23 - Betrayed

3126 Words
“GOOD MORNING beauty queen!”   “Aiysh! Stop it!” Naiiling na umupo siya sa tabi ni Ate Hazel nang pagkagising niya’y magtungo siya sa dining room upang makapag-almusal. “Ang aga-aga nambubwisit ka na naman.”   Natawa ito. “What’s wrong with calling you beauty queen? Eh di ba nga nanalo ka kagabi.”   “Whatever!” She rolled her eyes.   “What’s wrong? Aren’t you happy?” nagtatakang tanong nito.   ‘Yes, you’re absolutely right, I’m not happy.’ She wanted to answer that but she refrained herself to say so. Pilit siyang ngumiti sa pinsan at tumusok ng hotdog. “Of course, I’m happy.”   Tinaasan siya nito ng kilay. “Really? I don’t think so. It seems like your eyes tell otherwise. Para kang nagluluksa. What’s wrong?”   Bakit ba ang galing magbasa ng damdamin itong pinsan niya?   “Alam mo, if I were you, I’ll just go back to sleep.”   “Bakit naman?”   “Because you’re dreaming.” Inirapan niya ito.   “Bahala ka na nga lang.” Nagkibit na lang ito ng balikat sa naging tugon niya. “Aga-aga sinusumpong ka na naman ng kasungitan.”   “Yeah, whatever.” Pilit niyang itinuon ang atensiyon sa pagkain at hindi pinansin ang pinsan.   Actually, naiinis siya at nalulungkot at the same time. She should be happy and rejoicing right now pero kahit anong gawin niya’y hindi niya magawa. Paano naman kasi, pagkatapos ng coronation niya kagabi, una niyang hinanap si Rayven ngunit ni kahit anino nito ay hindi niya makita. She tried her best to find him para makapag-picture sila together and to rejoice with him. Tapos malalaman na lang niyang umalis na pala ito nang hindi man lang siya binati. Nakakatampo ang lalaking iyon sa totoo lang. It only means lang kasi na hindi ito masaya sa pagkakapanalo niya na kabaliktaran ng sinabi nito sa kanya noon na kahit anong mangyari ay magiging masaya at proud pa rin ito sa kanya anuman ang maging resulta ng competition.   “Wait, are you acting that way because you knew everything?” nanlalaki ang mga matang hinarap siya ni Ate Hazel. “Na sinabotahe ni Rayven ‘yung score para matalo ka but he didn’t succeed?”   Natigilan siya sa narinig. “What did you say?!”   “Oh-uh.." napakagat-labi ito at mariing ipinikit ang mga mata. “I thought, you knew. Shoot I’m doomed!” problemadong napatakip ito ng bibig.   “R-Rayven did that to me?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. Talo pa niya ang sinampal ng sampung beses sa nalaman. Kaya ba umalis na lang itong bigla dahil hindi ito nagtagumpay sa balak nitong mangyari? Pagkatapos ng lahat ng pagod, effort at sacrifices niya sa pageant na iyon ay ganon lang ang gustong mangyari ni Rayven? Gusto nitong matalo siya?   Tulalang nabitawan niya ang hawak na tinidor at kutsara. She couldn’t believe Rayven did that to her. Ayaw niyang paniwalaan ang sinabi ni Ate Hazel. Ngunit sa tuwing maaalala niyang bigla na lang itong umalis after ng coronation ay para siyang sinasampal ng katotohanan.   Why would Rayven do that to her? May ginawa ba siyang masama rito? Why of all people? Bakit ito pa ang gustong bumagsak at matalo siya?   Her mind is now clouding with a lot of questions she can’t answer. And her heart is full of painful emotions. Parang may pumipiga sa puso niya nang mga oras na iyon. Naninikip iyon at nahihirapan siyang huminga. The pain is killing her.   “What have I done wrong to him? Anong naging kasalanan ko sa kanya par gawin sakin iyon?” naluluha at nasasaktang tanong niya kay Ate Hazel. Kahit ilang beses niya yatang tanungin iyon ay wala siyang makukuhang sagot. Ang alam naman kasi niya ay okay sila these previous weeks.   “I’m so sorry, my bad. I shouldn’t have told you about it. I’m really sorry.”   “Hello Sydney,” ang boses ni Tita Tina ang pumutol sa tensiyong nagaganap sa pagitan nila ni Ate Hazel. Lumapit ito sa kinaroroonan nila. “Oh, I can sense a bad vibe. Is everything all right?”   Huminga siya nang malalim at isang pilit na ngiti ang ipinaskil niya sa labi nang tingalain niya ito.   “Yes, Tita, I’m fine.”   “That’s good. Anyway, you have a visitor dear.” Sukat sa sinabi nito ay napalingon siya sa pinto ng dining room at bahagyang kumunot ang noo niya nang mamukhaan ang lalaking nakatayo doon habang nakangiti nang malawak sa kanya.   “Good morning!”   “Brent, what are you doing here?” nagtatakang tanong niya.   “I’m here to fetch you.”   Kumunot ang noo niya. “Fetch? Why?”   “Oh, I’m sorry I forgot to tell you about the package tour. Part ng pagkapanalo mo ang pag-tour mo dito sa province namin.” Napatango-tango siya. “And lucky you, I will be your tour guide,” ubod tamis ang ngiti at excited na anunsiyo ni Brent.   “What a very wrong timing announcement,” naiiling na bulong at buntong-hininga ni Ate Hazel.   “O-Okay.” Muli siyang napatango-tango. Kahit anong package deal o award siguro ang ibigay sa kanya ngayon ay hindi niya magawang magsaya. Walang kahit na anong bagay sa mundo ang makakagamot sa sakit na nararamdaman niya. At walang kahit na anong bagay o premyo ang makakapagpasaya sa kanya nang mga oras na iyon. Wala siya sa mood lumabas o mamasyal ngayon.   Napalis ang ngiti ng lalaki. “Aren’t you excited and happy?” nagtatakang tanong nito.   “I’m so sorry Brent, I’m still tired and sleepy because of the big event last night.”   “Oh, then maybe I can come back tomorrow? Or the next next days?” suhestiyon nito at nginitian siya.   Ngumiti siya ng pilit dito at tumango. Marahil ay okay na siya sa mga araw na iyon. Sobrang gulat kasi siya ngayon and she still doesn’t know how to handle the situation. Kaya gusto na muna niyang ipagpaliban ang tour na sinasabi nito. For sure, ay hindi naman siya mag-eenjoy dahil gulung-gulo ang utak niya ngayon.   Ilang sandali pa’y umalis na ito at nag-iwan na lang ito ng papel na naglalaman ng cellphone number nito. Inihatid naman ito ng Tita niya. Naiwan silang dalawa ni Ate Hazel sa dining room.   At sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman siyang natulala nang maalala ang ginawa ni Rayven. It felt like she has been backstabbed by her bestfriend and her love. At wala nang mas sasakit pa roon.   “Sydney.”   “Okay lang naman kung ayaw niya sakin eh. Kung sinabi niya noon pa, tanggap ko pa. Pero yung makipag-plastikan siya at basta na lang akong sasaksakin patalikod kung kailan mahina ako. Iyon ang hindi ko matanggap. Ang sakit nun ate. I trusted him, tapos ganon lang ang gagawin niya? He wasted my time and effort for trusting him,” naluluha at buong hinanakit na sabi niya.   Hinawakan siya sa magkabilang-balikat ni Ate Hazel. “Sydney listen to me, I know Rayven did that because he have his own reasons.”   “Reason na ano? Na saktan ako? Na pagmukhain akong tanga? I thought we’re okay tapos bigla na lang ganon?”   “Hindi ko pa siya nakakausap, so hindi ko masasagot ang mga tanong mong iyan. Kung ano man ang alam at sigurado ko, mahalaga ka sa kanya.”   “Sa ginawa niya, I don’t believe that.” Napailing-iling siya. Trying to brush off from her mind what her cousin told her. “Dahil kung mahalaga ako sa kanya, he will never do that to me.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumakbo na siya palayo.   “Sydney! Come back here!”   Ngunit kahit na anong tawag ang gawin nito sa kanya ngayon ay nagmistula siyang bingi. She wanted to be alone right now. Nagpatuloy siya sa pagtakbo palayo ng mansion at binaybay ang daan patungo sa treehouse. Lakad takbo ang ginawa niya makarating lang agad doon. Nang makarating siya roon ay hinihingal na tinutop niya ang tapat ng dibdib habang naluluhang sumalampak ng upo sa paanan ng hagdan ng treehouse. Pinayapa muna niya ang sarili bago niya napagpasyahang umakyat sa taas. Nasa tapat na siya ng pinto nang mapansin niyang nakabukas iyon. Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso niya nang maisip niyang may nauna na sa kanya roon. Pigil ang hininga at dahan-dahang sumilip siya sa loob ng treehouse at natigilan siya nang makita kung sino ang nasa loob. She was right. Rayven was inside. Nakadapa ito habang may kausap ito sa cellphone nito.   “Yeah, of course I will. Ikaw pa, ang lakas mo kaya sakin.”   Habang nakikipag-usap ito sa cellphone ay nauulinigan niya ang matinding kaligayahan sa boses nito. Habang ito ay masaya nang mga oras na iyon, ay heto siya nasasaktan at naghihirap ang kalooban niya. Paano pa nito nagagawang magsaya ng ganoon gayong may nasasaktan ito? Papaano nito nagagawang tumawa ng ganoon habang heto siya, lugmok na lugmok na sa panloloko nito.   “You know what Coleen, mabuti na lang tumawag ka, I’m so bored you know.”   ‘Coleen..’ Pagkarinig niya sa pangalang iyon ay para siyang sinampal ng libong beses. Yung sakit na nararamdaman niya kanina ngayon ay lumala na.   Ngayon ay alam na niya. She was right from the very start. At the end of whatever relationship they have, of whatever effort, sacrifices or feeling she will give, it will be in vain because of that girl, his first and greatest love. It’s okay for him to hurt her, to fool her because he has Coleen on the first place. Ano nga ba naman siya rito? She was just nothing to him. At iyon ang kailangan niyang itatak sa kukute niya. Kahit naman hindi siya nito ituring na kaibigan ay wala lang iyon dito. He has a lot of friend. While her, she has nothing. And that kills her even more. Rayven is all she has. Pero ganon lang ang ginawa nito. Ang problema kasi, masyado siyang nagtiwala at nagpaniwala sa pagpapakitang-tao nito. Kaya ngayon heto siya lumuluha sa isang bagay na siya lang ang nagpapahalaga. At wala nang mas sasakit pa roon.   Lumuluha at tila nanghihinang tumalikod siya. At ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang masagi niya flower pot na nasa gilid ng hagdan. Ang pagkatumba niyon ay naglikha ng ingay. Nagmamadaling bumaba siya ng treehouse at nagtago sa katawan ng malaking puno kung saan nakakabit ang treehouse.   “Hello? May tao ba r’yan?” tanong ni Rayven habang ikinakalat ang tingin sa paligid. Nang marinig kasi nito ang ingay ay agad itong bumaba upang tingnan kung sino ang tumumba sa flower pot. “Hello Coleen, it’s nothing. Maybe it’s just the cat over there.”   Halos ay nakahinga siya ng maluwag nang makita ang papalayong puting pusa sa di kalayuan. Hangga’t maaari ay ayaw niyang magpakita kay Rayven. Ayaw niyang harapin si Rayven sa ganoong kalagayan. She doesn’t want to become a laughing stock. Ayaw niyang magmukhang kawawa at talunan sa harap nito.   Nang masiguro niyang bumalik na sa loob si Rayven ay lumabas na siya sa pinagtataguan at tumakbo pabalik sa mansion. Kasabay ng mga hakbang niya ay ang pagpatak ng mga luha niya. Nang makarating siya sa silid niya ay isnubsob niya ang mukha sa unan at doon ay umiyak siya nang umiyak. Wala nang mas sasakit sa nararamdaman niya nang mga oras na iyon. She felt betrayed by the one she love and the pain is just too much to bear. Now she knew exactly how it feels to be in that kind of situation. Sobrang sakit nga pala talaga. Yun bang ang hirap ihandle yung pain na nararamdaman mo at mas pipiliin mo na lang mawala sa mundo kaysa mahirapan ng ganoon.   ‘Are you crazy Sydney? Hindi ka naman ganyan kahina dati eh di ba?’ singhal ng isip niya. Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Even if the pain is killing her, she will never do that.   Napangiti siya ng mapait. She became weak because of that effin love.   ‘Wake up! Ibalik mo yung dating ikaw! Don’t waste your goddam tears just because of a guy who doesn’t see your worth! If he doesn’t love you back, so what? Hindi ka mamamatay nang wala siya sa buhay mo! Remember, nabuhay ka na bago mo pa siya nakilala!’    That’s right. Tila binuhusan siya ng malamig ng tubig sa realisasyon na iyon. Tila ay noon lang siya nahimasmasan. Pilit niyang pinahinahon ang sarili at mabilis na pinahid ang luhaang mukha.   All she need right now is to divert her focus on something that will help her forget Rayven. Nang maalala niya si Brent ay agad niyang dinukot ang papel na ibinigay nito sa kanya. Mas mabuti siguro kung mamasyal na lang siya kasama si Brent.   Napangiti siya ng bahagya nang maalala si Brent. He’s always there whenever she’s in a bad situation. He must be sent from above.   Inayos niya ang sarili at agad na kinuha ang cordless phone sa living room. Mabilis niyang idinial ang number na ibinigay nito.   “Yes, hello?”   Huminga muna siya ng malalim bago niya napagpasyahang sumagot. “Hello Brent?”   “Sydney?”   “Yes, it’s me. Uhm, I just wanted to know if ilang days ba yung tour?”   “Depende sa’yo, baka kasi mag-enjoy ka sa mga places na pupuntahan natin.”   “Pwede bang kahit 1 week?”   “Are you sure?” naninigurong tanong nito.   Kahit kailan lang silang nagkakilala ng lalaki ay panatag siya rito lalo na at ito ang naghatid sa kanya pauwi noong malasing siya sa pagmamay-aring bar ng pamilya nito.   “Yeah.”   “Sige, kailan mo gusto istart yung tour?”   “Today.”   “Huh? Akala ko ba pagod at puyat ka?” nagtatakang tanong nito.   “I changed my mind. Parang gusto kong mag-unwind ngayon.”   “Are you sure?” paniniguro nito.   “Yes, please.”   “Sige, sige, pabalik na ako diyan.”   “Okay, I’ll just prepare my things, bye.”   Nang matapos ang pag-uusap nila ay nagtungo na siya sa silid niya at inihanda ang mga kailangan niyang gamit sa loob ng isang linggo. Naligo na rin siya at nag-ayos. Nang matapos ay taas-noong humarap siya sa tapat ng salamin at tinitigan ang sariling repleksiyon.   “Sydney, you’re a very strong woman, you can live without him. You must move on.”   “Sydney?” isang katok sa pinto ang pumukaw sa atensiyon niya.   “Yes Tita?” pinagbuksan niya ito ng pinto.   Mula sa pagkakasalubong ng kilay ay mas lalong kumunot ang noo nito nang makitang nakapag-ayos siya.   “Nasa baba si Brent.”   “Sige Tita, sunod na ako.” Kinuha niya ang dalang bag.   “Akala ko ba inaantok at puyat ka pa?” nagtatakang tanong nito.   Ngumiti siya rito. Sabay silang naglakad papunta sa living room. “I changed my mind. Parang gusto kong mag-unwind ngayon. Papayagan niyo naman siguro ako hindi ba?”   “Will you be okay kahit wala kami?” naninigurong tanong nito.   “Of course I will. Hindi naman ako papabayaan ni Brent.”   Nagkibit ito ng balikat sa sinabi niya. “Just make sure na hindi ka gagawa ng kalokohan. No party, no bar, no liquor allowed sa places na pupuntahan mo.”   “Noted Tita,” nakangiting sabi niya.   “I’m counting on you.”   “Thanks Tita.” Humalik siya sa pisngi nito. Naglakad na siya pababa ng hagdan. Nang makita niya si Brent ay napangiti siya. Napangiti rin ito nang makita siya. Kaharap nito si Ate Hazel na hindi maipinta ang mukha habang nakahalukipkip. Ipinagsawalam-bahala na lang niya ang reaction nito. At some point ay naiinis din siya sa mga taong nakapaligid sa kanya dahil kung hindi pa nadulas si Ate Hazel ay mukhang wala pang balak sabihin ang mga ito sa kanya ang tungkol ginawang pagsabotahe sa kanya ni Rayven. Kaya mas mabuti rin sigurong umalis na muna siya roon at nang makalimot siya sa mga pangyayari.   Nang kunin sa kanya ni Brent ang bag niya ay nauna na ito sa kotse nito matapos itong magpaalam sa Tita at pinsan niya.   “Aalis na po kami, bye,” paalam niya. Ngunit hindi pa man din siya nakakalayo ay mabilis siyang pinigilan sa braso ni Ate Hazel.   “Sydney, baka pwedeng tsaka mo na lang ituloy ang tour na iyan?” pakiusap sa kanya ni Ate Hazel. “Alam ko, you’re only doing this para takbuhan ang issue. We can fix this. Mag-usap kayo ni Rayven. Pakinggan mo muna ang paliwanag niya bago mo siya kamuhian.”   “Para saan pa ate? Ke mag-explain siya or what may mababago ba? Wala naman hindi ba?” napangiti siya ng mapait.   “Sydney please.”   “Ate, can you please give me time to breath? I need a break.”   Natahimik ito sa sinabi niya.   “Hayaan mo na muna siya Hazel. You can go now hija,” ani Tita Tina at nginitian siya.   “But ‘Ma!” sita ni Ate Hazel sa sariling ina.   “Hayaan mo na munang lumamig ang ulo niya. Tsaka niyo na lang sila pag-usapin kapag okay na silang pareho.”   Dahil sa sinabi ng ina ay walang nagawa si Ate Hazel kundi ang bitawan ang kamay niya.   Ngumiti siya sa mga ito. “I know you’re all worried, but I’ll be fine. I can handle this. We’ll go ahead,” matapos magpaalam ay nagtungo na siya sa kotse ni Brent. Nang makapasok siya roon ay pinausad na ni Brent ang kotse nito.   “She’s leaving?” mula sa loob ng mansion ay humahangos na lumabas si Patrick at tumabi sa nobya. “I already called Rayven.”   “Yeah, she’s leaving. She will be accompanied by Brent for a week. And please tell your brother he’s already too late.”   “Dammit!”   Habang binabaybay nila ang daan palabas ng dalawang mansion ay nakadungaw lang siya sa labas ng bintana.   “By the way, this will be our itinerary.” Napatingin siya sa iniaabot na papel sa kanya ni Brent. Kinuha niya iyon mula rito at binasa ang laman niyon. May falls, may beaches, may island, may lagoon, historical places, flower farms, rainbow soil mountain at marami pang iba.   “So, your province has a lot or tourist spots.”   “Yup,” nakangiting sagot nito.   “Just so you know, I don’t know how to swim.”   “Aww, that’s bad.” Napangiwi ito. “So, maybe we should remove some places on the list. Ikaw na lang ang bahalang pumili kung saan mo gustong pumunta.”   “Sure.”Napangiti siya. Honestly, mabilis lang niya itong makasundo. Hopefully ay mag-enjoy siya sa company na ito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD