32 - Confession

1533 Words
“I’M GLAD you came, Sydney.” Pakiramdam niya’y tumaas ang lahat ng balahibo sa batok niya nang mapagtanto niya kung gaano ito kalapit sa kanya. Hindi man niya ito nakikita but she can feel his presence behind her. He’s only an inch away from her. Halos ay ramdam na ramdam kasi niya ang paghinga nito sa batok niya. Sunod-sunod na paglunok ang ginawa niya upang pawiin ang kabang nararamdaman. Pilit siyang nag-ipon ng lakas ng loob bago niya napagpasyahang humarap rito. Dahan-dahan siyang humarap rito. At sinamantala niya iyon upang magkaroon ng distansiya rito nang umurong siya ng isang hakbang palayo rito. “Yeah, I came, and I wish you a happy birthday, Rayven.” Nakita niyang natigilan ito at natulala nang makita ang kabuuan niya. Bahagya pang umawang ang mga labi nito. Hindi niya maiwasang matawa sa naging reaction nito. Para itong tinuklaw ng ahas sa itsura nito. Natatawang inabot niya ang baba nito at itinulak iyon pataas upang isara iyon. “Stop drooling birthday boy.” Tila noon lang ito natauhan. “I-I’m so sorry.” Nahihiya at namumula ang mukhang nag-iwas ito ng tingin. Napangiti na lang siya sa reaction nito. Lihim niyang pinag-aralan ang itsura nito. And it felt like she was being captivated by his looks. He’s wearing a white tuxedo and his hair was in a brush up hairstyle. He looks so neat and dashing. Sabagay, kahit ano namang suot at ayos nito ay gwapo pa rin ito. Kakaiba nga lang ang dating nito ngayon dahil napakapormal ng ayos nito. And she can’t help herself to get mesmerized by his appearance. Ngayon lang niya napagtantong mas malakas pala ang dating nito kapag ganoon ang ayos nito. “Ahhemm!” Sabay silang napalingon ni Rayven nang tumikhim ang isa sa mga Tita nito nang lumapit ito sa kinaroroonan nila. Sa pagkakaalala niya, her name is Heide. “Mukhang may nagkakamabutihan dito ah,” nanunudyo ang ngiting sabi nito at pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Nag-init ang pisngi niya sa sinabi nito. Bakit ba ang hilig manukso ng mga tao sa lugar na iyon. “Anyway, my dearest nephew, kung gusto mo itong si Sydney, huwag ka nang babagal-bagal pa. Aba, sa ganda niyang iyan, marami kang magiging kaagaw at karibal. Mahirap na, baka maunahan ka pa.” Bahagya siyang napaubo sa narinig. Paano ito mauunahan eh ito nga ang gusto niya. Sabagay, kakalimutan na nga pala niya ito. “Tita!” Pinanlakihan ito ng mga mata ni Rayven. “Why?” natatawa at patay malisyang tanong ni Tita Heide. “We’re just friends lang po,” mabilis niyang singit sa usapan ng mga ito. Natahimik si Rayven sa sinabi niya habang ang Tita naman nito ay bahagyang napatakip ng bibig. “Oh! I’m so sorry, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong asarin kayo lalo na at nakikita kong may chemistry kayong dalawa. It’s just that you look good together. Sayang naman kung ganon.” Ngumiti siya ng tipid sa ginang. “It’s okay po. I think it’s better for us to stay friends lalo na at aalis na rin po ako.” Bahagyang natigilan si Rayven sa mga sinabi niya. Sandali itong napatitig sa kanya. Titig na hindi na niya pinagkaabalahan pang pansinin dahil ang atensiyon niya ay nasa kaharap na ginang. “Tita excuse us, may pupuntahan lang kami,” paalam ni Rayven pagdaka. Bago pa man siya makapagreact ay hinawakan na siya nito sa kamay at hinatak. She felt the sting of electricity from his skin that runs through her veins and whole body. And she felt hypnotized by that. Nakakagulat sa pakiramdam but it felt so good and addictive at the same time. Ilang sandali pa’y kumunot ang noo niya nang ipasok siya nito sa music room. “What are we doing here?” salubong ang kilay na tanong niya nang maisara nito ang pinto. “We’ll talk,” anito at muli siyang hinatak palapit sa piano. Nang makaupo ito sa upuang nasa tapat ng piano ay tsaka lang nito binitiwan ang kamay niya. Itinuro nito ang tabi nito ngunit hindi siya tuminag at nanatili lang na nakatayo. Napabuntong-hininga ito para paginhawain ang nahihirapang damdamin nito. “So, you already made up your mind. Aalis ka na talaga?” “Yeah. I only have five days left.” Hindi ito nakaimik sa sinabi niya. Isang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nila na ito rin ang bumasag. “Hindi na ba kita mapipigilan?” Natigilan siya sa tanong nito. Why would he want to stop her from leaving? Sa anong dahilan? Gusto niya itong tanungin. Gusto niyang alamin kung bakit ngunit ayaw bumukas ng bibig niya. Ngunit naisip niyang malaman man niya ang dahilan ay wala pa ring magbabago. Aalis pa rin siya at iiwan ito katulad ng gusto at plano niya. And thinking of that reality pained her. Pero kahit gaano man kasakit iyon, kailan niyang tanggapin na darating at darating pa rin siya sa puntong iyon kaya habang maaga pa ay uunahan na niya. “Sydney?” malungkot na untag nito sa kanya. “If I stop you, magpapapigil ka ba?” “I’m..” Pilit niyang nilunok ang nakabara sa kanyang lalamunan at pagkuwa’y huminga ng malalim upang pahinhawain ang sarili. “I’m sorry.. I just can’t do that.” “Ganun ba..” Bumagsak ang balikat nito sa mga sinabi niya. He seems sad and disppointed. Ilang sandali pa’y napabuntong-hininga ito. Pagkuwa’y nilinga siya nito at ngumiti ng malungkot. Parang may bumaong patalim sa dibdib niya sa nakitang emosyon sa mga mata nito ngunit pilit niyang pinamanhid ang sarili. She doesn’t have to show how weak she is when it comes to him. Kaya kailangan niyang patatagin ang sarili. She believes that one day, she will overcome that pain. Someday, she will forget about him. “Just listen to this song. All the things and words that I wanted to say to you are in this song. So, Sydney, please listen carefully.” He faced the piano and started to play a beautiful melody. Tumaas ang kilay niya. Ano ba ang sasabihin nito? At bakit kailangan pa nitong idaan iyon sa kanta? Ilang sandali pa’y pumailanlang ang napakagandang boses nito. “The moment you first looked at me I felt that we’re meant to be, This wounded heart fell for you yeah babe only just for you.” Natigilan siya sa narinig. Pinanlamigan siya ng katawan at parang ipinako sa kinatatayuan. ‘What did he just say? He fell for me? Is that what he wanted to tell me?’ Maang at awang ang mga labing napatitig siya sa binata na abala sa pagtugtog at pagkanta. Halos ay hindi na niya magawang ikurap ang mga mata nang mga oras na iyon dahil sa matinding gulat. ‘Is this even real?’ Hindi ba siya nito pinagtitripan lang? Bakit wala siyang kaalam-alam? Bakit hindi man lang niya napansin? Kailan pa? Kailan pa ito nahulog sa kanya? She has a lot of question. She wanted to ask him. Throw him a bunch of question but she can’t. No matter what she do, it’s hard for her to open her mouth. Tila gulat na gulat pa rin siya sa mga nangyayari. Sa kabila ng lahat ng mga katanungang gumugulo sa isip niya nang mga oras na iyon ay wala siyang ibang nagawa kundi ang pakinggan ang awit na kinakanta nito. Habang pinapakinggan niya lahat iyon pakiramdam niya’y gumaan ang pakiramdam niya. Yung lahat ng sakit at sama ng loob na pilit niyang kinimkim sa loob ng matagal na panahon ngayon ay unti-unti nang naghihilom. Yung lungkot na halos ay araw araw na pumapatay sa kanya ngayon ay naglaho na, at iyon ay napalitan ng matinding saya. Dahil lahat ng katanungan niya ay nasagot na. She was so touched. Dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman nang mga oras na iyon ay halos hindi na niya namalayang lumuluha na pala siya. Because at last, she’s loved by the person she love. Dahil sa matinding tuwang nararamdaman niya nang mga oras na iyon pakiramdam niya’y tila nakalutang siya sa ulap. Ngayon niya nalaman na ganon pala kasaya at kasarap ang feeling na malamang mahal din siya ng taong mahal niya. The feeling is unexplainable. Parang nanalo siya sa lotto or what. And she’s enjoying that kind of feeling. Kung noon lang sana kasi ito nagtapat sa kanya, marahil ay hindi sana sila nasaktang dalawa. Di sana’y hindi sila nahirapan pa mula pa sa simula. Bakit ba kasi inilihim pa nito ang nararamdaman nito sa kanya ng ganoon katagal? Di sana’y matagal na sana silang masaya. Nang matapos ito sa pagtugtog at pag-awit ay tumayo na ito upang harapin siya. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang paglaglag ng mga luha nito. She knew right that moment, his confession is real. His feelings for her were real. Before she could utter a word, he cupped her face, bowed down and claimed her lips to give her, her very first kiss. Nang matapos ay buong pagsuyong tinitigan siya nito ng tuwid sa mga mata. “I have a lot of things to tell you, but I wanted to start it by saying, I love you Sydney Camiella Rosales.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD