37 - Ne M’oublie Pas Mon Amour

1617 Words
“IT’S FINISHED!”Hindi niya mapigilan ang sariling pumalakpak sa matinding saya nang matapos nilang idikit ang mga stars at moon na glow in the dark sa ceiling ng tree house. Nakangiting pinagmasdan niya iyon. Ilang sandali pa’y bumagsak ang balikat niya at napanguso siya. “Parang may kulang.”   “Ano naman?” kunot-noong tanong ni Rayven.   Napahawak siya sa baba at sandaling nag-isip nang mahagip ng tingin niya ang Forget Me Not flower. Unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya nang may maisip siya.   “Pwede kayang magpaint diyan ng design like flowers?”   Dahil sa sinabi niya ay napatingala sa kisame si Rayven at tila pinag-aaralan ang sinabi niya.   “Pwede rin. Maganda siya. Teka, may mga water based paint dito eh.” Nagtungo ito sa maliit na kusina ng treehouse. Nang bumalik ito ay dala-dala na nito ang isang karton na naglalaman ng mga paint at mga painbrush. Napapalakpak pa siya sa matinding tuwa habang binubuksan ang naturang karton. “Marunong ka bang magpaint?” nagtatakang tanong ng nobyo.   Nakangiting hinarap niya ito. “Of course! Your girlfriend is multi-talented like you, my dear.”   Napangiti ito sa sinabi niya. “So, we’re a match made in heaven. And I should consider myself lucky then.” Niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi. Natawa na lang siya sa sinabi nito.   “Should we start painting now?” excited na tanong niya.   “Wait, I’ll just tie your hair.”   Bago pa man siya makapagsalita ay nagtungo na ito sa likod niya at nagsimulang ayusin ang buhok niya. Halos ay hindi na maalis ang ngiti sa mga labi niya habang ginagawa nito iyon. Maalaga at napakasweet talaga nito sa kanya. Siya na yata ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa. Right that moment, she promised to herself that she will never let him go.   Habang abala ito sa pag-aayos ng buhok niya ay dinukot niya ang cellphone sa bulsa. And she secretly took a photo with him while fixing her hair. Napangiti siya nang makita kung gaano ito ka-cute sa ginagawa nito.   “Done!”   Tiningnan niya ang repleksiyon sa cellphone at bahagya siyang natawa nang makitang messy bun ang ginawa nito.   “Pasensiya na love, medyo magulo.” Kagat ang labing napakamot ito sa ulo. Natawa siya sa reaction nito. Bakit ba kasi ang cute cute nito. “Anyway, kahit magulo, maganda ka pa rin naman eh.” Nakangiting pinagmasdan siya nito pagkuwan. “Ganda ganda mo talaga.”   Hindi niya maiwasan ang sariling pamulahan ng mukha sa sinabi nito. Bakit ba kapag ito ang pumupuri sa kanya, hindi niya maiwasan ang sariling pamulahan ng mukha. Kailan ba siya masasanay sa mga papuri nito? Pakiramdam niya’y tila nakalutang siya sa alapaap. And it felt like there are flying butterflies inside her stomach. She’s starting to get addictive with those kinds of feelings.   Ilang sandali pa’y nagsimula na sila sa pagpaint. Habang nagpipaint sila ay nakikinig sila ng music sa stereo na nakaconnect sa cellphone nito para kahit papaano ay hindi sila mabored sa ginagawa. Halos paminsan-minsan ay sinasabayan nila ang awit at hindi niya maiwasan ang sariling tawanan ito kapag sinasabayan nito iyon ng sayaw. Makalipas ang kalahating oras ay kapwa sila napangiti nang matapos nilang disenyuhan at pinturahan ng Forget Me Not flower ang ceiling. Mas malaki nga lang ang mga bulaklak na pinaint nila compare sa mga totoong bulaklak.   “Ang ganda,” awang ang mga labi at masayang sabi niya habang nakatitigat nakatingala sa kisame. Hindi niya maiwasang mamangha nang makita kung gaano kaganda ang ginawa nilang design. Halos ay hindi na niya maalis ang tingin doon.   “Oo, sobrang ganda. It’s so breath taking.”   Napatingin siya sa katabing binata at natigilan siya nang makitang sa kanya nakatutok ang tingin nito.   “Bakit sa akin ka nakatingin? Yung designs naman ang tinutukoy ko ah.”   “Para sakin, ikaw pa rin ang pinakamaganda sa lahat. You are incomparable.”   Hindi niya napigilan ang sariling mapangiti sa mga binitiwan nitong papuri. Bakit ba ang hilig nitong purihin siya? Kasi sa totoo lang, naaadik na siya sa lahat ng mga binibitiwan nitong mga kataga. Every flattery and flowery words that comes from his mouth overwhelms her. It touches and it penetrates her heart, mind, soul and whole being.   “Thank you, love. Ikaw din, ikaw ang pinakagwapong lalaki sa mundo.” Napangiti ito sa sinabi niya. Ginawaran siya nito ng isang masuyong halik sa pisngi.   Ilang sandali pa’y napagpasyahan na lang niyang gumawa ng meryenda nila kaya agad siyang nagtungo sa kusina.   “Let’s eat.” Nang bumalik siya ay tangan-tangan niya ang tray na naglalaman ng meryenda nilang juice, fries, chicken sandwich bread at mango pie. Bahagyang kumunot ang noo niya nang makita niyang abala itong nagpi-paint sa isang wall ng treehouse. Nang mailapag niya ang dalang tray sa mesa ay nilapitan niya ito. “What’s that?” nagtatakang tanong niya.   “Secret,” nakangiting sagot nito at nagpatuloy sa ginagawa.   Nakangusong sinipat at pinag-aralan niya iyon. Ilang sandali pa’y bahagyang nagsalubong ang kilay niya nang makitang malapit na nitong mabuo ang bulto ng isang babae roon. Half body lang iyon ngunit may kalakihan. Nakatalikod ang babae habang ang mukha nito ay naka-sideview at nakatingala ng kaunti.   “At sino namang babae ang pinagpapantasyahan mong loko-loko ka?” pinamaywangan niya ito nang wala sa oras. Ngali-ngali na niya itong kutusan. Akmang pipingutin na sana niya ito sa tainga nang mapabunghalit ito ng tawa.   “Sino pa ba? Eh di ikaw.”   “Huh?” Salubong ang kilay na napatingin siya sa ginagawa nito. “Pinaglololoko mo ba ako? Ang layo-layo ko naman diyan.”   “Huwag ka munang magreklamo diyan. Hindi pa ito tapos, kakasimula ko lang eh,” maktol nito at naiiling na ipinagpatuloy ang ginagawa. “Relax ka lang, silhouette pa lang itong nakikita mo eh.”   She rolled her eyes. “Fine. Siguraduhin mo lang na kamukhang-kamukha ko at kasing ganda ko iyan. Kapag may nakita lang akong isang mali sa mukha o sa kahit na anong parte ng katawan niyan, humanda ka talaga sakin,” banta niya na ikinatawa nito.   “Relax ka lang love, perfect na perfect ito, kasing perfect mo.  Ayoko namang dagdagan at bawasan ka dito sa paint ‘no. Kaya trust me.” Kinindatan siya nito. “Tsaka isa pa, wala ka bang tiwala sakin? Magaling kaya ako magpaint,” pagmamalaki pa nito.   Napailing-iling na lang siya. Himala, ngayon lang ito nagbuhat ng sariling bangko. Sabagay, base na lang sa mga pininta nitong bulaklak sa ceiling kanina ay tila totoo ang mga iyon. Mukhang realism yata ang istilo nito sa pagpipinta.   “Okay, fine, halika na. Mamaya mo na ituloy iyan. Magmeryenda muna tayo,” yaya niya rito at naupo sa upuang nasa harap ng mesa. Nagsimula na siyang lantakan ang fries.   “Mamaya na, tapusin ko lang ito.”   “Favorite mo pa naman ‘to o. Mango pie. Kung ayaw mo, bahala ka, uubusin ko na lang ito.”   “Wow mango pie! I’m coming!” Sukat sa sinabi niya ay mabilis pa sa alas-kwatrong lumapit ito sa kanya upang saluhan siyang kumain.   Pagdating talaga sa paborito nitong mangga wala itong uurungan. Napailing-iling na lang siya. They eat all the food happily. Nang matapos ay nagpatuloy na ito sa ginagawang pagpipinta sa wall habang siya naman ay nilinis ang mga pinagkainan at kalat nila. Nang matapos siya sa paglilinis ay lumapit siya rito at pinagmasdan ang ginagawa nito. Mukhang expert na expert na ito sa ginagawang pagpinta. Sobrang napakatalented talaga ng lalaking ito. Mayroon pa ba itong hindi kayang gawin?   Ilang sandali pa’y napangiti siya nang matapos na nitong gawin ang background at ang mismong larawan niya. Napakaganda ng ginawa nito. The painting looks so real. Tila buhay na buhay siya roon. And her image there was perfect. Totoo nga ang sinabi nito. Ni kahit isang mali ay wala siyang makita.   “O ano? Bilib ka na ba sakin?” nakangiting tanong nito habang nilalagyan ng mga bulaklak at halaman sa magkabilang gilid ng painting. He’s applying one f the most important element of arts which is the space. Nakaoverlap ang ilang bulaklak niyon sa larawan niya. And the effect made the painting so beautiful and captivating. Halos ay hindi na niya magawang alisin ang tingin sa naturang painting.   “It’s perfectly beautiful. You’re amazing.” Nakangiting yumakap siya rito. She’s too happy. Hindi niya maiwasan ang sariling mamangha rito. Hindi niya alam kung papaano nito nagawa iyon nang wala man lang itong kinokopyang larawan. Maybe he has a photographic memory ability. At hindi niya maiwasan ang sariling makaramdam ng kilig sa naisip. It only means that she was tattoed inside his heart and mind.   Nakangiting niyakap siya ni Rayven at pagkatapos ay hinalikan siya nito sa noo habang nakatitig sila sa painting.   “It looks so real. May tititigan ka na kahit na nasa malayo na ako.”   Nakangiting tumango ito. Hindi pa rin maalis-alis ang tingin nito sa naturang painting na ginawa nito. It’s too obvious that he’s happy, contented and proud because he finished that painting successfully through his sweat and blood.   “Yeah, and whenever I look at that painting, I’ll always remember you.” Niyakap siya nito nang mahigpit. “Kapag wala ka na, lagi akong pupunta rito para lagi kitang maalala.”   Nang may maisip siya ay kinuha niya ang maliit na paint brush at nagsimulang magsulat sa baba niyon.   “Ne m’oublie pas, mon amour.”   Now, that treehouse is full of their memories they will never forget for the rest of their lives. And she’s happy na kahit papaano ay maiiwan siyang alaala rito kahit na magkalayo na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD