bakit? Damit pa rin naman ito ah! Tsaka isa pa, ito ang bet kong suotin. Paki mo r’on?” pagsusungit niya rito. “Teka nga, I asked you first so you owe an answer to my question.  What the hell are you doing here?” ulit niya sa tanong niya kanina.   “Pinapasundo ka sakin ni Ate Hazel.”   “What?” literal na napamaang siya sa narinig. Himala! Pumayag itong sunduin siya. For sure ay mayroon na namang kapalit iyon. It must be because of that Coleen again. She automatically rolled her eyes with that thought.   Kahit naman magkaibigan na sila ng binata ay sigurado siyang hindi pa rin ito papayag na sunduin siya nito dahil busy rin ito sa buhay nito. On the first place, malayo-layo rin ang town sa hacienda.   Nang maalala niyang may dapat pala siyang puntahan ay parang gusto niyang magmaktol. Isa lang kasi ang sigurado niya. Hindi siya makakapunta sa discobar ngayon.   ‘Great.. Just great, darn it!’ Lihim na lang siyang napamura. ‘Kung minamalas nga naman.’   “Where are you even going for you to wear something revealing?” kunot pa rin ang noong tanong nito.   ‘Revealing..’ ulit ng isip niya. Nang muli siya nitong suyurin ng tingin ay biglang nag-init ang pisngi niya. Wala sa sariling nayakap niya ang sarili. Pakiramdam niya’y para siyang yelong natutunaw nang mga oras na iyon dahil sa tinging ipinupukol nito. Kulang na lang ay hilingin niyang maglaho na lang siyang parang bula sa harap nito.   Bakit ganoon? Kung ibang tao naman ang tumitingin sa kanya ay okay lang sa kanya. Pero bakit kapag ito na ang kaharap niya, nakakaramdam na siya ng hiya at pagkairita. Nacoconscious siya na hindi niya mawari. Ano bang meron sa lalaking ito para maramdaman niya iyon? Anong meron sa mga mata nito para maconscious siya ng ganoon?   Nang mapasulyap ito sa paligid ay napamura ito nang makitang pinagtitinginan siya ng lahat, lalo na ng mga lalaking naroon. Halos ay hindi na maalis ang mata ng mga ito sa kanya lalo na at kitang-kita kung gaano siya kakinis at kaputi.   “Come on.” Hindi pa man din siya nakakapagreact ay mabilis siya nitong hinatak patungo sa isang kotse.   “Rayven..” Mabilis na humarang sa kanila ang co-candidate niyang tila maluluha na anumang oras.   ‘At sino naman itong feeling drama queen na ito sa buhay ni Rayven?’   “Give way.”   “Ayoko..” Umiling ito at lumuluhang hinarangan sila lalo nang idipa nito ang mga kamay.   “Kate, we’re over okay?”   ‘Kate? Wait, Kate his ex-girlfriend? Don’t tell me siya yung brineak ni Rayven over the phone? So, co-candidate ko pala ang ex niya. Geezz.. What a small world.’   “So, siya na ba ang bagong kinalolokohan mo ngayon?” Binigyan siya ng isang nakamamatay na tingin ng babae.   “Whoah, wait! Excuse me, bakit ako nadamay rito?” Namaywang siya nang wala sa oras. ‘Ako? Kinalolokohan ni Rayven? Gosh! What a joke! We’re just friends, not an item.’   “Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita? Boyfriend ko lang naman iyang sinusulot mong malandi ka!”   ‘Ano raw? Sinusulot ko? Malandi ako? Ang kapal naman ng mukha ng babaeng ito para pagsalitaan at akusahan ako ng ganoon.’ Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya napagsalitaan ng ganoon. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Eh kung inisin kaya niya ito lalo nang ngumawa ito?   “Boyfriend? I stand to correct you girl, he’s your ex-boyfriend,” pang-iinis niya sa babae.   Halos ay mamula na ang mukha nito sa matinding galit nang mga oras na iyon. Natawa na lang siya sa naging reaction nito.   “Damn you b***h!”   Akmang susugurin na sana siya nito ngunit bago pa man ito may magawa sa kanya ay agad na humarang si Rayven.   “Kung iniisip mong may something sa amin, you’re wrong. Bisita siya nina Ate Hazel so please stop messing with her if you’re planning to do so. And don’t you ever dare lay your hand on her kundi lagot ka sakin.”   “If she’s not your new girlfriend, then why? Why are you choosing her over me? Why are you protecting her?” umiiyak na tanong ng babae rito.   ‘Ang drama..’ She rolled her eyes. ‘Thank you next please.’   “I think, it’s not my responsibility to explain it to you. Wala na tayo. I hope that’s already clear with you. So, get over it,” pagkasabi niyon ni Rayven ay hinatak na siya nito pasakay sa kotse.   Naiwan si Kate na umiiyak sa parking lot. Kulang na lang ay magtantrums ito na parang bata. Nagkibit na lang siya ng balikat. As if naman may pakialam siya rito. They’re not even close at all.   “Wear this.” Inilapag ni Rayven sa kandungan niya ang jacket na kinuha nito sa backseat.   “Eh paano kung ayoko?” tinaasan niya ito ng kilay.   “Huwag mo akong subukan at baka matadyakan kita palabas ng kotseng ‘to.”   ‘Tatadyakan talaga? Buset!’   “Anong akala mo sakin kabayo? Eh kung sungalngalin kaya kita?”   “Isuot mo na kasi ang dami mong reklamo,” naiiling na sabi nito.   “Yeah, whatever.” She rolled her eyes. Isinuot na niya ang jacket para hindi na humaba pa ang diskusyon. On the first place, pakiramdam niya’y hindi siya kumportable sa ganoong suot kapag ito ang kasama niya. Nahihiya siya na hindi niya mawari.   Natigilan siya nang masamyo niya sa suot na jacket ang pabangong gamit ni Rayven. Hindi man niya aminin but she love that scent. She loves that scent before because of her brother. But now she’s starting to be addicted to it. Pakiramdam niya’y narerelax siya sa amoy na iyon at para siyang ipinaghehele. Ilang sandali pa’y ramdam niyang bumibigat na ang talukap ng mga mata niya hanggang sa makatulog na siya ng tuluyan.     _ _ _ _ _ _ _     “TITA?”   “Yes hija?” nagtatakang inihinto ng Tita niya ang pagi-spray nito sa nga halaman nito nang lumapit siya rito. “Kauuwi mo lang ba? Ang aga niyo naman yatang nadismiss sa practice ngayon,” nagtatakang sabi nito.   Kagagaling lang kasi niya sa bayan. Pagkatapos ng practice nila ay agad siyang umuwi dahil may kailangan siyang gawin.   “Opo, kailangan po kasi naming magpahinga para bukas.”   “Bakit? Anong meron bukas?” napahinto ito sa ginagawa nito.   Napakagat-labi siya. “Pre-talent competition po kasi namin bukas. Pipili po sila ng top 5 na magpapakita ng talent sa coronation night.” Gustuhin man niyang magpahinga ngunit hindi niya magawa. Kailangan niya kasing magpractice at i-master ang talent niya.   “Talaga?” tila naexcite ito sa nalaman. “So, anong talent mo hija?”   “Magpi-piano sana ako Tita. May piano po ba kayo?” hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Iyon kasi ang sadya niya rito. Kaya ito agad ang nilapitan niya.   “Naku, matagal nang nasira ‘yung piano rito sa bahay hija.”   “Ganon po ba?” Nanlumo siya sa nalaman. She’s hopeless. Marunong siyang tumugtog ng mga musical instruments like guitar, piano and violin. Kung guitar ang gagamitin niya sa talent portion niya, sigurado siyang hindi siya makukuha sa top 5. Masyado na kasing common iyon. Kung violin naman, naipadala na iyon ng parents niya sa America. Piano na lang ang pag-asa niya pero mukhang hindi nakikiayon sa kanya ang tadhana.   “Naku, paano na iyan hija? Kumanta ka na lang kaya hija? Magaling ka namang kumanta hindi ba? Tsaka mataas din ang boses mo.”   “Masyadong common na iyon Tita.”   “Eh di sumayaw ka na lang.”   Napangiwi siya sa suggestion nito. “Hindi po ako ganon kagaling sumayaw Tita. Pang-discong sayaw lang ang alam ko.” Hindi naman pwedeng iyon ang sayawin niya. Jusko! Baka patalsikin siya sa competition nang wala sa oras.   “Ayaw mong umarte? O magtula? Spoken poetry ganon.”   “Naku, ayaw ko Tita.” Napailing-iling siya. May trauma na siya sa mga ganoong talent. Pumalpak kasi siya sa school competition nila noon kaya ayaw na niyang maulit iyon.   “Paano kaya ‘yan?” napahawak sa baba niya ang Tita niya at sandaling nag-isip. Maya-maya’y nagliwanag ang mukha nito at napapitik. “Alam ko na! Hintayin mo ako rito.” Bago pa man siya makasagot ay iniwan na siya nito at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik ito na may malawak na ngiti sa mga labi. “Okay na, ayos ang problema mo hija.”   Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “Po? Papaanong okay na?”   “May piano sina Rayven kaya tinawagan ko ang Tita Margie mo at pumayag siyang doon ka matutulog ngayon para makapagpractice ka.”   “Po?” nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.   “Oo.” Abot hanggang tainga ang ngiti nito. “Ang galing ko hindi ba? Makakapagpractice at mapaghahandaan mo na ang talent mo. And one more thing, makikita at makakasama mo pa si Rayven,” may panunukso ang boses nito. Kung makangiti ito akala mo’y nakajackpot sa lotto.   “Ahaha.. Ganon po ba Tita? Hahaha..” napipilitang tawa niya at napatango-tango. Bakit pakiramdam niya’y parang mas natutuwa pa itong magkasama sila ni Rayven kaysa makapagpractice siya ng piano. Napabuga na lang siya.   She never imagined that she’ll go there. For sure ay papanuorin siya ng lahat ng tao roon habang nagpapractice. At sigurado siya maging si Rayven ay kasali roon. Hindi niya maintindihan ngunit bigla siyang kinabahan dahil sa ideyang iyon.   ‘Omg! Nakakahiya!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD