2 - I Don't Believe In Love

2543 Words
NANG MGA oras na iyon ay tulalang nakapamintana si Sydney habang lulan ng kotseng sumundo sa kanya sa Manila. Hindi na niya alam kung gaano na sila katagal sa biyahe. Basta ang alam niya nakarating na sila sa Ilocos. Magmula ngayon ay nasa pangangalaga na siya ng Tita Tina niya, na siyang kaisa-isang kapatid ng mommy niya. Pagmamay-ari ng pamilya nito ang isang malawak na hacienda dahil nakapangasawa ang Tita niya ng haciendero.   Ilang sandali pa’y napatili siya nang bigla na lang umalog-alog ang kotse dahil sa lubak-lubak na daan. Sinasabi na nga ba niya, hindi pa sementado ang daan katulad ng inaasahan niya. She really hate this place kahit ngayon pa lang siya nakapunta r’on.    “Pasensiya na Señorita Sydney, mukhang nabigla yata kayo sa daanan natin,” paumanhin ng driver na si Mang Waldo. “Hindi pa kasi sementado ang ilang kalsada dito.”   “Okay lang,” napipilitang sagot niya. Nakasimangot na ikinalat niya ang tingin sa labas ng bintana. Papasok sila sa isang liblib na daan kung saan ay may maraming punong-kahoy silang nadadaanan. “Ang creepy naman dito.” Nang mapatingin siya sa bandang harapan ay napangiwi siya nang makita ang maputik at lubak-lubak na daan. “Hacienda ngang naturingan, lubak-lubak naman ang daan. Darn it! I really hate it! Hindi ako makakatagal nito.”   “Huwag kayong mag-alala Señorita Sydney, maraming magagandang pasyalan sa Hacienda.”   “Ano namang papasyalan ko rito? Mga manok, pato, baboy, baka at kambing? Geezz!” napapangiwing bulong niya.   “Kaya sigurado akong magi-enjoy ka sa pagtira mo dito sa probinsiya.”   “Magi-enjoy ako? Talaga? Bakit may bar at disco ba dito?” Magi-enjoy lang siya kapag may ganoong lugar doon.   “Disco at bar ba kamo?” Bahagya itong napakamot sa ulo. “Meron yatang ganon sa sentro kaso-.”   “Talaga po? Merong disco at bar dito?” Namilog ang mga mata niya sa matinding excitement.   “Oo, kaso mga 20 kilometro pa mula dito bago ka makarating doon. Nasa pinakadulo na kasi ang Hacienda Guillermo eh.”   “So, hindi pala ako magi-enjoy,” nakasimangot at disappointed na bulong niya. “Umasa pa naman ako. Hay, kabadtrip.”   “Pero teka, bawal ka doon di ba?”   “Walang bawal-bawal pagdating po sakin,” bulong na sagot niya. Well, sa Manila kasi gawain na niya ang magsuot ng mga pang-matured na damit kaya nalulusutan niya ang mga bouncer ng mga bars.   “Nandito na tayo sa haciendang pagmamay-ari ng pamilya ng boyfriend ng Ate Hazel mo.” Ang tinutukoy nito ay ang kaisa-isang anak ni Tita Tina at nang asawa nitong si Tito Sebastian.   Inilibot niya ang tingin sa paligid at namangha siya nang makita ang napakalawak na lupain na natatamnan ng iba’t-ibang uri ng mga halaman na may namumukad na mga bulaklak. Ngayon lang siya nakakita ng ganon karaming bulaklak tulad ng Rose, Sunflower, Sampaguita, Aster, Daisy, Hyacinth, Dahlia at marami pang iba.   “Wow! It’s amazing! Ang ganda!” Dahil sa pagkamangha ay hindi na niya magawang alisin ang tingin sa malawak na flower farm.   “Ang ganda ng Hacienda Castillo ‘no?”   “Op-.” Dagling napalis ang ngiti niya nang makita sa di kalayuan ang pastulan ng kabayo, tupa, baka at kambing. “Hindi, ang pangit kaya,” nakangiwing sabi niya. “I really hate this place darn it.” Panira kasing mga hayop ‘yon. Hindi lang talaga siya animal lover. Although may alaga silang aso ay hindi pa rin talaga siya ganon kahilig sa mga hayop. Nahahawakan lang niya si Douglas dahil alaga iyon ng Kuya niya.   “At iyon naman ang bahay nila.”   Napatingin siya sa itinuro nito at namangha siya nang makita ang isang malamansiyong bahay na napapaligiran ng mga naggagandahang mga halaman at bulaklak. Halos ay hindi na niya magawang alisin ang tingin doon.   “Hayaan mo Señorita Sydney,” anito at nakangiting napasulyap sa kanya. “Balang-araw ay makakapasok ka rin diyan lalo na’t malapit na ang ikalabing siyam na taong kaarawan ni Señorito Rayven.”   “And who is that?” nagtatakang tanong niya.   “Si Señorito Rayven? Nakababatang kapatid siya ng boyfriend ni Señorita Hazel na si Señorito Patrick. Huwag kang mag-alala, makikilala mo rin siya balang-araw.”   Napatango-tango na lang siya sa sinabi nito. But honestly, wala siyang balak makipagkilala sa kahit na sino roon.   Nakalayo na rin sila nang ilang sandali pa’y napatili siya nang bigla na lang kumalabog ang kotse. Agad na inihinto ng Mang Waldo ang sasakyan at lumabas upang tingnan kung ano iyon. Ilang sandali pa’y napakamot-kamot ito.   “Naku, naflat yung gulong Señorita.”   Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Kung minamalas nga naman. Napabuga siya at napagpasyahang lumabas na lang muna nang sasakyan. Agad na sumalubong sa kanya ang malamig at sariwang hangin. Ngayon niya napagtantong totoo nga ang sinasabi ng iba. Mas masarap at mas sariwa ang hangin sa probinsiya kaysa sa siyudad. Ngunit ganun pa man ay mas mahal pa rin niya ang lugar na kinalakhan niya.   “Kaninong bahay po iyon?” nagtatakang itinuro niya ang malamansiyong bahay sa di kalayuan. Maganda rin naman ang bahay na iyon ngunit mas gusto niya yung naunang bahay na nakita niya kanina.   “Ah iyan na yung bahay nina Señorita Hazel.”   Malapit na lang pala sila sa pakay nilang lugar. Pwede naman siguro niyang lakarin iyon.   “Maglalakad na lang po ako papunta roon,” naiinip na paalam niya. Isinuot niya ang sunglasses at nagsimulang naglakad patungo roon. Malapit na siya roon nang bigla na lang may sumulpot na anak ng kabayo sa halamanang nasa harapan niya. Napatili siya dahil sa matinding gulat. Kasunod niyon ay may sumulpot na isang madungis na lalaki at dinakma ang maliit na kabayo.   “Huli ka!” tumatawang sabi ng lalaki at niyakap pa ang munting kabayo na hinihingal. “Napakapasaway mo talaga. Pero kahit pasaway ka, love na love pa rin kita.”   Napangiwi siya at halos ay muntik na siyang maduwal nang makitang hinalikan ng lalaki ang napakadungis na kabayo. ‘Eww! What a very disgusting sight!’   “Hoy! Anong ginagawa mo rito? Pulubi ka ba? Balak mo bang nakawin iyang kabayo?” naiinis at nandidiring sita niya sa madungis na lalaki.   “Huh?” nagtatakang tiningala siya ng lalaki. Mukhang ngayon lang nito napansin ang presensiya niya. Sa sobrang dungis nito ay hindi niya makita ang itsura nito. “Anong nanakawin? Akin ‘to ano. Tsaka sino ka ba?”   “Pakealam mo kung sino ako? Upakan kita eh.” Inirapan niya ito. Hindi naman nito iyon nakita dahil nakasunglasses siya. Marahil ay isa ito sa mga tagapag-alaga sa kabayo ng Ate Hazel niya. “Sa’yo lang iyan. Saksak mo sa baga mo. Tse! Umalis ka nga riyan! Ang dungis-dungis mo! Kadiri! Eww! Ang pangit-pangit mo!” Nang mukhang wala pa itong balak tumabi sa daanan niya kaya hinayaan na lang niya ito at nilampasan ito.   “Makakadiri at makadungis naman ‘to. Hoy! Ang gwapo ko kaya!”   ‘Anak ng pating. Gwapong-gwapo sa sarili lang ang peg?’ Wala sana siyang balak patulan ito kaso ang lakas ng aircon ng hinayupak na lalaki. She rolled her eyes and stopped walking. Nanggigigil na nilingon niya ito.   “Gwapo ka? Saang banda? Dream on!” Sa sobrang inis niya ay kinuha niya ang vanity mirror na dala niya at ibinato iyon sa tabi nito. “Oh hayan! Tingnan mo iyang kagwapuhang ipinagmamalaki mo! Wagas makareklamo eh talaga namang pangit at madungis ka. Anyway, I don’t want to waste my time on you. Bahala ka sa buhay mo.” Muli niya itong inirapan bago itinuloy ang naudlot na paglalakad.   “Kapag ako nakaligo, who you ka saking babae ka!”   “Whatever!”       “SYDNEY! Hija, kumusta ka na?” tuwang-tuwang sinalubong siya ng yakap ng kanyang Tita nang makita siya nitong papasok sa malawak na bakuran ng mga ito.   “Okay naman po ako,” nakangiti at magalang na sagot niya. “Hello Tito Sebastian.” Bati niya sa Tito niya at hinalikan ito sa pisngi.   “Mabuti naman at nakarating ka rito ng maayos. Pero teka asan yung sasakyan? Bakit naglakad ka?” nagtatakang tanong nito.   “Naflat po yung gulong ng kotse.” Kwento niya. Napatango ito.   Tinanggal niya ang suot na sunglass at bahagyang inilibot ang tingin sa paligid. Maganda at malaki ang bahay ng mga ito. Ang bakuran naman ay nadedisenyuhan ng magagandang mga halaman at bulaklak.   “Ang ganda-ganda mo talagang bata ka,” anang tita niya habang pinagmamasdan siya. “Manang-mana ka talaga sa Tita mo.”   Napangiti siya sa sinabi nito. Kambal ito ng Mommy niya. Identical twin ang dalawa ngunit masyadong halata ang kaibahan ng mga ito. Petite ang mommy niya habang ito naman ay may pagkachubby. Seryoso, tahimik at mahinhin ang mommy niya habang ito naman ay palabiro.   “Hay naku Mama, humirit ka na naman.”   Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at bahagya siyang napangiti nang makita si Ate Hazel.   “Ate Hazel!” masayang lumapit siya rito at yumakap dito pagkatapos. Hindi sila madalas magkita ng pinsan ngunit kahit papaano ay close pa rin naman siya rito. Nagkikita lang sila kapag namamasyal at nagbabakasyon ang mga ito sa Manila. And if she’s not mistaken, ang huling pagkikita nila ay dalawang taon na ang nakalipas. And that was when her brother passed away.   “How are you Sydney?” nakangiting tanong nito.   Hindi niya maintindihan ngunit pakiramdam niya’y tila may kumurot sa puso niya sa tanong nito. “I’m fine.” Pilit siyang ngumiti rito.   May nabasa itong lungkot sa mga mata niya ngunit mas pinili nitong manahimik at napabuntong-hininga na lang.   “By the way, I want you to meet my boyfriend, Patrick.”   Tila noon lang niya napansin ang lalaking katabi nito. Pinagmasdan niya ang lalaki. Gwapo ito at matangkad. Mukha naman itong mabait kaya panatag ang loob niya rito para sa pinsan.   “Hi Sydney!” nakangiting bati nito sa kanya. Lalo itong gumwapo nang ngumiti ito.   “Hello po Kuya Patrick, so ikaw pala yung kinukwento sakin ni Ate noon. Ikaw yung childhood bestfriend niya hindi ba?”   “Hala siya! Huwag mo ako ibuking! Baka lumaki ang ulo niyan at palagi nang magyayabang.”   Natawa siya sa sinabi ni Ate Hazel. Nagkukwento ito kasi sa kanya tungkol sa childhood bestfriend nito na first love nito kapag magkasama silang dalawa. She’s happy for her cousin because her first love is in love with her too.   “Loko-loko ka talaga kahit kailan.” Napailing-iling ito sa kalokohan niya.   “By the way, tara na sa loob at pagsaluhan natin ang mga inihanda naming pagkain para sa’yo.” Hinatak na siya ni Tita Tina. Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod dito.   Naglakad na silang lahat papasok sa malaking bahay. Inilibot niya ang tingin. Malawak ang sala at halatang lahat ng gamit doon ay mga mamahalin. Marmol din ang sahig ng bahay.  Bawat sulok ay may mga malalaking figurine at vase na may mga sariwang bulaklak.   “How old are you na pala hija?”   “Seventeen po Tita.”   “Ang bilis talaga ng panahon. Noong huling kita ko sayo eh ang liit mo pa. Pero ngayon diosko, mas matangkad ka na sakin. Dalawang taon lang ang nakalipas pero andami nang nagbago sa’yo. Dalagang-dalaga ka nang tingnan ngayon. Siguro may boyfriend ka na ano?”   Intrigera talaga ang Tita niya kahit kailan. Sigurado rin siyang tinawagan ito ng mommy niya at marahil ay ikinuwento ng mommy niya dito ang reason kung bakit siya ipinadala roon.   “Wala pa po.”   “Weh?” tila hindi naniniwalang napatingin sa kanya ang mga ito.   “Wala po talaga. Promise. Wala pa po kasi iyan sa isip ko. And one more thing I don’t believe in love. Love causes pain and heartbreak. And worst, sometimes it leads to suicide and death.”   Napamaang ang mga ito sa sinabi niya.   “Seriously? Wala ka pa nga experience sa pag-ibig pero nakakapagsabi ka na ng mga ganyan. Wala ka pang naiintindihan tungkol sa pag-ibig hija. Masyado pang maaga para sa’yo ang sabihin iyan.” Napailing-iling ang mga ito.   “I learned to understand love based on my observation.”   “Is it because..” naghihinuhang napatitig sa kanya si Ate Hazel.   Malungkot na ngumiti siya at bahagyang napatango.   Napabuga ang Tita niya. “Hija, hindi lahat ng tao ay pare-pareho ang kapalaran sa pag-ibig.”   “If you fell in love with the wrong person, you’ll suffer the same mistake like others did,” mabilis niyang sagot.   “Masyado ka pang bata para magconclude ng ganyan,” Si Kuya Patrick. “Tingnan mo kami ni Ate Hazel mo, masaya naman kaming dalawa.”   Napatingin siya sa mga ito. “It’s because you’ve found the right person.”   Napabuntong-hininga ang mga ito sa sinabi niya. “Malaki ang naging epekto sa’yo ng pagkawala ng Kuya mo hija. I just hope, you’ll overcome all the pain soon for you to be happy again.”   Natahimik siya sa sinabi ng Tita niya. Her words hit her. Big time.    “But you know what, mas maganda kung huwag ka munang magsalita ng patapos. Sige ka, baka kainin mo ang sinabi mo.”   “Anyway, kung wala ka pang boyfriend, malay natin dito mo mahanap yung lalaking magpapatibok sa puso mo,” ani kuya Patrick na abot hanggang tainga ang ngiti.   “Bakit may irereto ba kayo?” nakangiting pagbibiro niya just to lighten up the conversation at upang sakyan ang kalokohan at biro nito.   “Kung ako ang tatanungin, siyempre meron,” malawak ang ngiting sagot ni Kuya Patrick.   “Sino naman?” nagtatakang tanong niya.   “Makikilala mo rin siya, huwag kang mag-alala.”   “Parang kilala ko kung sino iyan ah,” si Ate Hazel.   Kumunot ang noo niya. Sino naman kaya ang balak ireto ng mga ito sa kanya?   “They look good together isn’t it?” ngiting-ngiting tanong ni Kuya Patrick.   “Sabagay, hindi na ako tutol kung sila lang naman ang magkakatuluyan.”   ‘Sino ba ang tinutukoy ng mga ito?’   “Teka, hindi ba’t nandito lang ang batang iyon kanina? Aba’y saan na nagpunta ‘yon?” tanong ni Tito Sebastian habang panay ang sulyap sa paligid at tila may hinahanap.   “Ano pa ba ang ini-expect niyo Papa?” si Ate Hazel. “Malamang ay nabagot na naman dito kaya umalis at pinili na lang mangabayo.”   “Mangabayo?” ulit ng isip niya. Sa isiping iyon ay muling sumagi sa isip niya ang lalaking madungis at nanghalik ng kabayo kanina. Pakiramdam niya’y nanindig ang balahibo niya sa katawan nang maalala iyon. Nandidiring napangiwi siya.   “At malamang tinawagan na naman si Coleen,” sagot ni Kuya Patrick.   Kumunot ang noo niya. Loko-loko ang mga ito ah. Mukhang balak pa yata siyang ibugaw sa isang lalaking taken na.   ‘My gawd! Hindi ko ugaling mang-agaw.’   Hindi siya desperada at mas lalong ayaw niyang magkaroon ng lovelife. Never. Mula nang mamatay ang Kuya Stephen niya ay kinalimutan na niya ang tungkol sa love na pinaniniwalaan ng marami. When she lost her beloved brother, that’s the exact moment she started to despised love so much. And at the same time, she lost the ability to believe in it either.                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD