33 - I'll Let My Heart Decide

2194 Words
“OMG! What is the meaning of this?!” nanlalaki ang mga matang napatili si Ate Hazel nang makita sila ni Rayven na papasok sa living room ng mansion na magkahawak kamay. Dahil sa reaction nito ay napatingin sa kanilang dalawa ang lahat ng mga tao sa living room. At halos ay napasinghap ang lahat nang makita sila.   Just like what she expected, they got everyone’s attention. Nakaramdam siya ng hiya dahil doon. Namumula at nag-iinit ang pisnging binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni Rayven ngunit ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang muli nitong hulihin iyon at hinawakan iyon nang mas mahigpit. As if trying to tell her that he’s not going to let her go.   Isang nang-aasar na ngiti ang ibinigay nito sa kanya bago nito hinalikan ang ibabaw ng kamay niya na ikinagulat niya. Pakiramdam niya ay nagtaasan ang mga balahibo niya sa batok nang maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa balat niya. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya rito.   ‘Just what the heck!’ Sa harap pa talaga ng kamag-anak nila nito ginawa iyon. Nababaliw na ba ito?   “Rayven,” saway niya rito at nahihiyang nagtago sa likod ng binata ngunit tinawanan lang siya nito. Sabagay, sa dami ng naging girlfriend nito ay sanay na siguro itong makipag-pda.   “What’s going on?” awang ang mga labi at hindi makapaniwalang napamaang ang lahat sa kanila.   Ang mga ito ay gulat na gulat sa mga nasaksihan, maging siya ay nabibilisan din sa mga pangyayari. But she doesn’t have a choice, she just wanted to enjoy her remaining days in that place as Rayven’s girlfriend. Kung papaanong nangyari iyon? Pilit niyang inalala ang naging pag-uusap nila sa loob ng music room pagkatapos nitong magtapat sa kanya.     _ _ _ _ _     “I HAVE A LOT of things to tell you, but I wanted to start it by saying, I love you Sydney Camiella Rosales.”     “K-Kailan pa?” wala siyang maapuhap na salita maliban sa mga salitang iyon dahil na rin sa matinding gulat sa naging rebelasyon ni Rayven.   “Matagal na.”   “W-what?” Hindi makapaniwalang napamaang siya sa narinig.   “I don’t know when or how, I just felt it without a warning. I’m not sure but I know I started to realize that I like you after I saved you from drowning in the river. Doon nagsimula yung pakiramdam na gusto kitang laging kasama. Na gusto kitang palaging nakikita, gusto kong pagmasdan yung mga ngiti mo at ang maganda mong mukha. Na gusto kong palaging naririnig ang mga tawa at boses mo. I became addicted to you.”   Pilit niyang inalala iyon at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang maisip na halos ay isang buwan na mula nang mangyari iyon.   “Ganon na pala katagal. Pero bakit ngayon mo lang sinabi?”    “I’m so sorry. Naguguluhan pa ako noon sa nararamdaman ko.” Inabot nito ang pisngi niya at pinahid ang mga luha niya gamit ang mga daliri nito. “Noong una iniisip ko na baka panandalian lang yung nararamdaman ko sayo, na in the end baka mawala din iyon tulad ng mga naramdaman ko sa mga naging past girlfriends ko, na baka mas matimbang pa rin yung nararamdaman ko kay Coleen. Kaya nanahimik na lang ako, kaya hinayaan ko na lang, na mas pinili ko na lang ilihim kasi ayokong mawala at masira ang pagkakaibigan natin. Na mas ginusto ko na lang ipagsawalambahala at pilit kong kinalimutan ang nararamdaman ko para sayo. Kaso nagbago lahat noong dumating ang Brent na iyan sa buhay mo. Selos na selos ako to the extent na gusto kong sirain yung pinaghirapan at pinangarap mo para mapigilan ang pagtatagpo ng mga landas niyo. Kasi natatakot ako na baka mahulog ka sa kanya. And if that happens, I’ll be heart broken again. That my feelings for you will be an unrequited love again because you fell in love with someone else.”   ‘So, all those times, nagselos lang pala ako sa wala? Nasaktan lang pala ako sa mga hula at conclusions ko. Nagalit ako sa kanya nang hindi man lang siya pinakinggan.' Nanghihinang napaupo siya sa upuan dahil sa mga realisasyon niyang iyon.   Naluluhang lumuhod ito sa harap niya at ginagap ang mga kamay niyang nakalapag sa kandungan niya.   “Sydney, alam kong labis kang nagugulat at naguguluhan sa mga ibinunyag ko ngayon but I just can’t really helped it. Lalo na at malapit ka nang umalis. Sabi ko kahapon, na ang pagpunta mo rito ang huling request ko sayo. But hearing you say you’re leaving, parang hindi ko kaya. Hindi ko kayang magsawalang-kibo na lang. Ayokong sa huli ay magsisi ako dahil naduwag akong sabihin sayo ang nararamdaman ko. Ayokong magsisi dahil hindi ako sumugal sa kahuli-hulihang pagkakataong meron ako. So, I’m taking the risk to be honest with you even if it’s too late for me to do that. Even if you don’t feel the same, I still love you. I will always continue loving you with all my heart and soul even if you reject me right now. Mahal na mahal kita. Iwasan mo man ako pagkatapos nito, walang magbabago sa nararamdaman ko para sayo. Sydney, I want you to spend your remaining days here with me. I wanted to make you feel how much I love you. Sana, huwag mong ipagkait sakin iyon.”   Lumuluhang napatitig siya rito. Ganon na ba siya nito kamahal? Tila may mga kamay na humaplos sa puso niya sa lahat ng mga sinabi nito.   “Alam mo bang sa loob ng mga panahon na iyon, iniisip ko na si Coleen pa rin ang mahal mo. Tapos noong isang araw, yung mga sinabi mo sakin inisip ko tuloy na nahulog ka na naman sa ibang babae. Hindi mo ba alam na selos na selos ako sa kanila? Nagagalit din ako sa’yo kasi ang bilis mong nahulog sa iba gayong ako lang naman itong palagi mong kasama,” naghihinakit na sabi niya.   Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi niya.   “N-nagseselos ka? Does it mean you like me too?” kasabay ng paglaglag ng mga luha sa mga mata nito ay ang pag-aliwalas ng mukha nito. It seems like hope has lighten up his whole world.   Lumuluhang nginitian niya ito pagkuwa’y marahan siyang tumango sa tanong nito.   “Yes, I like you and love you at the same time.”   Lumarawan ang matinding kaligayahan sa mukha nito. Bago pa man siya makapagreact ay tuwang-tuwang hinatak siya nito at niyakap nang mahigpit.   “I’m so happy to know that. Ang saya ko alam mo ba ‘yon? I just can’t believe that it’s all happening right on my own birthday. It’s like a dream. If it’s just a dream, ayoko nang magising.” It seems like he just can’t contain his happiness at that very moment. Halos ay iyak tawa na ang ginagawa nito habang yakap-yakap siya.   “You’re not dreaming.”   Bahagya itong natawa nang lumayo ito sa kanya. Nang may maalala ito ay natigilan ito.   “Kung may gusto ka sakin, bakit iniiwasan mo ako nitong mga nakalipas na araw?” tila ay nagtatampong tanong nito. “Hindi mo ba alam na ang sakit sa dibdib yung mga ginagawa mong pagtrato sakin?”   Napayuko siya. “Actually, it’s because I’m leaving. And I thought you don’t like me at all so I’ll take that as an opportunity to forget about my feelings for you, everything about you.”   “So, kung hindi pala ako magtatapat sayo ngayon, talagang kakalimutan mo nang may Rayven na dumating sa buhay mo?”   Tumango siya. Napanguso ito.   “You’re so heartless talaga. And one more thing, ikaw ang tinutukoy kong babae noon. Natorpe lang akong umamin sayo dahil natatakot ako sa magiging reaction mo.”   “Heartless na natutong magmahal at magpahalaga.” Bahagya siyang natawa nang maalala ang paniniwala niya. “Nakakatawa ano? I never imagined that a person like me who doesn’t believe in love is now in love.”   “May pagsisisi ka ba?”   Tinitigan niya ito ng tuwid sa mata habang pilit na kinakapa ang nararamdaman niya sa kaibuturan ng puso niya.   “Noong una, oo sising-sisi ako kasi feeling ko ang tanga ko kasi hinayaan kong mahulog ako sa taong iba ang mahal at gusto. Ang hirap kasing mahulog nang walang sasalo. Ang sakit sa pakiramdam na hindi ikaw ang priority ng taong mahal mo. But right now, knowing all the truth, I don’t regret it anymore. Bakit ako magsisisi kung yung taong mahal ko ay mahal din ako? Kung anuman ang pinagsisisihan ko sa mga oras na ito, iyon ay yung nasayang ang oras na inilaan ko sa galit at lungkot na nararamdaman ko. Kung nagpakatotoo lang sana ako, sana hindi sana nasayang yung panahon. Sana naging masaya na tayo simula pa noon.”   “Anong hindi ikaw ang first priority ko?” Kinunutan siya nito ng noo. “Nakalimutan mo na ba? The day before your pageant hindi ka umuwi? Halos hindi na ako kumain sa paghahanap sayo. Hinalughog ko na ang bayan para hanapin ka. And noong sumama ka sa tour, halos ay halughugin ko na ang buong probinsiya namin mahanap ka lang. Para akong tangang sunod ng sunod sayo noon. Kahit na ilang beses mo akong itinataboy, lumalapit pa rin ako. Kahit na ipinapamukha mong hindi ako ang kailangan mo, nagtiis ako, nagpupumilit pa rin ako. Pilit ipinagsisiksikan ang sarili ko sayo. Kahit ang sakit makita na iba ang kasama mo, na iba ang nagpapasaya at nagpapangiti sayo, na iba ang nagpapatawa sayo, hindi ko pa rin magawang tanggalin ang tingin ko sayo. Hindi ko pa rin magawang umalis. Hindi ko pa rin magawang lumayo sayo katulad ng gusto mo. Kasi inisip ko na baka in the end magbago ang isip mo, na baka ako pa rin ang gusto mong makasama at hindi ang Brent na iyon. Kaya huwag mong sabihin na hindi ikaw ang first priority ko. Because you are my top priority. Hindi mo lang iyon napapansin dahil nilamon ng galit ang puso mo.”   Nakaramdam siya ng lungkot sa mga narinig.   “I’m so sorry for making you feel all that. I’m so sorry for treating you that way. Kung nakinig lang sana ako, hindi ka sana nahirapan at nasaktan ng ganoon.”   “It’s okay, it’s all in the past now. What’s important is today.”   Nakangiti at masayang idinantay nito ang baba sa magkahawak nilang mga kamay na nasa kandungan niya at pagkuwa’y buong pagsuyo siya nitong tinitigan. Pakiramdam niya’y para siyang natutunaw sa titig na ibinibigay nito nang mga oras na iyon. It’s making her heart beat so fast. His stares are making her breathless.   “Alam mo bang sobrang ganda mo ngayon?”   “Tss!” she rolled her eyes. Pinigilan niya ang sariling kiligin sa sinabi nito. “Matagal ko nang alam iyan.”   Napanguso ito. “Basag trip ka talaga,” maktol nito na ikinatawa niya. Ang cute talaga nitong asarin kahit kailan. Ilang sandali pa’y napangiti ito. “But you know what?”   “Hindi ko pa alam.” Sinamaan siya nito ng tingin kaya muli ay natawa na naman siya. “What?”   Sumeryoso ito. “Do you know that your beauty can’t be compared to anyone if you become mine?”   Natigilan siya sa narinig. ‘What did he just say? Is he serious?’   Parang may tumadyak sa dibdib niya nang makita kung gaano ito kaseryosong nakatingin sa kanya. Habang tumatagal ang pagtititigan nila ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya. Halos ay wala na siyang ibang marinig nang mga oras na iyon kundi ang malakas na t***k ng puso niya. It felt like it’s going to explode anytime.   “Sydney,” huminga ito ng malalim na tila ba pilit na nag-iipon ng lakas ng loob. “I do believe that time is gold, kaya ayoko nang sayangin ang pagkakataong ito. Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. Sydney, my love and my queen, will you be my girlfriend?”   Halos ay napigil niya ang paghinga sa narinig. That’s too fast. Sobrang nawiwindang siya sa mga pagtatapat sa kanya ni Rayven. She already admitted that she loves him. Papatagalin pa ba niya? Pero hindi ba siya magmumukhang easy to get nun?   ‘I only have 5 days left to be with him. If I didn’t say yes right now, time will not be enough for us kasi nasa ligawan stage pa lang kami,’ sa isip-isip niya.   “Kung nagdadalawang-isip ka dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari, na wala man lang ligawang nangyari, I promise Sydney, kahit girlfriend na kita, araw-araw pa rin kitang liligawan.”   Natigilan siya sa sinabi nito. Tila ay naliwanagan siya sa narinig. “I-Is that true?”   Nakangiting tumango ito. “Yes, I promise you that.” Huminga ito ng malalim. “Now, I’m asking you again. Will you be my girlfriend, Sydney Camiella Rosales?”   “I’ll let my heart decide.” Huminga siya nang malalim at pagkuwa’y nginitian niya ito ng matamis. “So, it will be a yes. I’ll be your girlfriend Rayven Harris Castillo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD