21 - Surprise

2042 Words
“ARE YOU ready girls? Magsisimula na ang competition.”   “Yes miss.” Tumango sila sa tanong ng organizer. Nang mga oras na iyon ay  kasalukuyan silang nakatayo sa back stage suot ang black and white casual wear para sa production number. Napatingin siya sa mga kapwa niya kandidata at napailing na lang siya nang makita niyang tensiyonado ang mga ito.   “Alright! Don’t hesitate to give all your best and show them what you’ve got. Break a leg girls!”   Nang marinig niyang nagsimula na ang tugtog ay bahagya siyang napangiti nang magsigawan ang mga tao sa loob ng gymnasium. For sure, nandoon na ang kamag-anak niya kasama ang pamilya nina Rayven at ng ilang tauhan sa hacienda upang suportahan siya.   Nakakalungkot nga lang at wala si Rayven upang panuorin siya but she think mas maganda na siguro iyon. Baka kasi hindi siya makapagconcentrate kapag nandoon ito.   Ilang sandali pa’y lumabas na sila sa backstage nang umalis ang mga dancers sa stage upang bigyan sila ng daan. She walked confidently wearing the prettiest and sweetest smile she has. Habang naglalakad ay nakangiting pinasadahan niya ng tingin ang mga judges as if trying to catch their attention. Ilang sandali pa’y dalawang pares na mata ang nakakuha sa atensiyon niya. Those hazel brown blazing eyes are very familiar to her. Hindi niya maintindihan ngunit pakiramdam niya’y biglang kumabog ang dibdib niya nang magtama ang paningin nilang dalawa ng taong nagmamay-ari ng mga matang iyon. Bahagyang kumunot ang noo niya. Sino ba ito at ganon na lang kalakas ang epekto nito sa kanya? Nang dumaan ang flash ng ilaw sa mukha nito at bahagya siyang natigilan nang makilala kung sino ito.   ‘What the hell Rayven, you’re one of the judges?!’ gulat na gulat at hindi makapaniwalang tanong ng isip niya. Akala ba niya hindi ito pupunta? Ni hindi man lang nito sinabi na isa pala ito sa mga judges ngayong gabi. Mukhang balak yata nitong i-surprise siya.   Nang makita nito ang pagkagulat sa mukha niya ay isang nagpipigil na ngiti ang lumabas sa mga labi nito. His smile made him look more handsome and that made her breathless. Nang makita niyang nakatuon pa rin ang mga mata nito sa kanya pakiramdam niya’y nanginig ang mga tuhod niya. Parang hinihigop ng mga mata nitong iyon ang lahat ng lakas niya. Dahil sa presensiya nito halos ay muntikan na siyang matapilok mabuti na lang at naging maagap siya. She composed herself and smiled at the audience when she heard they’re cheering for her.   ‘Darn it Sydney! Umayos ka! Not now please!’ sermon niya sa sarili. Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili. ‘Huwag na huwag kang magpakaapekto kay Rayven! Please lang! Umayos ka!’     _ _ _ _ _ _ _ _ _       MARAMI-RAMI na ring parte sa pageant ang natapos mula pa kanina. Mula sa casual wear, creative costume, swimwear at talent, ngayon naman ay suot-suot nila ang kanilang evening gown habang rumarampa sa stage while being serenaded by a male singer.   Hindi niya alam kung paano siya nakakatagal sa entabladong iyon kahit na alam niyang pinapanuod lang siya ni Rayven. Lalo na noong nakasuot siya ng swimwear attire kanina. Pakiramdam niya’y lulubog na siya sa kinatatayuan niya kanina dahil sa matinding hiya. Ngunit pilit na lang niyang nilalakasan ang loob at pilit na iniiwas ang tingin dito. Sinubukan niyang huwag intindihin ang presensiya nito at kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag dahil nakayanan naman niya.   Matapos silang kantahan ng lalaki ay muli silang nagtungo sa stage nang tawagin sila ng emcee.   “Look at how mesmerizing they are in their evening gown. More than beauty and charm, let us see what they have in store for us in the question and answer portion. I know that they have shown their genuine talents making each and every one of them stand on their own. After the question and answer portion, we will give the minor awards and choose the top 5 who will qualify for the major awards.”   Now, the real battle is about to begin. Nang sulyapan niya ang mga kasamahan ay kitang-kita niyang kabado ang mga ito. Huminga siya nang malalim at pilit na kinundisyon ang utak para sa mabubunot niyang tanong.   “Now, let’s move on to our interview portion. Please step forward candidate number 1.”   Ilang sandali pa’y isa-isa nang tinawag ang mga kasama niya at nagsimula na ang pagtatanong sa mga ito. Unang tinawag ng lalaking emcee si Trisha.   “How are you candidate number 1?”   “I’m fine and I feel great to be here right now.” Pinagbunot si Trisha ng papel na naglalaman ng tanong mula sa isang bowl na nakalagay sa table sa gitna.   “Well then here’s your question. What is the significance of joining competitions like beauty pageants in the development of the youth?”   “Thank you for that question, I do believe that joining pageants is a great  for a youth like me to make connections and to build relationships with a wide range of people in our society. When it comes to the development of the youth like me, it serves as a stepping stone for us to grow and be honed, to learn from our own experiences and to express our voice and to become a well-developed and responsible individual. That’s all, thank you.”   ‘Uhm, not bad.’ Bahagya siyang napatango-tango sa naging sagot ni Trisha.   “Thank you candidate number 1. You may now go back to the dressing room.”   Trisha’s fan supported and cheered for her after that. Nang tumalikod si Trisha ay napangiti siya nang makita niyang napabuga ito. Maybe she’s just trying to relieve her stress after answering the question.   Naglakad na ito patungo sa back stage. Nang tawagin na ang ikalawang kandidata ay ngumiti siya sa audience at judges, trying to calm herself. When she looked at Rayven, he gave her an assuring smile as if trying to tell her that everything’s gonna be okay and that she can do it.  What he did make her feel relaxed at some point. Ngumiti siya pabalik dito. Kahit papaano ay guminhawa ang pakiramdam niya dahil dito.   Ilang sandali pa’y siya na ang tinatawag.   “Now, may we call on candidate number 10.”   Upon hearing her number, her supporters cheered for her. At napangiti siya nang dahil doon.  Nakangiting naglakad siya palapit sa emcee.   “How are you candidate number 10?”   “I’m fine and I’m glad to be here.”   “It seems like you have a lot of fans and supporters in the audience. How do you feel about it?”   “It’s heart-warming and I’m very flattered a lot.”   “Goodluck to you then.” Iniumang nito sa kanya ang bowl na naglalaman ng mga questions. Bumunot siya at pagkatapos ay ibinigay dito ang papel. “Okay, so here is your question. What is the role of effective communication in promoting environmental protection all over the world?”   Kinuha niya ang microphone dito. She confidently smiled at the crowd.   “Good evening everyone, thank you for that wonderful question. I do believe that communication shapes how we see and value the world. Therefore, when it comes to promoting environmental protection, communication serves as a guide in establishing a connection between humanity and the environment in order for us to understand our environment, to fully comprehend its issues and problems, and to find possible practices, approaches and interventions that should be taken to solve these problems and for us to save and protect the environment. That would be all, thank you.”   “Whoah! Go Sydney!”   Matapos niyang sumagot ay nagsigawan ang mga tao. Everyone cheered for her. Napangiti siya sa naging reaction ng mga ito.   “Thank you candidate number 10.”   Naglakad na siya pabalik sa backstage. Nang makarating siya roon ay kumunot ang noo niya nang pinagtitinginan siya ng mga taong nandoon. Nagkibit balikat na lang siya sa atensiyong nakukuha niya. As if naman may maitutulong iyon sa kanya. Lumapit siya sa makeup artist niya at kay JC na pumapalakpak pa sa paglapit niya.   “Whoah! That was an awesome answer sweetheart.”   “Talaga? Parang medyo bitin nga yung sagot ko eh.” Napangiwi siya.   “Nope, ikaw kaya ang may pinakamagandang sagot so far. You surely saved the one spot already.”   Nagkibit-balikat na lang siya sa sinabi ng dalawa. Inayos na ni Leiyah ang makeup niya na siyang make-up artist niya. Ilang sandali pa’y muli silang tinawag sa stage para sa awarding ng mga minor awards.   “Our candidates will receive the following minor awards: Best in Production Number, Best in Casual Wear, Miss Darling of the Crowd, Best in Talent, Best in Evening Gown, Best in Creative Costume, Best in Swimwear, Miss Photogenic and Miss Articulate. Our first award will be given by Mr. Gabriel Bernardo. It will be awarded to the candidate who best exemplify during their dance production. Without so much ado, our Best in Production Number is candidate number.. 5! Gaile Xhyra Alonzo!”   Nakangiting pumalakpak siya para kay Gaile. Sa kanila kasing lahat ay ito ang pinakamagaling sa pagsayaw. No wonder she got that special award.   And awarding of the special award continues. Best in Casual Wear goes to Princess. Best in Evening Gown goes to Aliah. Best in Creative Costume goes to Trisha. Miss Photogenic goes to Brenda. Best in Talent goes to Caleih.   “Our next award goes to the candidate who has the most appeal to the audience. May we call on Mrs. Vivian Sy to give the award. Our Miss Darling of the Crowd is candidate number.. 10! Sydney Camiella Rosales!”   Napangiti siya nang tawagin ang number niya. Naghiyawan ang manunuod at lalo siyang napangiti nang dahil doon. Nagtungo siya sa harap at tinanggap ang award. Nang matapos ay lumapit siya sa mga kasamang may special awards.   “The next award will be given to the candidate who do not only have the beauty of a perfect body but also have the ability to carry her swimwear with poise and confidence. May we call on Ms. Jilian Perez to give the award. Best in Swimwear award goes to candidate number.. 10! Sydney Camiella Rosales!”   Napangiti siya nang muli ay tawagin ang number niya. Muli siyang nagtungo sa harap upang tanggapin ang award.   “Finally to complete the set of special awards, we have the Miss Articulate award, to be awarded by Mr. Henry Valdez. The candidate who have the most manner, intelligent and confidence in answering the question. Miss Articulate goes to candidate number 10! Sydney Camiella Rosales!”   Nagsigawan ang mga tao nang muling tawagin ang number niya. Nakangiting tinanggap niya ang award. Matapos silang magpicture ay bumalik na sila sa linya nila kanina. Heto na ang pinakahihintay nila.   “Now, we’ll be moving on to the most anticipated moment of this event, the announcement of the top 5 finalists. Are you excited to know the results from our judges?”   “Yes!”   “Huwag na natin itong patagalin pa. I already have the results.” Ipinakita ng emcee ang hawak na papel. “As I call your number, please come forward.” Binuksan na nito ang papel. “Not in proper order. You are part of the top 5.. candidate number.. 7! Liza May Francisco!”   Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga supporters ni Liza nang una itong tawagin sa top 5.   “You saved your spot in the top 5.. candidate number 1! Trisha Dee Valdez!”   Napangiti siya nang malamang nakapasok si Trisha.   “You may join them because you’re part of the top 5.. candidate number 12! Kate Dianne Hidalgo!”   Bahagyang tumaas ang kilay niya nang mapag-alamang nakapasok si Kate.   “Only two spot are left. You are in.. candidate number 6! Hay Caleih Perez!”   She’s happy Caleih entered the top 5. She prepared herself. Hindi man siya manalo sa competition na ito, atleast she enjoyed herself meeting these persons.   “And last but not the least, you saved your spot candidate number.. 10! Sydney Camiella Rosales!”   Nanlalaki ang mga mata sa matinding gulat na napatakip siya ng bibig.   ‘OMG! I got in?!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD