42 - It's Good to be Back

1884 Words
“MA’AM, may kailangan pa po ba kayo?” tanong sa kanya ng guard na hiningan niya ng tulong upang mailagay sa compartment ng kotse niya ang lahat ng mga gamit at pasalubong niya. She bought that car the other day. And it cost her more than 3 million pesos. “Wala na po, salamat,” nakangiting pasalamat niya at binigyan ito ng 3 thousand peso bill bilang tip sa pagtulong nito sa kanya. Nang matapos ay pumasok na siya sa loob ng kotse niya. Wearing her dark red lipstick, white croptop carmi strap topped with black blazer, black fitted high-waist ripped jeans and white rubber shoes, she started the engine and turned on the stereo connected to her cellphone through bluetooth. Matapos niyang ilagay sa ulo niya ang signature dark sunglasses niya ay nakangising pinasibad na niya ang kanyang kotse. Ilang sandali pa’y umalingawngaw ang isang kanta sa stereo na nagpangisi sa kanya. The song fits perfectly on her. At dahil doon ay hindi niya maiwasan ang sariling sabayan ang kanta. Habang sinasabayan niya ang kanta ay sumasabay pa ang ulo niya sa pagheadbang sa tugtog na parang feel na feel niya at nagi-enjoy siya sa awiting iyon. She smirked while singing. ‘Yes, I need them, but when I’m done and tired of using them, then I bid them goodbye.’ Hindi na niya pinapatagal ang pakikipagrelasyon sa mga lalaki dahil nakikipaglokohan lang naman siya. Why waste her time kung alam naman niyang hindi magtatagal ay hihiwalayan din lang naman niya ang mga ito. She is a queen. And she never need a king to survive in this world. She can live her life alone. Because she’s too lovely and beautiful just to become a puppet or a trophy. Kaya pasensiya na lang talaga sa mommy niya. Never talaga siyang mag-aasawa at magpapamilya. Hindi siya tanga. At ayaw niyang magpakatanga. She can live just by herself. She’s strong enough to face and survive in this damn cruel world alone. _ _ _ _ _ _ _ _ “WHO is that?” “Sino kaya iyan?” “Sino kaya ang nag-mamay-ari ng magarang kotseng iyan?” “Ala-una pa lang ah. Parang ang aga naman dumating ng bisitang iyan?” “Ang ganda naman ng kotseng iyan. Mukhang bagong model lang.” Kitang-kita niya ang pagkamangha at nagtatakang mukha ng mga taong kasalukuyang nag-aayos sa engrandeng malawak na bakuran ng Mansion ng pamilya nina Ate Hazel matapos niyang ihinto ang sasakyan sa harap ng Mansion. Mabuti na lang at doon gaganapin ang naturang okasyon at hindi sa mansion ng mga Castillo. Tinted ang salamin ng kotse niya kaya naman ay hindi siya makita ng mga tao sa labas ng sasakyan. Nagsimula nang tumingin sa direksiyon ng kotse niya ang lahat na tila ba nakikiusyuso kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyan niya. Mukhang inaabangan ng lahat ang pagbaba niya. Ilang sandali pa’y nakita niyang humahangos na lumabas ng mansion ang isang batang babae at lalaki. Pinakatitigan niya ang dalawa at ganon na lang ang pagngiti niya nang mamukhaan niya kung sino ang dalawang iyon, walang iba kundi ang maganda at pogi niyang mga pamangkin. Hindi nga siya nagkamali ng sapantaha, mas maganda at mas gwapo nga ang mga ito sa personal, manang-mana sa parents ng mga ito. Nakita niyang sumunod sa mga ito sina Ate Hazel at Kuya Patrick na parehong nagmatured ang mga itsura pero mas lalong gumanda at gumwapo ang mga ito. Sinundan naman ito nina Tita Tina at Tito Sebastian. “Oh, my gosh! I miss them!” Hindi niya maiwasan ang sariling makaramdam ng saya at excitement nang makita niya ang mga mahahalagang tao sa kanya sa lugar na iyon. Tahimik at hindi mapakaling nakatayo ang mga ito sa front door habang hinihintay ang pagbaba niya. Sigurado siya, hindi alam ng mga ito na siya iyon. “Dad, Mom, is it one of our visitor?” “Siguro anak.” “Sino iyan?” halos ay natigilan siya nang biglang sumulpot sa likuran ng mga ito si Tita Margie kasama ang asawa nitong si Tito Ricky. “Don’t tell me, nandito ang bwisit na damuhong ‘yon!” naiinis na sabi niya at sumimangot nang wala sa oras. Thinking of that idea made her excitement fade all at once. Huminga muna siya nanng malalim bago niya hinawakan ang doorknob ng kotse niya. Bahagya siyang natigilan nang mapansing nanginginig at nanlalamig ang mga palad niya. “Are you nervous Sydney? What for?” naiinis na tanong niya sa sarili. “Is it because of that guy? No way!” Ngali-ngali na niyang kutusan ang sarili. Mabilis niyang ipinilig ang ulo at ilang beses niyang pinagkiskis ang mga palad. Hindi dapat siya makaramdam niyon! Huminga muna siya ng malalim bago niya napagpasyahang tuluyang buksan ang pinto ng kotse niya . Ipinaskil niya ang isang matamis na ngiti sa mga labi. Pagkalabas niya ay kitang-kita niya ang pagkatulala at ang pag-awang ng mga labi ng mga designers, organizers at ang mga ilang tauhan ng hacienda na tumutulong sa pag-aayos ng bakuran. Hindi na siya nagulat sa naging reaction ng mga ito. It’s not new to her. “Ang ganda niya. Sino siya?” “Si Señorita Sydney na ba iyan? OMG!” Nakangiting nilingon niya ang mga nasa taas ng front door. “Hi everyone!” Kitang-kita niya ang pagkamangha at pagkatulala sa mukha ng mga ito nang tuluyang makita siya. Umawang ang labi at nanlaki ang mga mata mata ng lahat nang makita siya. Tila hindi makapaniwala ang mga ito. “Tita Ganda!” “Tita Sexy!” Ang dalawang bata ang unang nakahuma sa mga ito. Tuwang-tuwang tumakbo ang mga ito pababa ng hagdan upang salubungin siya ng yakap. “Hi baby girl and baby boy!” Masaya at excited na niyakap niya ang mga ito. “You dyed your hair Tita,” namimilog ang mga matang sinipat ni Zharick ang mahabang buhok niya. “But it suits you. You’re very beautiful Tita.” “Oh, thank you baby boy,” tuwang-tuwang pinupog niya ito ng halik sa mukha na ikinatawa lang nito. “Tita, ang sexy mo din, bagay sayo ang suot mo. Si mommy ayaw ako pagsuotin ng ganyan,” napanguso si Zia. “Kita kasi yung pusod ko. Pero sayo, bagay na bagay mo po.” “Thank you baby girl,” tuwang-tuwang pinupog din niya ito ng halik. Napahagikgik lang ito sa ginawa niya. Napangiti siya, sigurado siya, hindi na siya maboboring sa mansion dahil may makakakulitan na siya. “At dahil diyan, may pasalubong kayo mamaya sakin.” “Yehey!” tuwang-tuwang napapalakpak ang mga ito na ikinatawa niya. Ang cute cute talaga ng dalawang ito. “Ahhemm!” ang pagtikhim ni Ate Hazel ang umagaw sa pansin niya. Tiningala niya ang mga ito. “So, wala man lang ba kaming pasalubong na yakap diyan?” Dahil sa sinabi nito ay napangiti siya. “Let’s go babies, nagtatampo na ang mommy niyong kontrabida sakin.” Natawa ang dalawa sa sinabi niya. Kumapit ang dalawa sa magkabila niyang kamay at naglakad na sila paakyat sa hagdan. Isa-isa niyang niyakap ang mga ito. “Hello Tito Seb, kumusta po?” Humalik siya sa pisngi ni Tito Sebastian. “Okay naman kami hija. How about you?” “I’m fine po.” Nginitian niya ito. “Hello Tita kong maganda,” bati niya sa tiyahin at nakangising niyakap ito. “Welcome back hija,” masayang sabi nito at niyakap. “Namiss kita pamangkin.” “I miss you too Tita,” sagot niya at sumulyap sa mag-asawang nasa tabi nito. Ngumiti siya sa dalawang naging close din sa kanya noon. “Hello Tito Ricky, Tita Margie!” masayang bati niya at hinalikan sa pisngi ang matandang lalaki at niyakap naman niya si Tita Margie. “It’s been a long time hija, mabuti naman at nakauwi ka na.” “Namiss kita hija, it’s been a long time. I just hope you’re okay now,” ani Tita Margie at tinapik-tapik ang likuran niya. Tila may humaplos sa puso niya sa ginawa nito at hindi niya maiwasan ang sariling mapangiti dahil doon. Hindi man nito sabihin ng diretso sa kanya, she knew that Tita Margie still cares for her. Kahit na hindi na siya parte ng buhay ng anak nito ngayon. “I’m okay po Tita, thank you.” “Ang ganda-ganda mo na hija,” si Tita Margie, halos ay hindi na ito kumukurap habang titig na titig sa kanya. “Thank you po.” Sunod siyang humarap kay Ate Hazel at Kuya Patrick na parehong nasa kanyang likuran. “Hello there, my dearest cousin. Sorry, hindi ako nakaattend sa kasal niyo noon.” Niyakap niya ang dalawa. “Mabuti naman at nakauwi ka.” “Kailangan kuya eh, ang galing kasi mag-artista nitong anak mo,” natatawang sabi niya at itinuro si Zharick na akala mo’y sawa kung makayakap sa baywang niya. Habang si Zia naman ay tila tarsier na nakayakap sa hita niya. Natatawa na lang ang matatanda sa itsura nilang tatlo. “So, how does it feels to be back?” nang-aasar na tanong sa kanya ni Ate Hazel. “What’s the commotion all about?” Tila pinanlamigan siya ng katawan at ipinako sa kinatatayuan nang marinig ang boses na iyon na nanggaling sa bulwagan ng pinto. Sabay-sabay na napalingon sa pinto ang lahat habang siya ay nanatiling nakatayo lang at ni hindi man lang magawang lumingon dito. Nagbago man ang boses nito ay kabisadong-kabisado pa rin niya ang pananalita nito. Ang boses nito ay hindi na katulad ng dati, buong-buo na iyon ngayon. At hindi niya maikakailang mas lalo lang yatang bumagay ang panlalaking boses nito kahit hindi pa niya natutunghayan ang itsura nito ngayon. Nanatili lang na tahimik ang lahat at tila nagpapakiramdaman. Hindi man niya nakikita ay ramdam niya ang namamagitang tensiyon sa mga taong nasa likuran niya. Pilit niyang pinakalma ang sarili. ‘He’s nothing to you now Sydney, keep that in mind,’ paalala niya sa sarili niya. “We have a visitor Rayven, amerikana” si Kuya Patrick ang naglakas loob na basagin ang namayaning katahimikan. “Do you wanna meet her?” “Yeah, sure,” parang balewalang sagot nito. “Humarap ka na,” siniko siya ni Ate Hazel ngunit hindi siya tuminag. Seeing his face is the last thing she will ever do. Napabuga si Ate Hazel at nagulat na lang siya sa sumunod nitong ginawa. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at ipinihit paharap kay Rayven na kasalukuyang may hawak na balloon at hinihipan iyon. Nagtama ang mga mata nilang dalawa. Natulala ito at nabitiwan ang hinihipan na balloon na nagpaikot-ikot sa hangin ng ilang beses. Tanging tunog lang ng balloon ang naririnig nila nang mga oras na iyon. Habang ito ay tulala, ang mga kasamahan naman nila ay nababahala at tensiyonadong pinaglilipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa. ‘Why are these people so tensed?’ Gusto niyang pagtawanan ang mga ito ngunit nagpigil siya. She’s still enjoying the show. Gusto niyang panuorin kung papaano matulala at maglaway si Rayven sa sinayang nito. Isang nang-aasar na ngiti ang gumuhit sa labi niya. “Oh, hello there, ex-boyfriend! Enjoying the view?” ‘I’m sure, I’m going to enjoy my vacation here. It really feels good to be back.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD