18 - Don't Ever

2283 Words
“I WILL END up rejecting you because love is out of my vocabulary. Always keep that in mind Rayven Harris Castillo. So, don’t ever fall in love with me because I might break your heart.” Sumimangot ang binata matapos niyang sabihin iyon. Hindi naman niya iyon nakita dahil nakatutok sa gitarang binubutingting niya ang paningin niya. “Alam mo bang ang daming nagkakagusto sakin na babae? Konting effort ko nga lang eh todo na ang pagkahulog nila sakin.” She rolled her eyes. “Well excuse me Mister Castillo, I’m not one of them.” “Okay fine, it that’s what you want,” sumusukong sabi nito. “Minsan may mga pagkakataon talaga na kahit anong sabihin at gawin mo para ibahin ang paniniwala ng isang tao, wala kang magagawa lalo na at nagmamanhid-manhidan at nagbubulagbulagan siya,” makahulugang sabi nito. Nagsalubong ang kilay niya. “What do you mean by that?” Ikinibit nito ang balikat. “Wala, just continue focusing on the things you wanted to believe. And I’ll focus on my own belief.” Lalong kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Naguguluhang napatitig siya sa binata. Bakit ang weird nitong magsalita ngayon? Sa totoo lang, wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito. They’re like riddles she can’t guess nor decode. Gayunpaman ay nagkibit-balikat na lang siya. On the first place, she think, what he’s saying doesn’t concern her. Inilapag nito sa table ang basket na nasa kandungan nito at pagkuwa’y kinuha sa kanya ang hawak na gitara. “Hey!” Nagsalubong ang kilay niya sa ginawi nito. Ano na naman kayang problema ng hinayupak na ito? “Kita mong ginagamit ko iyan eh!” singhal niya rito. Nginisihan lang siya nito. Napairap na lang siya nang wala sa oras. He started to strum the guitar. Kaya imbes na agawin ang gitara rito ay hinayaan na lang niya itong tumugtog. On the first place, maganda naman ang melody ng tinutugtog nito. Ngayon lang niya narinig ang tugtog na iyon. Because of so much curiousity, she decided to keep quiet to hear it. “Right now, you’re saying that because that’s what you believe. I will let you then if that’s what you want. But you should promise me one thing.” “And what is that?” kunot ang noong tanong niya at napahalukipkip nang wala sa oras. Sa pagkakaalala niya, wala naman siyang dapat na ipromise dito. “No matter what happens, don’t you ever fall in love with me.” ‘What the hell?’ Literal na napanganga siya sa mga katagang binitiwan nito. Kahit kailan napakaarogante nito. Naging mabait naman ito sa kanya ngunit hindi man lang nabawasan ang kayabangan nito. He’s still the same Rayven she met before. “W-what are you talking about?” nauutal na singhal niya. Hindi niya maintindihan ngunit pakiramdam niya’y nag-iinit ang mukha niya sa mga sinabi nito sa kanya. It felt like something hit her big time. And she doesn’t know what is that. “The nerve. I will never fall in love with you freak!” nanggigigil na bulyaw niya rito. He only smirked at her. Lalo naman siyang nanggigil sa naging tugon nito. Akmang babatukan na niya sana ito when he started to sing. Nabitin sa ere ang mga kamay niya nang marinig niya ang napakagandang tinig nito. Sa totoo lang, ngayon lang niya ito narinig na kumanta. And she can’t deny the truth that he has a beautiful voice. At some point ay hindi niya maiwasang mamangha sa boses nito. Idagdag pa ang napakagandang melody ng awiting iyon. Tila may sariling isip ang mga kamay niya nang dahan-dahang bumaba iyon at lumapag sa kandungan niya. Bahagyang kumunot ang noo niya nang marinig ang lyrics ng kanta na inaawit nito. ‘Don’t have to rush? Take it slow? What was that supposed to mean?’ He looked straight in her eyes. At halos ay napigil niya ang paghinga nang matitigan ang mga mata nitong iyon. Ngayon niya lang nalaman na maganda pala ang mga mata nito. Those blazing hazel brown eyes are too captivating. It felt like those catastrophic eyes of him are melting her. It was as if she fell into his magic spell. A boyish and naughty smile crosses his lips when he saw her reaction. Habang umaawit ito nang mga oras na iyon ay nakatitig lang ito sa kanya. His stares are giving her goosebumps and an unexplainable feeling inside her. At halos ay hindi na niya maintindihan ang mga halo-halong emosyong nararamdaman nang mga oras na iyon. Lalo na at tila tumatagos sa kaibuturan ng puso niya ang bawat katagang lumalabas sa bibig nito. ‘Ano raw? Baby? Their first what?’ Lalo siyang napamaang sa narinig. She’s barely breathing now. And her heart is pounding like a drum. Habang tumatagal ay lalong lumalala ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Tila nalulumlom siya sa isang bagay na hindi niya mawari kung ano. Ano bang ginagawa sa kanya ng lalaking ito? It’s just a song. Pero bakit ganon kalakas ang epekto niyon sa kanya? ‘Make all the fantasies turn into reality. What does he mean by that? Does he mean fairytales? Isn’t all fairytales about love?’ Napamaang siya sa naisip. ‘What the! He must be joking right?’ Pakiramdam niya’y lalo pa siyang nawindang sa mga nangyayari nang mga oras na iyon. Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Its’ just a song. Bakit kailangan niyang magpakaapekto. ‘It’s just a song Sydney! It’s just a song! Snap out of it! It doesn’t mean anything!’ paulit-ulit niyang paalala sa sarili. ‘What the hell! What’s wrong with this song? Nananadya ba ito?’ It seems like that song is really for her. Tugmang-tugma kasi ang kantang iyon sa nararamdaman niya. Because right now, her mind, heart and soul are in a tug of war. At hindi niya maintindihan kung bakit niya kailangang maramdaman lahat ng iyon. ‘Take it all the way and it’ll be okay.’ Paano siya magiging okay? Ni hindi nga niya alam kung bakit siya nagkakaganoon nang dahil lang sa isang kanta. Dahil nga ba iyon sa kanta? O dahil sa kumakanta? She doesn’t know anymore. Pakiramdam niya’y tila wala na siya sa tamang katinuan nang mga oras na iyon. What is he really trying to do with her? Because honestly, ngayon ay gulung-gulo na ang mundo niya. At hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Sa lahat ng pakiramdam na ipinadarama nito ngayon, hindi niya alam kung alin doon ang dapat niyang pairalin. ‘Rayven, what are you doing to me?’ piping tanong ng isip niya. Was he trying to send a message to her through that song? Matapos itong kumanta ay wala sa sariling tumayo siya at naglakad palabas ng treehouse habang tutop ang dibdib kung nasaan ang nagmamarakulyo niyang puso. “Sydney!” tinatawag siya ng binata ngunit tila wala siyang narinig na nagpatuloy sa paglakad palayo rito. Kung anuman ang ginagawa sa kanya ni Rayven ngayon at kung ano man ang binabalak nitong ipadama sa kanya, hindi na siya natutuwa. Because it felt like it’s something she shouldn’t feel, lalo na at magkaibigan sila. It’s kinda weird at hindi dapat niya iyon maramdaman dito. She needed to stay away from him right that moment. Because her emotions are now out of her control. Isa pa, pakiramdam niya ay halos hindi na siya makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib niya. If she stay on his side a little longer, she’s afraid her heart might jump out of its cage. And she doesn’t like that. It’s scary. “You should promise me one thing. No matter what happens, don’t you ever fall in love with me.” Ilang sandali pa’y paulit-ulit na umukilkil sa pandinig at sa isip niya ang mga katagang binitiwan nito kanina. Parang bombang sumabog iyon sa kanya. Talo pa niya ang sinampal ng ilang beses dahil doon. Pakiramdam niya’y nanghina ang mga tuhod niya nang maalala iyon. Nanghihina at tulalang napaupo siya sa hagdan ng treehouse. Now it’s all making sense to her. He’s trying to make her fall for him. ‘Damn you Rayven! Why are you doing this to me? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?’ Hindi niya alam kung dapat na ba siyang matakot sa mga nararamdaman niya. Kasi sa totoo lang, it’s new to her. So obviously, wala siyang laban doon. It’s hard for her to handle a foreign and strange feeling like that. ‘Is this love? No! It can’t be! I will never let it happen! Have a grip of yourself Sydney and wake up for goodness sake! You don’t believe in love so stick with your belief!’ Tinampal niya ang pisngi upang gisingin ang sarili. Nang matauhan ay naiinis na napahilamos siya sa mukha. At some point ay nakaramdam siya ng inis kay Rayven. ‘Minsan, problema talaga ang ibinibigay sa akin ng lalaking iyon.’ Napabuga na lang siya nang wala sa oras at pilit na hinamig at pinakalma ang sarili. ‘I will never fall in love with him! Mangarap siya ng gising!’ She rolled her eyes. “Hey.” “Ay! Anak ng palaka!” Halos ay mapatalon na siya sa matinding gulat sa kinauupuan nang may kumalabit sa balikat niya. “Anong anak ng palaka? Ang gwapo ko kaya,” ubod tamis ang ngiting sabi nito. Pakiramdam niya’y nahigit niya ang paghinga nang makita kung gaano ito kagwapo sa ngiti nitong iyon. Darn it! Heto na naman siya. Idinadaan na naman siya nito sa mga ngiti nito. Tila nang mga oras na iyon ay mas gusto na lang niyang tusukin ang mga mata upang hindi na niya ito makita. At upang matigil na ang lahat ng nakakabaliw na pakiramdam na nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya ito. “Akala mo lang iyan!” naiinis na singhal niya rito. Pilit niyang pinagtakpan ang nararamdaman niya rito. “Why? Am I not handsome to you?” nagtatakang tanong nito. “Oo, ang pangit mo kaya,” nakangusong sagot niya at mabilis na nag-iwas ng tingin. Mahirap na baka mabasa nito sa mga mata niya na nagsisinungaling lang siya. Kasi sa totoo lang, ang gwapo kaya ng hinayupak na ‘to. He’s like a greek god. “Weh?” tila hindi naniniwalang sabi nito. “Maniniwala na sana ako kaso sa iba ka naman nakatingin eh.” “I just don’t want to see your ugly face.” “Ugly? Am I really that ugly?” tanong nito. Tumango siya. Nagulat na lang siya nang walang sabi-sabi ay nagtungo ito sa harap niya at sinapo nito ang magkabilang pisngi niya. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya rito. Ang lahat ng pakiramdam na naramdaman niya kanina ay tila bumalik na naman at mas lalo pa ngang lumala iyon. “Now tell me, am I really ugly?” Wala sa sariling napatitig siya sa mukha nito. Napalunok siya. Pakiramdam niya’y tila gustong magwelga ng puso niya nang makita kung gaano ito kagwapo. At habang tumatagal ay lalo nga itong gumugwapo sa paningin niya. Lalo na at ang buhok nito ay medyo magulo dahil nakatulog ito kanina. Halos mabingi na siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya nang mga oras na iyon. Damn! Ano bang ginagawa nito at nagkakaganoon siya? Nang makita nito ang reaction niya ay lalong lumawak ang pagkakangiti nito. Mukhang tuwang-tuwa pa ito na natutulala siya rito. Pilit niyang inipon ang lahat ng lakas ng loob. “Pangit ka nga!” aniya at walang sabi-sabi ay tinabig niya ang braso nito. Dahil sa ginawa niya ay nawalan ito ng balance. “Whoah! F*ck!” Nanlaki ang mga mata niya sa matinding gulat. Patay! Mukhang mahuhulog pa yata ito sa hagdan. Bago pa man mangyari iyon ay mabilis niyang inabot ang kamay nito at hinatak ito. Sa lakas ng pagkakahatak niya rito ay nasubsob ito sa kanya at sabay silang napahiga sa pinakataas na bahagi ng hagdan. At ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang mapag-alamang nakapatong ito sa kanya at nakadikit ang labi nito sa kanang pisngi niya. Pakiramdam niya’y tila nanulay ang milyon-milyong boltahe ng kuryente sa katawan niya dahil sa pagkakadikit nilang iyon. Now her heart is in a roller coaster ride. Bago pa man siya makapagreact ay lumayo na ito sa kanya. At nakahinga siya nang maluwag sa ginawa nito. Hindi kasi niya alam kung ano ang dapat niyang ireact. Kung magagalit ba siya or what. Tila wala sa sariling bumangon siya at umayos ng pagkakaupo. “You look bothered, don’t worry pisngi lang ‘yon,” nakangisi at tila nang-aasar na sabi sa kanya ni Rayven. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Ang sarap nitong sakalin sa totoo lang. Ito ang may pakana at kagagawan kung bakit siya ganoon at ngayon ay may gana pa itong asarin siya. Eh kung ibitin kaya niya ito patiwarik nang magtanda ito. “Lumayo ka nga sakin buset ka!” nanggigigil na itinulak niya ito palayo sa tabi niya. “Para binibiro lang eh. ‘To naman, napakamainitin ng ulo mo,” natatawang sabi nito. Paanong hindi iinit ang ulo niya rito aber? Palagi na lang siya nitong pinagtitripan. Hindi na iyon bago sa kanya. Palagi naman siya nitong binibiro. Siya lang naman itong may problema kasi lagi niyang siniseryoso ang mga biro nito. For sure yung kinanta nito kanina, yung mga ginawa nito at yung mga sinabi nito ay biro lang din tulad ng madalas nitong ginagawa. Napabuga siya. Ngayon alam na niya. Itatatak na niya sa kukote niya iyon. Para sa susunod na may gawin ulit ito, alam na niyang biro na naman iyon. ‘Because on the first place, he’s in love with someone else.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD