1 - Her Punishment

2295 Words
"GRRRR.."   Natigilan si Sydney sa pagsampa sa mataas nilang pader nang marinig ang galit na pag-ungol ng aso nilang Rotweiller.   "Ssshhhh! It's me Douglas! Don't make a noise!" anggil niya rito at ikinalat ang tingin sa malawak nilang bakuran. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang walang tao sa paligid. Mabilis siyang tumalon pababa. Sanay na siyang dumaan at tumalon sa pader kaya hindi na siya nahihirapang gawin iyon. Gawain na kasi niya iyon sa tuwing tumatakas siya sa parents niya makapaglakwatsa at makapunta lang siya sa mga party at bars tuwing gabi. "Good boy!" nakangiting tinapik niya ang ulo ng aso at dahan-dahang naglakad papasok sa loob ng kabahayan. Dahil kabisado na niya ang loob ng bahay nila at kahit madilim ay maingat siyang nakapanhik sa hagdan nang hindi nakalilikha ng ingay.   "Where have you been Sydney Camiella?"   “Shoot!” Lihim siyang napamura at napakagat-labi nang marinig ang boses ng dad niya sa kanyang likuran. Ilang sandali pa'y bumaha na ang liwanag sa sala. Napabuga siya at laglag ang balikat na humarap rito. Nakita niya itong prenteng nakaupo sa sofa habang umiinom ng kape. Mukhang kanina pa yata ito sa sala at sinadya talaga nitong ioff ang ilaw upang hulihin siya sa mga kalokohan niya. Ilang beses na rin siya nitong nahuli ngunit hindi pa rin siya nagtanda. Nagpromise din kasi siyang magpapakatino na siya at titigil na siya sa kalokohan niya. Ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang sariling tumakas. Gusto lang naman kasi niyang i-enjoy ang mga natitirang araw niya sa Pilipinas. Magmamigrate na kasi sila sa America next week.   "Good morning Dad," nakangiwing bati niya sa amang si Daniel.   "Alam mo ba kung anong oras na? It's 5:00 o'clock in the morning. Saan ka na naman ba nanggaling at inumaga ka na naman ng uwi?"   She rolled her eyes. Sigurado siya, mag-aagahan na naman siya ng sermon.   "Galing ako kina Kiana. Birthday ng kapatid niya, inumaga ako ng uwi kasi sa Batangas ang venue ng celebration."   "Bakit hindi ka nagpaalam? Anong kwenta ng cellphone mo kung hindi mo naman ginagamit? We tried to call you but you're not answering our calls. Alam mo ba kung gaano nag-aalala ang Mommy mo sa’yo? Ilang beses na kitang pinagbawalang lumabas sa gabi. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kung ginagawa mo lang iyan dahil sa pagkawala ng Kuya-.”   “Enough Dad please!” mabilis niyang putol sa sinasabi nito. Nang mabasa nito ang sakit na lumukob sa mga mata niya ay lumarawan ang lungkot sa mukha nito. “I don’t want to hear that.”   Napabuntong-hininga ito. “Sydney, I know it’s painful but you have to accept that your brother is already gone.”   “Enough please!” nagmamakaawang pakiusap niya. Hangga’t maaari ay ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa Kuya niya. It’s been two years pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakamove on sa pagkawala nito. Hindi pa rin niya matanggap na wala ito. The pain of grief she’s feeling everytime she thinks of him was still the same. It’s as if it only happened yesterday. Kaya naman sa loob ng dalawang taon ay minabuti niyang ituon ang kanyang pansin sa ibang mga bagay. And attending parties and going on a bar are the solutions she come up with until it became her habit.   Napabuntong-hininga siya.   "Sorry if I made you worried Dad. But please, huwag niyo akong sermunan ngayon, I'm tired and I want to rest already. And one more thing, malaki na ako. I can take care of myself. Anyway, magpapahinga na ako, bye," paalam niya at tinalikuran agad ito upang makaiwas sa sermon.   Nagsalubong ang kilay nito. Mukhang hindi nito nagustuhana ang sinabi niya.   "Malaki ka na? Matangkad ka lang Sydney Camiella but you’re still young! For pete’s sake you’re only 17 years old but what? You’re acting as if you’re a grown up woman! Hindi gawain ng isang batang katulad mo ang magbar at magpunta sa mga night parties! Please act your age little brat! From now on, you’re grounded!”   She rolled her eyes. Tumigil siya sa paglakad at hinarap ito.   ‘Grounded my foot.’ Ilang beses na ba siya nitong pinatawan ng parusang iyon? Five? Ten? She doesn’t know. She lost count already. Pero ni kahit minsan naman ay hindi umepekto ang kaparusahang iyon sa katigasan ng ulo niya.   "Dad, kasalanan ko ba kung matangkad ako at mukhang matured? Tsaka isa pa, gusto ko lang naman mag-enjoy sa buhay ko tutal ay bakasyon naman at walang pasok sa school. Pwedeng hayaan niyo na lang ako dad? Let me enjoy my life to the fullest.”   “You know I can’t let you do what you want. Ayokong masayang at mapariwara ang buhay mo. Mahirap bang intindihin iyon? Paano na lang kung may nangyaring masama sayo sa pinuntahan mo? We can’t be there immediately to save you. Ilang beses ko bang sasabihin at ipapaintindi iyon sa’yo?”   “Naiintindihan ko naman dad ang pinopoint out mo kaso gusto ko lang naman magsaya. At iyon ang hindi niyo maintindihan ni mommy. Given na sakin na gusto niyo lang akong protektahan but I can handle myself and you know that.”   “Kahit ano pa ang sabihin mo, kahit anong ingat pa ang gawin mo sa pupuntahan mo, kung may mga taong may masamang balak sa’yo, gagawa at gagawa sila ng paraan makamit lang nila ang binabalak nila. So stop telling me that you can handle yourself. Paano na lang kapag may ipinainom sila sa’yo?”   Napasimangot siya. Kailan ba nagpatalo sa argument ang dad niya?   “Dad intindihin mo na lang ako. Di ba magma-migrate na tayo sa America next week? Last na ‘to promise,” pangako niya.   “And you think I believe you that this will be the last? Baka mas malala pa ang gawin mo kapag nasa America na tayo.”   “Hindi I promise, magpapakabait na ako kapag nandoon na tayo dad.” Nginitian niya ito ng matamis. “Thank you, I love you Dad!” Alam naman niyang kaunting lambing lang niya rito ay hindi rin siya nito matitiis.   “Okay, I’ve made up my mind. You’re not grounded.”   Napangiti siya ng matagumpay. Sinasabi na nga ba niya. Hindi rin siya nito matitiis. “Thank you Dad! You’re the best Dad ever! I love you!”   “But you’re not going with us in America next week. You’ll stay at your Tita Tina.”   Napalis ang ngiti niya. Parang bombang sumabog sa pandinig niya ang sinabi nito. Nanlalaki ang mga matang lumapit siya rito.   “Y-You want me to go in that place? Are you kidding me? No! You can’t do this to me! You know I can’t live in a place like that! Please Dad! I beg you! Don’t send me there!” Sa siyudad siya lumaki, a place full of innovations and trends where she can have a life full of luxury. Never in her life she would imagine to go in a place with lots of stinky animals. Tuloy ay gusto niyang ngumawa at magsususuka sa naisip.   “No, whether you like it or not. You’ll stay there.” Tangan ang tasa ng kape ay pumanhik na ito sa hagdan.   “That’s too much! Darn it! I’m doomed!”         “LAHAT NG iyan dadalhin mo?” nanlalaki ang mga matang tanong ng mommy niyang si Trina nang makita ang apat na bagahe niya. Ngayon na kasi siya ipapadala ng mga ito sa probinsya sa Ilocos. Nasa baba na nga ang kotseng pagmamay-ari ng tita niya na susundo sa kanya papunta sa lugar na iyon.   Nakasimangot na tumango siya.   “You have too much luggage dear. ‘Yung mga mahahalagang gamit lang ang dalhin mo.”   “What can I do? Mahahalaga lahat ng laman niyan.” Halos ay magkandahaba na ang nguso niya nang mga oras na iyon dahil sa matinding inis. Labis siyang nagtatampo sa parents niya, lalo na sa Dad niya dahil sa desisyon nitong ipadala siya sa probinsiya. She hates that place. Sa tanang buhay niya ay nunkang pinangarap niyang pumunta sa mga ganoong klase ng lugar.   “Open it,” utos ng Dad niya.   Napasimangot siya. Wala siyang nagawa kundi sundin ang utos nito.   “What’s this?” nanlalaki ang mga matang dinampot ng mommy niya ang mga damit niyang kakarampot lang ang tela tulad ng tube, short shorts, hanging shirt, at see through shirts. “Oh my god. Dadalhin mo ang mga ganitong uri ng damit? Diosko! Baka maatake ng highblood ang Tita mo r’on.”   She rolled her eyes. Inagaw niya ang mga iyon sa ina at ibinalik sa loob ng maleta. “Mom, ‘yan ang uso ngayon. Pati ba naman mga ‘yan papakealaman niyo pa?”   “Anak, magkaiba ang probinsiya at Manila.”   Oo, sobrang magkaiba. Kaya ayaw niyang magpunta sa probinsiya dahil iba iyon sa kinalakhan niyang siyudad. She hates that place. Naririnig pa nga lang niya ang lugar na iyon ay kumukulo na ang dugo niya. Paano na lang kapag nandoon na siya? It will be a disaster for sure. Her life will be boring.   “Bakit ba kasi kailangan niyo akong ipilit sa isang lugar na ayoko?”   “It’s for your own good.”   Walang sabi-sabi’y inalis ng parents niya ang mga gamit niyang ayaw ng mga itong dalhin niya sa probinsiya. Naiinis at halos ay mangiyak-ngiyak na napasubsob na lang siya sa kama niya.   Ilang sandali pa’y natapos na ang mga ito sa pagi-impake ng mga gamit niya.   “Tara na sa baba. Naghihintay na sa’yo ang sundo mo,” anang Dad niya.   “Kung panaginip man ito sana magising na ako.” Naluluhang bulong niya at bumangon na. Nakita niyang lumabas na ang Dad at Mommy niya dala ang isang malaki at maliit na maleta. Halos ay mawindang na siya nang makitang halos lahat ng mga paborito niyang mga damit ay nagkalat sa sahig. “Anong klaseng damit ang inilagay nila sa maleta ko? Pangmanang at pangmadre?”   Nanghihinang napaupo siya sa gilid ng kama.   “Kainis naman eh!” mangiyak-ngiyak na tinadyakan niya ang damit na nasa paanan niya. Balak ba nila akong gawing madre? Hayst!”nagngingitngit ang kalooban niya sa matinding sama ng loob. “No, hindi ako makakapayag!” dahil sa katigasan ng ulo ay may naisip siya.   Mabilis siyang dumampot ng ilang damit na nasa sahig at isinuksok iyon sa loob ng damit niya. Mabuti na lang at maluwang ang damit niya kaya sigurado siyang hindi iyon mapapansin ng parents niya.   Nang matapos ay lumabas na siya ng silid niya at lihim na napangiti sa kalokohan niya. Ilang sandali pa’y napatigil siya nang dumako ang tingin niya sa picture frames na nakapatong sa ibabaw ng table na nadaanan niya sa sala. Biglang bumigat ang dibdib niya nang makita ang nakangiting mukha ng Kuya Stephen niya sa isang picture frame. Dinampot niya iyon at hinaplos. Napangiti siya ng malungkot at tinitigan iyon.   “I’m sorry Kuya..” nanlalabo ang mga matang paumanhin niya. “I think hindi ko na magagawa yung mga pangarap mo at yung siblings goal natin. And you know what’s worst? Yung iiwan ka naming mag-isa rito at takbuhan ‘yung sakit na naramdaman namin dahil sa pagkawala mo. Aalis ako, pero ipinapangako ko, babalik ako kapag buo na ako Kuya.” Yakap-yakap ng mahigpit ang larawan ay naglakad na siya patungo sa kotse na naghihintay sa kanya sa labas.   “O mag-ingat ka r’on. Huwag kang pasaway. Kung anumang sabihin ng Tita Tina mo, sundin mo,” anang mommy niya nang makalapit siya sa mga ito. Lumarawan ang lungkot sa mukha ng mga ito nang makita ang yakap niyang bagay.   “Okay,” tipid na sagot niya.   “Magpakabait ka r’on. Huwag mong bigyan ng sakit ng ulo ang mga tao r’on,” bilin pa ng Dad niya.   Napipilitang tumango siya.   Aware naman siyang matigas ang ulo niya pero bakit kailangang humantong sa ganoon ang parusang ipinataw ng mga ito sa kanya? Napabuga na lang siya. Ilang beses na siyang nakiusap sa mga ito na huwag nang ituloy ng mga ito ang balak ng mga ito ngunit hindi nagbago iyon. Kahit pa alam ng mga ito ang dahilan kung bakit niya ginagawa iyon ay wala pa rin nagbago.   Ilang sandali pa’y hindi na niya napigilan ang sariling mapaluha. Ngayon lang din kasi siya malalayo sa tabi ng parents niya. Kaya sobrang hirap para sa kanya ang mga nangyayari.   Niyakap siya ng mga ito nang mahigpit.   “Don’t cry sweetie. It’s for your own good,” pang-aalo ng mommy niya at nginitian siya, bagay na nagpagaan ng loob sa kanya. “We love you baby, always remember that.”   “Basta ‘yung usapan natin,” anang Dad niya. “Kukunin ka namin kapag nagbago at nagpakatino ka na.”   Matagal pa siguro bago mangyari iyon. She knew, she will not change so easily. It will be hard for her. Living without cellphone and gadgets. Living far away from the place she used to live. Living on a place she doesn’t like.   ‘No bar, no liquor, no parties.. Gosh! I can tell by just thinking of it, that place is too boring! Good luck to me.’    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD