20 - Teach Me How To Unlove You

2717 Words
“WHERE have you been?” Napahinto siya sa pagsara sa pinto nang marinig ang boses ni Ate Hazel sa likuran niya at kasunod niyon ay ang pagbukas ng mga ilaw sa mansion nina Ate Hazel. ‘Shoot I’m doomed!’ lihim siyang napamura. Katulad ng madalas na nangyayari sa kanya sa Manila ay nahuli na naman siya. But this time, it’s not her dad but her cousin instead. “Hindi mo ba alam kung anong oras na? It’s already 12 midnight for pete’s sake! Gawain pa ba iyan ng isang matinong babae? Hindi mo ba alam kung gaano kami nag-aalala sa’yo?” Huminga muna siya ng malalim upang mag-ipon ng lakas ng loob bago siya humarap dito. Ngunit ang lahat ng lakas na inipon niya’y biglang naglahong parang bula nang makita niyang kasama nito sina Kuya Patrick at Rayven na mahimbing na natutulog sa sofa. Pagkakita niya rito pakiramdam niya’y bumalik na naman ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Muling bumigat ang pakiramdam niya. Tila nawalang parang bula ang epekto sa kanya ng alak dahil mas matimbang ang sakit na nananahan sa puso niya. Bago pa man lumala ang pagbigat ng pakiramdam niya ay minabuti na lang niyang tanggalin ang tingin dito at itinutok ang tingin kay Ate Hazel na galit na galit. “Now tell me, where have you been? At sinong naghatid sa’yo?” Nanatili lang siyang tahimik na nakatingin dito. Wala siyang balak makipag-usap sa kahit na sino ngayon. All she wanted to is nothing but to rest and sleep. She’s tired physically, mentally and emotionally. “Answer me Sydney!” bulyaw sa kanya ni Ate Hazel. Sa lakas ng sigaw nito ay nagising sina Kuya Patrick at Rayven. Agad itong bumangon sa pagkakahiga nang makita siya. “Sydney..” Pilit niyang pinamanhid ang sarili nang marinig ang pag-usal nito sa pangalan niya. “Babe, relax. We can talk to her calmly,” ani Kuya Patrick at pilit na pinapahinahon ang nobya. “Sydney, kailan ka pa dumating?” tanong sa kanya ni Rayven. She doesn’t want to talk to him nor see him. Ayaw na muna niya itong kaharap. Hindi pa siya handang makaharap ito pagkatapos ng lahat ng mga naging realisasyon niya sa nararamdaman niya rito. Nang magsimula itong humakbang palapit sa kanya ay mabilis siyang tumakbo palabas ng bahay. “Sydney wait!” Binilisan niya ang pagtakbo nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Rayven. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ang tanging mahalaga sa kanya nang mga oras na iyon ay makalayo sa kanilang lahat. Nagpatuloy lang siya sa pagtakbo palayo sa mansion. Laking pasasalamat niya at bilog ang buwan nang gabing iyon, kaya naman ay nakatulong ang liwanag niyon upang makita niya ang daang tinatahak. Halos ay hindi man lang siya huminto sa pagtakbo palayo. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal sa pagtakbo nang ilang sandali pa’y natigilan siya at hinihingal na napahinto nang makita kung ano ang nasa harap niya. It’s the tree house. Mas mabuti siguro kung doon na muna siya magpapalipas ng gabi. Malungkot na umakyat siya roon. Nang makapasok siya sa loob niyon ay napagpasyahan niyang buksan ang lampshade. Masyado kasing halatang may tao sa loob kapag ang mismong ilaw ang bubuksan niya. Nang matapos ay nanghihinang napaupo siya sa isang sulok at napasabunot sa buhok. “Kuya, I’m in a total mess right now. What should I do?” Nang mga oras na iyon ay hindi na niya maiwasan ang sariling maging emosyonal. She felt so down after finding out that she’s foolishly in love with Rayven. Parang kailan lang silang nagkasama ng lalaki pero anong nangyari? Nahulog siya agad dito nang hindi man lang niya namalayan. “Ang tanga ko Kuya,” humihikbing sabi niya at niyakap ang mga tuhod. Isinubsob niya ang mukha doon at ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman nang mga oras na iyon. “I fell in love with him kahit na alam kong may mahal siyang iba. Kuya, please help me get out from this mess.. I beg you. I don’t want to feel this. It’s killing me. It’s too painful to bear.” “Sydney? Are you there?” Natigilan siya nang marinig ang boses ni Rayven sa labas ng pinto ng tree house. Iniangat niya ang paningin. Ilang sandali pa’y bumukas ang pinto ng tree house at iniluwa niyon ang hinihingal at hapong-hapong binata. “Thank god you’re here.” Tila ay nakahinga ito nang maluwag nang makita siya nito. Hinihingal na napasandal ito sa pinto. “God, you scared the hell out of me. Next time, huwag mo nang uulitin ang ginawa mo.” “What are you doing here?” malamig na tanong niya rito. Pilit niyang pinamanhid ang sarili. “You can leave now. I want to be alone.” Natigilan ito. “Is there something wrong?” nagtatakang tanong nito. “Nothing. I just wanted to be alone.” “Then why are you crying?” Mukhang wala sa bokabularyo nito ang tigilan at sundin siya. Mabilis niyang pinahid ang basang pisngi. “That’s none of your business.” Kumunot ang noo nito. Marahil ay nagtataka ito sa pagbabago ng pakikitungo niya rito. “Aren’t you going to leave?” tila nawawalan ng pasensiyang tanong niya rito. Hindi ito kumibo. “Fine, ako na lang ang aalis.” Mabilis siyang tumayo at agad na tinungo ang pinto. Hindi pa man din siya nakakalabas doon ay mabilis siya nitong hinarangan at pinigilan sa braso. “Are you drunk?” salubong ang kilay na tanong nito. “Bakit uminom ka? May problema ka ba?” “That’s none of your damn business!” anggil niya rito at ipiniksi ang kamay nito. “It is my f*cking business Sydney! Paano kung may nangyaring masama sa’yo habang wala ako?!” bulyaw nito. ‘Kahit naman may mangyari sakin, in the end wala ka namang pakialam sakin eh! Kasi kasama mo yung taong mahal mo. Magpakasaya ka sa Coleen mo hangga’t gusto mo!’ sa isip niya. Natawa siya ng pagak. “Why? Do you even care?” mapaklang tanong niya rito at napangiti ng mapait. Dumilim ang anyo nito sa tanong niya. Mukhang nasaid na yata ang pasensiya nito sa kanya. “Don’t you dare ask me that!” naniningkit ang mga matang sigaw nito. “Dahil hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala sayo kanina nang malaman kong nawawala ka! Halos mabaliw na ako sa paghahanap sayo sa bayan kanina! Ni halos hindi na nga ako kumain dahil lang sa kagustuhan kong mahanap ka tapos ngayon, ganyan pa ang maririnig ko mula sayo? Why do I even care? Bakit? Wala ba akong karapatang mag-alala sayo?” Natigilan siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya’y tila may mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib niya. The pain is just too much to bear and it’s making her hard to breath. Ilang sandali pa’y ramdam niya ang panlalabo at pag-iinit ng kanyang mga mata, senyales na anumang sandali ay luluha na naman siya. Pilit niyang pinipigilan ang sarili na huwag umiyak sa harap nito. Ngunit tila kahit anong sabihin at gawin niya ay ayaw sumunod ng katawan niya. Ilang sandali pa’y sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya. “H-Hey..” Lumambong ang mga mata ni Rayven nang makita siyang umiiyak. Tila sa isang iglap ay naglahong parang bula ang galit nito. Bago pa man siya makagalaw ay kinabig siya nito at niyakap nang mahigpit. “I’m so sorry.. I didn’t mean to hurt and scare you. I’m so sorry.” Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli na namang nagkaroon ng kapayapaan ang mundo niya habang nakapaloob siya sa mga bisig nito nang mga oras na iyon. His embrace is like a tranquilizer, calming her. “Ssshh.. Stop crying now, hindi na ako galit. I’m calm now. Kaya huwag ka nang umiyak please,” nagmamakaawang pang-aalo nito. Ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman ang paghalik nito sa ibabaw ng ulo niya. “I will never do it again I promise you that.” ‘Darn it! I’m so f*cking helpless when it comes to him..’ Aside from realizing that she’s in love him. She also realized that this guy has a big effect on her. He can be her storm and her serenity at the same time. _ _ _ _ _ _ _ _ _ ‘COME on Sydney! Feed yourself with sleep for goodness sake! Maaga ka pang gigising bukas!’ Napabuga siya at sa hindi mabilang na pagkakataon ay napabiling siya sa higaan. Mahigit isang oras na ang nakalilipas mula nang mapagpasyahan nilang matulog ni Rayven ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Naiinis na iminulat niya ang mga mata at bahagya siyang natigilan nang unang bumungad sa paningin niya ang payapa at gwapong mukha ni Rayven. Mahimbing itong natutulog sa lapag na nalalatagan ng comforter. Malalim na ang gabi kaya napagpasyahan na lang nilang magpalipas ng gabi sa treehouse. Buti pa ito nakarating na sa dreamland. Samantalang siya, heto, mulat na mulat pa rin sa katotohanan. Katotohanang inlove siya sa lalaking kasama niya ngayon. Marahil ay isa rin iyon sa mga bagay na bumabagabag sa kanya kaya mailap ang antok sa kanya. Muli siyang napabuga at problemadong ginulu-gulo ang buhok. “Aiysh! Darn it!” “Can’t sleep?” Muntik na siyang mapatili nang marinig ang boses ni Rayven. Dahil sa matinding gulat ay napaupo siya mula sa pagkakahiga at nanlalaki ang mga matang napatingin sa binata. Unti-unti nitong iminulat ang mga mata upang tingnan siya. At ganon na lang ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya nang dumako sa kanya ang mga mata nitong iyon. His stares made her feel breathless for a moment. Bumangon ito at nangalumbaba sa kama upang harapin siya. “Bakit hindi ka pa natutulog? Maaga ka pang gigising bukas hindi ba?” nagtatakang tanong nito. “Pageant niyo pa man din bukas. Gusto mo bang magmukha kang gurang?” She rolled her eyes. “Oy excuse me, kahit magmukha akong gurang sa paningin mo, maganda pa rin ako sa paningin ng iba. Ganda ko kaya.” Bahagya itong napangiti sa sinabi niya. “Kahit nga hindi ka na magmake-up bukas ikaw pa rin pinakamaganda dun.” Natigilan siya sa sinabi nito. At some point ay hindi niya maiwasan ang sariling maflattered sa sinabi nito. Ganon ba siya kaganda sa paningin nito? ‘OMG!’ gusto niyang tumili nang mga oras na iyon dahil sa matinding kilig na nararamdaman but she decided not to. Ayaw naman niyang magmukhang engot sa paningin nito. Nakakahiya kaya. Wala na sanang pagsidlan ang sayang nararamdaman niya nang may maalala. Ang sayang nararamdaman niya nang mga oras na iyon ay unti-unting naglahong parang bula. ‘Maganda nga ako, pero pagdating kay Coleen, talo pa rin ako. Siya kasi ang tanging laman ng puso mo. Ano ba namang laban ko sa kanya?’ Tila may kumurot sa puso niya sa ideyang iyon. And she just couldn’t bear the pain. Tila sa isang iglap ay muling bumalik ang lahat ng sakit na nararamdaman niya dahil sa matinding selos. Bago pa man siya tuluyang igupo ng sakit na nararamdaman niya ay napagpasyahan na lang niyang sumandal sa pader. Niyakap niya ang mga tuhod at isinubsob ang mukha roon. It’s better that way, hiding all her emotions so that he wouldn’t know her feelings. Madali lang ipakita at sabihin ang nararamdaman. Ngunit pagdating sa friendship, it will end up complicated. It’s either, he will accept it or reject it. At base sa sitwasyon nila, it will be the latter because he’s inlove with someone else. If she confess to him, rest assured she will be rejected and worst, he’ll stay away from her. And that will be the end of their friendship, her happiness, her life and her love. And she doesn’t like that to happen. “What will it take me to make you fall asleep?” “Sing me a song please,” mahina ang boses na hiling niya. She wanted to hear his beautiful and soothing voice because it’s calming all her senses. Sukat sa sinabi niya ay walang pagdadalawang isip na kinuha nito ang gitara at pagkatapos ay sumampa ito sa kama upang tumabi sa kanya. Ilang sandali pa’y naramdaman niya ang mahina at napakagandang tugtog nang magsimula itong magstrum sa gitara. Humilig siya sa balikat nito at ipinikit ang mga mata. Just then, he started to sing a beautiful song. “Babe I'm fallin’ head over heels I’m trying to look for ways to let you know how I really feel.” Sandali siyang natigilan nang marinig ang pag-awit nito sa mga salitang iyon. Napakalamyos ng tinig nito. Bagay na bagay ang tinig nito sa awiting iyon. Ngunit sa pandinig niya ay mas lalong naging maganda iyon sa pandinig niya dahil sa mga lyrics ng kanta. ‘It should be me singing and saying all those words to you. But I don’t have the courage because I might loose you. So, I’ll just keep it a secret.’ Napabuntong hininga siya. ‘It’s real but I know it will not last long. Sa oras na umalis na ako rito, mananatili ka na lang pangarap Rayven. Pangarap na kahit kailan ay hinding-hindi ko maaabot. Nakakatawa hindi ba? Katabi nga kita pero parang ang layo-layo mo pa rin sakin. Aalis ako at mananatili ka na lang alaala sa isip ko. So, hindi ko man masabi sa’yo ang nararamdaman ko, I’m going to make sure that we’ll make a lot of memories and I’ll enjoy every moment with you. All those memories together, I’ll cherish them inside my heart, mind and soul.’ Malungkot siyang napatitig sa binata. She took the chance to do that lalo na at malaya siyang gawin iyon ngayon. ‘You will always be inside my mind and my heart. Ngayon lang ako na-inlove ng ganito. And I’m afraid of the consequences I might face for loving a friend. I am afraid I might get hurt like others did. I fell too fast deeply in love. Parang kailan lang tayo nagkakilala at nagkasama. Pero look at me now, here I am, loving you with all my heart. At hindi ko alam kung tama pa ba itong nararamdaman ko.’ Mariin niyang ipinikit ang mga mata upangmpigilan ang napipintong pagbagsa ng mga luha niya. ‘I can’t keep myself from falling for you but I don’t think it’s the right time for me to feel that. You are my first love and at the same time, you are my first failure, and my first heartbreak. It’s just another unrequited love story with a sad ending. Because I fell in love with someone who love someone else. And that idea is killing me, big time.’ Sandali siyang natigilan sa narinig na kataga mula sa kantang inaawit nito. ‘Nakakatawa. Everything you are is all I’m dreaming of pero iba naman ang pinapangarap mong babae. Nakakatawa ‘no? Mahal kita pero mas mahal mo siya.’ Napangiti siya ng mapait. ‘I’m afraid to take the risk. Dahil kahit pa siguro isuko ko lahat ng meron ako, siya pa rin ang pipiliin mo. There’s no guarantee that I will win your heart. I can’t guarantee that I will win you over her. Hindi ko na alam ang gagawin ko Rayven. Gulung-gulo na ako sa nararamdaman ko sayo. Mahal kita pero nasasaktan ako sa katotohanang may mahal kang iba. Hindi pa ako nakakapagsimula but I already wanted to stop here. I want to end it right here to keep myself out from getting hurt. Because I don’t think I can handle the pain of this heartbreak. I think forgetting you is the best thing for me to do. To forget the feelings I have for you. Kailangan kong agapan ang pagkahulog ko sayo bago pa ako tuluyang malumlom sa nararamdaman ko. Because if that happened, I might end up hurting myself. And I don’t like to end up in that kind of situation.’ Naluluhang napatitig siya sa kawalan. ‘Pagkatapos ng gabing ito, habang maaga pa, susubukan kong kalimutan ang lahat ng nararamdaman ko sayo. Mahirap pero kailangan kong kayanin para sayo at sa sarili ko. I don’t want to loose a good friend like you. Kahit iyon na lang ang maisagip ko. Help me Rayven.. Teach me how to unlove you..’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD