27 - Over My Dead Body

3138 Words
 “HI COLEEN! It’s good to see you here!”   Pakiramdam niya’y para siyang ipinako sa kinatatayuan at tila binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang boses ni Rayven sa likuran niya. Nang mga oras na iyon lahat ng katanungan niya’y nasagot na. Ngayon ay naliwanagan na siya. Her intuitions are right from the very start. The girl she just met is Rayven’s first love.   “Same here. I’m glad you came.”   Hindi man niya nakikita ang mukha ng dalawa ay alam niyang nakangiti ang mga ito at masayang-masaya na makita ang isa’t-isa. It seems like Rayven attended that event to see his first love. And thinking of that idea pained her. It’s killing her bigtime. Nanggigigil na ikinuyom niya ang kamao. Yes, she already made a decision, decision to forget him and all her feelings for him but she can’t help to feel jealous. But she doesn’t have a choice but to get over the pain and move on for herself.  Mariin niyang ipinikit ang mga mata at huminga nang malalim upang payapain ang sarili.   ‘Calm yourself Sydney. Don’t ever let yourself get affected with them.’   “Are you okay?”   Iminulat niya ang mga mata at unang tumambad sa kanya ang gwapong mukha ni Brent. Kunot ang noo nito at mukhang nagtataka na ito sa mga inaakto niya.   Ngumiti siya rito at pilit na pinasigla ang sarili. “Of course I’m fine.”   Tinaasan siya nito ng kilay. Tila ayaw maniwala sa sinabi niya. Tinitigan siya nito nang matiim, pilit binabasa ang laman ng isip niya.   “What?” tinaasan niya ito ng kilay. Nang hindi niya matagalan ang titig nito ay naglakad na siya palapit sa iba pa nilang kasamahan. Agad naman siyang sinundan ni Brent.   “I think you have a lot of things to say to me.”   “Like what?” Kinunutan niya ito ng noo. “Because as far as I could still remember, I think I don’t have anything to say to you.”   Ikinibit nito ang balikat. “Well I just thought something happened last night.”   “What made you think of that?”   Muli nitong ikinibit ang balikat. “Because of two reasons. First, you left last night without even saying goodbye to me, and second, Rayven’s sudden appearance. I find it weird that you two aren’t talking at all as if you don’t know each other that’s why I’m asking you right now.”   Literal na napamaang siya sa sinabi nito. She didn’t know Brent is a keen observer and intelligent at the same time. Kayang-kaya kasi nitong pagtagpi-tagpiin ang mga pangyayari nang walang kahirap-hirap.   Ilang sandali pa’y huminga siya nang malalim at hinarap ito. It seems like she doesn’t have a choice but to tell him everything. On the first place, she needed someone who can understand her at that moment.   “Yes, you’re right. We talked last night.”   “So, what happened?”   “Alam mo napaka-tsismoso mo.” She rolled her eyes.   Natawa ito. “Well, you can’t blame me. I’m so confused and curious at the same time. I want to know what happened between the two of you.”   Umupo siya sa damuhan sa silong ng isang puno hindi kalayuan sa iba nilang kasamahan. Agad naman itong tumabi sa kanya at nakatingin lang sa kanya na tila ba hinihintay ang lahat ng sasabihin niya.   “I told him that I got hurt by his betrayal. Na ayaw ko na siyang makita at makasama pa. Ipinamukha ko sa kanyang isa siyang sinungaling na tao. That I don’t have the courage to trust him again. I even told him that I’m already done with all his lies and fakeness. Na magmula ngayon, sasanayin ko na ang sarili kong hindi siya kasama. Na hindi na siya nagi-exist sa buhay ko,” she tried her best to hide the painful emotions that’s haunting her when she remembered how she told those words to Rayven. Pilit niyang pinamanhid ang sarili sa lahat ng nararamdaman niya nang mga oras na iyon. She felt empty but she need to get over it, for her own sake.   “And that’s okay with you?” salubong ang kilay at hindi makapaniwalang tanong ni Brent sa kanya. It seems like he’s worried for her.   “Yeah, I have to.” Nginitian niya ito at pagkuwa’y bahagyang napasulyap sa dalawang masaya pa ring nag-uusap nang mga oras na iyon. “Lalo na at nakikita kong masaya siya sa taong mahal niya.” Napangiti siya nang mapait. The view pained her so much. It felt like someone was shooting daggers on her chest. Bago pa man tuluyang sumabog ang sakit na nararamdaman niya ay agad niyang inalis ang tingin sa dalawa. Ayaw na niyang saktan at pahirapan pa ang sarili niya. Lalo na at nakikita niyang both of them look so good with each other.   “You’re a strong person Sydney.” Brent gave her a heart warming embrace, as if making her feel alright. “I know, you can overcome this.”   Napangiti siya. “Thank you Brent.” Well, wala na siyang masasabi pa rito. Brent is a good friend. And she’s thankful na nasa tabi niya ito upang damayan siya sa lahat ng pagkakataon. “I’m happy that you’re on my side whenever I needed someone to lean on.”   Nakangiting ginulu-gulo nito ang buhok niya. “Kung sa tingin mo, mapapanatag ang kalooban mo sa mga desisyon mo, then go for it. Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako para sa’yo.”     _ _ _ _ _ _ _ _ _ _       “BAGO PO tayo umakyat sa burol para sa tree planting, tutal ay maaga pa naman, pagsaluhan po muna natin ang munting pagkaing inihanda ng aking mga kabario,” anang kapitan ng baryo nang matapos ang opening program bilang pagwelcome sa kanila. Base sa naging salaysay nito kanina ay medyo may kalayuan ang burol na pupuntahan nila kaya ay wala silang choice kundi ang paunlakan ang paanyaya ng kapitan. Mahirap na baka bigla silang mahimatay sa daan.   “I’ll just get some food for us to eat,” paalam ni Brent sa kanya na agad naman niyang tinanguan. On the first place, hindi naman kasi siya sanay na makihalubilo sa ibang tao lalo na’t wala pa siyang kakilala roon. Hindi nga niya alam kung anong pagkain ang inihanda ng mga tao roon.  Ibang-iba kasi ang pamumuhay doon kumpara sa lugar na kinalakihan niya. At hindi niya alam kung magugustuhan niya ang mga pagkaing inihanda ng mga ito.   Nagkibit na lang siya ng balikat at dinukot ang cellphone sa bulsa. Habang hinihintay niya si Brent ay nagkasya na lang muna siya sa pag-scroll sa cellphone niya.   “Here, eat this.”   Mula sa cellphone na hawak ay inilipat niya ang tingin sa lalaking nakatayo sa harap niya. Nagsalubong ang kilay niya nang makita kung sino iyon. It’s Rayven. He’s standing right in front of her while holding a chocolate cupcake and a bottle of softdrinks.   “Take it,” nakangiting iniumang nito iyon sa kanya. “I brought it just in case magutom ka at baka hindi mo magustuhan ang mga pagkain dito.”   Natigilan siya sa sinabi nito. He brought that for her? Does it mean pumunta ito doon para sa kanya? She can’t explain it, but hearing that felt like something inside her warmed and lighted up.   Ilang sandali pa’y nakuha ng mga tawa ni Coleen ang atensiyon niya kaya naman ay napasulyap siya sa kinaroroonan nito. Mula sa kinauupuan ay nakita niyang nakikipagkwentuhan ang babae kay Brent habang kumukuha ang mga ito ng pagkain sa table. Aalisin na sana niya ang tingin niya dito nang mahagip ng tingin niya ang hawak nito. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig sa nakita. Mahigpit niyang ikinuyom ang kamao nang mapag-alamang hindi lang pala siya ang binigyan ni Rayven ng dinala nitong pagkain. Dahil hayun ang pruweba, hawak-hawak ni Coleen ang isang chocolate cupcake at isang bote ng maliit na softdrinks. Tapos ngayon ay sasabihin nitong dinala nito iyon para sa kanya?   ‘Damn you Rayven! You’re such a liar!’ halos ay muntik na niyang maisigaw iyon dito ngunit mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. She doesn’t want to make a scene.   She tried her best to compose herself and looked at Rayven. “Excuse me mister. Do I know you?”   Nabura ang ngiti sa mga labi ni Rayven sa naging reaction at sagot niya.   “S-Sydney.” Hurt was written on his face but she ignored that. “I was just-”   “Can you please just leave? Can’t you see? I want to be alone and obviously I don’t talk to strangers.”   Bumagsak ang balikat nito sa mga sinabi niya. She just shrugged her shoulder and continued on scrolling her cellphone. Pilit na lang niyang binalewala ang presensiya ni Rayven.   “Hi! Is there anything I can help?” nagtatakang tanong ni Brent kay Rayven nang makabalik ito. Isang masamang tingin lang ang ibinigay ni Rayven dito.   “Is that mine?” tanong niya kay Brent.   “Yup.” Nakangiting iniabot sa kanya ni Brent ang tangan-tangan nitong pagkain na nakalagay sa plate.   “Thank you.” Nakangiting tinanggap niya iyon.   Ilang sandali pa’y bahagyang kumunot ang noo niya nang makitang may nalaglag sa paanan nila ni Rayven. Nagtatakang napatingin siya roon at bahagya siyang natigilan nang makitang ilang piraso iyon ng chocolate cupcake na hawak nito. Nang dumako ang tingin niya sa kamay nito ay lalong kumunot ang noo niya nang makitang nakakuyom ang kamao nito dahilan para madurog ang cupcake na hawak nito. Tiningala niya si Rayven at tumaas ang kilay niya nang makitang madilim ang mukha nito.   “Are you okay dude? Kawawa na kasi yung cupcake mo. Durog na durog na oh,” si Brent.   Tila noon lang natauhan si Rayven. Napatingin ito sa cupcake at halos ay natigilan ito sa nakita. Namula ang mukha nito. Tila nahihiyang napaurong ito palayo sa kanila.   “I-I’m sorry, I should go. Excuse me,” paalam nito. Bago pa man makasagot si Brent ay umalis na ito.   Nagpipigil ang ngiti at tawang napailing-iling si Brent. “Kawawang cupcake. Nadamay nang wala sa oras.”   Nagkibit na lang siya ng balikat at pilit na inignora ang mga nangyari. She just focused her attention on the food. Bahagya siyang napangiwi nang makita ang mga pagkaing nakalagay sa sariling plato. Most of the foods in her plate are not familiar with her. Ang tanging alam lang niyang putahe doon ay ang pansit at lumpiang shanghai. And the rest, she doesn’t know if those foods are edible.   “What’s this?” turo niya sa kulay brownish green na mukhang gulaman ang texture. “Are these even edible?”   Natawa si Brent. “Of course! Those food are my province’s specialty. That one you’re referring to, that’s called Dudol. That’s made up of rice flour, coconut milk and sugarcane juice. Come on taste it, you’ll love it I swear.”   Sinunod niya ang sinabi nito. Tinikman niya ang Dudol at ilang sandali pa’y napangiti siya nang malasahan iyon.   “It’s thick and sticky but sweet. I like it.”   “Told you,” nakangiting sabi ni Brent at itinuro ang isang putahe. “This one try it. We call it Okoy. It’s made up of shrimp with glutinous rice batter.”   Tinakman niya ang itinuro nitong parang fried egg ang itsura.   “May suka?” Napangiwi siya ng unti nang matikmang medyo maasim iyon.   “Oh I’m sorry, I dipped it in a vinegar. Hindi ko kasi alam na ayaw mo sa vinegar.”   “It’s okay.” Nginitian niya ito. “How about these? What kind of foods are these?”   Isa-isa naman nitong pinangalanan ang mga pagkaing nasa pinggan. Napatango-tango na lang siya habang inaalam ang mga pangalan ng mga pagkain. Ilang sandali pa’y isa-isa na rin niyang tinikman ang mga iyon at napangiti siya. The food doesn’t taste bad after all.   Nang matapos silang kumain ay nagpahinga muna sila ng ilang sandali bago nila napagpasyahang magtungo na sa burol kung saan nila isasagawa ang tree planting activity.   Habang naglalakad sila ni Brent nang mga oras na iyon ay tudo ang pag-alalay nito sa kanya. Lalo na’t ang nilalakaran nila ay hindi patag dahil paakyat sila sa isang bundok upang marating ang burol na pupuntahan nila. Ilang sandali pa’y hinihingal na napahinto siya sa paglalakad.   “I’m so tired,” nakangiwing daing at reklamo niya. She catched her breath for a moment. Sa totoo lang nanginginig na ang mga tuhod niya sa matinding pagod.   Natatawang huminto rin si Brent. “Talagang laking Manila ka. Hindi ka sanay sa mga hiking. And I bet you don’t like activities like this.”   “Well, yeah sort of.” Ikinibit niya ang balikat. Never naman kasi niyang naranasan iyon dahil mas gusto pa niyang magliwaliw sa mga bars. Mas gusto pa niyang uminom ng alak kaysa pagurin ang sarili sa pag-akyat sa mga bundok. Bahagya siyang napangiwi nang maramdaman ang sikat ng araw na tumatama sa balat niya. Lalo pang nakadagdag ang init na dulot niyon sa pagod na nararamdaman niya.   “Are you okay?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Coleen nang madaanan sila nito. Kasama nito si Rayven na hindi man lang siya pinag-aksayahan ng oras na sulyapan.   “Yeah, I’m fine. I’m just catching my breath for a moment,” sagot niya.   “You should exercise sometime, para hindi mabigla ang katawan mo sa mga ganitong activities,” suhestiyon nito.   Tinanguan lang niya ang sinabi nito. Wala siya sa mood makipag-usap rito lalo na at kasama nito si Rayven na mukhang walang pakialam sa kanya. Well, sino nga ba naman siya para magcomplain? On the first place, iyon naman talaga ang gusto niya hindi ba?   “Anyway, take your time. We’ll go ahead.” Nakangiting nagpaalam na sa kanila si Coleen. Tumalikod na ito at nagpatuloy sa paglalakad. Sinundan niya ang mga ito ng tingin. At ganon na lang ang pagtaas ng kilay niya nang makita kung gaano ito alalayan ni Rayven. Lalong nagngitngit ang kalooban niya sa nakita.   “Sweet. Sana langgamin kayo. Bwisit!” nanggigigil na tinadayakan niya ang nakausling bato sa paanan niya. Akala niya ganon lang kadaling gawin at panindigan ang naging desisyon niya ngunit nagkamali siya. Dahil mas mahirap pala iyon tulad ng sinabi ni Brent. Akala niya, okay lang sa kanyang makita si Rayven na masaya sa taong mahal nito ngunit nagkamali siya. Dahil kung gaano ito nagiging masaya sa tuwing kasama nito si Coleen. Katumbas naman niyon ay ang labis na sakit na pumapatay sa kanya. And she wanted to hate herself for feeling all of that. Feeling nga niya, parang masisiraan na siya ng ulo.   “Easy!” natatawang tinapik siya sa balikat ni Brent. “Relax ka lang. Yung puso mo o, baka sumabog.”   She rolled her eyes and sighed to calm herself.   “Hindi mo pa rin ba kayang maglakad?” tanong sa kanya ni Brent makalipas ang ilang sandali.   Napanguso lang siya sa sinabi nito. Sa totoo lang, wala na siya sa mood magtree planting ngayon. Supposedly, she have to be enjoying that activity but whatever she do, she just can’t do that. She can’t find any reason to enjoy that activity after all. Lalo na at nandoon ang dalawa upang sirain ang araw niya.   “Come on then.”   “What are you doing?” Nanlaki ang mga mata niya nang magtungo si Brent sa harap niya.   “Kakargahin na lang kita para hindi ka mahirapan. You know, piggy ride back.”   “But-” gusto niyang itong tutulan dahil nahihiya siya rito but it seems like he’s persistent to carry her.   “No more buts, just come on. If you’re worried about me, you don’t have to be, sanay na akong maghiking, so it’s just nothing to me. Come on, dali na at baka maiwanan tayo rito.”   Dahil sa sinabi nito ay wala siyang nagawa kundi ang sumakay sa likod nito. Nang masiguro nitong hindi siya mahuhulog ay malalaki ang mga hakbang na nagpatuloy ito sa paglalakad. Yumakap siya sa leeg ni Brent at isinubsob ang mukha sa balikat nito.   “Comin’ through, give way,” nakangiting sabi ni Brent nang maabutan nito sina Rayven at Coleen. Nang lumingon ang mga ito sa kanilang dalawa ay bahagyang natigilan ang mga ito. Unang nakahuma si Coleen. Nakangiting nagbigay ito ng daan kay Brent. Hindi niya nakita ang emosyong nakalarawan sa mukha ni Rayven nang mga oras na iyon dahil nakasubsob ang mukha niya sa balikat ni Brent. “Thank you,” pasalamat ni Brent dito at nagpatuloy sa paglalakad upang lampasan ang dalawa.   “Just be careful with your steps Brent, baka madulas at mahulog ka,” paalala niya rito habang nakapikit ang mga mata. Kung nagkataon kasi na mali ang pagtapak nito ay kasama siyang mahuhulog.   “It’s okay with me, as long as I’m with you.”   Napadilat siya ng mga mata nang wala sa oras dahil sa sinabi nito. Pinanlakihan niya ito ng mga mata.   “Nagpapalipad hangin ka ba? Don’t tell me, you have-”   “I have feelings for you?” tuloy nito sa mga sinasabi niya. Bahagya itong natawa. “Ngayon mo lang ba nahalata? Napakamanhid mo talaga.”   “What the hell Brent?!” gulat na gulat na napasinghap siya. She’s not prepared for his revelation. “Are you kidding me? Are you tripping on me?”   “Nope.” Nakangiting umiling ito. “Honestly, noon pa dapat ako nagtapat sa’yo but then nagdalawang isip ako noong malaman kong may gusto ka nang iba. I was trying to be okay with it. I already accepted my defeat actually. But then nung sabihin mo kanina yung decision mo, nabuhayan ako ng loob. I’m hoping that I’ll have the chance to be with you lalo na at wala na akong karibal sa buhay mo. Would you let me Sydney?”   Umawang ang mga labi niya sa naging pagtatapat nito. She didn’t see that coming.   “Nagulat ka ba?”   “Hmm yeah.. But Brent..”   “You don’t have to answer that for now. I’m willing to wait.”   Brent is a good person. Napatunayan na niya kung gaano kalinis at kabuti ang hangarin nito sa kanya. But she doesn’t want to rush herself. And one more thing, she doesn’t want to take advantage of Brent’s feelings for her. Ayaw niyang maging rebound ito. She doesn’t want to hurt him.   “Ang cute nilang dalawa. They look good together isn’t it?” hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sinabi ni Coleen sa katabi nitong si Rayven. Hindi man niya ito nakikita ay alam niyang kinikilig ito.   “No. They’re not and they will never be. Over my dead body.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD