22 - The Crowned Queen

2096 Words
‘OMG! I got in?!’   Umugong ang malakas na hiyawan at palakpakan nang tawagin ang number niya. Napatakip siya sa bibig. She didn’t expect that. Halos ay hindi makapaniwalang naglakad siya palapit sa kinaroroonan ng apat na kasama niyang nakapasok ssa top 5.   “Around of applause to our top 5 finalist!”   Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga manunuod. Ilang sandali pa’y pinabalik muna sila saglit sa backstage upang makapag-retouch ng makeup.   “See I already told you!” tuwang-tuwang niyakap siya nina JC at Leiyah.   “Nararamdaman ko na. Iuuwi natin ang korona ngayong gabi!”   “Yeah! I can feel it too!”   Natatawa at napapailing na lang siya sa sinasabi ng dalawa. Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na silang lima sa stage. According to the emcee, sa limang judges manggagaling ang mga tanong para sa pinakahuling round. Mga tanong kung saan ay masusubok ang kanilang mga paniniwala, kahinaan at nakaraan. Kung kanina ay questions ang mga binunot nila, ngayon naman ay number ng mga judges ang nakasulat sa papel.   Nauna nang tinawag si Liza. At nabunot nito ay ang babaeng novel writer na judge number 2.   “Candidate number 7, here is your question. If you could give your younger self one piece of advice what would that be and why?”   Habang sumasagot si Liza nang mga oras na iyon ay isa lang ang hinihiling niya.   ‘Sana hindi si Rayven ang mabunot ko..’   “Thank you candidate number 7. Next, candidate number 1, please step forward.”   Tumalima si Trisha nang tawagin ito ng emcee. Ang nabunot naman nito ay ang baklang judge na artist manager sa isang sikat na istasyon sa Manila.   “Hello candidate number 7, here is your question. What is your biggest disappointment and how did you bounced back from it?”   Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit ngayon ay ramdam na niya ang matinding kaba. Ngayon lang nangyari sa kanya ang ganito. Hindi niya kasi alam kung anong klaseng tanong ang ibabato sa kanya. Kung tungkol ba ito sa paniniwala niya, sa kahinaan niya o sa nakaraan niya. She doesn’t know anymore.   “Thank you candidate number 1. Next, please step forward candidate number 12.”   Naglakad na patungo sa harap si Kate. Nabunot naman nito ang mukhang masungit na may edad na ring babae na sa pagkakarinig niya kanina ay naging beauty queen daw noon.   “Hi Candidate number 12. Here is your question. Would you say that you are a good role model to the young and why’d you say so?”   ‘Siya? Good role model? No way!’ Kung hindi lang siya nakaharap sa mga judges at manunuod ay pinaikot na niya ang mga mata.   “Thank you candidate number 12. Next, candidate number 6, please come forward.”   Nang tawagin si Caleih ay agad naman itong lumapit sa emcee. Ang nabunot naman nitong judge ay ang babaeng pageant guru.   “Hello Candidate number 6. Here’s your question. Have you experienced critism for competing pageantry? If so, how did you handle it?”   Only 2 judges are left, the dance guru and Rayven, a multi-talented youth leader. She’s hoping na sana ay ang dance guru ang mabunot niya, hindi si Rayven. Natatakot kasi siya sa maaari nitong itanong sa kanya lalo na at kilalang-kilala siya nito.   “Thank you candidate number 6. And last but not the least, please step forward candidate number 10.”   Habang naglalakad siya palapit sa kinaroroonan ng emcee, everyone in the audience cheered for her. Napangiti na lang siya sa suportang natatanggap niya mula sa mga manunuod nang mga oras na iyon.   Nakangiting bumunot siya sa bowl pagkatapos ay ibinigay niya iyon sa emcee.   “Ang nabunot mo ay si judge number 3, the multi-talented youth leader, Mr. Rayven Harris Castillo.”   ‘Shoot! I’m doomed!’ Kung minamalas nga naman. Lihim siyang napamura nang mapag-alamang ito ang nakabunot sa kanya. Umayos-ayos ito ng pagbato ng tanong sa kanya, kundi babatukan niya ito pagkauwi nila.   Nakangising tumingin sa kanya si Rayven. Mukhang nang-aasar ang loko-loko. Nanggigigil na ngumiti siya rito. Kung pwede lang niya itong batuhin ng sapatos ay ginawa na niya but she doesn’t want to make a scene.   “Hi Candidate number 10.”   ‘Hi yourself judge number 3!’ ngali-ngali na niyang sabihin iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasali ito sa judges. Feeling nga niya’y joke at panaginip lang ang lahat ng iyon. Medyo naiinis siya rito dahil nabigla siya nang makita niya itong nakaupo roon. Kung sinabi lang sana nito eh di sana ay nakapaghanda siya kahit papaano.   “Hello judge number 3!” Ngumiti siya nang matamis dito. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagsilay ng isang ngiti sa mga labi ng binatang nakatitig sa kanya.   “Here’s your question. I heard that you don’t believe in love because of a tragic incident in your life. If you could change one thing in the world, what would it be and why?”   She was taken aback by Rayven’s question. Maging ang audience ay natahimik. She didn’t expect that question. He targeted her past, her weakness, her belief and her pains. Sinadya ba nitong hirapan ang tanong o nagkataon lang? Well anyway, she was left with no choice but to answer that effin question. Nang makahuma sa pagkagulat ay naramdaman niya ang paninikip ng dibdib. As much as possible, she doesn’t want to open up about that but she has no choice right now after all.   Huminga muna siya ng malalim bago niya napagpasyahang kunin ang mikropono sa emcee at tinitigan ng tuwid sa mata si Rayven.   “Yes, it’s true, I don’t believe in love. Since I was a kid, I’ve seen a lot of people suffer because of that love. And my brother was one of them. He took his life because of a failed relationship. I lost my only brother because he invested too much love to a girl who cheated on him despite of everything he has given her. When I lost him, I despised love so much to the extent of losing the ability to believe in it because I lost one of the most important person in my life. It’s been years since I lost him and until now I still miss him, I’m still in pain. And if there’s only one thing I could change in the world, I wanted to unravel everything in the past. I wanted to go back to the time when my brother was still alive and tell him how important he is to me. I’ll change my belief about love and I will take the courage to tell him that I love him so much.”   Matapos niyang sabihin iyon mabilis niyang pinahid ang luhang namalibis sa pisngi niya at ngumiti sa lahat. Nagpalakpakan ang lahat sa naging sagot niya. Ang ilan ay naluha at naantig sa mga sinabi niya.   “I’m sure your brother is watching you right now. He must be very proud of you,” anang emcee sa kanya.   “Thank you.” Ngumiti siya rito.   Matapos iyon  ay nagtungo na siya sa backstage upang makapagpahinga at makapagretouch. Nang makarating siya roon ay agad siyang sinalubong ng yakap ni Leiyah, ni JC at ng ilang kasamahang kandidata kahit na hindi sila masyadong naging close sa isa’t-isa. Gathering all those love from them made her feel happy, possitive and stronger.   “Tss.. So much drama..” si Kate.   Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito. Wala siyang time para patulan ito ngayon.   Ilang sandali pa’y muli silang pinabalik sa stage para sa major awards matapos ang final walk ng dating nanalo. Habang hinihintay nila ang results ay napasulyap siya kay Rayven. At ganon na lang ang pagkunot ng noo niya nang makita niyang hindi maipinta ang mukha nito. Ilang sandali pa’y kinausap ito ng dalawang judges ngunit nagkibit balikat lang ito matapos magsalita. Naiiling na lang ang ibang judges sa inasta nito.   “What’s going on there?” nag-aalalang tanong ni Caleih.   “I don’t know.”   “Mukhang nagbabangayan yata sila.”   Ilang sandali pa’y iniabot na ang result sa emcee.   “I hate to see these lovely candidates suffer the suspense of waiting. Now, I have here the result and this is the moment we’ve been waiting for. Let’s see whose going to home with the glory and be hailed as the new title holder. May we call on Mr. Peter Lee and Ms. Cynthia Costales to give the award for the 2nd runner up. Candidate who will be 2nd runner will receive a sash, a bouquet, money, and a certificate. Our 2nd runner up is..  Candidate number 12! Kate Dianne Hidalgo!”   “Whoah!” Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao. Everyone’s cheering for their own candidate. Mukhang disappointed ang mukha ni Kate nang kunin nito ang award kaya naman ay napailing-iling na lang siya.   “May we call on Mr. Fernando Santos and Mrs. Pamela Ramirez to give the award for the 1st  runner up. Candidate who will be 1st runner will receive a sash, a bouquet, money and a certificate. Our 1st runner up is..  Candidate number.. 7! Liza May Francisco!”   Muli ay naghiyawan ang mga manunuod nang hindi pa tawagin ang sinusuportahang kandidata. Nakangiti at masayang tinanggap naman ni Liza ang award.   “There’s only 3 girls left. May we call on Mr. Rayven Harris Castillo and Ms. Lovely Fernandez to give the award for the Mutya ng Turismo 2019. Candidate who will be hailed as Mutya ng Turismo 2019 will receive a sash, a bouquet, money, certificate, a trophy and a crown. Our Mutya ng Turismo 2019 is..  Candidate number.. 6! Hay Caleih Perez!”   Nanlalaki ang mga matang nagkatinginan sila ni Trish nang sila na lang ang maiwan. Lalong naghiyawan ang mga tao.   Nang umakyat si Rayven upang ibigay ang award ni Caleih ay nagkatinginan sila. Nginitian niya ito ngunit sinimangutan lang siya nito. Kumunot ang noo niya sa ginawi nito. Does that mean, talo na siya?   “I’m sure it’s you,” nakangiting sabi ni Trisha sa kanya. Magkaharap silang dalawa habang magkahawak-kamay.   Umiling siya. “We can’t tell. Maybe it’s you.” Rayven’s reaction is the evidence that she didn’t make it. Hindi man niya makuha ang crown, it’s okay. Ang mahalaga ay nakapasok siya sa top finalists.   “There’s only 2 girls left. Who among these 2 lovely girls will win the title for this year? May we call on Mr. Dan Mark Yanzon and Mrs. Letty Guttierez to give the award for the Mutya ng Barangay 2019. And Mr. Brent Luiz Gonzales and Ms. Farah Corpuz, our Mutya ng San Joaquin 2018 to give the award for the Mutya ng San Joaquin 2019. Candidate who will be hailed as Mutya ng Barangay 2019 will receive a sash, a bouquet, money, certificate, a trophy and a crown. While candidate who will be hailed as Mutya ng San Joaquin 2019 will receive a sash, a bouquet, money, certificate, a trophy and a crown. The candidate that I will call first will be the Mutya ng Barangay 2019. Now, are you ready?”   “Yes!”   “Who’s your bet?”   “10!”   “1!”   “Our Mutya ng Barangay 2019 is! Candidate number.. 1! Trisha Dee Valdez! And you are our queen, our Mutya ng San Joaquin 2019.. candidate number 10! Sydney Camiella Rosales!”   Nanlaki ang mga mata niya at halos ay hindi makapaniwalang napatingin sa emcee dahil sa narinig.   “You won!” masayang niyakap siya ni Trish.   Halos ay hindi na magkamayaw ang audience sa kakasigaw nang siya ang itanghal na panalo. Everyone is rejoicing. Parang ayaw pa rin niyang paniwalaan na siya ang panalo. Matapos koronahan si Trish ay siya naman ang nagtungo sa harap. Nakangiti at mangiyak-ngiyak na kumaway siya sa lahat. At bahagya siyang natigilan nang makita ang walang emosyong mukha ni Rayven. Kumunot ang noo niya. Ano bang problema nito? Hindi ba ito masaya na siya ang nanalo? Hindi ba’t sabi nito noon na ito ang unang magiging masaya at magiging proud sa kanya anuman ang maging resulta ng pageant? And now that she succeed, bakit ganon ang itsura nito?   ‘What the hell is wrong with him?’   “Congratulations!” bati ng nag-aabot ng bouquet sa kanya.   “Thank you,” nakangiting pasalamat niya at inabot ang bulaklak mula sa lalaki.   “You are now a queen, Sydney.”   Bakit alam nito ang pangalan niya? Nagtatakang napatingin siya sa nakangiting mukha ng lalaki at natigilan siya nang makilala kung sino ito.   “Brent?”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD