42 - Her Bestfriend

2205 Words
“OH GOSH! I’m so exhausted!” Matapos ilapag ni Sydney ang mga pinamili niya ay sa center table sa sala ay hapung-hapong inihagis niya ang sarili sa mahabang sofa. Kakauwi lang niya galing sa Duty Free at Mall kung saan ay bumili siya ng regalo sa dalawang cute na pamangkin niya at mga ipampapasalubong niya pag-uwi niya sa hacienda nina Ate Hazel. Bumili na rin siya ng mga gamit niya like sandals, shoes, shirts, blouses, pants and dresses. Mabuti na lang at kumain na siya bago siya umuwi kaya naman ay pwede na siyang matulog after niyang maligo mamaya. Pero mas maganda siguro kung iidlip na lang muna siya. Sobrang napagod talaga siya sa maghapon niyang ginawang pamimili. She was about to close her eyes when she heard her phone ringing. Kinuha niya sa bag niya ang naturang aparato at napangiti siya nang makita niyang ang bestfriend niyang si Jed ang tumatawag sa kanya. Umayos siya ng pagkakaupo at nakangiting sinagot niya ang naturang videocall. “Hi Jed! How are you? I miss you so much bestfriend!” “What the h-” Halos ay naibuga nito ang iniinom nitong kape nang makita siya. Napabunghalit siya ng tawa sa naging reaction nito. “Surprised? It seems like you’ve seen a goddess,” natatawang sabi niya at nawiwiling panuorin ang kaibigang panay pa rin ang pag-ubo. “What did you do to your straight and long auburn hair?!” nanlalaki ang mga matang tanong nito nang makahuma. Nakangusong hinaplos niya ang buhok at tiningnan iyon. Napangiti siya nang makita kung gaano kaganda ngayon ang new hairstyle niya. May nadaanan kasi siyang Salon sa mall kanina kaya naman ay natempt na siyang pumasok sa loob upang ibahin ang hairstyle niya. And she also tried some services the Salon offered. She polished her candle-like nails with a combination of silver and black. She also made her skin brighter, fairer, smoother and more delicate than before. Her old straight auburn hair was now changed into an Ombre Ash Blonde hairstyle. Hindi man niya aminin ngunit mas lalong bumagay sa kanya ang bagong hairstyle niya. Katibayan na kanina ang mga lalaking nakakasalubong niya na halos ay matulala na sa kagandahan niya. Some of them even drooled but she doesn’t seem to care at all. Sabagay, never naman siyang nagkainteres sa ibang lalaki. Tanging ang Dad niya at si Jed lang ang lalaking naging malapit sa kanya sa America. Kahit nagkaroon siya ng mga suitors at boyfriends doon ay nanatiling aloof pa rin siya sa mga ito. There’s no emotions attached, kaya siguro ay tinagurian siyang heartless ng iba dahil madali lang siyang makipagbreak sa mga ito. Ni wala yatang tumagal sa kanya dahil sa pagiging cold niya. But the hell she care. She’s only using them. Jed on the other hand, used to be her crying shoulder. Isa ito sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. He’s a Filam and he’s 3 years older than her. According to him, galing ito sa hirap sa isang probinsiya sa Pilipinas. His mother died when he was still a kid. And he struggled hard living all by himself alone. He was 15 years old when his rich business tycoon American father found him. At doon na tuluyang nag-iba ang mundo at buhay nito lalo na nang iuwi ito ng kanyang amang si Mr. Jack Smith sa America. She met him at the university 10 years ago at lalo silang naging close sa isa’t-isa noong makita siya nitong umiiyak. Ito ang naging sandigan at iyakan niya noong mga panahong tuluyang gumuho ang buong mundo niya. At laking pasasalamat niya dahil hindi siya nito iniwan at pinabayaan noon. Tinulungan siya nitong makaahon mula sa pagkakalugmok niya. Tinuruan siya nitong alagaan at unahin ang sarili niya. Kung wala ito nang mga panahon na iyon ay hindi niya alam kung nakayanan niyang lampasan ang dagok na nangyari sa buhay niya. Kaya naman ay malaki ang utang na loob niya rito. Kaya naman ay heto, palagi pa rin itong nakasuporta sa lahat ng ginagawa niya. At ang totoo niyan, both of them own a business, it’s a restaurant and a coffee shop. Sa mga panahong ito ay ito ang naiwan sa pagmamanage sa business nilang iyon. Sanay naman na ito dahil sa dami ng activities niya sa buhay ay ito lang ang may time magmanage niyon. At laking pasasalamat niya dahil naiintindihan siya nito. Sabagay, spoiled siya rito at ni kahit minsan ay hindi naman ito umangal sa kanya. “I went to a Salon and tada! I changed my hairstyle. Is it beautiful? Bagay ba sakin?” ngumiti siya ng matamis dito. Nang makahuma ito ay tahimik siya nitong tinitigan at tila pinag-aaralan ang itsura niya. “You looked more beautiful with your hairstyle. Parang naging blooming ka pa nga yata. Tell me, are you dating someone?” Napabunghalit siya ng tawa sa sinabi nito. “Nagchange lang ng hairstyle, may ka-date na?” Humigop ito ng kape. “Then should I say, may pagpapagandahan ka ba?” Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. “Should I do that? I don’t need to do that Jedrix Kyle. Hindi ko kailangang magpaganda para lang magpa-impress sa ibang tao.” “I’m not referring sa ibang tao.” Kumunot ang noo niya. Ano naman kaya ang pinupunto ng magaling niyang kaibigan? “What do you mean Jed?” Jed rolled his eyes and he sexily sipped his coffee. Nagtataka siya kung bakit sa gwapo nitong iyon ay hindi pa ito nagkaka-girlfriend. Ang dami ngang babae ang naghahabol dito but he doesn’t seem to care at all. Minsan nga ay napagkakamalan na ng iba na bakla ito kahit hindi naman. Minsan naman ay napagkakamalan ng iba na mayroon silang relasyon dahil sa closeness nila na pareho lang naman nilang tinatawanan. They’re just best of friends. Nothing more, nothing less. Ilang beses na rin niyang tinanong ang magaling niyang kaibigan kung bakit hindi pa ito nagkaka-girlfriend ngunit isa lang ang isinasagot nito, isang tipid na ngiti sabay tingin sa malayo. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon ngunit nagkaroon siya ng hinuha. Marahil ay nasaktan ito noon at hindi pa ito nakakamove on. Kahit naiintriga siya sa buhay pag-ibig nito ay mas pinili na lang nitong manahimik at huwag mag-usisa bilang respeto na rin dito. She doesn’t want Jed to get hurt from remembering his past. Masaktan na lahat ng lalaking kilala niya, huwag lang ang lalaking naging sandigan niya. Huwag lang ang lalaking kaisa-isang tumulong at yumakap sa kanya. Ganon kahalaga sa kanya ang bestfriend niya. “Have you met him? Or should I say are you going to meet him?” Natigilan siya sa tanong nito. Hindi man niya tanungin kung sino ang tinutukoy nito ay alam na niya kung sino ang iniisip nito. “Meeting him is the last thing I would do. Hindi ko rin gustong makita siya,” simpleng sagot niya. “At mas lalong wala sa plano ko ang magpakita sa kanya.” “Sydney, maliit lang ang Pilipinas, kahit anong iwas mo, there’s a tendency na magkukrus pa rin ang landas niyo. Will you be okay kapag nakita at nakaharap mo na siya?” nag-aalalang tanong nito. “Yeah, of course, I’ll be okay, why not?” “Baka naman nagpaganda ka dahil sa kanya?” taas ang kilay na tanong nito. “I just did it for myself, you know, I want something different.” Ikinibit niya ang balikat. “Nagsasawa na kasi ako sa itsura ko.” “Okay fine, if that’s what you say so.” Ikinibit din nito ang balikat. “So, wala kang balak umuwi sa hacienda?” tanong nito pagdaka. “Actually, attend ako sa birthday party ni Zharick bukas.” Bukas ng hapon ang naturang birthday party. If she's not mistaken, the party will last until dinner. Kaya naman ay naisip niyang mamayang madaling araw na lang siya magtatravel para naman ay may time pa siyang makapagpahinga pagkarating niya sa probinsiya. Napatango-tango ito. “For sure, makikita mo siya r’on. Nervous much?” nakangisi at nang-aasar na tanong nito. She rolled her eyes. “Why should I be nervous? For what? He’s just someone in the past Jed. Nothing else. Ayokong magpakaapekto sa walang kwentang taong kagaya niya.” Natatawang sumimsim ito ng kape. “Relax, ang puso mo, baka sumabog.” “I’m fine, he’s just nothing to me now. At hindi na ako ang dating Sydney na nagpakatanga sa kanya. I’m different from the old Sydney now, thanks to him.” She’s colder, stronger, bolder and fiercer now. At sigurado siya, walang kahit na sino ang makakasira sa kanya ngayon. Specially that guy. He can never break her again. Muli siyang humiga sa sofa. “Anyway, ikaw wala ka bang balak umuwi or magbakasyon man lang dito sa Pinas?” pag-iiba niya sa usapan. Ikinibit nito ang balikat sa sinabi niya. “Para saan pa? Dito na ang buhay ko ngayon Syd. Wala na akong babalikan diyan,” pagkasabi nito niyon ay lumambong ang mga mata nito. And right there, she saw a glint of sadness and pain inside those beautiful eyes. Hindi niya alam kung totoo ba ang nakita niya o namamalikmata lang siya. Dahil nang ikurap niya kasi ang mga mata ay bumalik na ang nakangiting mukha nito. “Bakit namimiss mo na ba ako?” “I just wanted you to enjoy your life. Paminsan-minsan maghappy-happy ka naman sa buhay mo. Look at you, wala ka nang ibang ginawa kundi asikasuhin ang mga business mo at ng family mo.” Sobrang napaka-workaholic kasi nito. Halos wala na itong time magsaya at mag-unwind. Kung wala ito sa restaurant at coffee shop nila, nasa company ito ng Dad nito at tumutulong sa pag-mamanage sa business ng pamilya nito. “Tsaka gusto mo bang ihanapan kita ng mapapangasawa mo rito?” nakangising kinindatan niya ito. “Just say yes, hindi ako mag-aatubiling ihanapan ka.” Jed rolled his eyes. “Stop playing cupid Syd, it won’t work, I’m telling you.” Sabagay ilang babae na ba ang naipakilala niya rito? Twenty? Thirty? She lost count already. Ngunit ni kahit isa man sa mga iyon ay hindi nito nagustuhan. Ang malala, ang mga babae lang ang na-inlove dito. While him, on the other hand, he felt nothing at all. Sobrang napaka-pihikan nito pagdating sa mga babae. Katulad niya, he’s cold and heartless. Pili lang ang pinapakisamahan nito ng maayos. At isa na siya roon. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa nakaraan nito. Or kung may matindi ba itong pinagdaanan noon. Hindi na niya alam. Ayaw niyang magtanong. And she respects his silence when it comes to his old life. Ayaw niyang pilitin itong alalahanin ang nakaraang ibinaon na nito sa limot. “Fine! Palibhasa, napaka-choosy mo.” “Wow, nagsalita yung hindi choosy,” he sarcastically said that made her laugh. “Magkaiba tayo ng sitwasyon, kaya tumigil ka r’yan.” Tumawa ito sa sinabi niya. “Sabi pala ni Tita, mag-boyfriend at mag-asawa ka na raw at nang magkaroon na siya ng apo,” tatawa-tawang balita at pag-iiba nito. She rolled her eyes when she heard that. Pati ba naman bestfriend niya’y hindi nito pinalampas. “Gosh! Hindi talaga ako titigilan ni Mommy. Nakakahiya na ang mga pinaggagagawa niya. Hindi naman ako ganon kadesperada! Eh sa ayokong mag-asawa at magkaanak eh! Bakit ba ang kulit niya?” Pakiramdam niya’y sumakit yata ang ulo niya sa nalaman. Nakangiwing tinutop niya ang sentido at minasahe iyon. Natawa ito sa reaction niya. “They’re only worried for you.” “Whatever! Ako nga hindi worried eh, sila pa kaya?” “That’s normal, they’re your parents on the first place.” Ikinibit nito ang balikat. “At alam mo ba kung anong nakakatawa sa lahat ng sinabi niya?” “Ano?” siguraduhin nitong matatawa rin siya sa sasabihin nito dahil kung hindi humanda ito sa kanya. Mababatukan talaga niya ito kapag nagkita sila. “Ligawan na lang daw kita at nang tayong dalawa ang magkaroon ng pamilya.” “Oh my god! My headache is getting worst! And my neck, oh my god!” nakangiwing sinapo niya ang nananakit na batok. Mukhang maha-highblood yata siya nang wala sa oras dahil sa pinaggagagawa ng Mommy niya. “Maha-highblood na yata ako sa matinding kunsumisyon Jed!” Tumawa ito sa sinabi niya. “Your mom is really funny and cute.” She rolled her eyes. “Ewan ko sa inyong dalawa.” Hindi naman kasi lingid sa kanya na super close si Jed sa parents niya. Ang totoo nga niyan ay halos ituring na ng parents niya si Jed na parang anak. Minsan nga ay nakikikain din ito sa bahay nila. Kung hindi naman ay nakikipaglaro ito ng chess, bowling, billiard at golf sa dad niya. He built a special bond with them. “At alam mo kung anong isinagot ko sa sinabi niya?” “Ano?” “I said, yes, sure Tita.” “What the hell Jedrix Kyle!” Natawa ito sa reaction niya. Hanggang sa magpaalam sila sa isa’t-isa ay wala itong ginawa kundi bumunghalit ng tawa. Kung hindi lang talaga niya ito bestfriend, iisipin niyang nasisiraan na ito ng bait.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD