29 - Her Expectation Versus His Reality

2119 Words
‘AM I ALREADY dead?’   “Sydney, are you okay?”   Bahagya siyang natigilan nang marinig ang nag-aalalang boses na iyon.   ‘Or am I still alive?’ Pilit niyang pinakiramdaman ang sarili. Wala namang masakit sa kanya maliban lang sa hindi niya maigalaw ang katawan niya dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa kanya.   “Sydney? Wake up and please tell me you’re okay. Sydney, please wake up, I beg you.”   Nang maramdaman niya ang marahang pagtapik sa pisngi niya ay dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at bahagya siyang natigilan nang unang bumungad sa kanya ang naluluha at nag-aalalang mukha ni Rayven.   “R-Rayven?”   Nang makita nitong gising siya ay walang pagsidlan ang tuwang bumangon ito mula sa pagkakapatong sa kanya at niyakap siya nito nang mahigpit. She frozed for a second because of  too much shock. She didn’t expect that.   “Thank God you’re okay.” He looked happy and relieved.   Nang makahuma sa pagkagitla ay naguguluhang ikinalat niya ang tingin at halos ay pinanlamigan siya ng katawan nang makita niya ang punong halos ay nahati na sa dalawa, isang dipa ang layo sa kanilang dalawa ni Rayven. Sa kabilang dako naman niyon ay nandoon sina Brent at Coleen.   Hindi niya alam kung ano ang nagyari. Hindi niya alam kung papaanong buhay pa siya nang mga oras na iyon. Hindi niya rin alam kung papaanong napunta agad sa tabi niya si Rayven. Pero isa lang ang sigurado niya. Rayven chose to save and protect her than Coleen. And that idea made her happy, guilty and sad at the same time. Kung hindi lang ito dumating upang iligtas siya malamang ay pinaglalamayan na siya ngayon.   Halos ay hindi na niya maipaliwanag ang lahat ng nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Ang takot, ang kaba, ang saya. Dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman nang mga oras iyon ay hindi na niya napigilan pang maging emosyunal. Takot na takot siya sa maaring mangyari sa kanya. At nalulungkot at nagiguilty siya dahil sa kabila ng lahat ng masasakit na salita at pambabalewala niya kay Rayven ay iniligtas pa rin siya nito sa kapahamakan. At masaya siya dahil siya ang pinili nitong protektahan.   Hindi na niya napigilan ang matinding emosyon nang mga oras na iyon. Umiiyak na isinubsob niya ang mukha sa balikat nito. While doing that, she can’t deny the fact that she missed this guy so much. His scent, his embrace, his soothing voice, everything. She misses everything about him.   “I’m so sorry.. I’m so sorry..” nanginginig at paulit-ulit niyang usal habang umiiyak.   “Hey, you don’t have to be,” pang-aalo nito at tinapik-tapik ang likod niya as if trying to make her feel better. “It’s okay. It’s just okay.”   “Okay lang ba kayo? Wala bang nasaktan sa inyo?” Agad na nagsilapitan sa kanila ang lahat.   “Yeah, we’re okay, medyo nagulat at natrauma lang siya sa nangyari,” sagot ni Rayven at nginitian ang mga ito.   “Mas mabuti siguro kung bumaba na tayo,” suhestiyon ng iba nilang kasama. “We should postpone the activity for now.”   “Are you okay now? Can you walk?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Rayven.   Nang medyo nahimasmasan na siya ay marahan siyang tumango.   “Hush.. Don’t cry.. You’re okay now. I won’t let anything happen to you. I will protect you with all my life. I promise you that.” Pinahid nito ang luhaan niyang pisngi gamit ang mga daliri nito.   Tila may mga kamay na humaplos sa puso niya sa mga binitiwan nitong mga salita. She was touched by his words and with his actions. Naluluhang tumango siya.   “Let’s go,” yakag nito.   Ilang sandali pa’y inalalayan na siya nitong tumayo. Ngunit hindi pa man din siya nakakatayo, pakiramdam niya’y nanghihina ang mga tuhod niya. Marahil ay hindi pa rin siya nakakarecover sa nangyari sa kanya. Halos ay muntik na siyang mawalan ng balance ngunit naging maagap si Rayven. Mabilis siya nitong niyakap at sinalo.   “Are you really okay?” nag-aalalang tanong nito.   “N-no..” mahinang sagot niya at muling napahikbi.   Napabuntong-hininga ito. “I’ll just carry you then.” Bago pa man siya makapagreact ay namalayan na lang niya ang sariling nakasakay sa likuran nito. Ilang sandali pa’y natigilan siya nang mapansin niya ang balikat nitong may bahid ng dugo. Nakaramdam siya ng pag-aalala dito.   “Your shoulder is bleeding,” nag-aalalang sabi niya. “You can put me down now. I can manage to walk.” She doesn’t want to become a burden to him.   “It’s nothing don’t mind me. Gasgas lang ito.”   “But-”   “No more buts, just take a nap and rest.”   It seems like he’s too persistent. So she was left with no choice but to follow what he said. Yumakap siya rito at pagkuwa’y isinubsob ang mukha sa isang balikat nito. Ipinikit niya ang mga mata. And there she found peace. Hanggang sa ilang sandali pa’y unti-unti siyang iginupo ng antok at pagod.   Nang magising siya’y namalayan na lang niyang nakalulan na siya sa sasakyan ni Rayven. Kasalukuyan nilang binabagtas ang kahabaan ng kalsada pabalik sa siyudad.   “Where are we going? Yung mga gamit ko sa resort.” Napabalikwas siya ng bangon.   “We’re going home now. Yung mga gamit mo nasa likod na.”   Sukat sa sinabi nito ay napalingon siya sa backseat ng kotse nito at halos ay nakahinga siya ng maluwag nang makita doon ang lahat ng mga gamit niya.   Nang may maalala siya ay nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa binata.   “Wait, hindi pa tapos yung tour package. May mga pupuntahan kami.”   Nagsalubong ang kilay nito sa sinabi niya.   “Muntik nang manganib ang buhay mo, iyan pa rin ba ang iisipin at uunahin mo?”   Natigilan siya sa sinabi nito.   “Kung si Brent ang inaalala mo, umuwi na siya kasama si Coleen. Hindi ikaw ang priority niya so get over him. Just forget about that jerk.”   Bahagyang kumunot ang noo niya nang makita niyang humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela at dumilim ang mukha nito. Hindi niya alam kung bakit ito nagkakaganoon. Tatanungin na sana niya ito ngunit agad naagaw ng dumudugong balikat nito ang paningin niya. Akala ba niya ay gasgas lang iyon? Ngunit bakit hanggang ngayon ay dumudugo pa rin iyon? Mas marami na ngang dugo iyon ngayon kumpara kanina. Sa takot na mawalan ito ng maraming dugo ay agad siyang nagdesisyon.   “Stop the car.”   “Don’t tell me you’re going back there? For what? To be with that damn jerk? What the hell Sydney! Ganyan ba katigas ang ulo mo? Damn it! I already told you. You’re not his priority!”   “Narinig ko, hindi ako bingi!” naiinis na pakli niya. Alam naman niya iyon eh. Na walang may priority sa kanya ni kahit isa sa mga ito. Pero kailangan pa ba talaga nitong ipamukha iyon? ‘Damn him.’   “Then why are you still insisting yourself to him?! Damn it!” naiinis na sigaw nito. Nagtatagis ang mga bagang nito.   “Sinabi ko bang babalik ako sa kanya? Baliw ka ba?!” singhal niya. And one thing, wala naman siyang dapat balikan kay Brent. Nababaliw na talaga ang lalaking ito. “I’m just asking you to stop the car para magamot ko iyang sugat mo. Ang dami mong hanash! My god Rayven!”   Natigilan at natahimik ito sa sinabi niya. Ilang sandali pa’y lumambot ang ekspresiyon ng mukha nito at pagkatapos ay itinabi nito ang sasakyan nito sa gilid ng kalsada kung saan ay tanaw na tanaw nila ang napakagandang beach.   Agad niyang kinuha ang first aid kit na dala niya sa kanyang bag.   “Can I see the wound?”   Tumango ito at tumalikod pagkatapos ay itinaas ang tshirt na suot nito hanggang sa leeg nito. Nang makita niya ang makinis nitong likod ay napalunok siya. She never thought he has a well-built body like that. Kung icocompare niya siguro ito sa mga ilang teen actors ngayon sa showbiz for sure ay marami itong patataubin.   Nang mahimasmasan siya ay mabilis niyang ipinilig ang ulo. Hindi naman pwedeng tititigan na lang niya ang katawan nito. She have to cure his wound, nothing else. Napabuga na lang siya at pilit na itinuon ang atensiyon sa sugat nito. Napangiwi siya nang makita niya ang sugat nito sa balikat nito. Medyo natuyo na ang dugo sa paligid niyon. Napailing-iling na lang siya. Gamit ang alcohol at cotton ay pinunasan at nilinis niya ang paligid ng sugat nito. Medyo napapaigik pa ito sa tuwing nasasagi niya ang sugat nito ng bulak na may alcohol.   “Paano ba nasugatan ito?” nagtatakang tanong niya.   “Natamaan ng sanga nung niyakap kita.”   “Papaano ka nakarating agad sa kinaroroonan ko nang ganoon kabilis?”   “Can you keep a secret?”   Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “About what?”   Nilingon siya nito. “I’m superman.”   Napabunghalit siya ng tawa. “Bwisit ka! Ang korni ng joke mo!” Tinampal niya ito at huli na nang maalala niyang hawak pa niya ang bulak na may alcohol.   “Ouch!” daing nito nang makaramdam ng hapdi sa sugat. “Magdahan-dahan ka naman! Napakasadista mo talagang babae ka.”   “Opps! Sorry! My bad,” natatawang paumanhin niya. She continued on curing his wound. She put a betadine on it. Nang matapos ay kinuha niya ang gauge upang ipantakip iyon sa sugat nito. Kinuha niya ang isang malinis na tshirt sa bag nito sa likod at ibinigay iyon dito. “Here, change your clothes.”   “Thanks.” Agad naman itong nagpalit ng damit.   Nang may maalala siya ay napatingin siya rito. “By the way, bakit hindi si Coleen ang iniligtas mo? Bakit ako?”   Natigilan ito sa tanong niya. Ilang sandali pa’y humarap ito sa kanya at ganon na lang ang pagkabog ng puso niya nang makita niya ang kaseryosohan sa mukha nito. There are different emotions inside his eyes that she can’t decode.   “You want to know the truth?” tanong nito. Tumango siya.  “It’s because I cared for you.”   Tila may mainit na kamay ang humaplos sa puso niya sa sinabi nito. She’s happy and she felt touched. But there’s something more she wanted to hear. The way he stared at her that very moment, she’s hoping for more than that.   “But you cared for her too. She’s your first love, remember?”   “Yes, she used to be my first love. But things have changed now. Because right this moment, I have fallen in love with someone else and that someone is my top priority now.”   Pakiramdam niya’y napigil niya ang paghinga sa naging rebelasyon nito. She wanted to know who that girl is. Masyado nang makapal ang mukha niya para umasang siya ang babaeng iyon but she can’t help it. She’s hoping that he feels the same way. Lalakasan na niya ang loob niya. It’s now or never.   “And who is that someone else? Mabait ba siya? Maganda? Talented?” halos ay mabingi na siya sa lakas ng t***k ng puso niya nang tanungin niya iyon dito. Imbes na sagutin nito ang tanong niya ay tinitigan siya nito ng tuwid sa mga mata na lalong nagpalala sa kabang nararamdaman niya. “Rayven..” Pakiramdam niya’y para siyang nalulunod sa mga titig nito. It made her breathless.   “Sometimes, she’s kind, but most of the time inaaway niya ako. Her beauty is captivating, that can be compared to a miraculous blooming flower in a deserts’ morning dew. And she looks more beautiful in my eyes everytime she laughs and smiles. Her laugh became my favorite melody and her smile became my favorite view.”Habang sinasabi nito ang lahat ng katangian ng babaeng gusto nito ay hindi na mapalis ang ngiti at saya sa mukha at mga mata nito.   Deep inside her she’s hoping that it was her. Hindi naman siguro masama ang mangarap at umasa hindi ba?   “And she’s indeed incredibly talented,” dugtong nito. “It made my heart melt and swayed. I enjoyed every moment I spent with her, and I realized I can’t afford to loose her, not now, not ever. Yes, I fell in love with an amazing girl and.. soon, you’ll meet her.”   Now, all her hopes and dreams just died all over again.   ‘It’s not me. He cared for me but I’m not his top priority. And I hate cupid for the fate he has given me. Maybe it’s my punishment for not believing in love. It’s too funny to admit, but my expectation was ruined by his reality.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD