38 - Wait For Me

3171 Words
“JANNAH!” nakangiting kumaway siya sa kaibigan nang matanaw niya itong pumipitas ng mga bulaklak sa garden nina Ate Hazel. Ngayon niya lang ulit nakita ang kaibigan. Halos ay naging busy kasi siya sa mga nakalipas na linggo.   “O Sydney ikaw pala.” Napangiti ito nang makita siya. Masayang lumapit siya rito.   “Long time no see, pasensiya na medyo naging busy kasi ako after ng pageant.”   Nakangiting ipinagpatuloy nito ang pagpipitas ng mga bulaklak na inilalagay nito sa mga vases.   “Okay lang iyon. Nga pala, balita ko, kayo na raw ni Señorito Rayven. Congratulations pala sa inyong dalawa.”   Napangiti siya sa sinabi nito. “Salamat. Unbelieveble right?”   “Oo nga eh.” Natatawang itinigil nito ang paggupit at hinarap siya. “Parang kailan lang noong inis na inis ka sa kanya. Naalala ko pa ang sinabi mong hindi ka interesado sa kanya.” Napailing-iling pa ito na ikinatawa niya. “Hayan bagsak mo, love thy enemy ang peg. Kinain mo tuloy ang mga sinabi mo.”   Ikinibit niya ang balikat. “Well, ganon talaga. Nahulog ako sa kanya ng tuluyan eh. Hindi ko na napigilan.”   “Sa susunod kasi huwag kang magsalita ng patapos.”   “Anyway, wala naman akong pinagsisisihan sa mga nangyari. I’m so happy right now you know.”   “At iyon lang naman ang mahalaga. Ang maging masaya ka sa taong pinili mo at sa taong mahal mo. Sana ay kayo na hanggang sa huli ni Señorito Rayven.”   “Salamat.” Nakangiting yumakap siya rito. “Salamat sa pagkakaibigan Jannah. I’m so happy that I became your friend kahit na panandalian lang. Salamat dahil noong mga panahong bored na bored ako sa buhay ko, nandiyan ka para aliwin ako. Salamat sa lahat-lahat. Mamimiss kita Jannah.”   “Teka, nagpapaalam ka ba?” nagtatakang tanong nito.   Humiwalay siya rito at pagkuwa’y marahang tumango. “Oo, aalis na ako papuntang America. Kaya mag-iingat ka rito ha? Mag-aral ka ring mabuti. Tsaka isa pa, pinapangako ko, babalik din ako. Hindi ko nga lang alam kung kailan.”   Lumungkot ang anyo nito sa sinabi niya at pagkuwa’y tumango. “Ikaw din mag-aral ka ng mabuti doon. Babalik ka naman dito hindi ba? Magkikita pa rin naman tayo di ba?”   Nakangiting tumango siya. Si Jannah ang isa sa mga taong naging malapit sa kanya sa lugar na iyon. Kaya naman ay minabuti na lang niyang magpaalam dito nang maayos. Ayaw naman niyang magtampo ito sa kanya. Nakapag-paalam na rin siya kay Brent sa pamamagitan ng tawag.   “Babalik ako Jannah. Nandito yung pinakamahalagang tao sa buhay ko na dapat kong balikan. Babalikan ko siya dahil kailangan ko siya at dahil mahal ko siya.”   Napangiti ito sa sinabi niya. “Masaya ako para sayo.”   “Salamat.” Sa huling pagkakataon ay yumakap siya rito. Nang matapos ay bumitiw siya at iniabot ang paper bag na dala niya. Nagtatakang napatingin ito roon. “I just hope na tanggapin mo ang regalo ko sayo. I just wanted to be in touch with you kahit malayo na ako.”     _ _ _ _ _ _ _ _ _     “SEÑORITA Sydney, andiyan pala kayo. Tuloy po kayo,” anyaya sa kanya ng trabahador nina Rayven nang makita siya nitong nakasilip sa bulwagan ng kuwadra ng mga kabayo.   “Ssshh!” sinenyasan niya itong huwag maingay.   Ayaw kasi niyang ipaalam kay Rayven na nandoon siya. Nawiwili pa siyang pagmasdan ito sa ginagawa nito. Nang mga oras na iyon kasi ay napagpasayahan niyang unahan sa pagdalaw si Rayven. Kaya umagang-umaga pa lang ay nangangapit-bahay na siya. And just like what she expected, heto nga at abala ang binata sa pagpapakain ng mga alaga nitong kabayo.   Tila nakakaintinding napatango-tango ang lalaki at iniwan na siya roon. Nang wala na ito ay muli niyang ibinalik ang paningin kay Rayven na nagpapakain ng d**o habang nangingiting kinakausap ang mga kabayo. Hindi niya maiwasang mapangiti sa mga ginagawa nito. Ang cute cute kasi nito.   Nang magsawa siya sa kakapanuod dito ay tumikhim na siya upang agawin ang atensiyon nito.   “Aheem!”   Nagliwanag ang mukha nito nang makita siya. “Hey, good morning love. Kanina ka pa ba diyan?”   “Yeah, kitang-kita ko nga kung papaano mo titigan ang mga kabayo mo. Tell me, magseselos na ba ako sa mga kabayong iyan?”   Natatawang sinalubong siya nito ng yakap at masuyong hinalikan sa noo.   “Pati ba naman kabayo pagseselosan mo? Grabe ka na Sydney.”   “Just kidding,” nakangiting hinalikan muna niya ito sa pisngi bago sila pumasok sa loob ng kuwadra. “The only thing that I could be jealous of is knowing and thinking of the fact that you’re happy without me.”   “Whoah! Ngayon ko lang nalaman selosa ka pala talaga.” Natatawang inakbayan siya nito. “Don’t worry, I will never be happy without you in my life.” Binigyan siya nito ng isang halik sa ulo matapos nitong sabihin iyon.   “Am I being too selfish?” nakangusong tiningala niya ito. Sa pagkakaalam niya ay matangkad na siya sa edad niyang 17 ngunit mas matangkad pa sa kanya si Rayven sa edad nitong 19. If she’s not mistaken, his height is more than 6 feet. At halos ay hanggang baba lang siya nito. Nagmumukha tuloy siyang pandak kapag katabi niya ito.   Nakangiting umiling ito. “You’re not. Because honestly, I will feel the same. I’ll get jealous too when you’re happy without me. Dahil gusto ko, ako ang palaging nagpapatawa at nagpapasaya sayo.”   Nakangiting yumapos na lang siya sa baywang nito dahil sa sinabi nito.   “Naramdaman mo na ba iyan sa mga naging girlfriends mo?”   “To be honest, I already got jealous with my exes but not as much as I feel when it comes to you. I can’t explain it. It’s a type of jealousy that is hard to control. Yung tipong gusto mong manakit. Yung pakiramdam na ang sakit sa dibdib. Yung tipong sa sobrang sakit mas gugustuhin mo na lang mamatay. I’ve never felt that kind of jealousy in my whole life. Ngayon lang at tanging sayo lang.”   “So, it only means you’re so in love with me,” natatawang panunukso niya at bahagyang kinurot ito sa tagiliran. Natatawang umilag ito at pagkuwa’y tumatangong tumitig ito sa mga mata niya. Pakiramdam niya’y napigil niya ang paghinga dahil sa klase ng titig na ibinibigay nito. His stares are making her breathless. And now her heart is pounding like a drum.   “Yes, I’m so in love with you Sydney,” walang pagdadalawang isip na pag-amin nito. “I love you so much that I can’t afford to lose you nor see you with someone else. Ano bang ginawa mo sakin at ganito na lang ako kahulog na hulog sayo? Pakiramdam ko kasi hindi na ako makakaahon.”   Natigilan siya sa narinig. Pinakatitigan niya sa mga mata ang pinakamamahal niyang lalaki at pakiramdam niya’y gusto niyang umiyak nang makita niya kung gaano ito kasincere sa mga sinasabi nito. She feels the same way. Ganoon na ganoon din ang nararamdaman niya para sa binata.   Hindi niya rin alam kung dapat ba siyang matakot sa mga nararamdaman nila. Paano kung sa huli pala ay hindi sila ang nakalaan para sa isa’t-isa? Hindi niya alam kung makakaahon din siya lalo na at labis labis na ang pagkahulog niya rito.   “Paano kung may ibang tao ang kayang pasayahin tayo ng higit dito? Paano kung hindi pala tayo ang nakalaan para sa isa’t-isa?” naluluhang tanong niya. Iniisip pa lang niya iyon ay nasasaktan na siya. Paano pa kaya kapag nangyari iyon? Baka mamatay na siya sa sobrang sakit.   Hinarap siya nito at magkuwa’y naluluhang sinapo nito ang magkabilang pisngi niya.   “Mahal natin ang isa’t-isa Sydney. Saksi ang lahat sa pagmamahalan nating ito. I will never let anyone ruin what we have already built. Not anyone, not anything, not time, not distance and no fate can ever separate us. Tayo na mismo ang gagawa ng paraan upang umabot tayo sa happy ending ng kwentong ito. I know inside my heart that when our hearts decide, we will end up with a happy ending. Just promise me that no matter what happens you will never let go of my hand.”   Naluluhang tumango siya. “Promise, I will never let you go Rayven. Ikaw lang ang tanging lalaking mamahalin ko ng ganito.”   “I will never let you go either. I love you so much Sydney.”   “I love you too Rayven.”   Ipinikit niya ang mga mata nang halikan siya nito sa noo. Pagkuwa’y niyakap siya nito nang mahigpit. Yes, she would absolutely do anything just to end up with him. Wala na siyang ibang hinihiling nang mga oras na iyon, kundi ang makasama ito hanggang sa huli.   “Anyway, come, I have to show you something.” Nagpatianod siya dito nang hatakin siya nito palapit sa kabayo nitong si Thunder. Magkahawak kamay silang lumapit sa kinaroroonan ng kabayo. “Pasensiya nga pala sa amoy nitong kuwadra. Alam kong hindi ka sanay sa mabahong lugar.”   Bahagya siyang napangiti sa sinabi nito. “It’s okay.” Actually, ngayon nga lang niya napansin na mabaho nga ang kuwadra sanhi ng ihi ng mga kabayo. Tila balewala na iyon sa kanya. Hindi nga niya iyon mapapansin kung hindi pa nito sinabi.   “Wow! Mukhang nagbago ka na love,” natatawang panunudyo nito. Halos ay hindi na mabura sa mukha nito ang matinding sayang nararamdaman nito.   “Yeah, I’m changing for good and it’s all because of you,” nakangising tumingkayad siya at hinalikan niya ito sa pisngi.   “Dapat lang. Kaya mula ngayon sanayin mo na ang sarili mong maging bahagi ng buhay mo ang mga hayop dahil balang-araw ay dito tayo sa hacienda titira.”   Hindi niya maiwasan ang sariling mapangiti sa sinabi nito. Nakakatawa lang. Noon ay halos isumpa na niya ang lugar na iyon dahil sa mga hayop na pinandidirian niya. But fate is so playful. She never thought that she will find her better half and her happiness on the place she used to hate. Now, she’s so in love with that place. And she would love to stay at that place with full of animals as long as she’s with Rayven. She never mind how dirty or stinks those animals. Makasama lang niya si Rayven ay sapat na sa kanyang mabuhay sa lugar na iyon. At excited na siyang mangyari iyon sa hinaharap. Kung pwede nga lang niyang hatakin ang oras upang marating ang panahon na iyon ay ginawa na niya. But she must be patient and wait for the right time.   Hinalikan muna siya nito sa noo bago ito tuluyang humarap kay Thunder.   “OMG!” nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa manok na nakadapo sa likuran ni Thunder. “Iyan na ba yung sisiw na binigay ko sayo?” Kahit hindi na niya tanungin iyon ay alam niyang tama ang hula niya. Kahit lumaki na iyon at kahit wala na ang suot niyon na improvised diaper ay sigurado siyang iyon ang ibinigay niya rito. Halata naman kasi iyon sa kulay nito dahil hindi pa rin iyon nagbabago.   Natatawang tumango ito. “Yeah, and they’re best of friends you know. Palagi na silang magkasama ni Thunder.”   “Eh bakit ganyan pa rin ang kulay niya? Hindi ba nagpi-fade yung dye?” nagtatakang tanong niya.   Napakamot ito sa tanong niya. “Honestly, kinulayan ko na naman siya. Everytime na napapansin kong nawawala na yung kulay niya, kinukulayan ko na naman.”   Napabunghalit siya ng tawa sa narinig. “Ang adik mo, my gosh!”   “Eh mas madali siyang hanapin kapag may kulay siya eh. Ayoko namang mawala yung kaisa-isang bagay na niregalo mo sakin.”   Natatawang napailing-iling na lang siya. “I just can’t believe na tinanggap mo iyan kapalit nung pigeon mo and to think na nang-aasar lang naman ako nung binigay ko iyan sayo.”   Nakangiting ikinibit nito ang balikat. “Regalo mo eh.”   Muli siyang natawa. “Pfft! Akala ko nga dinispatsa mo na eh.”   “Nope, may awa pa naman ako kahit papaano.”   Ikinibit niya ang balikat sa sinabi nito. “Malay natin, baka sa kanya mo ibinunton ang galit mo sakin.”   “Maawain ako sa mga hayop Sydney. Animals are my softest spot.”   “You’re weird,” natatawang sabi niya at muling napatingin sa manok na may katabaan. Mukhang alagang-alaga ito ni Rayven. “Ang taba niya. Alagang-alaga love  ah.”   “Of course. Aalagaan ko siya sa abot ng aking makakaya. Lalo na at ito lang ang tanging maiiwan sakin kapag tuluyan ka nang umalis patungong America.”   “Uso na ang videocalls ngayon love, kaya huwag nang magdrama diyan. Promise, palagi kitang tatawagan para mawala ang pagka-miss mo sakin. Palagi kitang babalitaan sa mga nangyayari sakin doon.”   “Sabi mo iyan ha.”   Nginitian niya ito ng matamis. “Of course, but do promise me, no more date with other girls.”   Tumaas ang kilay nito sa sinabi niya. “Why would I date other girls lalo na at alam kong selosa ang girlfriend ko?”   “Just do promise me Rayven Harris. Lalo na at naaalala kong nakipagdate ka noon kay Coleen kahit na in love ka na sakin.”   “Huh? Nakipagdate ako kay Coleen? Kailan?” kumunot ang noo nito at tila pilit iniisip kung kailan nangyari ang sinabi niya.   “The day before the pageant.”   “Ah noong nawala ka?”   “Yeah.”   “It’s just a coincidence. I was just killing the time when I went at that Café, and while waiting for you, I decided to spend my bored time drinking Coffee and then she came. She joined me at the table and she accompanied me. Nagkumustahan at nagkakwentuhan kami ng kaunti. And to tell you frankly, naikwento kita sa kanya. I even told her that I’ve already moved on from her because I’m in love with you.”   Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. “So, kilala na niya ako all along noong nagkita kami sa tree planting activity?”   “Yup. At ang loka-lokang babae, habang magkasama kayo ni Brent wala siyang ibang ginawa kundi ang asarin ako para may gawin ako.” Napabuga ito nang tila maalala nito iyon. “Kaya noong iniligtas kita, she took that opportunity to help me. Gumawa na siya ng paraan upang hindi siya iwan ni Brent at para makasama kita.”   Natawa na lang siya. Mabait din pala ang babaeng iyon kahit papaano.   “Well, I think, I should thank her.”   Napangiti ito sa sinabi niya. “As long as you’re good to every person you meet, they will always extend their hands just to help you. I just hope Sydney that you will learn to love and trust every person you meet and be a good friend to everyone. Accept and embrace the love of a family and a friend. No problem can ever beat the love of those who loves you. You see, every time you need them, they will always be with you. Just have a good heart to everyone and they will be kind to you in return.”   Naluluhang tumango siya sa sinabi nito. She will keep in mind what he said.   “I promise, starting today, I will be a good person to everyone.”   Hinalikan siya nito sa noo. “Good girl.”   _ _ _ _ _ _ _ _     “WE’RE near!” halos ay mapalakpak na siya sa matinding tuwa at excitement na nararamdaman nang matanaw na niya ang malawak na flower farm nina Rayven. Kahit nasa malayo pa lang siya ay kitang-kita na niya kung gaano kaganda ang naturang flower farm sa dami ng mga bulaklak na namumukadkad. May mga ilang tauhan sina Rayven doon na kasalukuyang naghaharvest ng flowers. Maganda at malawak ang lugar na iyon ngunit the best pa rin ang secret garden ng mga ito. The secret garden is a hidden paradise.   “You really love flowers and plants.”   Masayang tumango siya. “Of course, kung ikaw animals ang softest spot mo, mine are flowers.”   Nagpatuloy sila sa paglalakad patungo sa flower farm. “Come on, bilisan mo namang maglakad!” maktol niya rito at halos ay hatakin na niya ito patungo roon.   Naiiling na nagpahatak na lang ito sa kanya. Nang tuluyan silang makalapit doon ay hindi na niya napigilan ang sarili. Tuwang-tuwang tumakbo siya palapit sa flower farm nina Rayven. Nang makalapit siya nang tuluyan ay halos hindi na siya magkandatuto sa pag-amoy sa mga bulaklak. Hindi na niya alam kung ano ang uunahin niyang aamuyin. Kung yung Rose ba o yung Sampaguita o yung Daisy.   Nakangiting pinanuod na lang siya ni Rayven sa ginagawa niya. It seems like he’s enjoing watching her getting crazy because of those beautiful flowers. Hindi pa siya nakuntento sa pag-amoy sa mga iyon. Tuwang-tuwang tumakbo siya patungo sa ibang mga bulaklak at pinaghahaplos ang mga naggagandahang bulaklak na nakikita niya.   “It’s beautiful! This place feels like heaven Rayven!” Tuwang-tuwang umikot-ikot pa siya nang nakadipa ang mga kamay at braso lalo na nang maramdaman niya ang banayad na pag-ihip ng hangin na siyang dahilan kung bakit tumatama sa kanya ang ilang petals ng mga bulaklak na sumasama sa ihip ng hangin. Nagpatuloy siya sa ginagawa at nagawa pa niyang ipinikit ang mga mata at pilit sinamyo ang hangin na humahalimuyak sa bango dahil sa mga bulaklak.   “Yes, this place is so heavenly and beautiful as you. And you are my heaven Sydney.”   Tumigil siya sa ginagawa at nagtatakang napatingin kay Rayven na nakangiti at nakatitig sa kanya. Habang ang isang kamay nito ay nakahawak ng cellphone nito habang kinukuhanan siya ng larawan at video. Halos ay hindi na nito matanggal at maalis ang paningin sa kanya.   “You are my peace and my freedom in this damned cruel world Sydney. You saved me from my pains. You set me free from my heartaches, my failures, my first unrequited love. Thank you for saving me my love, thank you for coming into my life. I thought before that my love for Coleen is greater than any love in this world but I was wrong. Because my love for you is the greatest love of them all. Sydney, you are my happiness, my peace, my heaven and my greatest love. And I will trade everything I have in this world just to have you in my life.”   Naluluhang tumakbo siya palapit dito at mabilis na tinawid ang pagitan nila. She embraced him tightly and with those teary eyes she stared lovingly at the most handsome and lovely face she had ever seen.   “And you will always be forever inside my heart and mind Rayven. Aalis ako pero babalik at babalik pa rin ako sayo. So please no matter what happens, wait for me until I come back to you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD