40 - Moved On

1714 Words
“TITA GANDA!”   Nang mga oras na iyon ay nagmemeryenda si Sydney at nagpapahinga sa condo unit na binili niya sa Manila nang tawagan siya sa Skype nina Ate Hazel.   “Hi, sa pinakapogi kong pamangkin!” masayang bati niya nang makita sa screen ng cellphone niya ang cute na cute at gwapong-gwapong mukha ng panganay na anak ni Ate Hazel at Kuya Patrick na si Zharick Pharel. Six years old na ito at matatas itong magsalita. He inherited his physical features from his father. Mukha nga itong carbon copy ni Kuya Patrick.   “Lola Mommy called and she told us that you’re already here in the Philippines.” He was referring to her mom. Lola Mommy kasi ang tawag nito sa mommy niya.   Napatiplak siya sa noo sa narinig. Napakadaldal talaga ng mommy niya. At talagang tumawag pa ito kina Ate Hazel upang ibalita ang tungkol sa pagdating at paninirahan niya sa Pilipinas. It’s been two days when she arrived from the country. Marahil ay hindi na ito nakatiis na tawagan sina Ate Hazel upang ipaalam sa lahat na dumating na siya after ten years of living in the United Satets.   “Yep, I got home two days ago.”   Humaba ang nguso nito. “Why you didn’t call me? I miss you already Tita Ganda.”   Tila may humaplos sa puso niya sa mga sinabi nito. “I miss you too baby boy.” Matagal-tagal na rin kasi nang huli niyang makausap ang mga ito through video calls. It’s been a year if she’s not mistaken. Naging busy kasi siya sa pag-aaral niya ng doctors degree niya.   “So, when are you going to visit us?”   Natigilan siya sa tanong nito. Hindi niya napaghandaan iyon. Busy kasi siya sa pag-aasikaso sa mga kinakailangang papers ng ipapatayo niyang music school. Nagsimula na kasi silang makipag-coordinate ng Ninong niyang attorney sa sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan na makatutulong sa kanila upang maipatayo ang naturang musical school.   “Hindi ko pa alam baby eh. Busy pa kasi ang Tita mo, maraming nilalakad na papers and documents.”   Sumimangot ito sa naging sagot niya.   “Tita Sexy!” tumitiling inagaw ni Azel Tricia ang tablet na hawak ni Zharick. She’s already 4 years old. Ito naman ang bunso nina Ate Hazel at Kuya Patrick. Kung si Zharick ay carbon copy ni Kuya Patrick, si Zia naman ay carbon copy ni Ate Hazel.   “Zia! I’m still not done talking to Tita Ganda! Give that back to me!” naiinis na maktol ni Zharick. Mukhang mag-aaway pa yata ang dalawa.   “Ayaw, I want to talk to Tita Sexy.”   May kanya-kanyang endearment ang mga ito sa kanya kaya naman ay hindi niya maiwasan ang sariling mapangiti sa mga ito.   “Zharick, Zia, don’t fight. You both can talk to your Tita Coconut Head at the same time.”   She rolled her eyes when she heard Ate Hazel’s voice at the background.   ‘Pati ba naman siya binigyan na rin ako ng endearment? And what the hell? Sa dinami-rami ng pwede niyang itawag sakin, Tita Coconut Head talaga? Nang-aasar ba siya?’   “Okay mommy.”   “Tita Sexy!” ngiting-ngiting tawag ni Zia sa endearment nito sa kanya na nagpangiti sa kanya.   “Yes, my pinakamagandang pamangkin?” Napangiti siya nang mapagmasdan ang cute at napakagandang mukha ng bata. She looks like an angel.   “When are you going to come here? I wanted to see you in person. And, and I miss you already.”   Napangiti siya sa sinabi nito. “I miss you too baby girl.”   “So, kailan ka uuwi rito Tita Sexy?”   Peste, mukhang naturuan yata ang mga batang ito para putaktihin siya sa pagtatanong ng tanong na iyon. Maybe, may kinalaman na naman doon ang mommy niya dahil kating-kati itong pauwiin siya sa probinsiya ng Tita niya.   “Hindi ko pa alam baby eh, kasi busy pa ang Tita Sexy mo ngayon, so I really can’t tell when,” muling pagdadahilan niya. “Bakit ba gustong-gusto niyo akong pauwiin diyan?”   “Because someone misses you so bad.”   Bahagyang kumunot ang noo niya sa sinabi ng matabil na si Zia.   “Misses me so bad? Sino naman?” tanong niya habang umiinom ng juice.   “Si Tito Rayven,” walang kapreno-preno ang dilang banggit nito sa pangalang kahit sa panaginip ay ayaw niyang marinig.   Halos ay naibuga niya ang juice at nagkanda-ubo siya dahil sa narinig na pangalan.   “Tita Sexy! Are you okay?”   “Tita Ganda! Are you okay?”   Halos ay magkapanabay ang dalawa sa pagtanong sa kanya. They looked so worried.   “Yeah, yeah, yeah, I’m fine,” sagot niya nang makahuma.   Mula sa background ay dinig na dinig niya ang halakhak ni Ate Hazel. Mukhang may kinalaman yata ito sa pinagsasasabi ni Zia. Kung kaharap lang niya ito, kanina pa niya ito sinabunutan. Hangga’t kailan kasi ay wala na itong ibang ginawa kundi ang asarin siya.   “Nasamid ka ah. Akala ko ba nakamove on ka na cousin?” sumulpot ang mukha ni Ate Hazel sa screen. She’s smirking.   “Well yeah, nakamove on na ako.” Mabilis siyang nakabawi sa tanong nito. “Nagulat lang ako sa sinabi ng mga bata. Because as far as I could still remember, wala silang alam tungkol sa amin ng Tito nila.”   Nakangising ikinibit nito ang balikat. Sinasabi na nga ba niya. Mukhang tama ang hinala niya. May kinalaman ito kung bakit ganon ang sinabi sa kanya ni Zia. Marahil ay tinuruan muna ito ng magaling nitong nanay bago ito pumasok sa eksena nila ni Zharick.   She just rolled her eyes.   “Anyway, balita ko magpapatayo ka raw ng school?” pag-iiba nito sa usapan.   “Yup, it’s a musical school actually. Sa halos lahat ng mga musical plays na pinuntahan ko, I have seen and witnessed a lot of young kids and teenagers dreaming to become a musician. So, I decided to take my doctors degree kaya naging busy ako these past few years para magawa ko ang plano kong pagtulong sa mga batang pangarap ang maging musician.”   Napatango-tango ito sa sinabi niya. “Good for you. I’m happy for you cousin. I just hope, maabot mo lahat ng mga pangarap mo sa buhay.”   Napangiti siya. “Thank you.”   “And I think, you already have 2 pupils.” Nakangiting sinulyapan nito ang dalawang anak na kasalukuyang nakaupo sa sofa habang nanunuod ng tv.   “You’re going to enroll them?” nagtatakang tanong niya.   Tumango ito. “They’re both musically inclined like their father. It’s their dream to be just like him. So, who am I to hinder that? And one more thing we both know that music runs in their veins. It’s their ancestors’ dream.”   Napatango-tango siya. Oo nga pala, muntik na niyang makalimutan ang tungkol sa bagay na iyon. Sinabi na iyon noon sa kanya ni..   Agad niyang ipinilig ang ulo at pilit iwinaksi sa isip ang isang alaala mula sa nakaraan.   “Sure, they’ll be on my first list of enrollees.”   Napangiti ito sa sinabi niya. “By the way, kailan mo balak pumunta rito?”   Natigilan siya sa tanong nito. “I don’t know. Busy pa ako sa pag-process ng mga papers.” Gasgas na yata ang dahilan niyang iyon. Hindi na niya alam kung ilang beses na niyang naging dahilan iyon upang hindi makapunta sa lugar na pinakaiiwasan niyang puntahan.   Tumaas ang kilay nito sa sinabi niya. “Busy ka ba talaga o ayaw mo dahil hindi ka pa rin nakakamove on?”   Tumaas naman ang kilay niya sa sinabi nito. “Nakamove on na ako. So, quit saying that will you?”   “Kung ganon naman pala eh bakit ayaw mo kaming dalawin dito na para bang takot na takot ka? At para bang may tinatakbuhan ka?” talo pa nito ang isang imbestigador kung usigin at tanungin siya.   “Hindi ako takot at mas lalong wala akong tinatakbuhan,” pagtatanggol niya sa sarili. “Busy lang talaga ako.”   Napabuntong-hininga ito. “Okay fine, if that’s what you said. Nakamove on na kung nakamove on. Busy na kung busy,” sumusukong sabi nito. “But Sydney, isipin mo rin itong mga pamangkin mo, malapit na ang 7th birthday ni Zharick.”   Bahagya siyang natigilan sa sinabi nito. If she’s not mistaken, Zharick’s birthday is April 14. And that is 2 days from now.   “Ngayon ka lang umuwi ng Pilipinas at nagkataong birthday pa ng pamangkin mo. Wala ka bang balak na dumalo man lang? You missed all his birthdays ever since he was born. Wala naman kaming magawa dahil nasa malayo ka. Pero ngayon, ang lapit-lapit mo na hindi ka pa rin pupunta?”   At nagagawa pa talaga siya nitong konsensiyahin.   ‘Please konsensiya, huwag kang magpadala. Umaarte na naman ang pinsan mong kaawa-awa.’   “Sydney, remember, ang dami mo nang namiss na birthday ni Zharick. Alam mo namang sabik na sabik siyang makita at makasama ka. Kahit yun na lang ang iregalo mo sa anak ko Sydney,” nagpatuloy ito sa pangungonsensiya sa kanya ngunit nanatili pa rin siyang walang imik kaya naman ay ibinigay na nito ang tablet sa mga anak. “Zharick o, mukhang ayaw na naman yata ni Tita Ganda na umattend sa birthday mo.”   Bumadha ang lungkot at disappointment sa mukha ng bata. “Tita Ganda, I wanted to see you on my birthday. I wanted to to be with you so bad. I missed you so much Tita Ganda.”   And before she could say anything ay nagsimula nang maglaglagan ang mga luha nito.   “Hindi ka ba naaawa sakin Tita Ganda? Kawawa na ako oh. I’m crying na.” At ngayon nga ay nagsimula na itong ngumawa.   Peste! Mukhang lahi yata ng pamilya ng mga ito ang maging artista. Ang gagaling magdrama eh. At siya naman itong si Tita Ganda, awang-awa na sa kadramahan ng best actor niyang pamangkin.   Problemadong napakamot siya sa ulo at naiinis na ginulu-gulo ang sariling buhok.   “Fine! Fine! You win! Aattend ako sa birthday mo, pero pakisabi diyan sa magaling at artistahin mong mommy na wala nang ibang ginawa kundi ang maging kontrabida sa buhay ko na huwag na huwag niya akong aasarin at pepestihin!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD