26 - Insecurity

1698 Words
  “GOOD MORNING!” masaya at nakangiting bati ni Sydney kay Brent nang maabutan niya itong nakaupo sa isang table kung saan ay tanaw na tanaw nila ang napakagandang dagat. Umupo siya sa tapat nito.   “Good morning. Where have you been last night? Bigla ka na lang nawala. I was trying to call you but you’re not answering my call,” nagtatakang sabi nito.   “My apology, sumakit kasi yung ulo ko kaya bumalik na ako sa room ko,” pagsisinungaling niya.   “Masakit ang ulo mo? Why you didn’t tell me? Nagtake ka na ba ng gamot? Okay na ba ang pakiramdam mo?” sunud-sunod na tanong nito.   “Yeah, I’m fine already.” Nginitian niya ito at mabilis na nag-iwas ng tingin. Brent can easily read her mind. And she doesn’t want him to know that she’s lying. Napatingin siya sa napakagandang dagat at lalong lumawak ang ngiti sa mga labi niya sa nakita. Sinamyo niya ang malamig at sariwang hangin. “I love the view and the air is so refreshing.”   “At hindi ko alam kung magugustuhan mo pa ang view na sinasabi mo kung makikita mo ang nakikita ko ngayon.” Nakangising napasandal sa upuan si Brent at nakahalukipkip na napatingin sa isang direksiyon.   Kumunot ang noo niya. ‘Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin?’ Nagtatakang sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito at halos ay nagsisi siyang lumingon pa siya nang makita niya si Rayven na nakaupo sa isang table, apat na table ang pagitan sa kanila. Nakatingin ito sa direksiyon nilang dalawa ni Brent.   ‘Anong ginagawa niya rito? Bakit hindi pa siya umuuwi? Darn it! Ayaw ba talaga niya akong tigilan?’ Ngali-ngali na sana niya itong sugurin ngunit bigla niyang naalala ang napag-usapan nila kagabi. He’s a stranger to her now and she should keep that in her mind.   ‘Ano nga palang pakialam ko sa kanya. We’re not close anymore. So why would I even care? Bahala siya sa buhay niya!’   Hindi na siya nagkainteres pang basahin ang emosyong nakalarawan sa mukha ni Rayven dahil mabilis niyang ibinalik ang tingin kay Brent.   “By the way, nagbreakfast  ka na ba?” usisa niya kay Brent. Kumunot ang noo nito sa pambabalewala niya sa presensiya ni Rayven.   “Hey, that’s Rayven. Aren’t you going to greet him?”   She rolled her eyes. “Greet him? What for? Duh! I’m not interested with him.” Lalong kumunot ang noo nito. Marahil ay nagtataka ito sa mga inaakto niya. “You know what, gutom na ako. Pwede bang magbreakfast na tayo?”   Nagtatanong ang mga matang tinitigan siya ni Brent. It seemed like he has a lot of questions but he refrained himself from asking. Nagtataka man ay nagkibit-balikat na lang ito.   “Okay.” Agad itong nagtawag ng waiter upang makapag-order sila. Ilang sandali pa’y nagsimula na silang kumain nang dumating ang mga pagkaing inorder nila.   “By the way, what’s in our itenirary for today?” tanong niya habang kumakain sila.   “May tree planting tayo ngayon and magha-hiking tayo papunta sa rainbow soil mountain.”   Napatango-tango siya. “Why is it called rainbow soil mountain?” nagtatakang tanong niya habang ngumunguya.   “You’ll know later. And I’m sure you’ll love the place,” ubod tamis ang ngiti at tila excited na sabi ni Brent.   Tinaasan niya lang ito ng kilay. “Siguraduhin mo lang kundi, patay ka sakin.”   Natawa ito. “Promise maganda r’on.”   “Then we’ll see when we get there.” Itinuon na niya anng pansin sa mga pagkaing nasa harapan.   Nang matapos silang kumain ay bumalik na sila sa kani-kanilang room upang makapaghanda para sa tree planting event na gagawin nila sa araw na iyon. Lulan ng kotse ni Brent ay nakarating sila sa isang liblib na baryo sa paanan ng bundok. Habang papalapit sila sa mga kasama nilang magti-tree planting na kasalukuyang nakaupo sa ground ng isang paaralan doon ay bahagya niyang ikinalat ang tingin sa paligid. Palihim siyang napangiwi nang makitang hindi pa masyadong maayos ang lugar na iyon. May kalumaan na rin ang mga classrooms sa paaralan na iyon na gawa pa sa kahoy. Ang kalsada nga na nadaanan nila kanina ay lubak-lubak dahil hindi pa iyon sementado. At ang mga bahay na nakita niya kanina ay halos lahat gawa sa kahoy. Senyales lang na ang lugar na iyon ay malayo pa sa kabihasnan at kaunlaran. Halos ay mapaubo na siya nang malanghap niya ang alikabok nang biglang umihip ang hangin.   “Are you okay?” natatawang tanong sa kanya ni Brent at ibinigay sa kanya ang panyo nito. “Here, itakip mo na muna iyan nang hindi ka uboin. Ganyan talaga kapag laking siyudad.”   “Tse!” singhal niya at inabot ang panyo nito upang ipantakip sa ilong at bunganga niya. Lihim siyang napangiti nang maamoy ang pabango nito roon. Nang matapos ay sabay silang naglakad patungo sa mga kasamahan nila. “You know what, the place looks too old and dull. Bakit hindi gawing project ng Dad mo ang pagpapaunlad sa lugar na ito?” suhestiyon niya.   “Honestly, ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito. Minsan kasi, hindi ganon kadaling puntahan ang lugar na ito dahil tumataas ang tubig sa ilog na dinaanan natin kanina kapag umuulan.”   Napatango-tango siya. Oo nga pala, naalala niya may dinaanan silang ilog kanina.   “Pwede naman siguro kayong magpagawa ng tulay sa may bandang ilog para mas madali nang makapunta rito. Then after that, next niyo nang ipagawa ang mga kalsada and other infrastructures like school, market and health center.”   Nakangiting napatango ito. “I’ll tell that to my Dad.”   Napangiti siya sa sinabi nito. Ilang sandali pa’y nakuha ng isang iyak ng bata ang atensiyon nilang dalawa. Napaligon siya sa pinanggagalingan ng ingay at mula sa kinatatayuan ay nakita niya ang isang batang babaeng nakadapa. Marahil ay natisod ito nang tumakbo ito. Ilang sandali pa’y isang babae ang lumapit sa bata at pinatatahan ito.   “Oh tahan na, huwag ka nang umiyak. Strong ka hindi ba? Kaya hindi iyan masakit.” Tinulungan ng babaeng bumangon ang bata. Nang matapos ay umupo ito sa harap ng bata habang pinapahid ang basang pisngi nito. Napangiwi siya. Honestly, madungis ang bata at hindi niya alam kung bakit parang balewala lang iyon sa babae. “Heto oh may chocolate ako. Gusto mo?” nakangiting dumukot ng chocolate ang babae sa bag nito at iniabot iyon sa bata. Halos ay hindi na mapuknat sa labi ng mga bata ang matinding saya nang tanggapin nito iyon mula sa babae.   “Maraming salamat po.”   “You’re welcome,” nakangiting sagot ng babae at ginulu-gulo ang buhok ng batang babae. Ilang sandali pa’y tumakbo na palayo ang bata papunta sa mga kalaro nito sa di kalayuan. Nakangiting sinundan lang ito ng tingin ng babae.   “Ang bait niya ano?” Ang sinabing iyon ni Brent ang gumising sa natutulog niyang diwa. Nang lingunin niya ang katabing binata ay bahagyang kumunot ang noo niya nang makitang nakangiti ito habang nakamasid sa babae.   “At hindi lang iyon, maganda pa siya. Honestly, a lot of people loves her because of her kindness,” dugtong nito.   “You know her?” nagtatakang tanong niya.   Tumango ito. “She’s a friend of mine.”   Napatango-tango siya. Muli siyang napalingon sa babae na sakto namang paglingon nito sa direksiyon nila. She won’t deny it. Brent was right, the girl is indeed incredibly beautiful. Mukha itong anghel dahil napakaamo ng mukha nito. She’s beautiful inside out. At lalo pang gumanda ito sa paningin niya nang ngumiti ito habang kumakaway.   “Hi Brent!” tuwang-tuwang lumapit ito sa kinaroroonan nila.   “Hi Leen! It’s good to see you here.” Humalik ang babae sa pisngi ni Brent. “Mabuti naman at nakapunta ka rito.”   “Siyempre, alam mo naman hindi ko pinapalampas ang mga social and charity works dito sa probinsiya natin,” nakangiting sagot ng babae.   Noon niya napag-alaman na mas maganda pala ang babae sa malapitan. Habang nakangiti ito nang mga oras na iyon ay kitang-kita ang magkabilang biloy nito sa pisngi. And that made her more attractive to stare with. Hindi na siya magtataka kung bakit sinabi kanina ni Brent na marami ang nagkakagusto rito. Maganda ito at sexy. Idagdag pang napakabait nito. Sino ba naman ang hindi magkakagusto rito.   “By the way, who is she?” Nakangiting napatingin sa kanya ang babae.   “Oh, I almost forgot, Leen this is Sydney Camiella Rosales, Syndey meet my childhood friend Mikhaella Coleen Evangelista.”   ‘Coleen..’ Natigilan siya sa narinig na pangalan. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit hindi niya maiwasang isipin ang babaeng tanging laman ng puso ni Rayven. ‘Is it possible that she’s Rayven’s first love?’ Ilang sandali pa’y naalala niya ang kabutihang ginawa nito sa bata kanina. Ang pangyayaring iyon ay nagtutugma sa mga kabutihang ikinuwento sa kanya ni Rayven. ‘It can’t be!’ Right that moment, hindi niya maiwasan ang sariling ma-insecure sa babae.   “Hi, it’s nice to meet you Sydney.” Nakangiting iniabot ng babae ang kanang kamay nito upang makipag-handshake sa kanya. Ngunit imbes na abutin iyon nanatili lang siyang tahimik na nakatitig dito.   She knew it’s impolite and rude to decline her handshake but she doesn’t feel like touching her. Not on her weakest and most vulnerable time. Not now.   Mukhang hindi yata nito napansin na wala siyang balak abutin ang kamay nito dahil ilang sandali pa’y lalong lumawak ang ngiti nito at excited na kumaway ito nang magawi ang tingin nito sa likuran niya.   “Hi! What brought you here? Excuse me guys huh?” nagpaalam muna ang babae sa kanila ni Brent bago ito nagmamadaling nilampasan siya at agad nagtungo sa likuran niya.   “Hi Coleen! It’s good to see you here!”   Pakiramdam niya’y para siyang ipinako sa kinatatayuan at tila binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang boses ni Rayven sa likuran niya. Nang mga oras na iyon lahat ng katanungan niya’y nasagot na. Ngayon ay naliwanagan na siya. Her intuitions are right from the very start. The girl she just met is no other than Rayven’s first love. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD