39 - I'm Back

1766 Words
10 YEARS LATER…   "IT'S BEEN a long time Philippines. Welcome back to me," bulong ni Sydney sa sarili nang makalabas siya sa NAIA. Inilibot niya ang tingin sa paligid at pagkuwa'y napabuntong hininga.   It's been ten years since she left the country. At sa loob ng mga panahon na iyon ay ngayon lang siya umuwi. Napagpasyahan kasi niyang magpatayo ng isang music school sa bansa since she finished her doctoral degree major in Education Management sa US. Hindi niya alam kung anong naghihintay sa kanya sa pag-uwi niyang iyon ngunit hinihiling niya na sana'y maging maganda ang kahihinatnan ng lahat.   Susunod sa kanya ang parents niya next week. Her parents decided to have their vacation from their work. And dad kasi niya ay nagtatrabaho bilang isang cardiologist sa isang kilalang hospital sa Washington habang ang mommy niya ay isa namang psychiatrist.   Habang naghihintay siya ng masasakyan niya ay mabilis niyang kinuha sa loob ng shoulder bag niyang Hermes ang cellphone niya nang marinig niya ang pagtunog niyon. Nakangiting sinagot niya ang tawag nang mapag-alamang ang mommy niya iyon.   “Hi sweetie!”   “Hello mom! Missed me?”   Hindi man niya makita ang itsura nito ay alam niyang masayang-masaya na naman itong kausapin siya.   “Of course, kailan ba naman kita hindi na-miss? Lalo na at ilang araw na rin kitang hindi nakikita. Pagkatapos mong tumugtog sa isang musical play sa New York, dumiretso ka na ng uwi sa Pilipinas. ”   Napangisi siya. “Mom, before I attended the musical play ay nakapag-paalam naman na ako sa inyo ng maayos noon hindi ba?”   “Yes, but I still miss you my baby.”   “My gosh mom! Stop calling me baby, for goodness sake I’m already 27 years old! Geez!” maktol niya. “How many times do I have to tell you that?”   “Humanap ka na kasi ng boyfriend mo at nang makapag-asawa ka na at magka-baby nang hindi na ikaw ang pepestehin ko sa kakatawag ng baby.”   She rolled her eyes. Heto na naman sila sa walang sawang pangungulit nito. Her parents want her to settle down but she doesn’t feel like it. Hindi niya alam pero wala pa talaga iyon sa plano niya. And one more thing hindi pa naman siya nagmamadali.   ‘Or should I say, wala talaga akong balak.’   Minsan ay gusto na niyang iuntog ang ulo niya dahil sa tuwing may nanliligaw sa kanya, o nagiging boyfriend siya, lagi nitong sinasabihan ang mga lalaking iyon na pakasalan agad siya at nang magkaapo na raw ito. Excited na raw kasi itong magkaapo at inggit na inggit na ito sa mga amiga nitong may mga sarili nang apo. Awang-awa naman ang mga lalaki sa mga pinagsasabi nito. At heto namang mga uto-u***g mga lalaki, sinusunod naman ang mga kapritso ng mommy niya. That’s why she always ends up on turning all the guys down and she breaks up with them. Wala pa talaga sa plano niya ang mag-asawa at magka-anak. O mas tamang sabihing, she despises love so much.   She loathes that damn love so much. Kung paano nangyari iyon? It’s because of.. Mabilis niyang ipinilig ang ulo. She brushed off that damn memory out of her mind.   “Buti pa yung mga amiga ko, may mga apo nang inaalagaan, ako itlog pa lang.”   “Mom!” Nanlaki ang mga mata niya sa mga sinasabi nito. How could her mom become so vulgar? “Tigil-tigilan mo nga ako sa mga apo apo na iyan. How many times do I have to tell you na ayokong mag-asawa at ayokong magka-anak.” Mas mabuti pa sigurong sabihin na niya ang totoo at nang tigilan na siya nito.   Bahagya siyang napangiwi nang makita niyang pinagtitinginan siya ng ilang mga taong katabi niya habang naghihintay ng taxi. Medyo napapalakas na rin kasi ang mga sinasabi niya. Dahil sa matinding hiya ay mabilis niyang itinulak ang push cart na naglalaman ng mga dala niyang maleta at agad na lumayo sa mga ito.   “At balak mo pa talagang maging old maid? Diosko naman anak! Sayang ka, ang ganda-ganda mo pa naman. Paano na lang ang magandang genes at lahi natin? Puputulin mo na nang ganon-ganon na lang? Sino na lang ang mag-aalaga sayo kapag wala na kami?”   “Mom, huminahon nga kayo. Hindi pa kayo mawawala.” She rolled her eyes. Ang drama talaga ng mommy niya.   “Hindi ka ba naiinggit sa mga kaibigan mong happily married na at kontento na sa mga anak nila?”   ‘Happily married nga ba sila?’ Gusto niyang itanong iyon ngunit hindi na niya ginawa. As far as she could still remember, panay ang iyak at sumbong sa kanya ng mga kaibigan niya dahil napaka-iresponsable ng mga lalaking pinakasalan ng mga ito. Kung hindi workaholic, minsan sugarol. Kung hindi lasenggo, minsan naman ay babaero. Gosh! She doesn’t want to become like her friends. Ayaw niyang magpakatanga at magpaka-martir sa mga walang kwentang lalaki.   “Ayokong sumakit ang ulo ko mom.”   “Paano mo naman nasabi iyan aber? Paanong sasakit ang ulo mo eh ni kahit minsan hindi mo pa naman sinubukan? Masaya ang magkaroon ng pamilya anak. Masaya ang may ka-loving loving.”   Gusto niyang masuka sa huling sinabi nito. ‘Loving-loving? My foot! Over my dead sexy body!’ Wala siyang balak subukan ang mga sinasabi nito. Baka magsisi lang siya sa huli. Kaya huwag na lang. And one more thing, kiss nga ayaw niya, ‘yon pa kaya? Oo nagkaboyfriend siya pero never siyang nagpakiss ni isa sa mga iyon. Merong mga nagtangka but she always ends up on breaking up with them. Nakipag-relasyon lang siya upang mapakinabangan niya ang mga ito at magamit sa mga musical organizations na gusto niyang salihan, at hindi para makipag-make out sa mga ito.   ‘How gross! Eww!’ She rolled her eyes.   ‘Gross daw,’ kontra ng isang bahagi ng isip niya. ‘Eh noon nga gustong-gusto mong magpakiss kay..’   Mabilis niyang ipinilig ang ulo sa naisip. Ayaw na niyang balikan ang pesteng alaalang iyon dahil matagal na niyang isinumpa ang nakaraang iyon. That was before. Noong mga panahong naging tanga at uto-uto siya. She doesn’t want to remember any fragment of that past again.   “Masaya naman ako kahit mag-isa ako mom.” Inihinto na niya ang cart sa tabi nang medyo nakalayo na siya sa iba. Mas pinili niyang huminto sa lugar kung saan ay walang makakarinig sa kanya.   Napabuntong-hininga ito sa sinabi niya. Mukhang nalungkot ito nang maisip nitong hinding-hindi na magbabago ang isip niya.   “Sydney, kung nagkakaganyan ka pa rin dahil sa nangyari sa inyo noon ni R-”   “Mom, I think I already saw a taxi coming in my direction,” mabilis niyang putol sa mga sinasabi ng ina. Ni kahit ang pangalang gusto nitong banggitin ay ayaw na rin niyang marinig.   “Mag-move on ka na anak,” malungkot na pakiusap nito.   “Mom di ba, sa susunod na linggo na kayo susunod sakin pauwi rito?” pag-iiba niya sa usapan.   Ayaw na niyang pag-usapan pa ang nakaraan. Sa loob ng siyam na taon ay mas pinili niyang huwag pag-usapan ang nakaraan nila ng pesteng lalaking iyon na sumira sa lahat ng mga pangarap, paniniwala, tiwala at ng puso niya. Okay na okay na siya ngayon. Naka-move on na siya. Nakatatayo na siya sa sarili niyang mga paa. Nagamot at nahilom na niya ang mga sugat na natamo niya. At higit sa lahat, nabuo na ulit niya ang sarili niya.   “Tsaka na lang ulit kita kakausapin mom, papara na ako ng taxi. Bye, I love you.” Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Mabilis niyang pinutol ang tawag at agad na pinara ang taxi. Nagpasalamat siya nang huminto iyon sa tapat niya. Agad siyang tinulungan ng driver na maisakay ang mga dala niyang bagahe.   “Saan po tayo ma’am?” tanong ng driver nang makapasok ito.   Iisang lugar lang ang una niyang gustong puntahan ngayon.   “Sa sementeryo please.”   “P-Po?” natigilan at nanlalaki ang mga matang napatitig sa kanya ang lalaki.   “Masyado ka namang nerbiyoso Kuya. Don’t worry, may dadalawin lang ako roon.” Sinabi niya ang eksaktong sementeryo na gusto niyang puntahan na agad naman nitong tinanguan.   Nang pinausad na nito ang sasakyan ay narinig niyang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ang aparato. It was a message from her mom.   Mom: Sweetie, hangga’t hindi pa kami nakakarating ng Dad mo diyan sa Pilipinas, you can stay at your Tita Tina’s hacienda for the mean time.   Iyon na siguro ang kahuli-huliang lugar na pupuntahan niya sa tanang buhay niya.   “No way, over my dead body.”   _ _ _ _ _ _ _     “HOW are you kuya?” matapos niyang mag-alay ng taimtim na panalangin sa puntod ng yumaong kapatid ay inilapag na niya ang mga tangang bulaklak at ang kandilang binili niya sa nadaanan nilang tindahan sa isang pamilihan kanina.     Hinaplos muna niya ang pangalan nitong nakaukit sa lapida bago siya umayos ng tayo.   “It’s been ten long years nang huli kitang bisitahin dito. I’m so sorry Kuya kung ngayon lang ako nakabalik.” Napangiti siya nang maramdaman ang mayumi at malamig na hangin ang yumakap sa kanya. She knew, it was her brother. “I missed you too kuya.” Hindi niya maiwasan ang sariling makaramdam ng lungkot nang maalala ito. Mabilis niyang pinahid ang luhang namalibis sa pisngi niya at ngumiti.   “Alam mo bang ang daming nangyari sa buhay ko magmula nang tumira na kami sa states?” bahagya siyang natawa nang maalala ang lahat ng masasaya, malulungkot at masasakit na alaalang iyon. “Dahil sa lahat ng mga pangyayaring iyon, naging matapang ako. Sayang nga lang at wala ka nang mga panahong iyon. But I’m sure you’ve witnessed all those things that happened to me. Even if you are not physically around, I know you’re still watching over me and that you’re guiding me from above. I hope you are very proud of me now.” Nakangiting tumingala siya sa langit.   “Kahit ilang failures ang nangyari sa buhay ko, natuto pa rin akong bumangon at lumaban para sa sarili ko. Natuto akong maging matatag. Mas natuto akong alagaan at pahalagahan ang sarili ko. You know what, I’m a successful musician now with a doctoral degree. And I am planning to build my own musical school para makatulong sa mga musically inclined na bata. I hope you’re happy for me Kuya. I hope you will always guide me. Anyway, I’m back Kuya, so don’t worry, I’ll always come here to see you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD