25 - Her Decision

1713 Words
“DARN IT! I am not that fvcking idiot Sydney! My name is Rayven!”   Tumigil siya sa pagtawa dahil sa narinig na pangalan. It’s too impossible. Ikinurap-kurap niya ang mga mata. Pinakatitigan niya ang kaharap at halos ay napigil niya ang paghinga nang makita ang gwapong mukha ng lalaki. Kilala niya kung sino ang nasa harap niya ngayon. Kilalang-kilala niya. But she doesn’t want to believe it. Imposibleng nandoon ito ngayon at bigla-bigla na lang susulpot kung kailan nito gusto.   “You look like Rayven pero imposibleng maging ikaw ang lalaking ‘yon.” Natatawang napailing-iling siya. “Maybe, I’m just hallucinating. Or maybe, it’s because I’m already drunk.”   “Are you crazy? I’m for real!” singhal nito sa kanya.   Kumunot ang noo niya. Nagsasabi ba ito ng totoo? Hinatak niya ang damit nito palapit sa kanya upang titigan ito ng maayos. Medyo dim kasi ang ilaw ng bar kaya hindi niya masyadong makita ng maayos ang mukha nito. Halos ay isang dangkal na lang ang pagitan ng mukha nila ng lalaki at halos ay natigilan siya nang makita niya ang buong mukha nito. Ganon na lang ang pagkabog ng dibdib niya at napigil niya ang paghinga nang maamoy niya ang pabango nitong sobrang pamilyar sa kanya. Yes, she’s drunk ngunit hindi siya maaring magkamali. It’s really Rayven.   Tila nanghihinang napabitaw siya sa pagkakahawak niya sa damit nito. Nang mga oras na iyon ay gulat na gulat siya at hindi pa rin makapaniwalang nasa harap niya ngayon ang lalaking naging dahilan ng paghihirap ng kalooban niya nitong mga nakaraang araw. At sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli na naman niyang naramdaman ang paninikip ng dibdib dahil sa presensiya nito. Pakiramdam niya’y nahihirapan siyang huminga at tila ang sikip ng mundo niya.   Bago pa man nito mabasa ang sakit at lungkot na nararamdaman niya ay pilit niyang pinamanhid ang sarili. She doesn’t want to become a loser or weak. She doesn’t want to become a laughing stock or a joke to him. Not on his watch.   “What the hell are you doing here?” malamig na tanong niya rito.   “I should be the one asking you that!” singhal nito.   Taas ang kilay na napatingin siya rito. Unang tumambad sa kanya ang hindi maipintang mukha ng binata.   Bakit ba kahit galit na galit ang mukha nito ay ang gwapo pa rin nito? It’s been three days since the last time she saw this guy. And she hate to admit it, she missed him despite the betrayal and the pain he caused her. Ngunit nang maalala niya ang ginawa nito sa kanya ay tila sinampal siya ng katotohanan. He doesn’t like her, he doesn’t need her, he loves someone else and he chose that girl over her. She should remember that.   “Ma’am your order,” anang bartender sa kanya.   Ubod tamis ang ngiting binalingan niya ang bartender. “Thank you.”   Rayven glared at the guy. “Just try to give her that and you’re dead!” banta nito.   “Mind your own business Rayven Harris Castillo,” pambabalewala niya rito at tinanggap ang alak mula sa bartender. Akmang iinumin na sana niya iyon nang mabilis na inagaw iyon sa kanya ni Rayven. “What the hell is wrong with you?!” anggil na sigaw niya rito dahil sa pangingealam nito.   “I should be the one asking you that. What the hell is wrong with you? What are you doing on a shitty place like this?”   Tinaasan niya ito ng kilay. “So what if nagpupunta ako sa lugar na ganito? Ano bang pakialam mo?” taas ang kilay na anggil niya. Lalong dumilim ang mukha nito sa sinabi niya. “You know what? I’m only wasting my time on you. So, can you please just leave me alone?” Tinalikuran niya ito.   Bago pa man niya ito iwanan doon ay mabilis nitong hinagip ang isang braso niya at hinatak siya palabas ng bar.   “Get your hands off me!” Ipiniksi niya ang kamay ni Rayven.   Ugali ba talaga nito ang bigla-biglang pagsulpot at pagkatapos ay papakialaman nito lahat ng ginagawa niya?   ‘Damn him!’   Nanggagalaiting hinarap siya nito. His jaw tightened. He seems mad and she doesn’t know why he’s acting that way. Hindi ba’t siya dapat ang magalit dito? Anong karapatan nitong magalit sa kanya? Ang kapal naman yata ng mukha nitong magpakita sa kanya ngayon pagkatapos ng ginawa nito.   “Umuwi ka na,” pagtataboy niya rito at akmang tatalikuran ito ngunit mabilis siya nitong pinigilan sa braso.   “No! You’re not going back inside! Kaya sa ayaw at sa gusto mo, iuuwi na kita!” muli siya nitong hinatak patungo sa parking lot.   “Rayven bitawan mo ko! I don’t want to come with you!” sigaw niya at pilit na nagpumiglas sa pagkakahawak nito. Ngunit masyado itong malakas kaya hindi siya makawala sa higpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya. Gayunpaman ay hindi pa rin siya sumuko at nagpatuloy siya sa pagpupumiglas. She’s desperate to go away from him. Ayaw na niyang magpakaapekto rito. “I don’t want to be with you! I don’t want to see you! So, get lost and leave me alone!”   Tumigil ito sa paghakbang dahil sa mga binitiwan niyang mga salita. Tigagal at hindi makapaniwalang humarap ito sa kanya. Hurt and pain were written on his face but she tried her best to ignore that.   May mangilan-ngilang guest na napapatingin sa kanila ngunit hindi nila pinansin ang mga ito.   “Is it because of that guy? Dahil ba sa lalaking iyon kaya ayaw mo na akong kasama?” naghihinakit ang boses na tanong nito. “Sydney, hindi mo pa siya lubusang kilala! Ilang araw pa lang kayong nagkakasama ng Brent na ‘yon! And now, here you are choosing him over me?” hindi makapaniwalang tanong nito.   Tila ay unti-unti na siyang nahimasmasan mula sa kalasingan. ‘Wow, just wow! Ang lakas naman ng loob niyang sumbatan ako. Ano naman ngayon kung si Brent ang pinipili ko? Bakit? Wala na ba akong karapatang piliin kung ano ang gusto kong gawin at kung sino ang gusto kong kasama?’   Sa sobrang inis niya ay hindi na siya nakapagpigil. Nanggigigil na dinuro-duro niya ito sa dibdib nito.   “Why would I choose someone like you who doesn’t even care at all!?”   “You think I don’t care about you?! Tangina Sydney! Nilibot ko na ang buong probinsiya namin para lang hanapin ka! To know what you’re doing! To check if you’re okay-”   “Nakikita mo naman siguro ako ngayon di ba, I’m okay and fine as hell. Now, leave!”   “I’m not going to leave you here and let yourself drown with that fvcking liquor! I’m not going to let that happen, not on my watch. You understand?”   Natawa siya ng pagak. “Will you please stop acting like you care? Can you please just stop all your lies? Kasi sa totoo lang, nasusuka na ako sa lahat ng mga kasinungalingang pinapakita mo sakin.”   “Lies? Why would I lie to you? Why are you throwing critic and judgment against all of my effort? Why are you doubting me?”   She smirked. “Wow! I just really can’t believe those words coming from you. Of all people, you have the guts to complain?” Kumunot ang noo nito sa sinabi niya. Tumaas ang kilay niya. “What? You’re playing innocent now?” Disbelief was written on her face. Lalo siyang nangggigil sa pagmamaang-maangan nito. “Damn you Rayven! Matapos kitang tratuhin ng tama. Matapos kitang pagkatiwalaan at ituring na kaibigan, ganon lang ang gagawin mo sakin! Basta mo na lang akong inilaglag? You betrayed me and that fvckin’ hurt me so much! I trusted you with all my heart! But what did you do? You backstabbed me! You hurt me! And now here you are, facing and standing right in front me as if you did nothing wrong? Ang kapal ng mukha mo.”    His face turned pale because of what she said. “S-Sydney, if you’re talking about the score I gave you, let me explai-.”   “Enough!” Itinaas niya ang isang kamay tanda na ayaw niyang pakinggan ang anumang sasabihin nito. “Spare me with all your lies. I don’t have the guts and courage to believe and trust you again. I’m so sick and tired of it!”   “S-Sydney.” Hurt was written on his face but for the second time she ignored that.   “You know what? You’re nothing but a worthless person and a fvcking liar. You made me believe with all your lies. You cared for me? Funny but I will never buy your lies and fakeness again. Not now, not ever. Tapos na ako sa mga panloloko at panggagago mo sakin. All the lies you made me believe, I’m already done with all of that. Starting today, sasanayin ko na ang sarili kong hindi ka nagi-exist sa buhay ko. And I’m going to make sure I’ll get used of that. Salamat na lang sa lahat,” matapos niyang sabihin iyon ay walang paalam na tinalikuran niya ang binata.   “S-Sydney.. please.. Let me explain..”   Narinig niya ang nagmamakaawang pakiusap nito ngunit tila walang narinig na nagpatuloy siya sa paghakbang palayo.   “Sydney..”   Kahit anong pagtawag anng gawin nito ay ni hindi man lang siya nag-abalang lingunin ito. Taas noo at puno ng kasiguraduhan ang mga hakbang na tinungo niya ang silid niya at iniwan itong mag-isa sa labas.   Nang makarating siya sa hotel room niya ay nanghihinang napasandal siya sa pinto nang maisara niya iyon. Ang mga luhang pilit niyang pinipigilan kanina ay nag-uunahan na sa pagpatak. What she said hurts so damn much. But she doesn’t have a choice. She has to do that to save her self from falling deeply in love with him. Uunahan na niya bago pa man siya tuluyang malumlom sa emosyon niya. Ayaw na niyang masaktan nang mas higit pa sa nararamdaman niya ngayon. Because she’s too tired of it.   Huminga siya ng malalim upang paginhawain ang nararamdaman. Pinunasan niya ang basang pisngi at ngumiti ng pilit.   “You did the right thing Sydney. Just be strong, you’ll over come this storm.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD