28 - Her Love Story

2045 Words
“MY GOSH! It’s too hot!” nakangiwing bulong ni Sydney at pinaypayan ang sarili gamit ang sariling palad. Nang mga oras na iyon ay kasalukuyan na silang nagsasagawa ng tree planting sa bundok na halos ay kalbo na. May mangilan-ngilan pa namang puno ang natira roon ngunit ang iba ay maliliit pa lang, samantalang ang ibang malalaking puno naman ay tuyo at patay na.   Tagatak ang pawis na umayos siya ng tayo matapos niyang itanim ang huling seedling na hawak niya. Pinunasan niya ang pawis sa noo gamit ang braso.   “Tapos mo na ba? Doon ka na muna sa lilim ng puno,” utos sa kanya ni Brent at itinuro ang kinaroroonan ng mga puno sa di kalayuan. “Susunod ako sayo pagkatapos kong itanim ang mga ito,” anito at inginuso ang mga seedling sa paanan nito. Nauna na siyang natapos dahil tinulungan siya nito kanina.   “Kung tulungan na lang kaya kita?” suhestiyon niya.   “Huwag na, I can handle this. Just go ahead and have some rest. And one more thing, tumataas na ang araw baka masunburn at umitim ka,” taboy nito.   “Okay.” She was left with no choice but to follow what he said. Naglakad na siya palapit sa malaking kahoy na nakita niya sa di kalayuan. Umupo siya sa damuhan sa ilalim niyon at halos ay nakahinga siya nang maluwag nang tuluyang hindi maramdaman ang sinag ng araw sa kanyang balat.   Bahagya niyang ikinalat ang mata sa paligid at napangiti siya nang makitang tuwang-tuwa ang ibang participants ng tree planting activity sa ginagawa ng mga ito. It seems like all of them are enjoying that activity. Sabagay, sino nga ba naman ang hindi matutuwa? All of them are saving mother earth from its extinction. Napangiti siya. Maybe, it’s time for her to do the same, pretty soon. Lalo na at ganon pala ang pakiramdam kapag may ginagawa kang tama. It’s very rewarding.   Naipikit niya ang mga mata nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Huminga siya ng malalim at sinamyo ang malamig na simoy ng hangin.   “Oh gosh the cold wind is so refreshing.”   Iminulat niya ang mga mata nang marinig na may nagsalita sa tabi niya. Bahagyang kumunot ang noo niya nang makita niya si Coleen na kakaupo lang sa tabi niya. Ni hindi man lang niya namalayang lumapit ito sa kanya.   “Sorry, did I disturb you?” apologetic na tanong nito nang mapansin nitong nakatingin siya rito.   “No, it’s fine.” Muli niyang ipinikit ang mga mata at bahagyang napasandal sa katawan ng puno. She doesn’t want to become rude to her para paalisin pa niya ito doon. Lalo na at wala naman itong ginagawa sa kanya. Siya lang naman itong nagpapakabitter sa babae dahil sa matinding selos na nararamdaman.   “I heard you’ve been crowned as Mutya ng San Joaquin. Congratulations by the way.”   “Thanks,” she answered and didn’t even bother to look at her.   “So, aside from being an environment catalyst, what charity works are you planning to do?” usisa nito.   “Ch-Charity works?” Napamulagat siya nang wala sa oras dahil sa tanong nito. Kailangan ba niyang magkaroon ng ganoon?   “Yeah, charity works,” nakangiting ulit nito. “When I won the crown in our municipality, mas nagfocus ako sa pagtulong sa mga mahihirap na mamamayan, especially those who live in the streets.”   “I still don’t have a plan for any charity works for now,” pag-amin niya. On the first place, alam naman niyang hindi siya habambuhay na mananatili sa lugar na iyon. Kapag dumating man ang panahon na tutulong na siya sa ibang tao, she will make sure that she has the capacity, emotionally, physically and financially. Ikinibit niya ang balikat. “Someday, maybe.”   Napatango-tango ito. “It’s good to hear that you have a plan for the future. You know, a crown and a title is a great responsibility.” Nakangiting tumanaw ito sa malayo. “We are a catalyst of change. And that is what they expect us to be.”   “So, are you trying to say that you only help other people because you have that kind of responsibility?” nagtatakang tanong niya. At some point ay hindi niya maiwasang taasan ito ng kilay. Huwad lang ba lahat ng ipinapakita nito sa ibang tao?   Napangiti ito sa tanong niya. “Nope, I started my charity works ever since when I was a kid. It happened when I was being saved by a street boy from death,” kuwento nito at napangiti ito nang tila may maalala ito mula sa nakaraan. “Utang ko ang buhay ko sa isang mahirap na tao, so I’m doing all my best to help them in return.”   Napatango-tango siya. She’s too speechless to say a word. She’s really a nice girl. Hindi na siya magtataka kung bakit nagustuhan at minahal ito ni Rayven. At some point ay hindi niya maiwasang mainggit sa babae. She can make someone fall in love with her effortless. Kung kaya lang sana niyang maging kagaya nito, hindi sana siya mahihirapang pahulugin si Rayven. But she knew she can’t. She will never be like her, not even an inch. Maybe it’s because she grew up being a spoiled brat. Maybe because she’s a city girl. Or maybe because she’s stubborn, maarte, happy go lucky and a party girl who doesn’t even care about those less fortunate people. Walang-wala siya kumpara rito. Napangiti siya ng mapait dahil sa lahat ng realisasyong iyon. Now, the whole truth is hitting her big time.   “Lucky you, a lot of people loves you.” Tumanaw siya sa malayo upang iiwas ang tingin dito. Ayaw niyang mabasa nito ang lungkot at inggit na nararamdaman niya rito.   “Yeah, I should be happy about that, but,” she paused for a minute and smiled sadly afterward. “I can’t feel any happiness at all.” Huminga ito ng malalim at tila ba pilit pinapakawalan ang isang bagay at damdamin na nagpapahirap dito. “It’s because I can’t have the love I want. I can’t be with the person I love.”   Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi makapaniwalang napatitig siya rito.   “How come?” naguguluhang tanong niya.   Ngumiti ito ng malungkot at tumanaw sa malayo. “I fell in love with the guy who saved me.”   Literal na umawang ang mga labi niya sa narinig. “You fell in love with the street boy who saved you?” hindi makapaniwala at nanlalaki ang mga matang tanong at paniniguro niya. She never expected that. Sobrang nakakagulat lang na natalo si Rayven sa ganoong klase ng lalaki.   Malungkot na tumango ito. “Unbelievable right? Just like everyone’s reaction, it is unbelievable. Nakakalungkot nga lang, it’s a love that is meant to be unaccepted by my own family, friends and everyone around me. At some point I can’t help myself to hate my own fate because it’s too complicated for a young girl like me to face and deal with such a mess. Minsan, hindi ko na maiwasang hilingin sa Diyos na sana pareho na lang kami ng katayuan sa buhay nang sa ganoon ay hindi kami nahihirapan at nasasaktan ng ganito. Kasi sa ganitong sitwasyon na magkaiba kami, na mayaman ako at siya walang-wala, it’s too impossible for us to be together.”   At some point ay hindi niya maiwasan ang sariling kaawaan ito. Mas malala pala ang sitwasyon nito kaysa sa pinagdadaanan niya. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay unti-unting nawawala ang inis na nararamdaman niya rito dahil sa nalaman niya.   “You’re a good woman Coleen, I hope and wish for your own happiness. Hindi mo man makuha ang happiness at love na gusto mo ngayon, but I know and I pray that someday you will.”   “Thank you,” nakangiting pasalamat nito. “How about you? You’re beautiful and I heard you’re a very talented girl. Siguro marami rin ang nagkakagusto sayo. So, who’s the lucky guy?”   Natigilan siya sa tanong nito. Sasabihin ba niya na si Rayven ang mahal niya?   ‘No Sydney! Rayven loves her! If you tell her that you love Rayven, para mo na ring ipinakitang isa kang talunan!’ anang isip niya. Tila natauhan siya dahil doon. Ayaw niyang magmukhang kaawa-awa sa paningin nito.   “I-I..” tumikhim siya at pilit nilunok ang nakabara sa kanyang lalamunan. “I don’t believe in love.” Yes, she lied. On the first place, she realized that she’s already moving on from Rayven. Kaya mas mabuti na lang kung ibabalik niya ang paniniwala niya tungkol sa love na iyan.   Nanlaki ang mga mata nito. “You’ve got to be kidding me! That’s totally unbelievable!”   Ikinibit lang niya ang balikat sa naging reaction nito. “We have different perspectives and beliefs in life, especially when it comes to love.”   “Sabagay, you’re right,” napatango-tangong pagsang-ayon nito sa sinabi niya. “We view love in different ways. Kawawa naman ang mga lalaking nagkakagusto sa’yo, hindi pa man din sila nagtatapat, basted na,” natatawang dugtong nito.   Bahagya siyang natawa sa sinabi nito.   “But anyway, I just hope and pray that you will meet someone who will change your views and beliefs in love.”   ‘I already met him, but our fate has already decided that we’re not meant to be.’   “Mukhang tapos na silang lahat sa pagtatanim. Let’s go?” Nakangiting tumayo na ito at pinagpag ang damong dumikit sa pantalon nito. Tumayo na rin siya at ginaya ito sa ginagawa nito. Nang matapos ay nakangiting humarap ito sa kanya. “Anyway, I enjoyed talking with you Sydney, I hope we’ll see each other again, soon.” Nakangiting iniumang nito ang kanang palad nito sa kanya. “It’s nice to meet you by the way.”   Tinanggap niya ng maluwag sa dibdib ang pakikipag-handshake nito sa kanya. Mabait naman ito so wala naman siyang sapat na rason para kainisan at hindian ito.   “Same here Coleen.” Sinuklian niya ng isang tipid na ngiti ang matamis na ngiti nito.   Sabay na silang naglakad patungo sa kinaroroonan ng iba pa nilang kasama. Hindi pa man din sila nakakalayo ay bahagya siyang natigilan nang maramdaman ang bahagyang pagyanig ng lupa.   “Oh my gosh! There’s an earthquake!” nagpapanic na sigaw ni Coleen. Tila ay hindi nito alam ang gagawin.   “Lindol!” nagsigawan ang lahat. Halos lahat sila ay nakaramdam ng takot nang mga oras na iyon. Dahil sa matinding takot na nararamdaman niya nang mga oras na iyon ay halos hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Samantalang ang iba naman nagtakbuhan at tila hindi alam ang pupuntahan. Habang ang iba naman ay nanatili lang na nakaupo sa lupa habang takip-takip ang ulo gamit ang mga kamay at braso.   Ilang sandali pa’y unti-unti nang nawala ang lindol at halos ay nakahinga sila ng maluwag dahil doon. Ihahakbang na sana niya ang mga paa upang puntahan ang mga kasama nang ilang segundo lang ay narinig niya ang paglangitngit ng isang bagay sa likuran niya.   “Yung puno matutumba! Tumabi kayo!”   Kinakabahang napalingon siya sa likuran at ganon na lang ang pagkagimbal niya sa nakita.  Pakiramdam niya’y napigil niya ang paghinga nang makitang matutumba na ang patay at tuyong puno sa direksiyon nila ni Coleen. The earthquake must have caused for it to collapse.   ‘Run Sydney!’ She wanted to cursed herself. She wanted to run away but she can’t. It felt like her feet were glued on the floor. Ni hindi man lang niya maigalaw ang katawan niya. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay katapusan na niya. Wala na siyang nagawa kundi ang ipikit ang mga mata at tanggapin ang anumang kapalaran niya nang marinig ang malakas na sigawan at tilian ng lahat. Halos ay ramdam na ramdam na niya ang paparating na hangin senyales na malapit nang tumama sa kanya ang puno. At ilang sandali pa, pakiramdam niya’y namanhid ang buo niyang katawan nang maramdaman niya ang pagtama ng isang bagay sa katawan niya at ang pagbagsak niya sa lupa. Kasabay ng pagbagsak niya ay ang pagbagsak ng puno sa lupa. And hearing that deafening sound made her heart stopped from beating. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD