17 - His One-sided Love Story

2957 Words
“GOOD morning Sydney!”   “Good morning din ate.” Napangiti siya nang makita si Ate Hazel na papasok ng kitchen nang umagang iyon.   “Ang aga mo naman yatang gumising ngayon. At mukhang super busy ka.” Nagtatakang sabi nito at lumapit ito upang tingnan ang ginagawa niya. “What are you doing?”   Lalong lumawak ang ngiti niya sa tanong nito. Maaga nga siyang gumising ngayon para makapagluto siya. “I’m cooking Crème Burlee.”   “Bakit? Anong meron? May magbi-birthday ba? Is there something to celebrate?” sunud-sunod na tanong nito.   “Wala naman ate, I’m just cooking it for someone.”   Ngumiti ito ng mapanudyo sa naging sagot niya. “Hmm, mukhang alam ko na kung para kanino iyan. It’s for Rayven right?”   Nakangiting tumango siya bilang sagot sa tanong nito.   “Umamin ka nga, nagkakagusto ka na ba kay Rayven?”   “Luh hindi ah!” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. My gosh! Ang dami-dami nitong itatanong iyon pa talaga ang napili nito. “Magkaibigan lang kami ano.”   “Sus, sa pagkakaibigan lang naman nagsisimula ang lahat eh di ba? So tell me, what’s the real score between the two of you?”   Napabuga siya sa tanong nito. “Ate, just because some people experienced friends to lovers’ story, doesn’t mean it will apply to everyone,” giit niya. “Exclude us from the list.”   Ngunit tila kahit anong gawin at sabihin niya ay ayaw pa rin nitong magpatalo sa kanya. Mukhang ayaw pa rin nitong maniwala na magkaibigan lang silang dalawa ni Rayven.   “And one more thing, hindi ka naman mag-eefort ng ganyan kung wala kang nararamdaman sa kanya, am I right?”   She rolled her eyes. “Look, I’m just repaying him for all the help he did for me.”   Ikinibit nito ang balikat. “Okay, sabihin nating ganon, but what if eventually, you fell in love with each other?”   She put the Crème Burlee inside the refrigerator and faced her cousin. “That’s impossible. It’s not going to happen.”   “Really?” tumaas ang kilay nito. “Paano ka nakakasiguro na hindi kayo maiinlove sa isa’t-isa? To think na halos ay hindi na kayo mapaghiwalay kasi palagi na lang kayong magkasama.”   “You already know the answer to your question.”   “Well, sad to say I don’t know the answer, that’s why I’m asking.”   She rolled her eyes. Heto na naman sila, acting as if they’re innocent.   “It’s because Rayven is so in love with that girl named Coleen while me on the other hand, I don’t believe in love and all of you knew that very well. So, snap out of it and stop playing cupid because you will never succeed.”   “Alam mo, if I were you, huwag ka munang magsalita ng patapos.”   Kinunutan niya ito ng noo. “At bakit naman? I’m just telling the truth. Is there something wrong with that?”   Nginisihan siya nito. “It’s because I do believe in twisted fate.”   “What do you mean by that?”   “Sometimes, things don’t happen the way they were planned. It’s God’s plan that prevails after all. Kahit anong pilit na pag-iwas ang gawin mo kung iyon naman ang inilaan ng Diyos para sayo. Whether you like it or not, you can’t do anything but to accept your fate that God prepared only just for you.”   Tumango-tango siya. “Yeah, you’re right. And that fate is to be friend with Rayven, no more no less.” Akmang iiwan na niya ito nang mabilis siya nitong pinigilan.   “One last question.”   She rolled her eyes. My gosh. Mukhang wala yata itong balak na tigilan siya. “Ano na namang tanong iyan?” Siguraduhin nitong maayos ang tanong nito dahil kung hindi ay talagang tatamaan na ito sa kanya.   “Sabihin nating hindi mo siya gusto dahil hindi ka nga naniniwala sa love. But what if eventually, he fell in love with you? How are you going to handle that?”   “Papaanong maiinlove siya sakin eh di ba nga in love siya kay Coleen?” Napabuga siya. “Can we stick with the reality please?”   “Rayven is in love with her, yes that’s true. Pero ikaw ang lagi niyang kasama ngayon, hindi si Coleen. So, there’s a possibility that he’ll fall out of love with her because of you.”   “No matter what happens and whatever kind of feelings involved, our relationship will always remain the same. We’ll forever be friends, period. And I hope that’s clear with you.”   _ _ _ _ _ _ _ _     “RAYVEN!” tawag niya sa pangalan ng binata matapos niyang ihinto ang dalang bisikleta sa paanan ng treehouse.   Nagtungo siya sa mansion ng mga ito but according to Kuya Patrick, ay nagtungo ang binata sa treehouse na tambayan nito. Wala sana siyang balak na sundan ito roon ngunit nang makita niya ang bisikleta ni Ate Hazel pagkauwi niya ay napagpasyahan niyang puntahan ito roon. Tutal ay mabobored din naman siya sa bahay nina Ate Hazel.   “Rayven?” ulit niya sa pagtawag sa pangalan ng binata. Tumingala siya sa treehouse. Nakasara ang pinto niyon ngunit nakabukas naman ang mga sliding windows. Imposible namang wala roon ang lalaki dahil nakatali sa isang puno ang kabayo nito. “Maybe, he’s asleep.” Ikinibit niya ang balikat at nagpasyang umakyat sa hagdan ng treehouse. Binuksan niya ang pinto at sumilip sa pinto. Napangiti siya nang makita niya si Rayven na nakahiga sa kama. Nakapikit ang mga mata nito habang nakapasak sa tainga nito ang earphone nito.   Dala-dala ang Crème Burlee na nakalagay sa basket ay maingat siyang pumasok sa loob nang walang nalilikhang ingay. She put the basket at the top of the table and sits at the side of the bed beside Rayven. Habang nakaupo siya nang mga oras na iyon ay tahimik niyang inilibot ang tingin sa kabuuan ng treehouse.   Simple lang ang loob niyon. Ang walls ay gawa sa hardiflex. Hindi iyon makikita sa labas dahil ang design ng wall sa labas ay mga kahoy. Muli niyang inilibot ang tingin. Maliban sa table at kamang kinauupuan niya, may mga appliances doon like radio, stereo, tv, electric fan and guitar na nakakabit sa dingding. Malayo ang treehouse sa mga mansion ngunit nagtataka siya kung bakit may ilaw at mga electric cables doon. Saan naman nakakakuha ng electricity para paganahin ang mga appliances na nandoon? Dala ng matinding pagtatakaat kuryusidad ay napagpasyahan niyang sundan ang pinagmumulan ng electric cable at halos ay mamangha siya nang makita niya ang malaking solar system sa likod ng treehouse.   Nang makuntento na siya sa mga nakita at nalaman ay napagpasyahan na niyang bumalik sa kama at muling umupo roon. Wala sa sariling napasulyap siya kay Rayven at halos ay napigil niya ang paghinga nang makita kung gaano ito kagwapo. What a very breathtaking view. He’s just like an angel sleeping peacefully.   His face is like a magnet. Tila kahit anong gawin niya upang pigilan ang sariling tingnan ito ay hindi niya magawa lalo na at malaya siyang gawin iyon ngayon. Pinagsawa na lang niya ang sariling paningin sa napakagandang tanawing nakikita nang mga oras na iyon.   “I’m melting.”   “Sh*t!” napamura siya at nanlaki ang mga mata niya sa matinding gulat nang imulat nito ang mga mata matapos itong magsalita.   “How long are you going to stare at me like that?”   ‘What the hell? How did he know that? Kanina pa ba ito gising? Damn!’   “I-I’m not staring at you freak!” namumula ang mukhang iniiwas niya ang paningin dito. Pakiramdam niya’y gusto na niyang maglahong parang bula nang mga oras na iyon. Kung alam lang niyang gising ito di sana’y iniiwas na niya ang paningin dito. Malay ba niyang nagtutulug-tulugan lang ito.   Bahagya itong natawa sa naging reaction niya. “I already caught you red-handed, so stop denying it.”   “I am not denying it!” Sinamaan niya ito ng tingin.   Muli itong natawa. Umupo ito mula sa pagkakahiga. “You’re blushing. Too cute.” Pinisil nito ang kanang pisngi niya.   Natigilan siya sa ginawa nito. Pakiramdam niya’y nanulay ang milyon-milyong kuryente sa katawan niya nang dumikit ang kamay nito sa pisngi niya. Kasunod niyon ay ramdam din niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya at ang nakakabinging tunog niyon.   ‘What a weird feeling.’ Mabilis niyang ipinilig ang ulo upang iwaglit sa isip ang lahat ng nararamdaman nang mga oras na iyon.   “I’m not blushing so shut up will you?” singhal niya rito na ikinatawa nito.   “Anyway, why are you here? Did you miss me?”   “Ano bang nakain mo at ang lakas ng hangin mo ngayon?” Tinaasan niya ito ng kilay.   “Wala naman, ang cute mo kasing pikunin.” Muli ay pinisil siya nito sa magkabilang pisngi nang may panggigigil.   ‘The heck! Ano bang trip nito sa buhay ngayon?’   “Ouch stop it!” anggil niya at tinabig ang kamay nito. Nakasimangot na sinapo niya ang masakit na pisngi. “Kung alam ko lang na ganito ang matatanggap ko sayo, hindi na sana ako pumunta rito.”   “’To naman, hindi na mabiro, para joke lang eh. Sorry na.” Isang irap lang ang isinagot niya sa sinabi nito. “Halika nga rito.” Hinatak siya nito. Bago pa man siya makapag-react sa binabalak nitong gawin ay nakapaloob na siya sa mga bisig nito.   “What the hell Rayven? What are you doing?” naghehysterical na tanong niya. Halos ay hindi na siya makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib niya nang mga oras na iyon. Sa totoo lang ay napakaweird ng mga inaakto nito. Hindi siya sanay na ganon itong umakto sa kanya. O baka naman ganon lang talaga ito kapag bagong gising ito?   “Doing what?” patay malisyang tanong nito at binitiwan siya.    Halos ay nakahinga siya nang maluwag nang bitawan siya nito. Pasalamat na lang siya dahil binitiwan na siya nito dahil kung hindi, for sure her heart will explode anytime.   “Ganyan ka ba talaga? Acting like a p*****t when you wake up? You’re scary.” Niyakap niya ang sarili nang wala sa oras.   Natawa ito sa naging reaction niya. “Ang cute mo talagang pagtripan.”   ‘Buset!’ Sinasabi na nga ba niya. Pinagtitripan siya ng hayop na ‘to.   “What’s that smell? Nakakagutom ang amoy.” Suminghot-singhot ito sa hangin nang tila may maamoy ito. Ilang sandali pa’y dinampot nito ang basket sa mesa nang makita nito iyon. At ganon na lang ang pamimilog ng mga mata nito nang makita kung ano ang laman niyon. “Wow! Crème Burlee! My favorite! Thank you so much for these!” masayang pasalamat nito at excited na dumampot ng Crème Burlee sa basket. Nagsimula na itong lantakan iyon. “Hmm so sarap talaga,” ngumunguyang sabi nito habang ngumunguya.   “Rayven, next time don’t do that again okay?”   “Do what?” tanong nito na tila ba mayroon itong amnesia.   She rolled her eyes. Nakakain lang ito ng Crème Burlee pero kung makaasta nakalimutan na nito lahat ng ginawa nito. Eh kung batukan kaya niya ito nang maalala nito ang mga ginawa nito?   “Your weird actions. Yung bigla ka na lang yayakap. Yung bigla mo na lang akong pipisilin sa pisngi. Yung bigla ka na lang magiging sweet sakin.”   “Why?” nagtataka at kunot ang noong tanong nito.   “Because I might fall in love with you.”   Huminto sa hangin ang balak nitong pagsubo. Sukat sa sinabi niya ay napamaang at umawang ang mga labi nito. Kasabay niyon ay ang pagkahulog ng hawak nitong Crème Burlee sa sahig nang mabitawan nito iyon. Marahil ay nagulat ito sa mga katagang binitiwan niya.   “W-what did y-you say?” pigil ang hininga at hindi makapaniwalang tanong nito.   “Joke! Bwhahahahaha!” Halos ay hindi na niya napigilan ang sariling mapahagalpak ng tawa sa mga naging reaction nito. “If you could only see your face I’m sure matatawa ka rin. I’m telling you, your reaction is too priceless! Hahahaha!” Halos ay sumakit na ang tiyan niya sa kakatawa nang mga oras na iyon habang gumugulong sa malambot na kama.   Nang makahuma ito sa kalokohan niya ay napailing-iling ito. “Lakas mo mangtrip.”   “You did it first. Bumawi lang ako.”   He rolled his eyes. “It’s not funny.”   “It is funny.”   Napabuga ito. “Pasalamat ka may Crème Burlee ako dahil kung hindi, baka inihagis na kita sa bintana ng treehouse na ito.” Muli ay itinuloy nito ang naudlot na pagkain.   “Napaka-harsh mo naman sakin.” Inirapan niya ito nang wala sa oras. “Anyway, don’t worry malabong mangyaring ma-inlove ako sayo.” Tumayo siya at kinuha niya ang gitarang nakasabit sa dingding.   Napahinto ito sa pagnguya dahil sa sinabi niya.   “And why is that?”   Umupo siya pabalik sa kama at humarap dito. “It’s because I don’t believe in love and aside from that, I know that you’re so in love with Coleen,” sagot niya at nginitian ito. She started to strum the guitar to create a beautiful melody.   “What if I tell you it’s complicated?”   Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “Complicated ang alin?”   “My.. first love.”   “What do you mean?” nagtatakang tanong niya habang naggigitara.   “It’s a one sided love story.”   Awtomatikong napahinto siya sa paggigitara sa sinabi nito. “Whoah!” nanlaki ang mga mata niya sa narinig. “Wait, are you telling me she doesn’t love you?”   “Sort of.” Ikinibit nito ang balikat. “My feelings for her, it’s unrequited love. She loves someone else.”   “Aw that’s sad.” Tila may lumapirot sa puso niya sa nalaman. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit nakaramdam siya ng awa rito.   “How about the dove she gave you? I thought she gave that to you because she likes you.”   “Honestly, it’s a friendly gift.”   Now it’s getting clearer. Kaya pala nagkakagirlfriend ito ng ibang babae kahit na inlove ito kay Coleen. It’s because Coleen doesn’t feel the same way. Ngayon alam na niya ang dahilan. Mali ang inisip niya noon na playboy ito. He’s only trying to divert his emotions to other girls pero sa huli, mas matimbang pa rin si Coleen sa lahat ng babaeng dumarating sa buhay nito.   “What made you loved her so much?” nagtatakang tanong niya. Nakakapagtaka kasing hindi nito mabitawan ang babae sa kabila ng failure nito sa love story ng mga ito.   Tumanaw ito sa bintana. Ilang sandali pa’y napangiti ito na tila ba may naalala sa nakaraan.   “She’s a very kind-hearted girl.”   ‘Kind-hearted pero nagawa kang bastedin.’ She rolled her eyes at the thought.   “Siya yung tipo ng babaeng madaling maawa.”   ‘Madaling maawa? Bakit nung binasted ka niya naawa ba siya? Geezz!’ She rolled her eyes for the second time.   “Yung tipong may makita lang siyang mga namamalimos sa tabi ng kalsada, hindi siya nagdadalawang isip na tumulong. She gave them food and clothes.”   ‘Ay wow, tinalo pa si mother Theresa ah. Okay, siya na ang santa.’   “I started to like her ever since kahit noong hindi ko pa siya kilala. Palagi ko siyang nakikitang tumutulong sa ibang tao.”   ‘Gusto mo nga siya, ang tanong, gusto ka ba niya? Jusko Rayven! Gumising ka nga sa kahibangan mo! Wake up!’   “And that feeling I had for her became what we call love when one time, I had an accident. Siya yung kauna-unahang taong tumulong sakin noon. And there I found out na yung ate niya eh kabarkada ni Ate Hazel.”   ‘Sus nagpapaniwala ka sa love na iyan. Tingnan mo, hindi ka niya love.’    “Nakakalungkot nga lang kasi hanggang kaibigan lang ang tingin niya sakin. But you know what? Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na balang araw ay magustuhan niya rin ako.”   Nailing-iling na itinuloy niya ang paggigitara. Itong lalaking ito, walang kapaga-pag-asa sa buhay love life nito. Bakit hindi siya nito tularan? Walang pakialam at paniniwala sa love kaya wala siyang pinoproblema sa buhay.   “But you know what?” nakangiting hinarap siya nito.   “Hindi ko pa alam,” nakaingos na sagot niya.   “Kung mayroon man isang taong makatutulong sakin na kalimutan si Coleen? Kung mainlove man ako sa ibang babae, I hope and wish it’s you.”   “What the hell?” nanlaki ang mga mata at umawang ang labi niya sa matinding gulat. “What the hell are you talking about?! Huwag mo nga akong pinaglololoko at baka maihampas ko sayo ‘tong gitarang hawak ko,” banta niya.   “Do I look like I’m joking?” seryosong tanong nito.   Tinitigan niya ito ng tuwid sa mga mata. She glared at him. Imbes na matakot sa tinging ipinukol niya rito ay nilabanan nito ang tingin niya, as if showing her that he’s not joking this time around. Hindi niya maintindihan ngunit tila may bumundol sa puso niya sa tinging ipinupukol nito nang mga oras na iyon.   “Aiysshh!” Inirapan niya ito nang wala sa oras. “Huwag ako! Huwag kang maiinlove sakin.”   “And why not?”   “It’s because..” Napabuntong-hininga siya at itinuon ang atensiyon sa hawak na gitara. “I will end up rejecting you because love is out of my vocabulary. Always keep that in mind Rayven Harris Castillo. So, don’t ever fall in love with me because I might break your heart.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD