31 - I'm Glad

2148 Words
“SYDNEY?”   “Yes Tita?” mabilis niyang pinagbuksan ng pinto ang tita niya nang kumatok ito sa pinto ng silid niya.   “You have phone call, your mom wants to talk to you,” anito at iniumang sa kanya ang cordless phone na hawak nito.   Napatitig siya sa bagay na iyon. Kung dati ay naiexcite siyang makausap ang parents niya ngunit ngayon ay iba ang nararamdaman niya. Ngayon ay nagdadalawang isip siya kung tatanggapin ba niya iyon o hindi. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit natatakot siyang kausapin ito. Natatakot siyang marinig ang mga sasabihin nito.   “Come on take it,” untag ng Tita niya. Nang hindi pa rin siya tuminag ay naiiling na kinuha nito ang kamay niya at inilapag ang aparato sa palad niya. “Just talk to them. Balitaan mo na lang ako sa pag-uusapan niyo.” Pagkasabi nito niyon ay isinara na nito ang pinto at iniwan siyang mag-isa sa silid niya.   Napatingin siya sa hawak. She have to answer the phone. Dahan-dahan niyang inilapit iyon sa tapat ng tainga.   “Mom..”   “Hello baby!” masayang bati ng mommy niya nang sagutin niya ang tawag nito. “How are you there? Kumakain ka ba ng tama? Maayos ba ang tulog mo? Di ka na ba nag-iinom? Lumalabas ka pa ba at naglalakwatsa?” sunud-sunod na usisa nito. Hindi siya kumibo. “Hello? Sweetie? Are you alright? Are you there? Hello?”   “Yes mom, I’m here,” mahinang sagot niya.   Napabuntong-hininga ito. “We already miss you. How about you, do you miss us?”   “Of course, I miss you.”   “Bakit parang ang lungkot mo anak? Are you okay? Is there something wrong?” nag-aalalang tanong nito.   Hearing her mom worried like that felt so good. She was touched. Gusto niyang umiyak rito. Gusto niyang sabihin dito ang tungkol sa lahat ng nararamdaman at pinagdadaanan niya. But she refrained herself from doing so. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito sa kanya.   “I’m fine, don’t worry about me.”   “Your Tita told me na hindi ka raw lumalabas ng kwarto mo nitong mga nakaraang araw. May problema ka ba anak?”   “Nothing mom, I just.. I just want some time alone.”   “Why?”   Mabilis siyang nag-isip ng maidadahilan. “Because.. Because I miss you.”   “Oh, I miss you more baby.”   She seemed touched with her lies. Napakagat-labi siya. She doesn’t have a choice but to lie to her.   “Don’t worry, one of these days, makakasama ka na namin.”   Natigilan siya sa narinig. “W-what do you mean mom?” halos ay pigil ang hiningang tanong niya.   “Well, your Tita told us that you have already changed for good. That’s why your dad and I decided to get you. So, you have to prepare all your things now.”   Nanghihinang napaupo siya sa gilid ng kama niya.   “Because five days from now, you will be having your flight. I’m so happy, magkakasama na ulit tayo anak..”     _ _ _ _ _ _ _       “SYDNEY, let’s go.”   Iniangat niya ang tingin sa pinto mula sa pagkakasubsob sa unan nang marinig niya ang marahang katok doon.   Nang bumukas iyon ay nakita niya ang Ate Hazel niyang nakasuot ng white evening dress. Nakapag-ayos na ito at mukhang handa nang magtungo sa hacienda nina Rayven.   “What are you still doing? Bakit hindi ka pa nakapag-ayos?” nanlalaki ang mga matang tanong nito nang makita siya. Ngayon kasi ang birthday ni Rayven at sa hacienda ng mga ito gaganapin ang naturang party. “Hindi ka ba aattend sa birthday niya?” hindi makapaniwalang tanong nito.   “I’m not in the mood to attend any party right now,” nababagot na sagot niya.   “You’re so unbelievable!” palatak nito at taas ang kilay na pumasok sa silid niya upang lapitan siya. “Rayven is expecting you to go!”   “Para saan pa? Ilang araw na lang, aalis din naman ako hindi ba?”   Nang maalala niya ang pinag-usapan nila ng ina pakiramdam niya’y tila bumigat ang pakiramdam niya. She’s leaving. She’s getting away from Rayven for good. Iyon naman ang gusto niyang mangyari, ang lumayo sa lugar na iyon. Ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi pa rin niya magawang magsaya. Napabuga siya. Nababaliw na yata siya. Magmula nang guluhin ng love na iyan ang paniniwala niya, tuluyan na ring nagulo ang mundo, isip at buong sistema niya. Sobrang naguguluhan na siya. Gusto niyang lumayo kay Rayven upang pigilan ang sariling masaktan dito. Ngunit kapag gagawin na niya, pinipigilan siya ng puso niya.   Natigilan ito sa sinabi niya. Ilang sandali pa’y napabuntong-hininga ito at pagkuwa’y umupo sa gilid ng kama niya.   “Eh ano naman ngayon kung aalis ka na? Why don’t you enjoy your remaining days here?”   As if naman mai-enjoy pa niya ang mga natitirang araw niya roon.   “Sydney, gusto mo bang malungkot si Rayven sa mismong araw ng kaarawan niya?” tanong nito. Natahimik siya sa tanong nito. “Aalis ka na hindi ba? Then it will be his last chance to be with you on his special day. Please huwag mo na sanang ipagkait pa sa kanya ang kahilingan niya. Pagbigyan mo naman siya kahit ngayon lang. Ako na mismo ang nagmamakaawa sayo. Attend his birthday party, for the last time, please?”   Huminga siya ng malalim at pagkuwa’y mariing ipinikit ang mga mata at napabuga. Hindi naman siguro masamang umattend sa birthday party nito. Siguro iyon na lang ang regalong maibibigay niya rito upang maging masaya ito sa pinaka-espesyal na araw na iyon. Kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon.   “Fine, I’ll go.”   “Yes! Thank you.” Halos ay nakahinga ito nang maluwag nang mapapayag siya nito. “For sure ay hindi na ‘yon malulungkot,” tuwang-tuwang sabi nito at pumalakpak pa. “So, what are you going to wear?”   Ikinibit niya ang balikat. Honestly, wala pa naman siyang dalang pang-party or social dress.   “Wait, may mga dress ako sa kwarto ko na hindi ko pa nagagamit. Halika at ikaw na mismo ang pumili ng gusto mo.”   Bago pa man siya makasagot ay hinatak na siya nito palabas ng silid niya upang magtungo sa silid nito. Napailing-iling na lang siya at walang nagawa kundi ang magpatianod dito.   Ilang sandali pa’y nasa tapat na sila ng nakabukas na cabinet sa walk in closet nito. And there she saw different kinds of dress. Some are above the knee, while others are long dress. Iba-iba ang tabas, kulay at designs ng mga iyon.   “Pumili ka na r’yan,” ani ate Hazel habang binubuksan ang mga lagayan nito ng mga high heeled shoes nito.   Isa-isa niyang tiningnan ang mga dress at isa sa mga iyon ang nakakuha ng atensiyon niya. Agad niyang kinuha iyon at kinilatis ng maigi. It’s an A-line V-neck satin double dress with silver sequin beaded top and  yellow ruffles long skirt. She found it too beautiful, adorable and mesmerizing.   Napangiti siya. Iniimagine pa lang niya ang sariling suot iyon ay hindi niya maiwasang matuwa. It suits on her for sure.   “Nakapili ka na ba?” usisa ni Ate Hazel at mabilis na lumapit sa kanya upang tingnan ang dress na napili niya. Napangiti ito nang makita ang hawak niya. “Magaling kang pumili, maganda siya and I’m sure bagay na bagay iyan sayo. So, heto naman ang babagay diyan.” Mabilis nitong dinampot ang silver high heeled shoes nito.   Ilang sandali pa’y inutusan na siya nitong bumalik sa silid niya upang makaligo siya. Nang matapos ay isinuot na niya ang dress at napangiti siya nang makitang saktong-sakto iyon sa kanya. Hindi nga siya nagkamali ng hinuha. Bagay na bagay nga sa kanya ang naturang dress.   Ilang sandali pa’y inayusan na niya ang sarili. She applied a simple make up on her face. Nude eye shadow, eyebrow liner, blush on and a nude pink lipstick. Napangiti siya nang makitang pinalutang ng make up niya ang ganda niya.  Isinunod niya ang buhok niya. Since sanay naman siyang ayusan ang sarili ay siya na rin mismo ang nag-ayos ng buhok niya. She decided to make a lace braided bun hairstyle for her hair. Nang matapos ay isinuot na niya ang paborito niyang hikaw, bracelet at necklace. And for the final touch, pinabanguhan niya ang sarili at isinuot ang sapatos.   Kinilatis niya ang sarili sa salamin at napangiti siya sa nakita. She’s astonishingly beautiful.   “Sydney, matagal ka pa ba?” Bumukas ang pinto at mula roon ay sumilip si Ate Hazel at ganon na lang ang pagkatulala at pag-awang ng mga labi nito nang makita ang itsura niya.   “Oh my gosh! Mas maganda pa ang ayos mo ngayon kaysa noong pageant ah!”   “I’ll take that as a compliment, thank you,” nakangiting sagot niya. “So, let’s go?”   “Sure.” Masayang umabrisiyete ito sa kanya. Naglakad na sila palabas ng silid niya. “I’m so excited! I’m sure matutulala si Rayven sa’yo niyan.”     _ _ _ _ _ _ _ _       “COME ON, let’s go inside,” excited na yakag ng Tita niya nang makababa sila sa sasakyan.   Nang ikalat niya ang tingin sa kabuuan ng bakuran ng mansion nina Rayven ay namangha siya nang makita kung gaano kaganda ang designs ng bakuran. May mga round tables na nakahilera doon na naadornohan ng mga naggagandahang bulaklak. At ang mas nagpaganda sa lugar na iyon ay ang mga mamahaling single chandelier light pieces na nakadesigns sa taas na siyang nagbibigay liwanag sa paligid at sa munting entablado na ipinatayo sa mismong tapat ng fountain. Mukhang talagang pinaghandaan ang pagsasalong iyon. Napaka-enggrande ng pagsasalong iyon kaya pati ang mga panauhin ay hindi naman nagpahuli sa kanilang mga magagara at mamahaling suot. Base pa lang sa suot ng mga ito ay sigurado siyang lahat ng mga naroon ay kabilang sa mga mayayamang angkan sa lugar na iyon.   “Let’s go! Let’s go!” Mabilis na humawak sa braso niya si Ate Hazel at hinatak siya papasok sa loob ng mansion. Habang naglalakad silang magpinsan nang mga oras na iyon ay napansin niyang ilan sa mga bisita ay napapalingon sa kanila. At lahat ng nakakakita sa kanya ay bahagyang natutulala. “No one can’t resist your beauty. You’ve got a lot of attention, see how they look at you,” natatawang pang-aasar ng pinsan.   Napabuga na lang siya sa sinabi nito at pagkuwa’y nagkibit ng balikat. On the first place, she’s used to it. Kaya naman ay balewala na sa kanyang pagtinginan ng mga tao.   Nagpatuloy sila sa paglakad hanggang ilang sandali pa’y nakapasok na sila sa loob ng mansion kung nasaan ang ilang kamag-anak ng pamilya Castillo.   “Oh I’m glad you came Sydney,” tuwang-tuwang sinalubong siya ni Tita Margie nang makita siya nito.   “Good evening po Tita,” bati niya rito. Nakipagbeso-beso ito sa kanilang magpinsan. Nang matapos ay namamanghang pinasadahan siya nito ng tingin.   “Ke ganda-ganda mo talagang bata.”   “Thank you po Tita.”   “Anyway, come here, I’ll introduce you to our relatives.”   Bago pa man siya makapagsalita ay hinatak na siya nito palapit sa kamag-anak nito.   “Enjoy!” Natatawang kinawayan na lang siya ni Ate Hazel na pinuntahan ang nobyo.   Napabuga na lang siya at nagpatianod sa paghatak ng ginang. Ilang sandali pa’y ipinakilala na siya ni Tita Margie sa mga kamag-anak nito. Wala itong naging bukambibig tungkol sa kanya kundi ang pagkapanalo niya sa pageant, pagiging talented niya, matalino, maganda at ang mga masasarap niyang luto. She brags about her as if she’s her own daughter. Natatawa na lang siya rito. At some point ay nakalimutan niya ang problema niya dahil dito.   “Ang ganda mo namang bata. May boyfriend ka na ba?”   Halos ay wala na siyang ibang narinig mula sa mga kamag-anak nito kundi ang mga salitang iyon.   “Naku, magkakaroon pa lang,” iyon naman ang agad na isinasagot ni Tita Margie sa lahat ng nagtatanong. Hindi niya maiwasan ang sariling matawa sa usapan ng mga ito. She’s really fond of Rayven’s mom. Napaka-kwela kasi ng ginang. And she enjoyed herself being with her.   “Mom, dad is looking for you.”   Pakiramdam niya’y bumilis ang t***k ng puso niya at nahigit niya ang paghinga nang marinig ang boses ni Rayven sa likod niya.   “Oh anak andiyan ka na pala.” Lumawak ang ngiti ng ginang nang humarap ito sa likuran niya. “Sige, I’ll go to him, ikaw na muna ang bahala rito kay Sydney.” Isang matamis na ngiti ang ibinigay sa kanila ng ginang nang iwan sila nito.   Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Pakiramdam niya habang tumatagal ay lalong lumalala ang kabang nararamdaman niya. It felt like her heart will explode anytime.   “I’m glad you came, Sydney.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD