19 - Hurt and Realization

2395 Words
“DO YOU really have to join the competition?”   Nagtatakang napasulyap si Sydney kay Rayven dahil sa tanong nito. Nang mga oras na iyon ay naglalakad sila pabalik sa mansion habang akay akay niya ang bisekleta at ito naman ay ang kabayo nito.   “I don’t have a choice. Alam mo namang pinilit ako nina Ate Hazel at Tita,” sagot niya at nagkibit ng balikat.   “You’re going to show off your body and that’s okay with you?”   “I’ve joined a lot of beauty pageants kaya sanay na ako,” dahilan niya.   Napabuga ito sa sinabi niya.   “Why? Is there something wrong with that?” nagtatakang tanong niya rito.   “Wala naman, hindi lang ako sanay na manuod ng mga ganoon.”   Napahinto siya sa paglakad dahil sa sinabi nito. “So, hindi ka manunuod?”   “Parang ayokong manuod. Parang ayokong makakita ng mga babaeng naka-two piece.”   Pinigilan niya ang sariling matawa sa sinabi nito. Ito lang ang lalaking kilala niya na hindi sanay makakita ng mga babaeng nakabikini.   ‘May pagkagentleman at old fashioned talaga ang lalaking ‘to.’   Sabagay, lumaki ito sa probinsiya at pinalaki ito ng maayos ng mga magulang nito kaya marahil ay ganoon ito. Mas mabuti nga siguro kung huwag na lang itong manuod dahil baka hindi siya makapag-focus sa pageant kapag nanuod ito. Lalo na alam niyang naaasiwa siya at hindi siya kumportable kapag tinititigan siya ng mga mata nitong iyon. Yung tipong nanginginig ang mga tuhod niya. Tagos hanggang buto kasi ang mga titig nito minsan kaya naman ay labis siyang kinakabahan dito. And she doesn’t like that to happen in the competition.   “If that’s what you want, then don’t come.”   “Is that okay with you?”   “Yeah,” sagot niya at nagpatuloy sa paglalakad.   “Bakit ba gustong-gusto niyong sumali sa mga beauty pageant?”   “To boost our self-confidence. To show how beautiful and brainy we are. Minsan naman it’s a mean of self-expression. At para malaman namin kung hanggang saan ang kakayahan namin.”   Napatango-tango ito sa sinabi niya. “What if you lose?”   Tumigil siya sa paghakbang at hinarap ito. “I never lose in any beauty pageant. I always win the crown and the title.”   “Really?” Nanlaki ang mga mata nito. “Wow! Ang galing mo naman.”   Ngumiti siya ng matamis sa naging reaction nito.   “So whatever happens, I’m going to make sure I’ll get the title and the crown.”   “If that happened, I’ll be proud of you kahit na wala ako sa tabi mo.”   Napangiti siya sa sinabi nito. Tumigil siya sa paghakbang at humarap dito.   “Thank you,” pasalamat niya at binigyan ito ng isang halik sa pisngi na ikinatigagal nito. Tulala at tila wala sa sariling napatitig sa kanya ang binata. Natawa siya sa naging reaction nito lalo na nang makita niya ang bahagyang pamumula ng pisngi nito.   “I like it when you blush Rayven. Gosh, you’re so cute! Hahahaha! You’re like a ripe tomato.”   “Yeah, and I like you too.”   She automatically stopped laughing. She was taken aback by his words. Like what the hell! He likes her? Literal na umawang ang mga labi niya sa mga binitiwan nitong mga salita. Pakiramdam niya’y tila huminto ang ikot ng mundo niya nang mga oras na iyon.   “Are you kidding me?” mahina at pigil ang hiningang tanong niya rito. “You’re joking right?”   “I really like you. That’s true. Because.. you’re my friend after all.”   “Oh okay.”   ‘Damn you Rayven! Isa kang old-fashioned country boy na paasa.’   _ _ _ _ _ _ _ _ _     “TOMORROW will be your night beautiful ladies. So, you have to prepare for it. Have a beauty rest and sleep. Iwasang magpuyat nang hindi kayo magmukhang zombie bukas. Is that understood?”   “Yes Miss Lee,” they answered in chorus.   “See you tomorrow afternoon.” Matapos sabihin iyon ng coordinator ng pageant ay nagkanya-kanyang ligpit na sila ng mga gamit.   Maaga silang dinismiss ngayon kaya hindi niya sigurado kung nasa labas na ang sundo niyang si Mang Waldo. Gayunpaman ay napagpasyahan na lang niyang magpalit ng damit dahil pakiramdam niya’y nanlalagkit siya sa pawis.   Habang nagpapalit siya sa isa sa mga cubicle ng comfort room ay dinig niya ang pagbukas ng pinto at kasunod niyon ay ang pagpasok ng grupo ng mga babae na nagtatawanan.   “Kate, may chismis kami sa’yo.”   She automatically rolled her eyes when she realized who they are. It’s Rayven’s ex with her minions.   “Tungkol saan?”   “Bago kami pumunta rito, we saw Rayven at Heaven’s Tea Cafe.”   Natigilan siya sa narinig na pangalan. ‘Nandito sa bayan si Rayven? Then it means siya ang susundo sakin?’ She felt happy and excited at the thought. Binilisan niya ang pagpapalit ng damit dahil sa matinding excitement. Hindi niya maintindihan ang sarili ngunit tila nasasabik siyang makita ang binata.   “For sure susunduin na naman niya si Sydney,” naiinis na sagot ni Kate at nanggigigil na isinara ang faucet. Hindi man niya ito nakikita ay alam niyang hindi na naman maipinta ang mukha nito.   “Nope, we’re not done yet. Wanna guess who’s he with?”   Bahagya siyang natigilan sa narinig. ‘May kasama si Rayven?’   “Who?”   “He’s with Coleen, his first love.”   Parang bombang sumabog sa pandinig niya ang mga narinig. Tila nanghina siya sa nalaman. Nanlalatang napaupo siya sa nakasarang toilet bowl.   Ang saya at excitement na nararamdaman niya kani-kanina ay biglang naglahong parang bula. Hindi niya maintindihan ngunit ramdam niya ang mumunting kirot sa kaibuturan ng puso niya at tila ba may mabigat na bagay ang nakadagan doon. It’s too painful to bear and it’s killing her. Napasapo siya sa dibdib na naninikip. Umaasang maiibsan ang sakit na nararamdaman ngunit tila kahit anong gawin niya’y walang makakatanggal niyon. She’s still in pain.   She doesn’t understand why she’s feeling all of that when all she knew was he’s just a friend. Bakit ba kailangan niyang maramdaman lahat ng iyon? Bakit kailangan niyang masaktan ng ganoon?   Naguguluhang napasabunot siya sa buhok. Ilang sandali pa’y naramdaman niya ang panlalabo ng mga mata ngunit mabilis niyang kinusot-kusot ang mga iyon. Trying to stop and avoid what is going to happen. Habang ginagawa niya iyon ay pilit na umukilkil sa isip at alaala niya ang lahat ng mga pakiramdam na nararamdaman niya sa tuwing kasama niya ito. Dahil doon ay tila unti-unti nang nagkakaroon ng kasagutan ang lahat ng mga katanungan niya. Na nagkakaroon na siya ng idea kung bakit ganoon ang nararamdaman niya para sa binata.   ‘Is this what they called love?’ piping tanong ng isip niya. Nanghihina at hindi makapaniwalang napatulala na lang siya sa kawalan.   Hindi na niya alam kung gaano siya katagal na tulala sa loob ng cubicle ng comfort room. Basta ang sigurado niya ay kanina pa nakaalis ang grupo nina Kate doon.   ‘So ano? Magmumukmok ka na lang diyan? Just because you found out that you’re in love with Rayven, kakawawain mo iyang sarili mo? Magtatago ka r’yan sa isang sulok? Wake up Sydney! You’re not that kind of girl! Just prove them na wala lang sayo ang lahat! Na balewala lang sayo ang Rayven na iyon!’ anang isip niya.   Tila noon siya natauhan. Tila sinampal siya ng katotohanan ng mga oras na iyon. Oo nga, bakit siya magmumukmok nang dahil lang sa isang lalaki? That’s not her. Why waste her time on that kind of emotion?   Napatingin siya sa suot na relo at napangiti siya nang malamang alas-sais na ng gabi. Sigurado siyang nakabukas na ang bar ngayon. She missed having fun in that kind of place.   “Time to paint the town red Sydney.” She smirked at the thought. Mabilis niyang inayos ang sarili. She decided to remove the jacket she’s wearing at hinayaan ang suot na croptop at maong shorts. Pagkalabas niya ng cubicle ay agad siyang humarap sa salamin upang make-upan ang sarili. She put eye liner, mascara and contact lenses to highlight her beautiful eyes. Nang matapos ay dinampot niya ang dark red matte lipstick niya na palagi niyang ginagamit sa tuwing magbabar siya.   Nang matapos ay tinitigan niya ang sarili sa salamin. An alluring and devilish smile crossed her lips when she saw how beautiful and sexy she was that moment. Nang matapos niyang ligpitin ang mga gamit ay nagpasya na siyang lumabas ng gym at agad na nagtungo sa bar.   Pagkapasok niya roon ay agad na bumungad sa kanya ang malakas na tugtog na nanggagaling sa stereo. Nakangiting naglakad siya patungo sa counter. She would love to drink tonight and drown herself with liquor. Habang naglalakad siya ay halos lahat ng mga nadadaanan niya ay napapatingin sa kanya. They look at her with those eyes full of adoration and admiration as if they’re being caught by her beauty. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito. On the first place, she’s used to it.   “Margarita please,” pagkaupung-pagkaupo niya ay agad siyang nag-order sa bartender. Agad naman itong tumalima.   “Hi!”   Napasulyap siya sa lalaking tumabi sa kanya sa counter. The guy must be in his twenties. Gwapo ito at mukhang mayaman. Iyon nga lang halatang mukhang playboy ang loko.   “I’m not in the mood to talk with anyone else right now,” pagsusungit niya at napatingin sa basong may lamang alak na inilapag ng bartender sa harap niya. “Thank you.”   Napangiti ang lalaki sa naging sagot niya. “You know, it’s not good for a girl like you to be alone in a place like this.”   “Who cares?” she rolled her eyes and sipped her margarita. Bahagyang napangiwi siya nang maramdaman ang mainit na likido sa lalamunan niya.   Bahagya itong natawa. “Ang cute mong magsungit. Ang aga-aga pa lang umiinom ka na. Para kang nasawi sa pag-ibig.”   She glared at him. Bakit ba sobrang napaka-pakialamero nito? Feeling close lang ang peg? Hindi ba nito ma-gets na gusto niyang uminom nang mag-isa?   “Leave me alone will you?”   “Kumain ka na ba?” tila balewala lang dito ang pagtataboy niya rito.   Napabuga siya nang wala sa oras. ‘Gosh! Hindi ba talaga ito titigil?’ Pumunta siya roon para magsaya hindi para magpaistorbo sa asungot na kagaya nito.   “I’m not in the mood to eat or even to talk with anyone else right now. Now leave, will you?”   “Hindi mo ba alam na nakakasama sa katawan ang alak?”   Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. “Why do you even care?”   “You should rest to prepare for tomorrow, right?” Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. Nagtatakang napatingin siya rito. “It’s your big night remember? You know, the pageant.”   Natigilan siya. Bakit alam nito ang tungkol doon?   “Are you a stalker?” tinaasan niya ito ng kilay. Natawa ito.   “No, no, no, no. Of course not.” Natatawang napailing-iling ito. “I just saw your picture posted in front of the gym.”   “Ah..” napatango-tango siya. Kaya naman pala alam nitong candidate siya sa pageant.   “Sir Brent, iinom kayo?” tanong ng bartender sa lalaki.   “Nope, I’ll just accompany her to make sure she’s safe here, thank you Dion,” sagot nito.   ‘Accompany me? So ano? Talagang pepestihin niya ako ngayong gabi? Gosh! This guy is so annoying.’   “I can take care of myself mister.” She rolled her eyes.   “By the way,” binalingan siya ng lalaki. “I want to introduce myself to you. I’m Brent Luis Gonzales,” pakilala nito sa sarili at iniumang ang kanang kamay. “Just call me Brent.”   Tinitigan lang niya iyon at hindi inabot. He’s a total stranger so why would she bother to have a handshake with him? Nang mapansin nitong wala siyang balak abutin iyon ay pasimpleng binawi nito iyon.   “Sydney-”   “Sydney Camiella Rosales, I know.”   Maang na napatingin siya sa lalaki. Pati ba naman buong pangalan niya ay alam nito? Sino ba talaga ito?   “Who the hell are you? Bakit kilala mo ako?”   Nakangiting humarap ito. Akmang magsasalita sana ito ngunit biglang tumunog ang cellphone nito. Mabilis nitong dinukot ang aparato sa bulsa.   “Hello dad?”   “Why do I even care anyway.” Nagkibit na lang siya ng balikat at itinuon ang pansin sa iniinom na alak. Ilang sandali pa’y natapos na ang usapan ni Brent at ng Daddy nito.   “By the way, I have to go. May pupuntahan lang ako saglit. But I promise I’ll come back.”   “You don’t need to come back,” pambabalewala niya sa sinabi nito.   Nagkibit ito ng balikat. “Tomorrow night, I’ll be there to watch and support you. So, break a leg and win the crown.” Kinindatan muna siya nito bago ito tuluyang iniwan doon.   “Baliw..” naiiling na bulong niya at pinaikot ang mga mata.   “Mukhang malakas ang tama sayo ni Sir Brent,” natatawang lumapit sa kanya ang babaeng bartender.   ‘Who cares? Hindi ko siya type. Duh!’ Unang kita pa lang niya rito ay alam niyang mahilig itong magpaiyak ng babae. At sa mga taong ganon siya umiilag.   “Who’s he by the way?” at some point ay hindi niya maiwasang macurious sa katauhan ng lalaki lalo na at mula sa kinauupuan ay kita niyang nirerespeto ito ng mga taong madadaanan nito sa loob ng bar. Panay bati kasi rito ang mga tao sa loob ng bar na akala mo isa itong senador sa batasan.   “Hindi mo siya kilala?” hindi makapaniwalang tanong ng babae sa kanya.   ‘Duh! Magtatanong ba ako kung kilala ko siya?’ ngali-ngali na niyang isagot iyon ngunit mas pinili na lang niyang sabihin iyon sa isip.   “Nope, I don’t know him. Bakasyunista lang ako rito.”   “Kaya pala.” Napatango-tango ito. “Well, ang pamilya nila ang isa sa pinakamayamang angkan dito sa probinsiya. Ang totoo niyan, pagmamay-ari nila itong bar na ito at ilang resorts dito sa probinsiya. At yung father niya? He’s the governor of this province. Lucky you, you got attention of the governor’s son.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD