36 - I Was Made For You

1878 Words
“SANA pagbalik ko, makapunta ulit ako sa lugar na iyon kasama ka,” masayang sabi ni Sydney kay Rayven habang paakyat sila sa treehouse.   Nang mga oras na iyon ay kakatapos lang nilang mamasyal sa secret garden ng pamilya nito. At dahil magtatanghali na ay napagpasyahan na lang nilang bumalik sa treehouse upang makapananghalian. Ayon dito ay mga pagkain daw ang dala nito kanina na iniwan nito sa treehouse. Mukhang prepared na prepared ang loko. Sa mga nakalipas na oras ay wala silang ibang ginawa kundi sulitin ang natitirang oras at araw na meron sila bago siya tuluyang umalis ng bansa.   “Pagbalik mo galing America, pupunta ulit tayo r’on.”   Napangiti siya sa narinig. “Sabi mo yan ah.” Hindi man niya sabihin dito ay alam nilang pareho na ang lugar na iyon ay isa sa mga pinakapaborito niyang lugar sa lahat ng napuntahan niya. Dahil ang lugar na iyon ang magsisilbing tayuan, pundasyon at simula ng mga pangarap nila para isa’t-isa.   “Of course.” Inakbayan siya nito papasok sa treehouse. “Basta ikaw, mahihindian ba naman kita? Love na love kita eh,” anito na nagpangiti at nagpakilig sa kanya.   Kahit kailan ay napaka-vocal nito sa nararamdaman nito. His simple sweet words and gestures are making her drawn to him second by second. Habang tumatagal ay lalo siyang naiinlove dito. At hindi niya alam kung kaya pa niyang pigilan ang sarili niyang mahulog dito ng ganoon because honestly, she enjoys herself on falling in love with him. Bahala na. Ang mahalaga naman sa kanya ng mga oras na iyon ay mahal siya nito at masaya siya rito.   Nang tuluyan silang makapasok sa loob ng treehouse ay hinalikan muna siya nito sa ibabaw ng ulo niya bago siya binitiwan upang harapin ang basket na naglalaman ng mga pagkain na nakapatong sa mesa. Habang siya naman ay pabagsak na humiga sa kama. Sa totoo lang ay ngayon lang niya naramdaman ang pagod. Medyo may kalayuan din kasi ang nilakad nila.   “Come on, let’s eat,” yaya nito habang inilalabas ang mga pagkain mula sa basket.   “Mamaya saglit, magpahinga muna tayo,” sagot niya at napatitig sa puting kisame. The ceiling looks too dull for her. Napanguso siya at nag-isip ng gagawin. Ilang sandali pa’y napangiti siya. “Cute sigurong tingnan ang ceiling kung may mga nakalagay na designs na glow in the dark stars.”   “Huh?” dahil sa sinabi niya ay bahagyang napatingala rin sa kisame ang binata.   “What do you think?”   “Uhm, maganda rin siguro.” Ikinibit nito ang balikat.   “Lagyan kaya natin?” nakangiting suhestiyon niya. Mabuti na yung may mapagkaabalahan naman sila kahit papaano.   “Pwede rin. May mga ganon yata si Ate Hazel eh.”   “Tara kunin natin!” Excited na tumayo siya.   “Ako na lang ang kukuha. Just stay here and have some rest. Alam kong pagod ka.”   Napangiti siya sa sinabi nito. Mukhang ayaw talaga nitong napapagod siya. Tumango siya. Magkahawak-kamay silang naglakad patungo sa pinto ng tree house upang ihatid ito palabas. Nang makarating sa labas ay inilagay nito sa bibig ang dalawang daliri at sumipol ito. Kumunot ang noo niya.   “What was that for?” nagtatakang tanong niya. “What are you doing?”   “Just watch,” nakangiting sagot nito at muling sumipol ng ilang beses. “Oh, there you are.”   Ilang sandali pa’y halos nanlaki ang mga mata niya nang humahangos na dumating ang isang itim na kabayo. Malaki iyon, makintab ang balahibo at maganda ang tindig at pangangatawan. Mukhang alagang-alaga iyon ng may-ari. Huminto iyon sa baba ng treehouse.   “That’s my horse by the way, his name is Thunder,” nakangiting sabi ni Rayven.   Nang malaman niyang pagmamay-ari ito ni Rayven ay hindi na siya nagulat. Knowing him. Mahilig ito sa mga hayop. Kaya sigurado siyang alagang-alaga nito iyon. Sa kaalamang iyon ay naalala niya ang itsura nito nang dambahin at yakapin nito ang anak ng kabayo. Lihim siyang napangiti nang maalala iyon. Sa totoo lang, natatawa pa rin siya kapag naaalala niya ang pangyayaring iyon. Ang cute cute kasi nito.   “What? Why are you smiling?” nagtatakang tanong nito.   “Wala, naalala ko lang yung unang encounter natin.”   “Alin? Yung niyakap ko yung anak ng kabayo?” Nang tumango siya ay napabunghalit ito ng tawa. “Honestly, that’s the most embarrassing thing I’d ever done in my life. Kung bakit naman kasi bigla ka na lang sumulpot.”   “Pero ang cute mo that time, kahit na ang dungis-dungis mo,” natatawang sabi niya.   “Sus, napangitan ka nga sakin noon eh,” nakangusong sabi nito. “Diring-diri ka pa nga.”   “Eh siyempre, stranger ka pa lang noon,” pagdadahilan niya at pinisil ang pisngi nito. “Pero ngayon, ikaw na ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa.”   Napangisi ito sa sinabi niya. “Talaga?”   “Siyempre naman.” Kinindatan niya ito bagay na nagpatawa dito.   “Silly.” Napailing-iling itong inisil ang tungki ng ilong niya.   “Ang mabuti pa pumunta ka na at mukhang naiinip na yung kabayo mo.” Natatawang inginuso niya ang kabayo nitong naghuhukay ng lupa. Mukhang nabobored na yata ang alaga nito.   “Okay, I have to go.”   “Sige, mag-iingat ka.” Hinalikan muna niya ito sa pisngi bago ito naglakad pababa ng hagdan upang lapitan ang kabayo. Habang paakyat ito sa naturang kabayo ay tahimik at nakangiti lang siyang nakamasid dito. Ngayon lang niya narealize, mas malakas pala ang appeal nito kapag nakasakay ito sa kabayo. He just looked like a prince who’s ready to save his princess in damsel in distress. Napangiti siya sa naisip.   Nang makasakay ito ay tiningala siya nito. He gave her his sweetest smile bagay na nagpangiti rin sa kanya. Bago nito tuluyang pinatakbo ang kabayo ay nagflying kiss muna ito sa kanya bagay na nagpatawa sa kanya.   “Tss.. Andami talagang kalokohang alam ng lalaking iyon,” natatawang bulong niya habang sinusundan ito ng tingin palayo.   Nang hindi na niya ito matanaw ay naiiling na pumasok na siya sa loob ng treehouse at pabagsak na humiga sa kama. At dahil sa pagod na nararamdaman ay halos hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.   She just woke up when she felt someone was caressing her hair. Hindi naman siya nakaramdam ng takot dahil kilala niya kung sino iyon kahit nakapikit pa ang mga mata niya. Kabisadong-kabisado kasi niya ang amoy at ang pabangong gamit nito. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at hindi na siya nagulat nang bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Rayven na tila ay nagi-enjoy na pagmasdan siya. He’s staring at her with those lovely and captivating eyes of his. Nakahiga ito sa tabi niya habang nakaunan ito sa sariling braso.   “Kanina ka pa ba dumating?” nagtatakang tanong niya.   “Mga 20 minutes na siguro ang nakalipas,” anito at ngayon naman ay ang pisngi niya ang hinahaplos nito. Tila pilit na kinakabesa ang korte ng mukha niya.   “So, kanina ka pa nakatitig sakin?” Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maiwasan ang sariling makaramdam ng hiya sa klase ng titig na ibinibigay nito. Pakiramdam niya’y tila siya natutunaw na yelo. Idagdag pa ang marahang paghaplos nito sa pisngi niya. It sends shiver down to her spine. Dahil doon ay hindi niya maiwasan ang pagrigodon ng puso niya. It makes her breathless at the same time.   “Yeah, I love staring at you,” walang pagdadalawang-isip na pag-amin nito.   Dahil sa sinabi nito ay napatitig siya sa gwapong mukha nito. At sa hindi mabilang napagkakataon ay hindi niya napigilan ang sariling hangaan ang perpektong mukha nito. She would love to stare at his perfect face. Kahit yata buong maghapon at magdamag siyang nakatitig dito ay hinding-hindi siya magsasawang titigan ito. Because his face is the most beautiful scenery she had ever seen.   Iniangat niya ang kamay at inihawi ang ilang buhok nitong tumabing sa noo nito. Nang matapos ay pinadausdos niya ang mga daliri sa mga malalagong kilay nito, as if trying to memorize his face. Ipinikit nito ang mga mata nang pagtuunan naman niya ng pansin ang mga mata nito. Those deep and catasthropic hazel brown eyes designed with thick eyelashes are captivating.   “I love your eyes, because everytime you look at me,” nakangiting sabi niya habang hinahaplos iyon. “Pakiramdam ko, ako lang ang nagmamay-ari sayo. Na ako lang ang tanging nakikita mo. Those eyes show everything, all your emotions, your feelings toward me, your love for me. Everytime you stare at me, it felt like I was drowning with your love. It’s hypnotizing and addictive at the same time.” Naluluhang sinapo niya ang pisngi nito. “At some point, I can’t help myself to feel scared. What if eventually you stopped looking at me? What if you decided to look away in the end? That would break my heart into pieces Rayven. Tell me, if that happened, how am I supposed to get away from pain? How am I supposed to save myself from the flood of suffering you put in me?” She doesn’t want to think negative things but she can’t help it. Lalo na at masyado pang maaga ang lahat. Hindi pa rin sila sigurado sa mga mangyayari sa mga susunod na buwan o taon.   Nakangiting hinaplos nito ang pisngi niya. “You don’t have anything to be scared of. Because no matter what happens, I’ll stay beside you, I will never leave your side. Instead, I’ll always choose you. I will always choose to be imprisoned in your arms. I will always choose to be drawn with you forever.”   Napanguso siya sa sinabi nito. “Talaga? Promise mo ‘yan?” naluluhang tanong niya.   Napangiti ito sa sinabi niya at pagkuwa’y may dinampot sa sidetable ng kama. Iniipit nito sa tainga niya ang tangkay na may mga bulaklak ng Myosotis.   “I promise.” Kinuha nito ang isang kamay niya at inilapat iyon sa mga mata nito. “For these eyes of mine are made to admire and stare at your beauty.” Inilipat nito ang kamay niya sa ilong nito. “This nose was made to be addicted to your sweet and lovely scent.” Inilipat nito ang kamay niya sa labi nito. “These lips and mouth of mine are made to praise you, to tell you how much I love you, and to make vow to you with full of sincerity, honesty and fidelity.” Hinawakan nito nang mahigpit ang mga kamay niya. “These hands are made to hold your hand until the end of our story. And this,” nang matapos ay inilapat nito ang kamay niya sa dibdib nito kung nasaan ang puso nito. Halos ay ramdam na ramdam niya ang malakas at mabilis na pagpintig ng puso nito nang mga oras na iyon. At tila ba’y nakikiisa iyon sa pagtibok ng puso niya. Buong pagsuyong tinitigan siya nito ng tuwid sa mata.   “This heart of mine is only made for you Sydney, to beat for you and to love you until its last beat. I was made only for you. Just for you. Don’t ever forget that, my love.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD