15 - The Bet

2580 Words
SABAY na napalingon si Sydney at ang Tita niya sa may gate nang may marinig silang papasok na motor. Kumunot ang noo niya nang makitang sakay niyon si Rayven na ang lawak ng pagkakangiti. Mukhang may pupuntahan ito dahil bihis na bihis ito. “And here comes your knight and shining armor.” Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. “Patawa ka talaga Tita. Anong knight and shining armor? He’s just my friend, come on! Stop teasing us!” “Sus! Kung alam mo lang hija, bagay na bagay kayong dalawa. Ang lakas kaya ng chemistry niyo. Makita ko nga lang kayong magkatabi, kinikilig na ako.” Hindi niya napigilan ang sariling mamula sa mga sinabi nito. Ano na naman bang kabalbalan ang pinagsasasabi ng Tita niya? “Tita ano ba, bulag ka ba? Hindi kami bagay ano! May diperensiya na yata iyang mata mo. Magpatingin ka na sa ophthalmologist habang maaga pa,” naiiling na sabi niya. “Ah, so kaming lahat na nakapaligid sa inyo may diperensiya sa mata ganon?” “Ah, so nagpi-playing cupid kayong lahat dahil ganon ang nakikita niyo?” hindi niya naiwasan ang sariling taasan ito ng kilay dahil sa nalaman. “Parang ganon na nga.” Ngumiti ito ng matamis. “Tita, tigil-tigilan niyo nga iyan. Nakakahiya.” “Hay naku, imulat mo kasi iyang mga mata mo nang makita mo ang nakikita namin.” She rolled her eyes. “Dilat na dilat po ang mga mata ko.” “What I mean is, look at him.” Dahil sa sinabi nito ay wala sa sariling napatingin siya sa binatang papalapit sa kanila. “Hindi ka ba nagagwapuhan sa kanya?” Pinakatitigan niya ang binata. Nang makita nitong nakatingin siya ay ngumiti ito at kumaway sa kanya. Nang makita niya kung gaano ito kagwapo sa ngiti nitong iyon ay napigil niya ang paghinga at tila may kung anong bumundol sa puso niya. Pakiramdam niya’y tila tumigil sa pag-ikot ang mundo niya nang hawiin ng hangin ang ilang hibla ng buhok nito na nakatabing sa noo nito. ‘Heck, what’s wrong with me? What’s wrong with my heart?’ Bakit nararamdaman niya ang lahat ng iyon? Bakit bigla na lang siyang binundol ng ganoong pakiramdam? ‘Am I sick?’ Agad niyang ipinilig ang ulo at mabilis na iniiwas ang tingin dito. Natatakot siyang titigan ito nang ganoon katagal dahil baka kung ano pa ang mangyari. “Oh ano? Natulala ka na?” nanunudyong sabi ng Tita niya. Sinamaan niya ito ng tingin. “Hindi ah! Bakit naman ako matutulala sa kanya aber?” “Sus, ayaw mo lang amining gwapo siya.” “Well, gwapo siya, oo. Pero normal na iyan, hindi na bago sakin iyan Tita. I’ve seen a lot of handsome guys in Manila. ‘Yung iba nga, artista eh.” She rolled her eyes. “Hay naku, bulag ka talaga.” Napailing-iling na napabuga ito. “Hi Tita!” bati ni Rayven at humalik ito sa pisngi ng Tita niya nang makalapit sa kanila. “Hello hijo. Ang bilis mo naman yatang nakarating rito. Excited much?” may himig panunuksong tanong nito sa binata. ‘Heto na naman sila sa panunukso sa aming dalawa.’ Napabuga na lang siya. ‘Sabing friend lang kami eh. Mga pasaway talaga.’ “Sakto po kasing kakarating ko lang galing sa bayan nang tumawag kayo kay Mama.” “Ah ganon ba? Akala ko nagpagwapo at pumorma ka pang pumunta rito.” ‘What the hell?’ Hindi nakaligtas sa kanya ang pamumula ng binata sa tinuran ng Tita niya. She rolled her eyes. Ang halata ng mga galawan ng Tita niya. ‘Feeling cupid lang ang peg? Jusko!’ Siya na itong nahihiya kay Rayven sa totoo lang. “Tita, hindi mabenta iyang joke mo. Kaya awat na ha? Anyway, mas mabuti siguro kung aalis na kami,” paalam niya at mabilis na hinatak ang namumula pa ring binata palayo rito upang hindi na ito makahirit pa. “Eh papano yung mga gamit mo?” pahabol na tanong ng Tita niya. “Ipadala niyo na lang po. Bye Tita!” Kumaway siya rito at mabilis na bumaling kay Rayven. “Let’s go!” “Okay.” Umangkas na sila sa motor nito. “Kumapit kang mabuti sakin.” “Aye aye captain!” nakangiting sagot niya at yumakap rito. Bahagya itong natawa sa sinabi niya. Bahagya siyang natigilan nang marinig ang tawa nito. His laugh sounds like a melody to her. Ang sarap sa pandinig. ‘Bakit ba ang cute ng tawa ng hinayupak na ito?’ “Himala ang aga mong umuwi ngayon. I thought hindi ka pa nakakauwi, dadaaan at susunduin sana kita.” “Huh?” napamaang siya. Biglang kumabog ang dibdib niya sa sinabi nito. “After kong manggaling sa mga kaibigan ko, dumaan ako sa gym pero wala nang tao r’on.” “Ah..” Napatango-tango siya. “Yeah, they dismissed us early today, para makapagprepare kami for tomorrow’s event.” “Pre-talent day?” “Yeah..” “So, what are you going to do?” Kumunot ang noo niya. “Hindi ba sinabi sayo ni Tita Margie?” “Nope, she only told me that your Tita called and that you’ll stay in our house tonight.” “Oh I see.” Napatango-tango siya. “I’ll play the piano.” “You know how to play that?” tila hindi makapaniwalang tanong nito. “Yeah..” “Hindi ba’t marunong ka ring mag-gitara?” “Yup.” “You’re so talented.” Nakangiting lumingon ito ng bahagya sa kanya. “What else can you play? Heart and boys?” natatawang dugtong nito. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “Well excuse me Mr. Castillo, I am not a playgirl!” sikmat niya at sinuntok ito ng bahagya sa balikat nito. “Aw! I was just joking!” natatawang sabi nito. “It’s not funny.” She rolled her eyes. Natawa ito. “So, what musical instruments can you play aside from guitar and piano?” “Violin.” “You’re very talented indeed.” “May piano kayo, so by any chance, marunong ka ring magpiano?” usisa niya. Tumango ito. “Yup, bata pa lang ako, tumutugtog na ako.” “Same, sa lahat ng instruments na kaya kong tugtugin, piano ang pinakaunang natutunan ko. So, I’m sure mas magaling ako sa’yo,” pagyayabang niya. Piano monster din kasi siya. “Wanna bet then?” nakangiting lumingon ito sa kanya. “Sure.” “Sige, kapag natalo ka, ipagluluto mo ako ng Crème Burlee.” Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. “Akala ko ba, ayaw mo ng Crème Burlee?” Ngumiti ito. “I lied, sorry. Actually I like it, no, I mean I love it. Believe it or not, it’s one of my favorite now.” Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti sa sinabi nito. Iba kasi sa pakiramdam na marinig mula rito ang mga katagang iyon. “Okay, kapag natalo mo ako, ipagluluto kita ng Crème Burlee. Pero kapag natalo kita, ibibilhan mo ako ng ice cream.” _ _ _ _ _ _ _ _ “WOW! Unbelievable!” halos ay manlaki ang mga mata niya sa pagkamangha nang bumungad sa kanya ang laman ng room na pinagdalhan sa kanya ni Rayven. It’s a huge music room. Maliban sa piano na nasa living room ng mansion ng mga ito ay mayroon pa palang ibang piano ang mga ito na nandoon sa music room na iyon. And believe it or not, that room is a dream room for a musician like her. Halos lahat kasi ng musical instruments ay nandoon. “Welcome to our family music room!” “By any chance, are you a family of musician?” “My ancestors, yes.” “That’s incredible! How does it feel to become a family of musicians?” “Pressured. Whether you like it or not, you should learn how to play musical instruments.” “So, does it mean you know how to play all these instruments?” namamanghang tanong niya. “Nope. Piano, drums and guitar is enough for me. Pero si Kuya, he can play all of these instruments.” “Talaga?” Napamulagat siya sa nalaman. “He must be a music monster.” “Yeah.” “So, sumasali naman kayo sa mga musical competition?” “Sometimes ako ang nagrerepresent sa school namin.” Napatango-tango siya. No doubt kaya ang daming babaeng nagkakagusto rito. He’s really a multi-talented guy. “Come on,” yakag nito at hinatak siya palapit sa piano. Magkatabi silang umupo sa harapan niyon. “So what kind of game are we going to play?” Napalunok siya. Patay siya nito. Mapapasubo siya nang wala sa oras. Mukhang matatalo yata siya. Ngayon lang kasi niya nalaman that music runs through his veins. Nagsisi tuloy siyang nakipagpustahan pa siya rito. Pero narito na siya kaya wala nang urungan. Nakakahiya naman kung magbabackout siya. “Paramihan tayo ng classical songs na alam. Tutugtog yung isa ng classical song tapos huhulaan naman nung isa. If hindi nahulaan that would be one point and magpapatuloy siya sa pagtugtog. Kapag nahulaan naman kung anong classical song iyon, that would be one point sa nakahula at siya naman ang next na tutugtog.” “Mukhang maganda iyan,” nakangiting payag nito sa suggestion niya. Mabuti naman at pumayag ito. Iyon na lang kasi ang alam niyang paraan para manalo siya. Marami rin kasi siyang alam na classical songs at doon siya mas nagi-excel. That would be her advantage. So, she’ll grab that. Ilang sandali pa’y napagpasyahan nilang magjack-en-poy. At ganon na lang ang lawak ng ngiti niya nang siya ang manalo. Ibig sabihin kasi niyon ay siya ang unang tutugtog. Huminga muna siya ng malalim bago niya inihanda ang mga daliri sa ibabaw ng mga tiklado. Ilang sandali pa’y nagsimula na siya sa pagtugtog. “So, what song is this?” Nakangiting sumulyap ito sa kanya. “Moonlight Sonata by Beethoven.” Awtomatikong napahinto siya sa pagtugtog dahil sa sinabi nito. Napasimangot siya. ‘Badtrip. He got it.’ “One point for me. Ako naman.” Nakangiting tumugtog ito. Napahagikgik siya nang marinig iyon. “Nocturnes, Opus 9: No. 2 by Chopin. Yes! One point for me!” Binelatan pa niya ito na ikinatawa nito. Sunod siyang tumugtog. “What song is this?” “It’s Suite Bergamasque, L., 75: III. Claire de Lune by Debussy.” Napasimangot siya nang mahulaan nito ang tinutugtog niya. “Two points! Para sa Crème Burlee!” Masamang senyales ito. Mukhang marami yata itong alam na classical piano pieces. Napangiwi siya nang wala sa oras. Dapat nagtanong muna siya rito kanina. “What song is this?” Ilang sandali pa’y tumugtog ito. At bahagya siyang natigilan nang marinig ang tinutugtog nito. Wala sa sariling napatitig lang siya sa binatang tila nag-eenjoy sa pagtugtog. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit nawiwili siyang panuorin itong tinutugtog ang napakagandang piece na iyon. “You don’t know this piece?” nagtatakang tanong nito nang hindi siya sumagot. “That’s my favorite piece, Mozart’s Piano Sonata No. 11: III. Alla Turca.” Akmang hihinto na sana ito nang agad niya itong inawat. “Don’t stop. Tapusin mo please.” “Okay.” Napangiti siya nang magpatuloy ito. Halos ay hindi na mabura-bura sa mga labi niya ang ngiti habang pinapanuod itong mabilis na pumindot sa mga tiklado. Habang tumutugtog ito ay sumusulyap ito sa kanya at napapangiti lang ito nang makitang tuwang-tuwa siya. Hindi niya maintindihan, pero hindi niya mapigilan ang sariling hangaan ito nang mga oras na iyon dahil napakahusay nitong tumugtog ng piano. She was mezmerized. And now, watching him play her favorite classical piece for her made her feel special. Sobrang nakakataba ng puso. Pakiramdam nga niya’y tila siya nakalutang sa alapaap. And the enjoyment and addiction of that feeling felt at if she doesn’t know how to put her feet back on the ground. Ilang sandali pa’y nagtagpo ang mga mata nila. At pakiramdam niya’y tila huminto ang takbo ng oras nang matitigan niya ang magagandang mga mata nito. His eyes made her melt. His stares caused a commotion inside her chest. Halo-halo na ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Pagkamangha, paghanga at yung iba, she doesn’t know. It’s her first time feeling those emotions. It’s a feeling she can’t comprehend. Papaano nga ba naman niya mai-explain ang isang bagay at pakiramdam na ngayon lang niya naramdaman? Hanggang sa matapos itong tumugtog ay nakangiti lang silang pareho sa isa’t-isa habang nakatitig sa isa’t-isa. “It’s your turn.” Ang sinabi nitong iyon ang gumising sa tila natutulog niyang diwa. Tumango siya. Ngayon lang pumasok sa isip niyang titig na titig siya sa mukha ng binata. And she find that embarrassing. Namumula ang mukhang mabilis siyang nagbawi ng tingin at itinutok ang pansin sa piano. “What piece is this?” Napangiti ito. “That’s Beethoven’s 2 Rondos, Opus 51: No. 1. Yes! Three points for me!” Napakamot siya sa ulo. Anong classical music ba ang hindi nito alam? Mukhang matatalo yata siya. Ito naman ang sunod na tumugtog. “What’s this?” Napailing-iling siya. “Ang dali. Hirapan mo naman. Reverie by Debussy. Three points na rin ako! My turn.” Kailan kaya matatapos iyon? Mukhang wala yata silang balak na magpatalo sa isa’t-isa. Naku, baka maubusan siya ng piece na alam. Patay siya kung nagkataon. Nagsimula na siyang tumugtog ng bagong kanta. Napangisi siya nang bahagyang kumunot ang noo nito. “What song is that?” salubong ang kilay na tanong nito. Napabunghalit siya ng tawa. “Should I celebrate now?” “Saglit! Walang dayaan ha! Sigurado ka bang classical piece iyan?” hindi maipinta ang mukhang tanong nito. Lalo siyang natawa sa sinabi nito. “Oy excuse me! Hindi ako nandadaya ano! Classical piece ito ‘nuh! Sadyang hindi mo lang talaga alam.” She rolled her eyes. ‘Mukhang ba akong mandaraya? Pektusan ko ‘siya eh.’ Napabuga ito. “Fine, I give up. What piece is that?” Napangiti siya ng malawak. Naaamoy na niya ang panalo. “It’s Rachmanioff’s Six Moments Musicaux, Opus 16: No. 3.” Napatango-tango ito. “Hindi ko siya kilala.” “He’s a Russian pianist in Romantic Period.” Napatango-tango itong muli. Napangiti siya ng malawak. “So ibig bang sabihin niyon, panalo na ako?” “Huh?” kumunot ang noo nito. “One point pa lang ang lamang mo sakin hindi ba?” “Oo, isa pa lang,” nakangusong sagot niya. “Eh kung piece kaya niya lahat ang tutugtugin ko eh di sure win na ako?” malawak ang ngiting tanong niya. “Ay grabe siya.” “Bwahahahahaha! Like this oh.” Tumugtog siya ng iba pang piece ni Rachmanioff. “I’m sure you don’t know this.” At halos ay mamatay na siya sa kakatawa nang makitang hindi na maipinta ang mukha ni Rayven. “O Ito pa.” Tumugtog ulit siya ng ibang piece ni Rachmanioff. “Ang daya mo naman!” reklamo nito na tinawanan lang niya. “I’m not madaya! Mautak lang talaga ako. Hahahaha!” “Tss! Fine you win!” “Yehey! May ice cream na ako! Thank you!” Sa matinding tuwa niya ay pumalakpak siya na parang bata. Napailing-iling na lang ito. “O magpractice ka na muna rito at ibibilhan na kita ng ice cream mo kamahalan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD