24 - You Found Me

2869 Words
“MIND TO SHARE what you are thinking?” Napalingon siya sa kanyang likuran nang marinig ang nagsalita. Bahagya siyang napangiti nang makita si Brent na nakatayo sa likuran niya habang nakapamulsa. She’s happy with his company but she’s a little bit empty. Pakiramdam niya parang may kulang sa buhay niya kaya heto siya pagkatapos nilang mamasyal sa isang flower farm ay napagpasyahan nilang umuwi sa resort kung saan sila tumutuloy. Agad naman siyang nagtungo sa tabi ng dagat upang magpahangin at tahimik na tinatanaw at pinapanuod ang paglubog ng araw sa kanlurang bahagi ng dagat. “Ang lalim yata ng iniisip mo ah.” Lumapit ito at sumalampak ng upo sa buhangin upang tumabi sa kanya. “Is there something wrong?” Nakangiting tumanaw siya sa dagat. “You’ve already asked that question a lot of times. And I’ve already answered that several times. Aren’t you satisfied with my answer?” Nagkibit ito ng balikat. “Well, you can’t blame me. I can easily read your mind. You’re smiling and laughing but you’re not happy at all.” “Madam Auring, ikaw ba ‘yan?” natatawang pagbibiro niya. Bahagya itong natawa. Ilang sandali pa’y sumeryoso ito at tinitigan siya ng tuwid sa mga mata. “No matter how hard you try to c***k a joke, or laugh, there’s no point, because your eyes tell otherwise. How can you do that? Papaano mo nagagawang magpanggap na masaya gayong malungkot ka naman talaga? You know, it’s okay not to be okay. Sometimes, showing your real emotions can lighten up the baggages you’re carrying kasi nailalabas mo yung saloobin at nararamdaman mo. Kung hindi ka okay, pwede ka namang mag-open up sakin. Malay mo, I can help.” Natahimik siya sa sinabi nito. “Rayven.” “My name is Brent, Sydney. Hindi ako si Rayven.” “Sh*t!” lihim na lang siyang napamura sa nabanggit na pangalan. Nang mga oras na iyon ay halos isumpa na niya ang sarili. Halos ay hilingin na niyang lamunin na siya ng alon upang maglaho na siya sa harap nito. “Nakakatawa ‘no? Ako nga ang kasama mo pero siya ang nasa isip mo.” “I’m sorry.” “It’s okay.” Ngumiti ito at tumanaw sa dagat upang iiwas ang tingin. As if trying to hide something from her. “Siya ba ang dahilan kung bakit ka malungkot?” Natahimik siya. It felt like she was caught off guard. He was right. She’s sad because of Rayven. It’s been three effin days when they left for that tour. Kapag namamasyal naman sila ay nagiging masaya naman siya kahit papaano dahil nada-divert niya sa ibang bagay ang atensiyon niya. Ngunit sa tuwing nag-iisa na siya, she would always fell in a deep silence of pain, lalo na kapag naaalala niya si Rayven. Habang tumatagal ay mas lalo nga lang yatang lumalala ang lungkot at sakit na nararamdaman niya. It felt like she’s going to die because the pain is killing her. It’s just too much to bear. “Are you in love with him?” Para siyang sinampal ng ilang beses sa naging tanong nito. Bakit ba ang galing magbasa ng damdamin ang lalaking ito? Or is it just because it’s easy to read her mind now? Ngunit kahit gaano man siya nasasaktan nang mga oras na iyon ay pilit niyang pinatatag ang sarili at ngumiti rito. “I’ll get over him.” Nakangiting napailing-iling ito. “You think it’s easy to do that?” Muli siyang natigilan sa tanong nito. “Is it that hard?” tulala at wala sa sariling tanong niya. “It’s your first time to fell in love, so basically, the answer is yes. Ako nga 5 years pa ang nakalipas bago ako totally nakamove on sa first love ko.” “Ang tagal naman nun!” nanlalaki ang mga matang sabi niya. Ikinibit nito ang balikat. “Ganon talaga, minahal ko siya eh.” “So, are you telling me now that, the more you deeply love someone, the harder you move on?” “That’s right,” nakangiting sagot nito. “Bakit? Sobrang in love ka na ba sa kanya?” nagtatakang tanong nito. Sandali siyang natahimik sa tanong nito. Super in love na nga ba siya sa lalaking iyon? “I don’t know.” Bahagya itong natawa sa naging sagot niya. “Anyway, baka naman kaya ka nalulungkot these past few days dahil namimiss mo na siya?” “Of course not.” She rolled her eyes. Natawa ito sa reaction niya. “And why not? You love the guy.” “I’m mad at him you know.” “Ah.. I see.” Napatango-tango ito. “I was betrayed by him.” “Bakit? Ano bang ginawa niya?” nagtatakang tanong nito. Wala siyang nagawa kundi ang ikwento rito ang lahat ng mga nangyari. Nang matapos ay napabunghalit ito ng tawa. Halos ay mamatay na ito sa kakatawa habang gumugulong sa buhanginan. “What’s funny?” nanggigigil na singhal niya rito. Imbes na sagutin ang tanong niya ay nagpatuloy ito sa pagtawa. “Are you a freak? Stop it will you?” nanggil niya gunit kahit anong sabihin niya yata ay hinding-hindi siya nito papakinggan kaya naman ay naiiling na hinayaan na lang niya ito. Sa totoo lang, mukha itong hindi anak ng governor sa inaasta nito. Mukha kasi itong nababaliw na ewan. “Alam mo, nakakatawa kayong dalawa.” “Tapos ka nang tumawa?” taas ang kilay na tanong niya. Nagkibit ito ng balikat. “Anyway, bahala na kayong magsolve sa puzzle. Ayoko nang makialam, baka lalo lang masira ang jigsaw at lalo lang walang mabubuo. Baka umiyak at masaktan ka pa if I interfere. And I don’t want that to happen.” Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. ‘What does he mean by that?’ Tatanungin sana niya ito ngunit tumayo na ito. “Dumidilim na, halika na,” yaya nito. “The party must be starting now.” “What party?” nagtatakang tanong niya. “Hindi ko ba nasabi sa’yo?” nagtatakang tanong nito. Umiling siya. Sa pagkakaalala niya ay wala naman itong nababanggit na party sa kanya. “Actually, ang schedule ng bar o party night life ng resort ay gabi ng Saturday but since 5th anniversary nila ngayon, open sila ngayon.” “Really?” Namilog ang mga mata niya sa sinabi nito. “Bar. Party. Night life. Yes!” Halos ay naexcite siya sa nalaman. She would love to party tonight and drown herself with liquor. “Yeah, but you’re not allowed to drink any liquor. Is that understood?” “Ano ba ‘yan! Kung makapagbawal ka naman tinalo mo pa ang Daddy ko,” nakasimangot na maktol niya. “Napagbilinan lang po.” Natatawang pinisil nito ang tungki ng ilong niya. “Aiysh! Okay fine. But you have to promise me one thing.” “And what is that?” “Don’t tell anyone about my feelings to Rayven. Please?” “Okay, sure.” _ _ _ _ _ _ _ _ “WHAT?” natatawang tanong sa kanya ni Brent nang sa di mabilang na pagkakataon ay muli na naman niya itong inirapan. “Nagtanong ka pa!” singhal niya at napahalukipkip nang wala sa oras dahil sa matinding inis. “Ang cute mo kapag naiinis ka,” natatawang sabi nito. Fondness was written all over his face as he watch her having her tantrums. “At tuwang-tuwa ka pa! Kung pektusan kaya kita!” aambahan na sana niya ito ngunit tumatawang umilag ito sa kanya. “Aiysh!” She just rolled her eyes at nakahalukipkip na napasandal sa sofa na nasa pinakasulok na bahagi ng bar ng resort. Kaya lang naman siya naiinis dahil hindi lang siya nito pinagbawalang uminom ng alak. Aside from that, pinagbawalan din siya nitong huwag magtungo sa dancefloor at makipagsayawan sa ibang tao. Kung makapagbawal naman ito sa kanya, dinaig pa nito ang Daddy niya. Kaya heto siya, nakaupo sa isang sulok at nanunuod lang sa ginagawa at pagkakasayahan ng ibang tao. “Huwag ka nang magalit. Napagbilinan lang. I’m just following your aunt’s order.” “Eh hindi naman nila makikita at malalaman eh. Sige na please,” ungot niya. “I don’t want to lie, you know that.” Napabuga siya. Sa totoo lang, ngayon lang siya nakatagpo ng isang lalaking kasing bait nito. He doesn’t take advantage of anyone. Kahit anak pa ito ng governor ay hindi nito iyon ipinagmamayabang. Sa mga araw na nagkasama sila ay never ito nag-open about sa family status nito. And now, ngayon niya napatunayan that this guy is very true to his words. He’s very humble. Hindi na siya magtataka kung bakit sa lahat ng lugar na pupuntahan nila ay kinagigiliwan ito ng mga tao. It must be because of his kindness and not because he’s a governor’s son. “Tss.. Fine, ikaw na ang mabait.” She rolled her eyes again. Bahagya itong natawa. “Ayoko lang naman na mapano ka. Lalo na at lasing na iyang mga nagsasayawan diyan sa dancefloor,” anito at bahagyang napasulyap sa gitna ng dancefloor kung saan ay masayang nagsasayawan ang mga tao. Ang ilan sa mga ito ay halatang lasing na. “So, bakit pa tayo nagpunta rito kung hindi naman pala tayo makikiparty?” taas ang kilay na tanong niya rito. “Pinapunta mo lang ako rito para mainis at mainggit ganun? It’s useless you know. Sana natulog na lang pala ako.” “Eh di kung naiwan ka na namang mag-isa sa kwarto mo, malulungkot ka na naman dahil maaalala mo siya.” Natahimik siya sa sinabi nito. He was right. Marahil ay iyon talaga ang mangyayari kung mag-isa na naman siya sa silid niya. Lalamunin na naman siya ng kalungkutan at kahungkagan niya. “Ayoko lang namang magmukmok ka sa silid mo. Mamaya baka ngumawa ka pa r’on,” dugtong nito. Napabuga na lang siya. “Okay fine.” Susubukan na lang niyang enjoyin ang gabing iyon kahit pa hindi niya magawa ang mga bagay na gusto niyang gawin. “By the way, how’s your new cellphone?” usisa nito. Dahil sa sinabi nito ay napatingin siya sa cellphone niya na nasa ibabaw ng mesa. She bought that yesterday mula sa prizes na pinanalunan niya sa pageant. Namiss na rin kasi niyang magkacellphone kaya naman ay iyon na lang ang binili niya. Para naman kapag nabobore siya sa bahay nina Ate Hazel ay may mapagkakaabalahan siya. “Okay naman siya. I like its features and specs.” “That’s good.” Nakangiting napatango-tango ito. “I’ve downloaded some of my favorite songs and all the applications I need to access all my social media accounts.” “Let me add and follow you then.” Kinuha nito ang mga usernames niya sa f******k, twitter, ** and her other social media accounts. Nang matapos ay finollow naman niya ito. Both of them stalked each other’s account at halos ay mamatay na siya sa kakatawa sa mga kalokohang pinopost nito. “My goodness! You posted all of these? Ano na lang ang sabi ng family mo? You’re ruining your family’s name. Wait, ikaw ba talaga ‘to? I can’t believe this!” humahagalpak ang tawang sabi niya nang makita niya ang isang picture nito kung saan ay may make up ito. Mukha itong clown na hindi niya maintindihan. “Karamihan talaga ng mga post ko ay puro kalokohan. But behind all of those pictures, they reveal some stories about my family. You know, my family isn’t as serious as you and everyone expect us to be. That picture, yung bunso kong kapatid ang nagpaint sa mukha ko niyan. So, why would my father be ashamed of his children’s happiness?” Natahimik siya sa sinabi nito. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit sa kabila ng kayamanan at kapangyarihan ng family nito ay nanatili pa rin itong isang mabuting tao. At dahil iyon sa pagpapalaki ng parents nito. “You must be happy with your family.” Napangiti ito sa sinabi niya. “Yeah, and I love them so much. Sabi ko nga sa sarili ko, kapag nagkaroon na ako ng sarili kong pamilya, I wanted to become a parent like them who support their children’s happiness and dreams.” “Wow, ang bait naman ng parents mo,” humahangang sabi niya. “Hindi na ako magtataka kung bakit napalaki nila kayo ng ganon kahit pa na mayaman at makapangyarihan ang family niyo.” Napangiti ito sa sinabi niya. “Nakakahiya mang sabihin, yung ibang kagaya namin, they use their power and money to control everyone around them. They harm other people just to get what they want. But we’re different from them. May takot naman kami sa batas. Namulat kaming may takot sa Diyos. My parents explained to us that power should never be use in harming other people. And that was my great great grandfather’s legacy.” Napangiti ito nang tila ay may maalala ito. Sobrang swerte ng babaeng mamahalin nito. Halos ay taglay na kasi nito lahat ng katangiang gusto ng isang babae sa isang lalaki. Mayaman, matalino, mabait, maalaga at may takot sa Diyos. Ang nakakatakot nga lang, because of his qualities, girls might take advantage of him. “Ganon talaga siguro kapag pinalaki ka ng parents mong may takot sa Diyos,” dugtong nito sa sinasabi nito. Napatango-tango siya. “Siguro pariwara lang talaga ang buhay ko kaya hindi ako makapagreact sa mga kwento mo.” Bahagya itong natawa sa sinabi niya. “Bakit? Sobra na bang gulo ang buhay mo?” “Sobra. All I want is to be happy. Enjoy my life on parties. Spend my nights at a bar. You know, living my life like there’s no tomorrow.” “Uhm, magulo at pariwara nga,” napapangiwing sabi nito. “Kung gusto mo talagang gawin ang tama, magagawa mo naman ‘yon eh. But you know what’s the best thing, you will learn to head the right way when you meet the right guy for you. Siya mismo ang magtuturo sa’yo kung ano yung makabubuti para sa’yo.” Napatango-tango siya. “Matagal pa siguro iyon.” Ikinibit nito ang balikat. “We never know. Malay natin si Rayven pala ang taong iyon.” “Tss!” she rolled her eyes. “Malabong maging siya. Sabihin man nating mahal ko siya, pero lagi naman niya akong nasasaktan kasi nga may mahal siyang iba.” Matapos niyang sabihin iyon ay tila may kumurot sa puso niya nang maramdaman niya ang paninikip ng dibdib niya. “Siya nga ba ang nananakit sayo o ikaw lang mismo ang nananakit sa sarili mo?” Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli na naman siyang natahimik. Bakit ba ang grabe makapagbitaw ng salita ang lalaking ito? Honestly, his tounge cuts like a knife, causing small cuts in her heart. “Siguro nga, ako mismo ang nananakit sa sarili ko kasi minahal ko siya kahit alam kong sa simula pa lang ay may mahal na siyang iba.” Napabuga ito sa sinabi niya. “Huwag na nga muna natin siyang pag-usapan, lalo ka lang maistress eh. Anyway, you want to drink something?” pang-iiba nito at ikinalat ang tingin upang maghanap ng waiter. “I want to drink margarita.” “Tss! No liquor.” Inirapan niya ito. “Nagtanong ka pa.” Natawa ito. “I’ll just get you a juice, mukhang busy lahat ng waiter dito. Just stay here okay?” matapos itong magpaalam ay umalis na ito upang ikuhanan siya ng juice. “Juice? Ano ako bata?” Napabuga siya nang wala sa oras. Nang may maisip siyang idea ay nakangising kinuha niya ang mga gamit at mabilis na nagtungo sa pinakadulong bahagi ng bar counter. “Your drink ma’am?” agad na tanong ng isa sa mga bartender na naka-assign doon. “Margarita please.” Agad itong tumalima. Ilang sandali pa’y inilapag na nito sa harap niya ang wine glass na may lamang margarita. “Thank you,” nakangiting pasalamat niya. Nagbubunyi ang ngiting inamoy muna niya ang margarita bago niya iyon inilapit sa bibig at tila nanalo sa lottong sinimsim niya ang laman niyon. At last! Nakainom din siya ng alak! Mabilis niyang sinaid ang laman niyon at nakangiting umorder ng panibagong alak sa waiter. She stayed there and get herself busy with that lovely wine. Hindi niya alam kung nakailang baso na siya nang mga oras na iyon. Isa lang ang sigurado niya nang mga oras na iyon, nakakarami na siya ng nainom dahil ramdam na niya ang pag-ikot ng paningin niya. But she didn’t care about that. She wanted to drawn herself with liquor. Malamang ay hinahanap na rin siya ni Brent nang mga oras na iyon but the hell she care. She just wanted to enjoy the night nang walang umiistorbo sa kanya. “So, this is what you’re doing while you’re away?” “Oh, Brent you’re here!” tatawa-tawang humarap siya sa kanyang likuran nang marinig na may nagsalita roon. “Congratulations Brent! At last you found me!” “Darn it! I am not that fvcking idiot Sydney! My name is Rayven!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD