35 - Forget Me Not

3346 Words
“SAAN BA talaga tayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Sydney kay Rayven habang magkahawak-kamay silang naglalakad sa gitna ng kakahuyan. Ang buong akala niya kanina ay sa treehouse sila pupunta ngunit pagkatapos nitong iwan ang mga dala nito sa loob ng treehouse ay hinatak na siya nito patungo sa isang direksiyon. Ilang beses na niya itong kinulit at pilit inuusisa kung saan sila pupunta ngunit iisa lang ang palagi nitong isinasagot.   “You’ll know later,” muli ay nakangiting sagot nito.   “Haayy..” napabuga siya sa sagot nito at bahagyang napangiwi nang maramdaman ang malamig na hangin na dumampi sa balat niya. Sa totoo lang, napaka-creepy ng lugar na iyon. Maliban sa tila gubat ang kinaroroonan nila dahil sa mga naglalakihan at nagtatayugang mga puno ay napakatahimik ng lugar na iyon. Tanging ang naririnig lang nila ay ang lagaslas ng mga dahon, huni ng mga kulisap at ibon, at ang tunog ng mga tuyong dahon na naaapakan nila. It’s her first time going on a place like this. That’s why she can’t help herself to be scared. Feeling kasi niya anumang oras ay may kung anong maligno o hayop na bigla na lang magpapakita sa kanila katulad ng mga napapanuod niya sa mga horror movies.   “Rayven, natatakot na ako!” maktol niya sa binata at hinatak-hatak ang manggas ng suot nitong t-shirt.   Kinunutan siya nito ng noo. “Bakit ka matatakot eh kasama mo naman ako?”   “Eh paano kung may multo rito? O kaya anaconda? O kaya buwaya, zombie, bampira, kapre, duwende, tikbalang? Tapos bigla tayong lapain dito? My gosh! I’m scared!” Sa isiping mayroong mga ganoon sa lugar na iyon tulad sa mga napanuod niyang movies ay lalo lang siyang kinilabutan. “Umuwi na kaya tayo!” nababahalang suhestiyon niya.   Sukat sa sinabi niya ay napabunghalit ito ng tawa. “Ang lawak naman ng imahinasyon mo. Epekto iyan ng kakapanuod mo ng mga horror movies. If I were you, iwas-iwasan mo nang manuod sa mga ganyan. Kung may dapat ka mang katakutan, it’s me.”   Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. “At bakit naman ako matatakot sayo aber?”   “Malay natin, baka may gawin akong masama sayo.”   “Tse!” Inirapan niya ito ngunit tinawanan lang siya nito. “As if naman kaya mong gawan ako ng masama.” Sa totoo lang, ganoon siya kapanatag kapag ito ang kasama niya. Isang halik sa noo ang isinagot nito sa sinabi niya. Pakiramdam niya’y biglang naglahong parang bula ang lahat ng takot at pangamba sa dibdib niya dahil sa ginawa nito.   Nakangiting nagpatuloy sila sa paglalakad. Ilang sandali pa’y naramdaman niyang may dumapo sa braso niya. Nang tingnan niya kung ano iyon ay ganon na lang ang tili niya nang makita ang isang gagamba doon.   “Spider! Aaahh!” halos ay magkandaugaga na siya sa pagpagpag at natatarantang iwinasiwas ang braso niyang may gagamba. Nang wala na iyon ay halos mangiyak-ngiyak na siya. Agad naman siyang dinaluhan ni Rayven at niyakap upang patahanin.   “It’s okay, gagamba lang iyon. It won’t do you any harm,” pang-aalo nito.   “Anong it won’t do me any harm? Eh nangangagat kaya ang mga gagamba! Paano kung kinagat ako non?”   “Eh di magiging spiderwoman ka.”   ‘Buset! Nakukuha pa talaga niyang magbiro?’ Sa sobrang inis niya ay hindi na niya napigilan ang sariling sabunutan ito. “Kaasar ka talaga!” Natawa lang ito sa naging reaction niya.   “Ito, napakaseryoso mo. Hindi na mabiro.”   “Umuwi na kasi tayo!” maktol niya.   “Sydney, malayo na ang nalakad natin. Promise, malapit na tayo sa pupuntahan natin.”   Sinamaan niya ito ng tingin. “I don’t belive you. Kanina mo pa sinasabi iyan.”   Napabuga ito. “Can you hear that?”   Tumahimik siya at pinakinggan ang sinasabi nito. Bahagyang kumunot ang noo niya nang marinig ang lagaslas at tila pagbagsak ng tubig.   ‘Wait, is that a waterfall?’ Sinamaan niya ng tingin ang nobyo. “Ang layo-layo ng nilakad natin tapos sa talon mo lang pala ako dadalhin? Nakalimutan mo na bang hindi ako marunong lumangoy?” pagsusungit niya.   Napangiti ito. “Hindi ko naman nakakalimutan iyon. Hindi ko naman sinabing lalangoy ka eh.”   “So anong gagawin natin? Tutunganga lang hanggang sa maubos ang tubig na bumabagsak sa falls?”   Natawa ito. “Relax. You’ll love the place I promise.” Bago pa man siya makapag-react ay hinatak na siya nito. Napabuga na lang siya at walang nagawa kundi ang magpatianod sa paghatak nito.   “Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko ang lugar na iyan kundi lagot ka talaga sakin.”   He gave her his boyish smile. “Wala ka bang tiwala sakin? Trust me, it’s beautiful. Here we go.”   Ilang sandali pa’y bumulaga na sa kanya ang kabuuan ng lugar at halos ay umawang ang mga labi niya sa pagkamangha sa nakita. It’s not the clear blue waterfalls that caught her attention, it’s the flowers and plants on the both sides of the waterfall.   “Ang ganda ‘no?” nakangiting tanong ni Rayven.   She’s too speechless to say a word. She was still left in awe so she just answered a nod. Halos ay hindi na kasi siya makapagsalita sa ganda ng paligid.   ‘Whoah! It’s like paradise. A verr beautiful hidden paradise.’   “Come on.” Hinatak na siya nito patungo sa pinakatuktok ng waterfalls at doon ay kitang-kita niya kung gaano kalawak ang lugar na natatamnan ng mga naggagandahang bulaklak at halaman. “Do you like it?”   Sunud-sunod na tumango siya. “I love it,” tuwang-tuwang sagot niya habang ikinakalat ang tingin. Mula sa kinatatayuan ay kitang-kita niya ang mga naggagandahang mga tutubi at paru-parong may iba’t-ibang kulay na dumadapo sa mga bulaklak. Sa lahat ng napuntahan niya sa probinsiya ng mga ito ay iyon na ang pinakapaborito niya sa lahat. “How did you know this place?”   “It’s our family’s secret garden.” Umupo ito sa bahagi ng hardin na tanging mga d**o lang ang tumubo. Tumabi siya rito.   “Di ba may flower farm na kayo? Ilang beses ko nang nadaanan iyon.”   “Yup meron, doon nakatanim yung mga bulaklak na ibinibenta namin sa market. Hindi ka pa nakapunta sa flower farm namin hindi ba?”   “Hindi pa.”   “I’ll take you there tomorrow.”   “Sure, di ko tatanggihan iyan. I love flowers you know,” nakangiting sabi niya. “But what is the difference between your family’s flower farm and this place?” nagtatakang tanong niya. “Hindi niyo ba ibinibenta ang mga bulaklak dito?”   “Yep, we’re not selling flowers from this place. This place serves as a flower nursery and a secret garden at the same time. As you can see, hindi lang mga wild flowers ang nandito. Even some imported flowers are here. I mean the most expensive flowers are here.”   Napamaang siya sa sinabi nito. “You mean galing pa sa ibang bansa ang mga ito?”   Tumango ito.   “Wow! Ang galing naman! So, papaanong nakayanan ng mga halaman at bulaklak na itong mabuhay sa klimang mayroon ang Pilipinas?” namamanghang tanong niya.   Ikinibit nito ang balikat. “Maybe it’s because of the cold breeze of the waterfall.”   Napatango siya at sinang-ayunan ang sinabi nito. Noon lang kasi niya napansin na malamig nga ang hangin doon dahil sa tubig ng falls.   “Come, I’ll show you the different flowers here.” Iniumang nito ang palad sa kanya. Agad naman siyang tumalima at excited na tinungo ang unang pinakamalapit na bulaklak at halaman sa kinatatayuan nila. “Do you know these flowers?”   Tinitigan niya ang mga bulaklak at halaman na nasa harapan at bahagyang napatango nang makita kung ano iyon.   “It’s daisy.”   “Correct. How about these?”   Napabuga siya nang tingnan ang itinuro nito. Naiiling na lumapit siya rito. “Sino ba naman ang hindi nakakaalam ng bulaklak na iyan? It’s sunflower duh!” Kahit pa iba-iba ang kulay ng mga iyon ay alam niyang sunflower iyon. Nakangiting tumango ito. “And those are cosmos, rose, dahlia, daffodil, tulip, lily and chrysanthemum.” Pinagtuturo niya ang mga bulaklak na alam niya.   Nakangiting tumango ito at pagkuwa’y hinatak siya patungo sa grupo ng halaman na may naggagandahang mga bulaklak. Some of its flowers have different colors like violet, purple, pink and blue. At hindi niya maiwasang magandahan sa bulaklak lalo na at magkakadikit ang mga iyon.   “Now, do you know what is this?” tanong nito. Umiling siya. Sa totoo lang ay ngayon lang niya nakita ang bulaklak na iyon. “It’s hydrangea.”   Napatango-tango siya. Nakangiting pinakatitigan niya ang bulaklak. “It’s beautiful.” Ilang sandali pa’y naglakad sila palapit sa bulaklak na nasa pinakagitnang bahagi ng garden. At halos ay manlaki ang mga mata niya sa nakita. Hindi makapaniwalang yumuko siya at hinawakan iyon. ‘Whoah! Is this even kind of flower exist?’ Maliban kasi sa petals na nakapalibot sa gilid nito ay meron ding mga tila maliliit na bulaklak sa gitna niyon. “Amazing! Is this even real?”   “Yes, and that cost 15.8 million dollars.”   Halos ay lumuwa na ang mata niya sa narinig. “What? Are you serious?” Sa dami ng halaman ng mga itong ganoon ay nakakalulang isipin kung gaano kayaman ang pamilya nito. Sa takot na baka masira niya iyon ay agad siyang lumayo sa halaman. Mahirap na, super mahal ng bulaklak na iyon.   Natawa lang ito sa reaction niya. “By the way, that is Juliet Rose.” Napaytango-tango siya. Hinawakan siya nito sa kamay at naglakad sila palapit sa isa pang grupo ng halaman. At halos ay umawang ang mga labi niya nang makita kung gaano kaganda ang bulaklak niyon. Ang pinakagitnang bahagi ng bawat petals ay kulay puti habang sa dulo niyon ay kulay violet. “That is Lisianthus.”   Habang isa-isa niyang nakikita, natititigan at napag-aaralan ang lahat ng mga bulaklak na naroon ay lalo siyang nagi-enjoy sa ginagawa. Kahit siguro ilang beses niyang titigan ang mga bulaklak ay hinding-hindi siya magsasawa.   Ilang sandali pa’y huminto sila sa mga bulaklak na akala mo’y kabuteng tumubo sa lupa. Ang kulay niyon sa gitna ay yellow, sunod doon ay kulay puti at ang pinakadulo ng petals ay violet.   “Oh, they’re so cute!” tuwang-tuwang pinagmasdan niya ang mga iyon. Habang siya ay abala sa pagsipat sa mga naggagandahang bulaklak ay nakangiting nakamasid lang sa kanya si Rayven. Mukhang nagi-enjoy din itong panuorin siyang tuwang-tuwa sa mga bulaklak na nakikita.   “That is Saffron Crocus.” Ilang sandali pa’y ipinakita rin nito sa kanya ang mga Anemone, Snapdragon, African Violet, Amaryllis, Myosotis, Peony, Dandelion, Lavender, Lupine, Rhododendron, Pansy, Columbine, Cornflower,Buttercup, Iris, Jasmine, Marigold, Cematis, Azalea, Stargazer Lily, Camellia at marami pang iba. Halos ay malula na siya sa ganda ng mga bulaklak na iyon.   Nang matapos ay masayang bumalik sila sa kinauupuan kanina.   “It’s a wonderful place Rayven. It’s like a paradise. I love it and I’m glad dinala mo ako sa lugar na ito.”   “Kung alam ko nga lang na magugustuhan mo ang lugar na ito, matagal na kitang dinala rito.”   Napangiti siya sa sinabi nito at pagkuwa’y sumandig siya sa balikat nito. Ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman ang magaang paghalik nito sa ibabaw ng ulo niya. It felt like there are flying butterflies inside her stomach, kaya halos ay hindi na mapalis ang ngiti sa mga labi niya. Pasalamat na lang siya dahil hindi masyadong mainit ngayon dahil natatakpan ng ulap ang araw.   “Can you remember when I locked you up inside the chicken’s den?” ilang sandali pa’y natatawang tanong nito nang tila ay may maalala ito.   Nang maalala niya iyon ay taas ang kilay na hinarap niya ito. “Oo! Naaalala ko pa iyon! Ang baho kaya ng lugar na iyon!” maktol niya at halos ay mapangiwi siya nang maalala kung gaano kabaho ang kulungan ng mga manok. “Kung hindi pa nagpunta si Mang Randy doon, baka nalagutan na ako ng hininga.”   Napangiti ito. “I’m so sorry about that. Anyway, believe it or not, kahit gaano pa ako nainis sayo noon, at some point ay nakaramdam ako ng awa sayo kasi alam kong hindi ka sanay sa mga lugar na ganoon. So in the end I decided to help you out.”   Bahagyang kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “Weh? Ni hindi mo nga ako tinulungan eh! Remember, you left me there.” singhal niya na ikinatawa nito.   “I asked Mang Randy to go and help you out.”   “What?” Napamaang siya sa sinabi nito. Napangiti ito sa naging reaction niya.   “Nakiusap lang ako sa kanyang huwag sabihin sayo na ako ang nag-utos sa kanya dahil baka lumaki ang ulo mo.”   “Tse!”   Muli itong natawa sa sinabi niya at pagkuwa’y niyakap siya nito. Nang may maalala siya ay nilinga niya ito.   “Mayroon pa pala akong hindi naitatanong sayo.”   “About what?” nagtatakang tanong nito.   “Yung pag-attend mo sa tree planting. Nagpunta ka ba doon dahil nandoon si Coleen?”   “Ano sa tingin mo?”   “Aiysh!” she rolled her eyes. “Sagutin mo na lang.”   “I didn’t expect na nandoon siya. Honestly, I attended that tree planting because of you. Ayokong ipagkatiwala ka sa Brent na iyon kaya sinundan kita.” Napasimangot ito nang banggitin ang pangalan ng lalaki.   Napangiti siya. “Are you jealous?” pang-aasar niya rito.   He rolled his eyes. “Hindi pa ba obvious? Kung pwede ko nga lang siyang ibalibag noon ginawa ko na, kaso naisip ko baka lalo ka lang magalit sakin. Kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko kahit na nangangati na akong burahin siya sa NSO.”   Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “Don’t you ever do that. Huwag na huwag kang makikipag-away sa kahit na sino. Naiintindihan mo?”   “Sige, basta huwag mo na lang ako ulit paselosin.”   Natawa siya sa pakiusap nito. “Okay fine.” Masaya at nakangiting muli siyang sumandig sa balikat nito.   “One day, magpapatayo ako ng bahay dito. Yung kahit maliit at simple lang. Basta ang mahalaga, kasama kita sa bahay na iyon. Kasama ang mga magiging anak natin. Do you like that, love?”   Napangiti siya sa sinabi nito at pagkuwa’y tumango. She’s happy to know na kahit ngayon pa lang ay may plano na ito sa hinaharap kung saan ay mamumuhay sila na kapilang ang isa’t-isa. Na magkasama silang tatanda kasama ang mga magiging anak nila. Gusto din niya ang ideyang iyon. She would love to live in that place. She’s hoping that those dreams will come true. Someday.   “Kahit anong klaseng buhay pa iyan, basta kasama kita’y kontento na ako.”   Niyakap siya nito nang mahigpit sa sinabi niya. “And I’m looking forward for that day to come to us.”   Nakangiting ipinikit niya ang mga mata sa sinabi nito. She would love to stay there, being surrounded by his arms and warm embrace. Iniimagine pa lang niya kung gaano sila mamumuhay sa simpleng buhay nila sa lugar na iyon ay hindi na mapalis ang ngiti sa mga labi niya.   “You know what, naisip ko lang, this place, it’s like being in a crowded place. You will see a lot of beautiful girls that vary from each other.”   “And?” tiningala niya ito. Matapos nitong ikalat ang tingin sa paligid at huminto ang mga mata nito sa kanya. Pakiramdam niya’y halos napigil na niya ang paghinga dahil sa tinging ipinupukol nito nang mga oras na iyon. Those eyes that shows a lot of emotions of happiness, contentment and love.   “Kahit gaano pa karaming magagandang babae ang nakapaligid sa akin, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin kong makita. Ikaw pa rin ang mas gugustuhin kong makasama.”   “Kahit nakaharang si Coleen?”   Tumango ito. “I’m ready to sweep them aside, makita at mahanap lang kita. Kahit anuman ang mangyari, sa huli ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko.”   Pakiramdam niya’y tila may mga kamay na humaplos sa puso niya sa mga binitiwan nitong mga kataga. Nakangiting hinalikan niya ito sa pisngi.   “At ipinapangako ko, anuman ang mangyari, hihintayin kitang piliin at hanapin ako.” Naluluhang pangako niya.   Dumampot ito ng bulaklak na nasa tabi nito at pagkuway iniabot nito iyon sa kanya. Tinitigan niya iyon at bahagyang kumunot ang noo niya nang makita nag maliit na bulaklak na kulay asul. Bakit sa dinami-dami ng bulaklak ay iyon pa ang napili nitong ibigay sa kanya?   “Do you remember this flower?”   “That’s..” saglit siyang nag-isip upang alalahanin ang pangalan ng munting bulaklak. “Myosotis.”   Tumango ito at pagkuwa’y ngumiti. “Here take it.”   Nagtataka man ay inabot niya iyon. Lumawak ang ngiti nito nang kinuha niya iyon mula rito. Halos ay mahulog na ang puso niya sa ngiti nitong iyon. Napakagwapo kasi nito. His smiles are melting her.   “Do you know the meaning of that flower?”   Isang iling ang isinagot niya.   “They call it, Forget Me Not.”   “Forget Me Not,” ulit niya at pinakatitigan ang munting asul na bulaklak. "There must be a story behind its beautiful name." Tumango ito. "I remember a legend behind its name, and according to that legend, once there was a french knight who was walking along a river with his lady when he saw a pretty little blue flower and he thought of giving it to his lover so he bent down to pick it up for her but his heavy armor caused him to lose his balance and he fell into the current of the river. Before sinking forever, he tossed the flower to his lady, shouting "ne m'oubliez pas" that means, forget me not! And that was how the forget-me-not flower got its name. Then the girl decided to wore the flower throughout her days on earth as a sign of remembrance. Because the flower reminds her the only man she loved and all the happy memories they had spent with each other." "Ang lungkot naman ng kwento nila." Nakaramdam siya ng lungkot sa narinig na kwento. "Yes, but I do believe that they're happy now on each other's arms." "You think so?" Nakangiting tumango ito. "Yeah, and I do believe that we will never part ways like they did. Because I will never let that happen." Napangiti siya sa sinabi nito Kahit papaano ay napanatag ang kalooban niya. Parang ayaw din kasi niyang isipin na hindi sila ang magkakatuluyan ng binata. "That flower symbolizes true and undying love, fidelity and loyalty despite separation. And I’m giving you that flower to tell you that, "ne m'oubliez pas.” Muli itong pumitas ng bulaklak at ibinigay sa kanya. “Don’t ever forget my love for you,” anito matapos niyang tanggapin iyon. Muli itong pumitas at ibinigay sa kanya. “Don’t ever forget our promises to each other.”   Naluluhang napatitig siya sa binata. Hindi man niya aminin ngunit labis na siyang nalulunod sa nararamdaman niyang pagmamahal dito. Habang tinatanggap niya ang lahat ng mga munting bulaklak ng Myosotis na ibinibigay nito ay pilit niyang iginuguhit at itinatatak sa isip niyang anuman ang mangyari ay hinding-hindi niya ito makakalimutan at ito lang ang tanging lalaking mamahalin niya buong buhay niya. It’s just him, no one else.   “I love you Sydney,” naluluha at buong pagsuyong hinaplos siya nito sa pisngi. “Don’t ever forget that.”   “I love you too Rayven. I promise, I’ll never forget you.”   They stare into each other’s misty eyes. Naghinang ang mga iyon at tila ba’y nag-usap ang mga iyon at nagkaintindihan. Nang unti-unting lumapit ang mukha nito ay ipinikit niya ang mga mata. Ilang sandali pa’y dumapo na ang mga labi nito sa labi niya.   And right there, all their promises to each other have been sealed with a sweet kiss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD