16 - Enchanted

2588 Words
“SO, WHAT happened?” tanong sa kanya ni Rayven nang makapasok siya sa kotseng dala nito. Nagrequest kasi ito kina Ate Hazel na ito ang susundo sa kanya ngayon. Agad namang pumayag ang lahat dahil as usual nagpi-playing cupid na naman ang mga ito sa kanilang dalawa.   “Did you make it to top 5 talent finalist?” excited na tanong nito.   Imbes na sumagot ay ngumawa lang siya. Nataranta ito sa naging reaction niya.   “H-Hey.. What’s wrong?”   “Nagtanong ka pa! Hindi ba obvious?”   Napangiwi ito. “It’s okay. Kahit na hindi ka nakapasok sa talent finalist, for me, ikaw pa rin ang pinakatalented sa kanilang lahat.”   Natigilan siya sa sinabi nito. “T-talaga?”   “Yeah, lalo na at nakita ko na musically inclined ka. Super galing mo kayang magpiano. Bulag lang siguro yung mga judges. Hindi siguro sila musically inclined kaya ganon ang result ng competition.”   Tila may malamig na kamay ang humaplos sa puso niya sa sinabi nito. She was touched by his words. Unti-unting sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya. Dinampot niya ang pulang tela sa bag at pinunasan ang pisngi.   “Thank you ha,” nakangiting sabi niya.   Dumako sa hawak niya ang paningin nito. Ilang sandali pa’y inagaw nito iyon sa kanya at sinipat iyon. Halos ay nanlaki ang mga mata nito nang makita kung ano ang hawak nito.   “You made it?!” hindi makapaniwalang tanong nito.   Lumawak ang ngiti niya. “Of course! Alam mo namang never ako nagpatalo sa kahit na sino.” Kinuha niya rito ang hawak nitong sash at isinuot iyon. “Galing ko hindi ba?”   “Oo, talented ka nga. Talented ka rin sa pag-acting. You almost got me there.”   Natawa siya sa sinabi nito. “Now you know.”   “So, can we call for a celebration?”   “Sure, basta libre mo.”   “Grabe ka, napakakuripot mo talaga.” Napailing-iling ito.   “Eh alam mo namang wala akong pera di ba? Poorita ako ngayon. Hayaan mo, ilista mo na lang muna, tsaka na lang kita babayaran.” Nginitian niya ito ng matamis.   “Huwag mo na ako bayaran, basta ilutuan mo ako ng Crème Burlee. Okay na ako r’on.”   Napangiti siya sa sinabi nito. “Oh sure.”   “So, where do you want to go?”   “May sea side restaurant ba rito? Gusto ko sanang panuorin yung sunset.”   “I know somewhere.”   Namilog ang mga mata niya sa matinding excitement dahil sa narinig. “Yes! That’s perfect! Then let’s go!”   Napangiti ito. “You’ll love the place I promise.”     _ _ _ _ _ _ _ _ _ _     “WOW! It’s beautiful!” manghang sabi niya habang nakatanaw siya sa papalubog na araw sa dakong kanluran ng dagat. She was fascinated to see how the water and sky turned into combined colors of red and orange because of the sunlight. Halos ay hindi na niya magawang alisin ang paningin sa napakagandang view na iyon. Napangiti siya nang maramdaman ang malamig na hangin na dumampi sa balat niya. Tinangay niyon ang ilang hibla ng buhok niya na na nakatabing sa ilang bahagi ng mukha niya.   “Do you love sunset?” nagtatakang tanong ng binata.   “Yeah.” Tumango siya. “Watching it makes me relax, peaceful and at ease.” She sits comfortably at the carpet laid on the sand facing the beach. Honestly, she likes that hotel and restaurant beach because it is so unique. Hindi ito katulad ng mga ibang restaurant na may mga mesa na gawa sa salamin, kahoy, semento o bakal. Halos lahat ng table na nakikita niyang nasa gilid ng dagat ay maliit na bilog na mesa na gawa sa kawayan. At walang upuan doon. So kailangan mo pang mag-indian sit sa carpet. Hindi naman mainit doon dahil nasa silong sila ng isang puno. It’s so cute lalo na at kitang-kita niya ang kabuuan ng dagat. Mabuti na lang at kaunti lang ang panauhin ngayon doon.   Umupo sa tabi niya ang binata. Pagkapasok nila kanina sa restaurant ay agad itong nag-order ng pagkain nila. So they’re waiting for it to be delivered.   “Do you know what sunset means?”   “Sadness, grief, sorrow and end,” wala sa sariling sagot niya.   “So, why do you still love it despite its meaning?”   Ngumiti siya ng malungkot. “It’s because sunset connects me to my brother.”   Kumunot ang noo nito sa sinabi niya. Nagtatakang nilingon siya nito. “What do you mean? I don’t understand.”   “He committed suicide by drowning himself in a beach somewhere in Mindoro. The sun is setting that time.”   “Sorry to hear that.”   “You know what hurts me the most? I saw everything with my own eyes. I’m too helpless to help or save him. If there’s only one thing I regret the most, that is for not listening to him to go on a swimming class. Kung hindi lang ako nagpadala sa takot at trauma ko sa paglangoy, natuto sana akong lumangoy at higit sa lahat, nailigtas ko sana siya. Buhay pa sana siya ngayon.” Tila may mga kamay na lumapirot sa puso niya nang maalala ang trahedyang iyon. Dahil sa bigat na nararamdaman niya nang mga oras na iyon ay hindi na niya napigilan ang sariling mapaluha. Sunod-sunod ang naging patak ng mga luha niya.   Ilang sandali pa’y natigilan siya nang hinatak siya ni Rayven at ikinulong sa mga bisig nito. He gave her a warm embrace as if trying to help her relieve all her pains, trying to make her feel better. Isinubsob niya ang mukha sa balikat nito.   “You’ll get over all the pains of the past not today, but soon. And I just hope you’ll get there as soon as possible. It’s because you don’t deserve to suffer that way for so long.”   Tila may humaplos sa kaibuturan ng puso niya sa mga binitiwan nitong mga kataga. Ayaw man niyang aminin but his words and embrace made her feel better in a way she can’t decode nor explain. They’re like magic spell. Pakiramdam nga niya ay parang ayaw na niyang umalis doon. His arms are so addictive.   “Aheem excuse me po, heto na ang order niyo Ma’am and Sir.”   Dahil sa matinding gulat sa biglaang pagsulpot ng isa sa mga tauhan ng restaurant ay mabilis silang napabitaw sa isa’t-isa.   Umuubong nag-iwas ng tingin si Rayven at napatingin sa kabilang direksiyon. Habang siya naman ay namumula ang mukhang pinunasan ang basang pisngi. It feels so awkward and funny at the same time. Para kasi silang magkasintahan na nahuling naglalampungan.   ‘The heck! What am I thinking?!’ Gusto niyang sapukin ang sarili nang mga oras na iyon dahil sa mga pumapasok sa isip niya. Mabilis niyang ipinilig ang ulo at iwinaglit iyon sa isipan.   She and Rayven can only be friends but not lovers. Malabong mangyari ang huli dahil malinaw sa kanya na marami silang differences ng binata. And she will never cross or go over those differences. She’s not that kind of person on the first place.   Napatingin siya sa mga pagkaing inilapag ng waitress sa table nila. Kumunot ang noo niya nang may mapansin.   “Wait ate, we didn’t order clubhouse.” Itinuro niya ang dalawang clubhouse na hugis pinadugtong na puso.   Ngumiti ng matamis ang waitress sa kanilang dalawa ni Rayven.   “Lucky freebie po iyan sa mga couples na katulad niyo.”   ‘Couples na katulad niyo.’ Tila echong paulit-ulit na umalingawngaw sa pandinig niya ang mga sinabi ng babae.   ‘Anak ng tipaklong. Ano raw?’ Literal na napamaang at napanganga silang dalawa ni Rayven sa narinig.   Nang makahuma sila sa matinding gulat ay nagkatinginan silang dalawa ni Rayven. Hindi nila napigilan ang sariling mapabunghalit ng tawa sa mga nangyayari.   “Ate nakakatawa ka. Mukha ba kaming couple?”   “Oo, bagay na bagay nga kayo eh. Parang may sparks at chemistry.”   Jusko, may dumagdag na naman sa kapatiran ng mga kamag-anak nila.   “Bakit? Hindi ba kayo couple?” nagtatakang tanong nito.   “Friends lang kami ate.”   “Ay ganon ba?” tila nanlumo ito sa nalaman. “Sayang bagay pa naman kayo.”   “Kunin niyo na lang po itong clubhouse. Nakakahiya naman po sa management niyo.” Iniabot niya ang plate na naglalaman ng clubhouse.   “Naku, huwag na, kunin niyo na lang iyan. Katulad nga ng sinabi ko, it’s a lucky freebie at bawal isauli at bawiin.”   Bahagyang kumunot ang noo niya sa sinabi nito. What does she mean by that?   “Bakit bawal isauli at bawiin?” nagtatakang tanong ni Rayven. Maging ito yata ay nagtaka sa sinabi ng babae.   “Yes, a lot of people believed na ang food na iyan brings luck sa mga couples na kakain niyan. Iyang dalawang clubhouse na iyan, sumisimbolo ng pinagdugtong na puso. It only means na kahit anong mangyari ay hindi sila magkakahiwalay.”   ‘This food brings luck to couples who eat it? Kapag kumain ng clubhouse na iyon hindi magkakahiwalay ang couple? Kalokohan. Ano bang ingredient ng clubhouse na iyan para paniwalain ang mga tao sa mga ganyang haka-haka? May magic spell ba iyon? Potion?’   Ikinibit niya ang balikat. Isa lang ang sigurado niya. None of their beliefs are real. There’s even no scientific explanation for that.   “Kaya kunin niyo na, I just hope that this clubhouse will grant cupid’s wish for the both of you.”   “O-okay, thank you.”   Nang mawala na ang babae ay nagkatinginan sila ni Rayven. At muli ay sabay silang nagkatawanan.   “I can’t believe it. You brought me to a funny restaurant with such weird belief,” tumatawang sabi niya.   “I don’t have any idea about this,” natatawang sabi nito. “Ang alam ko lang, this is a famous restaurant. Hindi ko alam na famous sila dahil sa lucky clubhouse nila.”   “Yeah, whatever, let’s eat. I’m hungry.”   “Okay. For your win.” He raised the half piece of clubhouse and initiates for a toast.   Natawa siya sa ginawi nito. She was left with no choice but to get the other piece to get along with his jokes. “Yeah, for my win.”   _ _ _ _ _ _ _ _   “GOOD morning Tita!” nakangiting bati niya kay Tita Margie nang maabutan niya itong mag-isang nakaupo sa sala ng mansion ng mga ito.   “Good morning din hija.” Napangiti ito nang makita siya.   Lumapit siya rito at humalik sa pisngi nito.   “Wala ka bang practice ngayon sa pageant niyo hija?”   “Wala Tita.”   “By the way, kailan ang coronation night?”   “Sa Saturday na po.”   “Malapit na pala. Anyway, I’m sure you’ll win the crown.”   “Hopefully Tita.” Ngumiti siya rito. Base naman sa mga napapansin niya sa mga practice nila ay lamang siya sa mga kalaban niya. Unless, someone will play dirty tricks.   “Anyway, napadalaw ka hija?”   “Ahm si Rayven po Tita?”   Sumilay ang isang nanunuksong ngiti sa mga labi ng ginang nang marinig ang pangalan ng anak.   “Nasa music room yata siya hija. May narinig kasi akong tumutugtog ng piano kanina.”   “Talaga po?” nanlaki ang mga mata niya sa matinding tuwa sa nalaman. Pakiramdam niyay tila naexcite siya na hindi niya maintindihan.   “Ang mabuti pa, puntahan mo na lang siya roon.”   “Sige po Tita.” Matapos niyang magpaalam rito ay agad siyang nagtungo sa music room. Pagkapasok niya roon ay sumilay ang isang hindi matatawarang ngiti sa mga labi niya nang marinig ang napakagandang classical song na tinutugtog nito.   Maaaring marami silang pagkakaiba ng binata. But music has bound them together. And honestly that song was made for duet. It can be more beautiful if it isn’t played alone.   Nakangiting naglakad siya palapit rito nang hindi nito napapansin. Ilang sandali pa’y inabot niya ang mga tiklado at sinabayan ito sa pagtugtog. At halos ay manlaki ang mga mata nito sa matinding gulat dahil sa biglaang pagsulpot niya. Napahinto ito sa pagtugtog.   “Sydney, you’re here.”   “Yup, bored ako sa bahay eh, kaya pumunta na ako rito.” Inihinto niya ang pagtugtog at nginitian ito. “Anyway Rayven, this beautiful song shouldn’t be played alone.”   Napahinto ito sa pagtugtog at pagkuwa’y  ngumiti ito.   “Then, can you do the honor to play this song with me?”   “Yeah, I would love to.” Masayang tumabi siya rito nang umusog ito upang bigyan siya ng space na mauupuan sa bandang kanan nito.   “It’s my favorite classical song by the way.”   “Really? It’s one of my favorite too.” Natuwa siya sa sinabi nito. Hindi na siya magtataka kung bakit favorite nito ang Canon in D Major ni Johann Pachelbel. Napakaganda naman kasi ng song na iyon. Kahit na sino siguro ay maiinlove sa melody niyon. Kaya hindi na rin siya nagtataka kung bakit ginagawang wedding song iyon ng marami. “Let’s start?”   “Sige.” Tumango ito. Inihanda na nito ang mga daliri sa piano. Ilang sandali pa’y nagsimula na ito sa pagtugtog.   Honestly, sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakatagpo ng isang lalaking ganon ka-inlove sa classical song na iyon. At hindi niya mapigilan ang sariling hangaan ito dahil doon.   Hindi niya napigilan ang sariling mamangha nang marinig ang napakagandang tugtog na ginagawa nito. Wala sa sariling napatingin siya sa binata at halos ay napigil niya ang paghinga nang makitang nakapikit ito habang buong damdamin nitong tinutugtog iyon. Tila dinadama nito ang napakagandang tugtog na ginagawa nito. She can’t explain it, ngunit pakiramdam niya habang tumatagal ang pagkakatitig niya rito ay lalo lang itong gumugwapo. It felt like there’s something inside her stomach and she can’t decode what feeling is causing that. His face is like a magnet. Halos ay hindi na niya magawang alisin ang tingin dito. Idagdag pa ang napakagandang melodiyang tinutugtog nito na lalong nagpapadagdag sa nararamdaman niya. Tila siya nalulumlom sa isang bagay na hindi niya alam.   Pakiramdam niya’y para siyang idinuduyan ng mga melodiyang tinutugtog nito. At para bang nakikiisa iyon sa pintig ng puso niya.   Ilang sandali pa’y iminulat nito ang mga mata. Bago pa man siya nito mahuling nakatitig rito ay pasimple siyang nag-iwas ng tingin. Mahirap na baka ano pa ang isipin nito. Itinuon niya ang pansin sa mga tiklado at inihanda ang sarili sa pagpasok niya. Ilang sandali pa’y sumabay na siya sa pagtugtog nito.   Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti nang marinig kung gaano kaganda ang synchronization ng pagtugtog nilang dalawa.   The melody is so lovely and beautiful. And she can’t help to fall in love with it, with its note, with its sound, everything. Thanks to Rayven Harris Castillo because she had found her new top favorite classical song.   Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niyang napatingin sa kanya ang binata. Hindi niya maintindihan ang sarili, it was like she fell from his magic spell and charm. Dahil kahit anong gawin niyang pagpipigil sa sarili niya, kahit anong dikta ang gawin niya sa sarili niya na huwag itong tingnan  ay hindi niya magawa. Tila may sariling isip ang katawan niya. Dahil ilang sandali pa’y hindi na niya napigilan ang sarili. She looked at him without second thought.   And right there, she was enchanted by the most attractive and stunning guy she had ever met.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD