43 - First Confrontation

2560 Words
PAGKAPASOK na pagkapasok ni Sydney sa silid niya ay bahagya niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid. Napangiti siya nang makitang maayos at malinis pa rin ang silid na iyon. Ni wala man lang siyang makitang alikabok at agiw doon. Mukhang palaging pinapalinis iyon ng Tita niya kahit matagal nang hindi nagagamit ang silid na iyon. At ang lalong nagpangiti sa kanya ay ang katotohanang ni wala man lang nagbago roon. All the arrangements and the paints are still the same.   Tinungo niya ang kinaroroonan ng malambot at maluwang na kama niya at inihagis ang sarili doon. At habang nakatitig siya sa kisame ay parang tuksong nagpakita ang imahe ni Rayven sa balintataw niya. At hindi niya napigilan ang sariling mapabunghalit ng tawa nang maalala ang reaction at itsura nito kani-kanina.   Sapo-sapo ang tiyang humahagalpak siya nang tawa habang pilit niyang inaalala ang mga nangyari kanina.   _ _ _ _ _ _ _     “HELLO there, ex-boyfriend! Enjoying the view?” nang-aasar na tanong ni Sydney kay Rayven na tulalang nakatingin sa kanya. Tila hindi ito makapaniwalang nasa harapan siya nito ngayon. Habang tulala pa rin ito ay palihim niyang pinag-aralan ang kabuuan nito.   Mas lalo yatang gumwapo ang damuho lalo na ngayong naging matured ito. She just found herself fell in deep awe with his strong, hard, lean frame, defined muscle and magnificent form as he stood arrogantly before her. His face now turned into a devilishly hadsome features she never imagined he would become. He is now a perfect masterpiece. Damn it. Ibang-iba na ang itsura nito noon sa Rayven na nakilala niya. Mas lalo itong naging gwapo ngayong naging matured na ito.   “Hi ex-girfriend! Loved the view?”   Ang sinabi nitong iyon ang nagpabalik sa kanya sa tamang huwisyo. His voice is now even sexier. Damn it. Or baka naman may diperensiya na yata ang pandinig niya.   And before she could blink she saw Rayven arrogantly smirked at her. Maybe it’s because he caught her staring at him. Marahil ay pinagtatawanan na siya nito ngayon. But the hell she care. Isipin nito ang gusto nitong isipin. Bahala ito sa buhay nito. Ano nga ba namang pakialam niya sa anumang iisipin nito? He’s just nothing to her now.   “Loved the view?” kunwari ay nagtatakang ulit niya.   Napahawak siya sa baba at tiningnan ito ng pataas at pababa. Tila pinag-aaralan ang kabuuan nito. Lihim na lang siyang nainis nang wala man lang siyang makitang kapintasan dito. He’s a walking perfection of a masterpiece.   “Hmm?” nagkunwari siyang nag-iisip. Habang ginagawa niya iyon, Rayven crossed his arms and smirked at her. Well, kung iisipin nitong magpapatalo siya rito ay nagkakamali ito. Mula sa seryosong mukha ay tumaas ang isang sulok ng labi niya. “Nope, I can’t find anything to love with the view.” Napangisi siya nang makita ang unti-unting paglaho ng ngisi  at yabang sa mukha nito. “And honestly speaking, wala ka namang dapat ipagmalaki. Ni wala ka nga sa kalingkingan ng mga naging boyfriends ko.”   Well, honestly, nagsinungaling lang naman siya sa sinabi niya. Mas nakakaangat pa rin si Rayven sa mga naging boyfriendsniya kahit saang anggulo ito tingnan. But of course, never niyang sasabihin iyon dito. Ayaw niyang magmukhang katawa-tawa sa harapan ng mokong na ito. Ngunit hindi niya lubos akalain na ang mga simpleng salita niya ay may malakas na epekto kay Rayven. Now, nagmumukha itong katawa-tawa sa mga inaakto nito. At labis siyang nagi-enjoy na nakikitang naaasar ito sa kanya.   “Boyfriends?” ulit nito sa sinabi niya. Isang nang-iinsultong ngisi ang gumuhit sa mga labi nito. “What a cunning piece of sh*t. Acting like an effin playgirl eh? What a slut.”   “Watch your word Rayven Harris!” sabay-sabay na banta ng Kuya, Dad at Mommy nito ngunit binalewala lang nito iyon.   Tumaas ang kilay ni Ate Hazel at ng Tita niya sa sinabi nito ngunit hindi umimik ang mga ito. Nanatiling tahimik ang mga ito.   Something hits her heart because of the words he threw on her but she immediately set it aside and ignore that feeling. Imbes na mainis siya rito ay nginisihan lang niya ito. Bakit siya maiinis at tatamaan kung alam naman niya sa sarili niyang walang katotohanan ang mga ibinibintang nito sa kanya. She’s not a slut because she never slept with a man.   “What a good for nothing insult. Is that all you’re capable of? Talking a piece of s**t? Well, do everything you want. Say everything you wanna say, because I don’t fvckin care.” She smirked at him. “Atleast, I’m not a fvckin heartless philanderer like you.”   Nakarinig siya ng pagsinghap sa paligid niya. Nang ilibot niya ang tingin ay hindi na siya nagulat sa reaction ng mga kamag-anak nila. Nanlalaki ang mga mata, tulala, awang ang mga labi at pigil ang hininga ng mga ito. They all even look so pale while staring at her. Mukhang nagulat ang mga ito sa mga binitiwan niyang mga kataga.   Ngayon niya papatunayan sa lahat ng mga ito na hindi na siya ang dating Sydney na kilala ng mga ito. Mas matapang at mas palaban na siya ngayon. Hinding-hindi siya magpapatalo sa kahit na sino. Lalong-lalo na sa lalaking nanakit at nanloko sa kanya na siyang nasa hharapan niya ngayon.   Nakangising ibinalik niya ang tingin kay Rayven.   Tuluyang nabura ang ngisi sa mga labi nito. Nagtagis ang mga bagang nito sa mga binitiwan niyang mga kataga. And right now, he’s just glaring at her angrily. Wala man itong sinasabi ay alam niyang isinusumpa na siya nito sa isip nito. Hayun nga at halos ay kulang na lang ay pugutan na siya nito ng ulo sa klase ng tinging ipinupukol nito sa kanya. Kung nakamamatay nga lang iyon baka kanina pa siya bumulagta roon.   Isang nang-iinsultong tawa ang kumawala sa kanya. She’s enjoying watching how his reactions change every minute because of her. Darn it. Kung alam lang niyang kaya pala niya itong harapin ng ganoon ay matagal na siyang nagpunta sa lugar na iyon. She’s enjoying to annoy him.   “You..” He gritted his teeth.   “Whoah! Mga anak, sandali!” Bago pa man tuluyang sumabog sa matinding inis ang binata ay mabilis na pumagitna sa kanilang dalawa ang mga magulang nito at ang Tita niya. Mukhang tensiyonadong-tensiyonado ang mga ito sa kanilang dalawa na ipinagkibit balikat lang niya.   “Ang mabuti pa, pumasok na muna tayo sa loob at nang makapag-kwentuhan tayo.”   “Come on.” Bago pa man siya makapagsalita ay hinatak na siya ni Ate Hazel papasok sa mansion. Kaya wala siyang nagawa kundi ang magpatianod dito. Agad namang kumapit sa kanya ang dalawang bata. Nang makalapit sa sofa ay hinatak siya nito paupo roon. Agad namang yumakap ang dalawa sa kanya, bagay na nagpangiti sa kanya.   “Kumain ka na ba hija?” tanong ni Tita Tina sa kanya matapos itong umupo sa isang mahaba pang sofa na kaharap nila. As if trying to lighten up the mood of everybody.   “Yes Tita, kumain na ako sa nadaanan kong restaurant kanina.”   “That’s good to hear,” napapatangong sagot nito.   Sa sulok ng mata niya ay nakita niyang pumasok na sa loob ng mansion si Kuya Patrick kasunod ng mga parents nito at ng kapatid nito. Mukhang kinausap pa ng tatlo si Rayven. Kung anong klaseng pag-uusap iyon, wala na siyang pakialam.   She never even bothered to look at them, nor give him a single glance. Nagpatuloy lang siya sa pakikipag-usap kina Ate Hazel at Tita Tina.   “I heard you’re planning to build a school hija?” si Tita Margie. Mukhang balewala na sa mga ito ang mga nangyaring sagutan nila ni Rayven sa labas kanina.   Nakangiting tumango siya sa ginang. “Yes Tita, it’s a musical school actually. And I’m planning to give scholarship to those talented kids who can’t afford to pay their tuition fee.”   “Wow, you’re really amazing and kind hija,” tuwang-tuwang sabi nito. Napangiti siya ng kimi rito nang lumarawan ang matinding paghanga sa mukha nito at ng asawa nito.   “So, kumusta ka naman sa States?” tanong ni Kuya Patrick. “Matagal-tagal rin kaming nawalan ng balita sayo.”   Yes, mas pinili niyang huwag magkwento sa mga ito tungkol sa kung anong nangyayari sa buhay niya sa States. Kahit pa nag-uusap sila ng ilang beses noon ay mas pinili niyang manahimik. Hindi siya nagkwento at ni hindi rin siya nagtanong o nakibalita tungkol sa mga ito.   “Well,” ikinibit niya ang balikat. “I had an amazing, very productive and successful life there. After I graduated from my college, I joined different orchestra and musical plays. And then after that, I decided to have my masters and doctors degree. I also have a business now, a restaurant and a coffee shop.”   Namilog ang mga mata ng mga ito sa matinding pagkamangha sa sinabi niya.   “You are indeed an incredible and independent woman hija. Nakaya mong mag-succeed ng ganyan nang mag-isa. Ang swerte naman ng boyfriend mo,” si Tito Ricky.   Isang tipid na ngiti ang isinagot niya sa sinabi nito.   “Anyway, may boyfriend ka na ba hija?” si Tita Tina.   “Sa pagkakaalam ko, wala,” sagot ni Ate Hazel.   She heard someone scoffed. Nang tingnan niya kung sino iyon ay tumaas ang kilay niya nang makita ang nang-iinsultong tinging ipinupukol sa kanya ni Rayven habang abala ito sa pagbobomba ng balloon.   “Oh akala ko ba, marami siyang boyfriends? Boyfriends who are better than me. Bakit ngayon naging wala? Just hallucinating? Imagining things?” Gumuhit ang isang nang-iinsultong ngiti sa mga labi nito. “Delusional? Kawawa naman. Tsk, tsk. Wake up, wake up din pag may time.”   Hindi naman siya nagpatalo rito. “Actually ate Hazel, Tita, I have a boyfriend.”   Alam niyang kasinungalingan lang iyon but she doesn’t have a choice. Ayaw niyang magmukhang katawa-tawa sa harap ng lalaking kinamumuhian niya. She will never let him win. She will never let him taste any happiness at all. Nakaramdam siya ng kasiyahan nang makita ang paglaho ng ngiti sa mukha ni Rayven.   Kumunot ang noo ni Ate Hazel sa sinabi niya. “Really? Eh bakit parang wala kaming nabalitaan tungkol sa boyfriend mo?”   “Kailan ba ako nagkwento tungkol sa private life ko? Si mommy lang naman itong panay ang kwento sa inyo.” Ikinibit niya ang balikat.   “So, sino naman ang maswerteng lalaking iyan?” tanong ni Tito Sebastian. “Kailan namin siya makikilala?”   “Soon Tito.”   “Soon, kasi maghahanap pa siya. Pft!”   ‘Bwisit! Nang-aasar ba talaga itong damuhong ito? Bakit ba kasi sumasabat siya sa usapan naming magkakamag-anak? Hindi ba niya alam lumugar? Geez!’ She rolled her eyes.   “Ayaw mong maniwala? Fine! I’ll call him.” Mabilis niyang dinukot ang cellphone sa bag at agad na idinial ang number ni Jed. She doesn’t have a choice but to call her bestfriend. Tanging ito lang ang alam niyang makakatulong sa kanya upang magmukhang tanga itong si Rayven. Nakakatatlong ring pa lang iyon ay agad nitong sinagot ang tawag.   “Hello Syd!” masiglang bati nito.   “Hi babe!” sinadya niyang linambingan ang boses.   “Whoah! Babe? What?” gulat at naguguluhang tanong nito.   “I miss you too.”   “Wait wait wait! Hey, what’s going on?”   ‘Darn it! Jed! Umayos ka!’   Patawarin siya nito kung idadawit niya ito sa kalokohan at kasinungalingan niya. Sana makatunog naman ito sa binabalak niya.   Imbes na sagutin ang mga tanong nito ay iba naman ang mga isinasagot niya. “Yes babe, kadarating ko lang rito sa hacienda nina Tita.”   “Oh, now I get it. He’s there with you right? And you’re using me to make him jealous?”   ‘Make him jealous? What the hell?’ ngali-ngali na niya itong bulyawan ngunit mabilis niyang pinigilan ag sarili. Lalo pa niyang nilapadan ang ngiti. Okay, so best actress na rin siya ngayon kagaya ng pamilya nina Tita Tina. Sabagay, kamag-anak nga pala niya ang mga ito.   “Yes babe.” Halos ay nakahinga siya ng maluwag nang mukhang alam na nito ang mga nangyayari. “Oh by the way, someone wants to talk to you.”   “Okay just give them the phone and I’ll talk to them. Ako na ang bahala.”   ‘Yes! I love you na talaga Jed!’ Lalo siyang napangiti sa sinabi ni Jed. “Okay babe.” Kahit kailan ay maaasahan talaga niya ito. Iniabot na niya ang hawak na cellphone kay Ate Hazel.   Prente at tila relax na relax na naupo siya nang maayos sa sofa at nakipag-kulitan sa dalawang pamangkin niya. Hinayaan na niya si Ate Hazel na kausapin si Jed. May tiwala siya kay Jed na hindi siya nito ilalaglag. And one more thing, alam naman niyang wala sa mga ito ang nakakakilala kay Jed. Dahil never naman siyang nagkwento sa mga ito tungkol sa lalaki. Kaya ipapaubaya na niya ang lahat kay Jed.   “Hello? Boyfriend ka ba talaga nitong pinsan ko? Okay, so saan naman kayo nagkakilala? Gaano na kayo katagal nitong si Sydney? Six years, so matagal-tagal na rin pala. Anyway, seryoso ka ba sa kanya? Nameet mo na ba ang parents niya? Oh, you’re close with her parents? And they are okay with you for Sydney? Talaga? Botong-boto sila sayo? What a damn lucky guy.”   Napangiti siya sa naririnig na takbo ng usapan ni Ate Hazel at ni Jed. Bilib na talaga siya sa galing ng lalaking iyon. Sabagay, matalino naman ang bestfriend niya kaya hindi na siya magtataka kung kayang-kaya nitong paniwalain si Ate Hazel sa mga pinagsasasabi nito.   Nang iangat niya ang tingin ay unang tumambad sa kanya ang mukha ni Rayven na wala man lang karea-reaksiyon ang mukha habang abala pa rin sa pagbobomba ng mga balloon.   ‘Pumutok sana iyan sa pagmumukha mong bwisit ka.’   “Oh really? You’re planning to get married soon? And you have her parents’ approval already?” hindi makapaniwalang tanong ni Ate Hazel at napatitig sa kanya matapos nitong i-off ang tawag. “Are you sure about this Sydney? You’re marrying him?”   ‘Darn it Jed! Bakit pati iyon sinabi mo pa? Jusko!’ Kung nandoon lang si Jed siguradong sinapak na niya ito. Pinagtripan na naman siya nito. Sigurado siya tawang-tawa na naman ito ngayon.   Nakangiting humarap siya kay Ate Hazel. “Yes, pasasaan ba’t doon pa rin naman ang hantungan namin.” No choice. It’s now or never. Saka na niya aayusin at itatama ang kalokohan ni Jed kapag hindi na nila kaharap ang damuhong si Rayven.   Lumarawan ang matinding pagtutol sa mukha ng pinsan. She was about to say something when they heard a sudden explotion.   Gulat at sabay-sabay silang napatingin sa pinanggalingan ng tunog. And only to find out it was Rayven.   “Opps! Sorry the balloon just blew up.”   She just rolled her eyes.   “Anyway, akyat na po muna ako sa kwarto ko. Magpapahinga lang po ako saglit. Napagod po kasi ako sa biyahe,” aniya at tumayo. Nakangiting nagpaalam muna siya sa mga ito bago siya tuluyang umakyat sa silid niya.     MATAPOS niyang alalahanin lahat ng iyon ay natatawang napailing-iling siya. Ang sarap sa pakiramdam asarin ng hinayupak na iyon. Nakangiting ipinikit niya ang mga mata at napagpasyahan na lang niyang matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD