44 - He's Mad at Her

2170 Words
“TITA GANDA! Let’s go!”   Napasulyap si Sydney sa pinto nang marinig ang sunud-sunod na katok doon na sinasabayan ng excited na boses ni Zharick.   Pinabanguhan niya ang sarili bilang finishing touches sa pag-aayos niya sa sarili. Magsisimula na kasi ang children’s party as an opening celebration of Zharick’s birthday. Pinakatitigan muna niya ang sarili sa salamin at napangiti siya nang makita kung gaano siya kaganda sa cocktail dress niya. It’s an elegant white vintage satin cocktail dress. She even wear a black choker and a black bangle that high-lighted her white porcelain-like skin. Hindi na rin siya naglagay ng heavy make-up niya. She just put some face powder, blush on and painted her lips with red lipstick that shows and high-lighted her beautiful face.   “Tita Ganda?”   “I’m coming.” Suot ang white doll shoes niya ay napagpasyahan na niyang lumabas.   “Wow!” awang ang mga labing napatulala sa kanya si Zharick nang makita siya. “You’re beautiful Tita.”   “Thank you baby boy,” sagot niya at nakangiting pinisil niya ang pisngi nito. Bata pa lang ito ngunit alam na nitong kumilatis ng maganda. Mukhang playboy yata itong pamangkin niya paglaki nito. Napailing-iling na lang siya sa naisip. “Let’s go.” Tuwang-tuwa at tila excited na tumango ito at hinawakan siya nang mahigpit sa kamay.   Magkahawak-kamay silang naglakad sa hallway ng mansion.   “Tita, I want to have a girlfriend as beautiful as you.”   Napangiti siya sa sinabi nito. Mukhang magiging mataas yata ang standards nito sa babae dahil sa kanya.   “Zharick, don’t push someone to become a person who they’re not. Just accept them for who they are.”   “Why?” Nagtatanong ang mga inosenteng mata nito habang nakatingala sa kanya.   Napangiti siya. “You’ll know when you grow up.”   “Grow up? You mean when I fall in love?”   Napamaang siya sa tanong nito. Saan naman nito nalaman ang tungkol doon?   “Have you fallin in love Tita? How was it? How does it feel to fall in love?”   Hindi pa man din siya nakakahuma sa mga naunang tanong nito ay sinundan ulit nito iyon ng mga panibagong tanong.   Natigilan siya. She never thought that Zharick has a side like this. Thinking matured, being curious and talking like he knew everything. Sabagay, hindi pa naman niya ito ganon kakilala.   Gusto niyang sabihin ditong hindi totoo ang love na sinasabi nito ngunit mas pinili niyang manahimik. She doesn’t want to ruin his mood lalo na at birthday nito ngayon. Baka ngumawa at magdrama na naman ito. And she doesn’t want that to happen.   “Tita?” untag nito. Tila hinihintay nito ang sagot niya.   Napapabuntong-hiningang tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. Umupo siya sa harap nito upang magpantay ang mga mukha nila.   “To be honest, I don’t believe in love Zharick.”   Bahagyang kumunot ang noo nito sa sinabi niya. “Then how come Lola Mommy gave birth to you?”   Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.   “Me, I was born in this world because mom and dad love each other.”   Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. Now she get it. Iniisip nito na kaya may ipinapanganak na tao sa mundo ay dahil nabubuo sila dahil sa pagmamahal. Matalino si Zharick but he’s still full of innocence inside him. Marami pa itong hindi alam sa mga nangyayari sa mundo.   Yes, what he said was true but not all birth was caused by love. Some birth is just a result of people’s lies, revenge, hatred, lust and greediness, which are caused by pain and heartbreak. Nagbabago lang naman ang paniniwala ng tao dahil sa nararamdaman niya, sa mga nakikita niya at sa mga pinagdaanan niya.   “Zharick some people believe in love while some other don’t.”   “Why?” naguguluhang tanong nito. “Why are they divided into different kinds of believers?”   “It’s because some of them got hurt. That’s why they lost the capacity to believe in love. Some people change when they got hurt Zharick.”   “And you’re one of them because you got hurt?” Malungkot na hinaplos nito ang pisngi niya.   Tila may mainit na kamay na humaplos sa puso niya nang makita kung gaano siya nito bigyang halaga. She smiled at the thought that he will become a good man someday.   “Did someone hurt you? Did you cry when he break your heart?”   Tila may kumurot sa puso niya sa mga tanong nito. Bakit ganon kalakas ang epekto sa kanya ng mga salitang lumalabas sa bibig ng isang inosenteng bata? Bakit kapag ibang tao ang nagtatanong sa kanya kaya naman niyang sumagot? Kayang niyang ngumiti at itaas ang noo sa lahat. Pero bakit pagdating sa isang inosenteng batang katulad nito ay nabubuwag ang pader na binuo niya upang protektahan ang sarili niya?   “I.. I cried so hard when he broke my heart Zharick.” Nagsimula nang magpatakan ang mga luha niya. Hindi na niya napigilan ang sariling maging emosyunal sa harap ng inosenteng bata. Kitang-kita niya ang sakit na dumaan sa mukha at mata nito nang makita kung gaano siya umiyak nang mga oras na iyon. “Sobrang sakit dito.” Itinuro niya ang tapat ng puso niya. At habang ginagawa niya iyon ay damang-dama niya ang kirot doon. “Too painful that I almost want to end my life, just to stop the pain that is killing me inside here.”   Niyakap siya ng bata. Wala siyang nagawa kundi ang yakapin ito at umiyak sa balikat nito. Tinapik-tapik nito ang likod niya. And what he did made her feel better.   “Are you okay now Tita Ganda? Did you move on from him? Hindi na ba masakit diyan?” tanong nito at itinuro ang tapat ng puso niya.   “Yes, thanks to your Tito Jed. Kung hindi dahil sa kanya, wala nang direksiyon ang buhay ko. Kung hindi dahil sa kanya, baka matagal nang sira ang buhay ko.”   “Tito Jed? Is he your boyfriend?”   Tumango siya at pinahid ang basang pisngi. “Yes, his name is Jed.”   “I thought you don’t believe in love? But why do you have a boyfriend?” nagtatakang tanong nito na ikinatawa niya.   He’s really intelligent to notice that. “It’s a long story to tell baby boy.”   Napangiti ito pagdaka. “It doesn’t matter if you don’t love him. As long as you’re happy with him and as long as he loves you, I like him na for you. When can I meet him Tita?”   “Soon baby.” Ngumiti siya rito.   Tumango ito sa sinabi niya at tinulungan siyang punusan ang luha niya sa pisngi.   “Just promise me Tita Ganda that you’ll never let yourself get hurt again.”   “Promise baby.” Gusto niyang matawa sa usapan nila. Para kasi itong matanda kung magsalita.   “And I promise Tita Ganda that I will never let anyone make you cry. I will never let the one who hurt you, break your heart again. I will help Tito Jed in protecting you from the one who hurt you.”     _ _ _ _ _ _ _     “SO, LET’S proceed to our next game,” anunsiyo ng baklang emcee matapos ang sack race na pinalaro nito sa mga bata kanina matapos bigyan ng price nina Kuya Patrick at Ate Hazel ang mga nanalo.   “Yehey!” Halos ay magkagulo naman ang mga bata sa paglapit sa emcee. It’s too obvious that all of them are enjoying Zharick’s birthday party. Habang ang mga bata ay naglalaro, sila namang mga adult ay natutuwang pinapanuod ang mga nagkakatuwaang bata. Kasalo niya sa table sina Ate Hazel, Kuya Patrick, Tita Tina, Tito Sebastian, Tita Margie, Tito Ricky at si Rayven. Hindi naman niya pinapansin ang lalaki kahit pa na magkatabi sila. Ni hindi rin niya ito tinatapunan ng tingin. Ayaw niyang pag-aksayahan ito ng panahon.   “Now, what you have to do is get an adult partner and bring them here.”   Sa sinabi nitong iyon ay agad na nagsitakbuhan ang mga bata upang kumuha ng mga nakakatandang kapareha.   “Tita Ganda!”   “Tita Sexy!”   Halos ay magkapanabay na tumakbo ang dalawa niyang pamangkin sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang kamay. Mukhang pag-aagawan pa yata siya ng dalawang makulit na bata.   “Zia bitaw! Ako nauna!” singhal ni Zharick sa nakababatang kapatid.   “No! Babae ako! Kaya ladies first!” sagot naman ng isa at sinamaan ng tingin ang kapatid. Humigpit ang pagkakahawak ng mga ito sa kamay niya. Mukhang wala ni isa man sa mga ito ang gustong magpatalo at magpaubaya.   “It’s my birthday today! Kaya ako ang masusunod! I said bitaw!”   “No! Ayoko!”   Bago pa man tuluyang mag-away ang dalawa ay agad na pumagitna si Ate Hazel.   “Tama na ‘yan. Huwag niyong pag-awayan si Tita Sydney. Iisa lang ang katawan niya. Yung isa pumunta na kay Tito Rayven.”   “I don’t like him!” mabilis na sagot ni Zharick na ikinamaang ni Rayven. It seems like his words hit him bigtime. Sumimangot pa ang mukha ni Zharick nang sulyapan nito si Rayven. Nakalarawan ang matinding pagkadisgusto sa mukha ng bata habang nakatitig sa sariling tiyuhin.   “Why? Eh di ba gustong-gusto mo siya? He’s your favorite uncle remember?” sabat ni Kuya Patrick.   “Things have changed now. He’s not my favorite uncle anymore,” ani Zharick na ikinamaang ng mga ito. Lumarawan ang matinding pagtataka sa mukha ng lahat. Maging siya ay naguguluhan sa inaakto nito. Honestly, kanina pa niya napapansin na lumalayo ito Kay Rayven. Hindi kasi nito sinusulyapan o ni hindi man lang kinikibo si Rayven. Sa tuwing kakausapin o lalapitan ito ni Rayven ay agad na umiiwas ang bata.   “Why?” nagtatakang tanong ni Rayven dito.   Kumibot-kibot lang ang labi ni Zharick. Nanatili lang itong nakatingin nang masama kay Rayven. Natigilan siya nang imbes na sagutin ang tanong ni Rayven ay mas pinili nitong yakapin siya.   “Sige na Tita please, let’s play,” ungot nito at hindi pinansin si Rayven. For the nth times, he ignored him.   Nang iangat niya ang tingin ay ang mga nagbabagang mga mata ni Rayven ang unang nakakuha sa atensiyon niya. He’s glaring at her. He’s mad at her. At hindi niya alam kung bakit galit na galit na naman ito sa kanya gayong wala naman siyang ginagawa.   “What?” taas ang kilay na tanong niya at sinalubong ang galit na titig nito. She’s not afraid of him. Kung gusto nito ng away puwes pagbibigyan niya ito.   Kitang-kita niya ang pag-igting ng mga panga nito habang nakakuyom ang mga kamao nito sa kandungan nito.   ‘Bakit ba galit na galit na naman sa akin itong damuhong ito? Ano na naman ba ang ginawa ko para magalit siya ng ganoon sakin? Hindi ko na nga siya pinapansin pero ako naman itong palagi niyang pinagbubuntungan ng galit niya. Geez! What the hell is wrong with him?’   Dahil sa tensiyong namamagitan sa kanilang dalawa ay naging kabado ang lahat ng kasama nila sa mesa. Halos ay pigil na pigil ng mga ito ang paghinga habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Rayven. Bago pa man magkagulo ay agad na umawat ang mga ito.   “Ahm Zia ang mabuti pa, kay Tito Rayven ka na lang sumama. Siya na lang ang partner mo ha?” si Ate Hazel. Agad na pumagitna ito sa pagitan nila ni Rayven at mabilis na binuhat si Zia paupo sa kandungan ni Rayven.   “Zharick, dalhin mo na si Tita Sydney doon,” utos ni Kuya Patrick sa anak at bahagyang itinulak sila ni Zharick palayo sa mesa.   “Yes dad!” masayang hinatak siya ni Zharick palapit sa ibang bata na may nakuha nang adult na partner. Wala siyang nagawa kundi ang magpatianod dito.   “Tita!” halos ay mangiyak-ngiyak na tawag sa kanya ni Zia at mabilis na humabol sa kanila.   Nakangiting lumuhod siya upang magpantay ang mga mukha nila.   “Zia, later ako naman ang magiging partner mo ha? Sasamahan ko muna si Kuya Zharick ngayon. Birthday niya ngayon kaya pagbigyan na natin okay?” mahinahong sabi niya upang maintindihan nito ang mga sinasabi niya.   Lihim na lang siyang nagpasalamat nang makitang tumango ito at ngumiti pagdaka.   “Sige Tita, si Tito Rayven na lang muna partner ko. Mamaya, ikaw naman.” Hinalikan muna siya nito sa pisngi bagay na nagpangiti sa kanya. Napakalambing talaga ng batang ito. Tumayo na siya nang tumatakbong bumalik ito upang tawagin si Rayven.   Humarap siya kay Zharick na nakangiting nakatingala sa kanya.   “Let’s go birthday boy.” Masaya at magkahawak-kamay silang nagtungo sa ibang participants ng laro. At halos ay gusto niyang mag-backout nang malaman niyang ang lalaruin pala nila ay Newspaper Dance.   ‘Darn it!’ lihim na lang siyang napapamura. Kung pwede lang siyang magback-out ginawa na niya. Kaso kapag ginawa niya iyon sigurado siyang mag-ngangangawa na naman itong artistahin niyang pamangkin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD