30 - His Wish

2959 Words
“SYDNEY?” Mula sa kinukutingting na gitara ay napalingon siya sa pinto nang pumasok si Ate Hazel sa kanyang silid. “Yes ate? Do you need anything?” Nagtatakang itinigil niya ang paggigitara upang harapin ito. “Nasa baba si Rayven,” pagbibigay alam nito. “He’s looking for you.” Agad niyang itinuloy ang paggigitara sa narinig. As if trying to ignore what she just heard. “Sydney?” untag sa kanya ni Ate Hazel. “I said, nasa baba si Rayven. He wanted to see you,” ulit nito sa sinabi nito. “Did you hear me?” “Yes.” Parang balewalang nagpatuloy pa rin siya sa paggigitara. “But I’m too busy to entertain any visitor right now.” Tumaas ang kilay nito. “Sa kalagayan mong iyan? Busy ka na niyan?” “Yeah, I’m composing a song you know and I don’t want to be disturbed by anyone. I need to focus on this,” pagdadahilan niya at naghum habang tumitiplak sa gitara. Hazel rolled her eyes and then sighed. “Ang sabihin mo, iniiwasan mo lang siya. Aba, ilang beses ka nang pinuntahan dito ni Rayven. Sa sobrang dami, I lost count already. I thought you’re already okay pero bakit ganyan ang trato mo sa kanya? Hindi ka ba naaawa dun sa tao sa ginagawa mo? Ilang beses nang nagpapabalik-balik yung tao rito para makita at makausap ka. But here you are ignoring him as if you’re not close with each other.” Natigilan siya at hindi nakaimik sa sinabi ng pinsan. Oo tama, dalawang araw na ang nakakaraan mula nang makauwi sila ni Rayven. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang magkulong sa silid niya upang iwasan ito. Sa tuwing nagpupunta naman si Rayven sa kanila upang kamustahin at dalawin siya ay palagi siyang gumagawa ng rason upang hindi niya ito makaharap at makita. Hangga’t maaari kasi ay gusto niya itong iwasan sa abot ng makakaya niya. Kung bakit? It’s because of their last conversation. Hindi niya kasi matanggap na nainlove na naman ito. At ang malala sa ibang babae pa. And that hurts her big time. Hearing those words coming out from his mouth is just too painful to bear. Ganon ba talaga siya kahirap mahalin? Pakiramdam niya’y sadyang pinaglalaruan yata siya ng pagkakataon. Kung kailan naniwala na siya sa love na iyan, tsaka pa siya papalpak ng ganoon. She learned to love but she doesn’t felt loved. Not at all. “Rayven is a good guy. Kung may nagawa man siyang mali or maybe if you’re still mad at him because of what he did to you at the competition, I’m sure he can make it up to you. Just give him a chance. Hindi naman siya ganon kasama para tratuhin mo ng ganyan. He doesn’t deserve to be treated that way Sydney. Hindi mo alam pero ako ang nasasaktan sa ginagawa mo.” Napipilan siya sa sinabi ng pinsan. Bakit ganon? Sinusubukan lang naman niyang makalimot. And she’s only trying to protect herself from getting hurt. Pero bakit ganoon? Bakit siya pa rin ang nagmumukhang masama? “Please Sydney, give him a chance,” nagmamakaawang pakiusap ng pinsan. ‘Give him a chance then what? I’ll fall for him hard to the extent na halos ay hindi na ako makaahon sa pagkakahulog ko sa kanya. Tapos masasaktan lang din ako ng paulit-ulit? I just can’t do that. I can’t let myself suffer too much because of this damn useless love! ’ gusto niyang isumbat iyon but she refrained herself from doing that. On the first place, her cousin has nothing to do with her issue. Wala itong kinalaman sa mga pinagdadaanan niya. “Pwedeng iwan mo na muna ako ate? Busy ako. Ayoko na munang magpaistorbo ngayon.” Muli niyang itinutok ang pansin sa paggigitara at pilit na inignora ang mga sinasabi nito. Napabuntong-hininga na lang ang pinsan. “If that’s what you really want then fine, suit yourself.” Wala itong nagawa kundi ang iwan siya roon. Nang wala na ito ay mariin niyang ipinikit ang mga mata at napabuntong-hininga. “I’m sorry ate. I know I’m being too selfish but I’m only doing this for my own good. Sana maintindihan niyo ako.” Ilang sandali pa’y muli niyang itinutok ang tingin sa gitara at nagsimula sa pagtugtog. She felt like she wanted to sing a song to make her self okay. It's a song for a fool like her. Napangiti siya nang mapait sa mga linya ng kantang iyon. Bagay na bagay sa kanya iyon. Yes, she admit she’s stupid for letting things happen that way. She was a fool for letting herself fall for a friend. Now, she’s suffering from the consequences of that choice. 'I don't want to suffer like this just because of this foolish love.' Pakiramdam niya’y may punyal na tumama sa kaibuturan ng puso niya. Yes, it hurts so much that’s why she decided to get away from him. Habang maaga pa. Habang kaya pa niyang umahon mula sa nararamdaman niya. Susubukan niyang layuan ito sa abot ng makakaya niya. Naninikip ang dibdib na huminga siya nang malalim upang payapain ang sarili. Kasi pakiramdam niya, anumang oras ay papatak na ang mga luha niyang matagal an niyang pinipigilan. Rayven means a lot to her but she must accept that he doesn’t feel the same way. She knew if his new girl accepts his love, for sure she’ll be left alone. Lalayuan at iiwan na siya nito at iyon ang kailangan niyang tanggapin. So, she needed to deal with it. Hopefully, she will be able to do that. Na kahit saktan siya nito, hinding-hindi na siya iiyak. Hinding-hindi na siya masasaktan kahit ano pa ang gawin nito sa buhay nito. Ilang sandali pa'y hindi na niya napigilan pa ang sakit at sama ng loob na pilit niyang kinikimkim sa loob ng ilang araw. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha niya. She’s also hoping that one day, if that day comes, na sa oras na iwan siya nito upang piliin ang babaeng gusto nito, wala na ang pagmamahal niya rito. Nang sa ganon ay hindi na siya masaktan ng sobra tulad ng nararamdaman niya ngayon. Dahil una pa lang alam naman niyang wala na siyang pag-asa rito. Sa simula pa lang ay talo na siya rito. Right this moment, she has to say goodbye to him. At ngayon pa lang ay kailangan na niyang sanayin ang sarili. That goodbye is meant for the both of them. Gustuhin man ni Rayven na manatili silang magkaibigan ay hindi niya kaya. Hindi pa niya kaya sa ngayon. She needed to protect herself first from all those pains. Uunahin muna niya ang sarili niya bago niya intindihin ang mga bagay na gusto nitong mangyari. Dahil kapag sinunod niya ito, siya lang din naman ang masasaktan at mahihirapan sa huli. And she doesn’t want to end up being a loser. Kahit sabihin nating mahalaga siya kay Rayven, darating at darating pa rin siya sa puntong iiwan din siya ng lalaki. Because on the first place, he will never be his top priority. She really needed to say goodbye to him. On the first place, isa sa mga araw na ito ay aalis na siya sa lugar na iyon upang makasama ang parents niya. “Ang lungkot naman ng tinutugtog at inaawit mong kanta. Tell me, may pinagdadaanan ka ba?” Awtomatikong napahinto siya sa paggigitara at napalingon sa pinto ng silid niya kung saan nanggaling ang boses. Bahagyang kumunot ang noo niya nang makitang nakabukas na iyon. Kung kailan iyon bumukas, iyon ay hindi na niya namalayan. Pasimple niyang pinunasan ang basing pisngi. “What are you doing here?” tanong niya kay Rayven na kasalukuyang nakahalukipkip habang nakasandal ito sa hamba ng pinto. Kung hindi lang niya ito kilala, marahil ay iisipin niyang isa itong model na nagpu-photoshoot base na lang sa pose nito. May sa pusa yata ang lalaking ito dahil hindi man lang niya namalayan ang pagdating nito. At batay sa ekspresiyon ng mukha nito ay sigurado siyang kanina pa ito nandoon. Hopefully ay hindi nito nakitang lumuluha siya habang umaawit. He shrugged his shoulder and looked at her straight in the eye. “Well, I’m here obviously para dalawin ka.” “I already told Ate Hazel, I’m too busy to entertain any visitor right now.” “Well, I don’t want to accept that lame excuse for the twentieth times. On the first place, you don’t have summer class or work to get busy with, so I insisted to climb upstairs just be here. And as what I have expected, you’re not that busy after all.” Napasimangot siya sa sinabi nito. It only means that she was caught red handed for lying. ‘Darn it.’ “Can I come in?” “No,” mabilis niyang sagot sa tanong nito nang akmang hahakbang ito papasok sa silid niya. “Okay, then maybe I’ll just stay here.” Sukat sa sinabi nito ay basta na lang ito sumalampak ng upo sa sahig sa tapat ng pinto ng silid niya. Nagsalubong ang kilay niya. “What the hell do you think are you doing?” “Sitting I guess? You’re not blind, are you?” She rolled her eyes. Sa totoo lang, lalo lang siyang naiinis sa pamimilosopo nito. At wala siya sa mood para patulan ang mga kalokohan nito. She glared at him. “I already told you I’m busy. Can you please just leave me alone?” “Not until you tell me what’s going on. I have a strong feeling that you’re avoiding me again. I thought we’re already okay the other day. But why all of a sudden you’re doing this? Why are you treating me this way? May nagawa na naman ba ako?” sunud-sunod na tanong nito. “Wala,” walang emosyong sagot niya. “Then why are you building an invicible wall between us? Why are you pushing me away from you?” “That’s none of your business.” “It is my fvcking business Sydney dahil una sa lahat ako ang tinatrato mo ng ganyan. Please sabihin mo naman sakin kung anong problema. Why are you so cold to me? And why are you mad at me?” Hindi siya kumibo sa tanong nito. Tahimik lang siyang nakatitig dito nang walang nakalarawang anumang emosyon. “Sydney if you’re still thinking about what I’ve done in the competition then I’ll explain it to you. I’ll be honest with you, yes, I don’t want you to win. I don’t want you to get the crown.” Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito. She didn’t expect to hear all of that from him. “Why did you do that? You’ve witnessed all my sacrifices just to get that crown. And now here you are telling me as if I don’t deserve to win that damn competition? Why of all people? Bakit ikaw pa?” naluluhang panunumbat niya. “Sydney..” Tumayo ito at akmang lalapitan siya ngunit mabilis niyang itinaas ang mga kamay, trying to stop him from getting near her. “Don’t you dare come near me.” “Sydney it’s not what you think it is. Nagawa ko lang naman iyon because the other judges told me that the son of the governor which is that fvcking @sshole, likes you. Papanalunin ka nila para makasama ka niya sa isang tour package and within that week, he’s planning to make you fall for him. And I don’t like that idea so I made a decision to lower down your score just to save you from that bastard. But sad to say I failed with my plan, so I was left with no choice but to follow you, to intervene and ruin all his plans.” Natawa siya ng pagak sa narinig. Kung ganon lang sana kadaling pahulugin ang loob niya sa ibang lalaki. Pero hindi eh, dahil kahit gaano pa siguro karaming lalaki ang magkagusto sa kanya, ito pa rin ang hahanapin ng mga mata niya, ang tanging pipiliing mahalin ng puso niya. “Rayven, your reasons are too shallow. Kahit gaano pa karaming lalaki ang magpakilala, manligaw o magkagusto sakin, I will never fall for anyone that so easily. Alam mo kung bakit?” She paused for a second to look at him and wait for his answer but he remained silent, as if waiting for her to talk. “It’s because I don’t believe in love. You should have known that.” Yes, she lied again but it’s for the best. Because the truth is, she will never fall for anyone because he already has a big part of her heart. But she doesn’t want to tell the truth. Ayaw niyang magmukhang tanga. And she doesn’t want to worsen the agony and pain she’s feeling inside because of that unrequited love. Nakita niya ang pagbagsak ng mga balikat nito sa sinabi niya. Hindi man nito sabihin ay alam niyang tila nalungkot ito sa mga binitiwan niyang mga kataga. Kung bakit? Iyon na ang hindi niya alam. At ayaw na niyang alamin pa ang dahilan kung bakit ganon ang naging reaksiyon nito sa mga sinabi niya. “Sydney I know I hurt you. I’m so sorry, I really am, can you please forgive me?” nagmamakaawang pakiusap nito. Honestly, she can forgive him. Pero sa oras na ginawa niya iyon, magiging okay na naman sila, magkakasama na naman sila. And she knew, if that happens, there’s no guarantee that she can move on from him. At ang mas malala, baka lalo lang siyang mainlove dito. At kapag nangyari iyon, for sure it will be too hard for her to get out from that situation. Ayaw niyang malumlom sa nararamdaman niya rito. Kaya mas mabuti pa sigurong umalis na siya sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon. “If I forgive you, will you stay away from me?” “W-what?” hindi makapaniwala at tila gulat na gulat na napatitig ito sa kanya. Napabuntong-hininga siya at tinitigan ito ng tuwid sa mga mata. “I didn’t come here to make ties or be friends with anyone.” “Sydney..” Lumarawan ang sakit sa mukha nito sa mga sinabi niya. “Rayven, alam mo naman siguro ang reason kung bakit nandito ako hindi ba?” tanong niya ngunit nanatili lang itong tahimik na nakatingin sa kanya. “My parents went to America and they sent me here to teach me a lesson, para baguhin ako, to make me stay away from my vices, bad attitudes and to make me a good girl. At sa oras na matutunan ko na ang dapat kong matutunan, I will leave. Darating ang panahon na aalis ako sa lugar na ito. At kapag dumating man ang panahon na iyon, kakalimutan ko lahat ng mga taong nakilala ko rito at lahat ng alaalang mayroon ako rito.” “Kaya ngayon inuunahan mo na? Makapagsalita ka parang ang dali lang gawin iyang mga sinasabi mo. Ganon ba kadaling kalimutan lahat? Ha? Sydney? Ganon ba kadali para sa’yo?” habang nagsasalita ito nang mga oras na iyon ay may mga luhang pumapatak mula sa mga mata nito. And the scenery is killing her bigtime. Hindi man niya aminin ngunit nasasaktan siya kapag nakikita niya itong umiiyak ng ganoon. “Sa’yo oo, siguro madali, pero paano naman kami na hindi sanay sa ganyang istilo mo? Darating ka sa buhay namin tapos aalis ka na parang wala lang lahat? Sydney, bali-baliktarin mo man ang mundo, naging bahagi ka pa rin ng buhay namin. Gustuhin mo man o hindi, may mga alaala tayo kasi may pinagsamahan tayo. Pero bakit ganon? Bakit ganon kadali para sayong itapon lahat ng iyon na para bang wala lang lahat ng iyon sa’yo?” “Because that’s the best thing for me to do.” “So, in the end sarili mo pa rin ang iisipin mo. Paano naman kami na nasanay sayo? Paano naman kami na naging malapit sayo?” panunumbat nito. “Sydney, hindi namin kayang gawin iyang mga ginagawa mo. Hindi kami katulad mo na kayang itapon lahat. Honestly, kung kami ang tatanungin mo, alam mo ang gagawin namin habang may oras pa? We’ll do our best to spend the remaining time with our friends and those who will be left behind. Hindi yung ganyan na magmumukmok ka at iiwasan kami. Kakaiba ka sa lahat ng taong nakilala ko. Ikaw lang ang nakilala kong walang pakialam sa nararamdaman ng ibang taong nakapaligid sayo. You’re so heartless.” Tila may punyal na bumaon sa dibdib niya sa binitiwan nitong mga kataga. Kung alam lang sana nito ang pinagdadaanan niya. Marahil ay maiintindihan nito kung bakit ganon ang gusto niyang mangyari. “But if that’s what you want then there’s nothing I can do. Just go ahead, I will never stop you now.” He turned his back on her. Noon ay tuluyan na niyang hindi napigilan ang sunud-sunod na pagpatak ng mga luha niya. Umiiyak na dinaklot niya ang tapat ng naninikip niyang dibdib. “Before you go, before you run away from me,” pumiyok pa ito habang sinasabi ang mga iyon. Nanatili itong nakatalikod habang nagsasalita ito kaya hindi nito nakikita kung paano siya umiyak nang mga oras na iyon. “I’m asking one thing from you, tomorrow is my birthday, I wanted you to be there for me. I wanted you to spend your remaining time with me on my special day. Kahit ‘yon na lang ang regalo mo sakin, wala na akong ibang hinihiling sa’yo Sydney, kundi iyon lang. I hope you grant my last wish before you leave and forget me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD