34 - Surprise

1764 Words
“MOM, DAD, relatives and friends, I want you to meet my girlfriend, Sydney.”   Nagising ang natutulog niyang diwa nang marinig ang anunsiyong iyon ni Rayven sa lahat. Namula ang mukha niya sa matinding hiya. She didn’t expect that. Malay ba niyang iaanunsiyo nito sa lahat na sila na.   “Ayiiehh!”   “I knew it!”   “I told you may something eh!”   “What a very special gift. You’re so lucky hijo. You have already found your missing piece.”   “So, it’s a double celebration. Let’s have a toss for that.”   “Cheers everyone!”   “Congratulations to the both of you hija and hijo.”   “We’re so happy for you hija, hijo.”   Lahat ay halatang tuwang-tuwa at kinikilig sa kanilang dalawa. Halos ay hindi na magkamayaw sa pagbati ang lahat sa kanilang dalawa. Kung makabati ang mga relatives nito akala mo engaged na sila, na ikakasal na sila. Napapakamot na lang siya sa ulo nang wala sa oras dahil sa reaction ng mga ito. It’s kind of embarrassing and overwhelming at the same time.   “Mukhang wala yatang magiging problema pagdating sa family natin,” nakangiti at masayang sabi ni Rayven. “It seems like botong-boto silang lahat sa ating dalawa.”   “Oo nga eh. Normal pa ba ang family natin?” natatawang tanong niya na ikinatawa nito.   “Maybe they only want us to be happy, that’s it.” Ikinibit nito ang balikat. “Come on, let’s go outside,” yaya nito pagdaka at magkahawak pa rin ang mga kamay na nagtungo sila sa labas. Nang makarating sila roon ay nakita niyang nagsasayawan ang ilang pares sa pinakagitnang bahagi ng malawak na bakuran at kasalukuyang sinasabayan ang isang sweet na music. Ilang sandali pa’y humarap ito sa kanya. “Can I have this dance?”   Napangiti siya. “Sure.”   Masaya at magkahawak kamay nilang tinungo ang gitna ng dance floor. Pagkarating nila roon ay hinarap nila ang isa’t-isa. Hindi niya maintindihan ngunit bigla na lang kumabog ang dibdib niya nang makita kung gaano siya nito titigan nang mga oras na iyon. Para siyang yelong natutunaw sa mga titig nito. Halos ay napasinghap siya at napigil niya ang paghinga nang hapitin nito ang baywang niya palapit dito. Tila anumang sandali ay sasabog na ang puso niya sa bilis at lakas ng pintig niyon. When he started to move, she was left with no choice but to put her hands on his broad shoulders. Sinabayan niya ang galaw nito. At dahil hindi niya matagalan ang mga titig nito ay isinubsob na lang niya ang mukha sa balikat nito. Dahil sa ginawa niya ay lalo lang nanuot sa pang-amoy niya ang nakaka-adik nitong amoy, her favorite scent.   “Alam mo ba, sobrang saya ko ngayon,” anito at niyakap siya habang sumasayaw sila. “I’m so blessed.”   “So am I.” Napangiti siya. His warm embrace is kind of addicting.   “I just really can’t believe na naging tayo sa mismong birthday ko. I’ll never forget how special this day for me, for you, for us. You’re the best gift I ever had in my life Sydney. Thank you for coming in to my life. Thank you for giving me the chance to be a part of you.”   Napangiti siya sa narinig. “I’m happy to hear that. Happy birthday, boyfriend.”   “Can you please repeat that?”   “Alin? Yung boyfriend?” nagtatakang tanong niya at tiningala ito.   “I didn’t know, ganito pala ang pakiramdam na matawag mo ng ganyan,” kinikilig na sabi nito. Halos ay hindi na mapalis ang ngiti sa mga labi nito.   She rolled her eyes. “Para namang ngayon ka lang tinawag na ganyan ng mga naging girlfriends mo ah.”   “But it’s different. You are different.”   Kumunot ang noo niya. “Paanong different?”   Bahagya itong lumayo sa kanya at pagkuwa’y buong pagsuyong tinitigan siya ng tuwid sa mga mata.   “Because you are the best woman I ever have in this world. You’re the best girlfriend I ever love the most. You are my present and my future, my alpha and omega, you may not be my first love but I’m sure, you will be my last love.”   Tila may mga kamay na humaplos sa puso niya sa mga binitiwan nitong mga kataga. Lahat ng mga binibitiwan nitong mga kataga ay tumatatak sa isip at puso niya.   “I love you Sydney Camiella Rosales.”   Nakangiti at naluluhang tinitigan niya ng tuwid sa mata si Rayven nang buong pagsuyo.   “I love you too Rayven Harris Castillo.”     _ _ _ _ _ _ _ _ _     NAGISING si Sydney mula sa mahimbing na tulog nang marinig ang pagtunog ng cellphone niya. Pupungas-pungas at nakapikit ang mga matang kinapa niya ang aparato sa side table kung saan niya iyon inilapag kagabi.   “Hello?” inaantok niyang sagot sa tumatawag nang hindi man lang iminumulat ang mga mata upang tingnan kung sino ang nang-istorbo sa tulog niya. Hindi ba nito alam na puyat siya kagabi kaya heto, alas otso na ay nakadikit pa rin siya sa kama niya.   “Good morning my love.”   Automatic na iminulat niya ang mga mata nang marinig kung sino iyon. Tila nawala ang antok niya nang marinig niya ang boses ni Rayven sa kabilang linya. Nang rumehistro sa utak niya ang itinawag nito sa kanya ay saka niya tuluyang naalala na boyfriend na nga pala niya ito.   ‘Heck! Kung panaginip lang ito ayoko nang magising!’   “Love? Are you there?” nag-aalalang tanong nito nang nanatili siyang tahimik.   “Y-yeah, yeah, yeah, I’m here. Good morning too,” bati niya at bahagyang sinilip ang screen ng cellphone at napangiwi siya nang makita kung gaano karami ang mga texts sa kanya ni Rayven. “Sorry kakagising ko lang kaya hindi ko nabasa ang mga messages mo.”   “No, it’s okay, alam ko namang pagod at puyat ka eh. Pasensiya na excited lang kasi akong makita ka.”   “Makita? Don’t tell me, you’re here?” nagtatakang tanong niya.   “Yeah, I’m outside in front of your room’s terrace.”   Sukat sa sinabi nito ay mabilis niyang binalot ang sarili ng comforter at mabilis na nagtungo sa terrace ng kwarto niya. Pagkalabas niya roon ay mga naglilipanang balloon ang unang bumungad sa kanya. Sa dami niyon ay halos hindi na niya iyon mabilang pa. Awang ang mga labing napatingala siya at sinundan niya iyon ng tingin. Ilang sandali pa’y huminto ang mga iyon nang marating ang kisame ng bahay.   Napatingin siya sa baba ngunit unang tumambad sa paningin niya ang tatlong pulang rosas na nasa harap niya na nakatali sa mga balloon. Nakaramdam siya ng kilig sa surpresa nito. Mabilis niyang kinuha ang mga iyon at nakangiting napatingin sa ibaba kung nasaan si Rayven.   “Surprise!” nakangiting sabi nito.   “Ang aga mo namang mang-surprise.”   “I told you, araw-araw kitang liligawan hindi ba.”   “Ayyiieehh! Sana all.”   Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses at ganon na lang ang pamumula ng mukha niya nang makita ang nanunuksong mukha ni Ate Hazel at Kuya Patrick. Sa kabilang kwarto naman ay kinikilig na nanunuod ang Tita at Tito niya. Habang sa ibang rooms naman ay ang mga ususerang kasambahay ng mga ito.   ‘Lecheflan. Kanina pa ba sila nanunuod?’ Namula ang mukha niya. Nakalimutan niya may mga terrace pala ang lahat ng kwarto sa mansion.   “Ang haba ng hair Sydney ah. Rapunzel ikaw ba ‘yan?” ani Ate Hazel na nang-aasar kahit na halatang kinikilig naman.   “Tse!” Inirapan niya ito upang pagtakpan ang hiyang nararamdaman. “Huwag niyo ngang sirain ang araw ko. Kainis ‘tong mga ‘to! Mga tsismoso!”   “Ikaw talagang bata ka, nakapikunin mo,” natatawa at naiiling na sabi ng Tita niya.   “Rayven, palamigin mo nga itong ulo ng girlfriend mo, tinotopak at hina-highblood na naman,” si Kuya Patrick na tatawa-tawa lang.   Natatawang napatingala sa kanya si Rayven. “Love, relax ka lang diyan kung ayaw mong pumangit. Baka masayang ang beauty mo. Mas maganda ka pa naman sa umaga.”   “Korni ng mga banat mo Rayven. Wala na bang iba? Tsk! Makaalis na nga.” Naiiling na nagsialisan na ang mga ito upang bigyan sila ng privacy ni Rayven. Isang tawa lang ang isinagot ni Rayven sa mga ito.   Nang wala na ang mga ito ay nakahinga siya ng maluwag. Nakangiti at masayang inamoy niya ang hawak na bulaklak.   “Thank you sa flowers boyfriend.”   “You’re welcome my love.”   Nakangiting nangalumbaba siya sa terrace at pinagmasdan ang nobyo. “Bakit parang araw-araw ka yatang gumugwapo?”   Lumawak ang ngiti nito sa sinabi niya. Mukhang kinilig yata ang loko-loko.   “Siyempre, blooming dahil sa’yo.”   ‘Buset! Siya pa talaga ang blooming?’   “At pansin ko araw-araw ka ring lalong nagiging korni.”   Napanguso ito sa sinabi niya. “Ang bully mo talaga.”   Napahalakhak siya sa sinabi nito. Ilang sandali pa’y isang nakakalokong ngiti ang gumuhit sa labi nito. Inilapit nito ang cellphone sa tapat ng tainga at pagkuwa’y may sinabi ito. Hindi nga lang niya maintindihan at marinig dahil mukhang sinadya lang talaga nito iyong hinahan iyon.   “Huh? Anong sabi mo?” nagtatakang tanong niya at agad na inilapit ang cellphone sa tapat ng tainga. “Can you repeat what you said?” tanong niya sa tawag habang nakatingin siya rito. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang hindi mapalis-palis na nakakalokong ngiti sa mga labi nito.   “I said, I know what’s underneath your comforter. Tell me, nakaboyleg ka na naman ‘no?”   ‘What the hell?’ Nag-init ang mukha niya sa sinabi nito dahil sa matinding hiya. So, hanggang ngayon ay naaalala pa rin nito iyon? Pakiramdam niya’y gusto niya itong sakalin sa matinding inis sa naisip. Alam nito kung paano siyang pakiligin. And at the same he knew how to pissed her off.   Nang makita nito ang pamumula ng mukha niya ay napabunghalit ito ng tawa. Nangigigil na inakmahan niya ito ng kamao niya. Kung malapit lang talaga ito sa kanya ngayon baka hindi lang suntok ang ibibigay niya rito. Dahil sisiguraduhin niyang mata lang nito ang walang latay.   “I was just kidding my love.”   “You brute, you’re such a p*****t! Pasalamat ka boyfriend kita dahil kung hindi naku, ipapapulis kitang loko-loko ka!”   Napahalakhak ito. Mukhang tuwang-tuwa talaga itong asarin siya.   “I love you. Pumasok ka na at mag-ayos. We’ll go somewhere.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD