C-2: She's cold blooded...

1365 Words
MASAKIT ang ulo ni Akheela pagkagising niya sa umaga. Hindi na nga niya naalala kung paano siya nakauwi. Panigurado niya, inistorbo na naman niya si Hale. Napangiti ang dalaga saka napangiwi nang muling kumirot ang kanyang ulo. "Good morning!" ani ng isang boses sabay bukas ng pinto ng kanyang silid. Hindi sumagot ang dalaga dahil ang kanyang step- mom ang pumasok. May dala itong soup at kapeng kita mong mainit- init pa. "Kumusta na ang pakiramdam mo Akhee?" tanong ng step- mom nito. "I'm okay!" mahinang sagot ng dalaga. "Inumin mo ito," sabay abot sa dalaga ang isang tableta. "What is that?" Ngumiti ang Ginang. "Don't worry! Pain reliever 'yan, hindi lason." Walang imik si Akhee na kinuha iyon at nilunok saka humigop ng kape. "Your Dad is very upset because of you. Gusto niyang hintayin kang magising at sermunan but I told him ako na ang bahala." Saad ng Ginang. "Do I have to thank you for that?" "No need! Ang concern ko lang Akhee, don't take too much alcohol. Moderation is the better way," "Well, thanks!" Bumuntonghininga si Marga ang step- mom niya. May kapatid siyang dalawa rito pero puro lalaki. They tried to approached her pero umiiwas talaga siya. "Akhee, I hope someday you can accept me as your second Mom." "No! I have only one Mom. And that is my biological mother who gave birth to me in this world." "Okay! Maaaring hindi ko mapantayan ang iyong ina subalit kahit isang Tita man lamang masaya na ako, Akhee." Hindi sumagot si Akhee. Nag- iwas siya nang tingin ayaw niyang tingnan ang mga mata ng kanyang step- mom. Dahil pati rin siya ay hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya ito matanggap. "Eat your breakfast, you'll be okay later on." Narinig ni Akhee na sinabi ng step- mom niya. Tiningnan niya ito nasa pintuan na pala ito at papalabas na. "Thanks!" wika ulit ng dalaga. Ngumiti lang si Marga at marahan na niyang isinarado ang pinto. Kumain naman nang bahagya si Akheela. Maya- maya pa'y tumunog ang kanyang phone. Inabot niya iyon at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Hale, napangiti ang dalaga. Agad niyang sinagot ang tawag ni Hale. "Good morning! Okay ka na ba?" "Hmmm, medyo." "Did you take medicine?" "Yup! Pain releiver!" "Very good! Huwag ka muna uminom, lasenggera." Sukat- doon ay natawa si Akheela. "Dinaig mo pa si Daddy niyan," "Talaga! Sa susunod hindi na kita susunduin," "Ows? Talaga? Sige, maglalasing ako ulit mamayang gabi." "Akheela Sabrina!" Muling natawa si Akheela. Kapag kasi tinawag na siya ni Hale sa buong pangalan niya ay galit na talaga ito sa kanya. "Sorry na!" "Ayoko!" "Sorry na, libre kita. Saan tayo?" "Hmmm, gusto ko ng fishball mamayang hapon. Sa may tabing- dagat," "Okay! Hihintayin kita roon." "Sige! Magpahinga ka na, alam kong may hang over ka pa." "Okay! Bye, my Hale!" "Bye, Akhee." At ibinaba na ni Akhee ang kanyang phone. Kahit masakit ang ulo ni Akhee ay hindi niya maiwasang mangiti. Natutuwa siyang nandiyan pa rin si Hale sa kanyang tabi. Kahit na malaki na ang kanyang ipinagbago. Naroon pa rin ito laging nakasuporta at nakagabay ito sa kanya. Kahit na makailang ulit na nitong sinabing hindi na siya tutulungan ay dumarating pa rin ito. Nakatulog muli ang dalaga dahil sa hang over nito. Kaya hindi niya namalayan ang pagdating ni Hale. Agad naman itong pinapasok ni Marga dahil kapit- bahay lamang nila ito sa Subdivision na kanilang kinaroroonan. "Hello po Tita! Gising na po ba si lasenggera?" tanong ng binata. Natawa si Marga sa sinabi ni Hale. "Hay naku! Naroon pa rin siya sa kanyang silid hinatiran ko siya ng pagkain. Ewan ko kung kumain na siya," "Nasobrahan na naman niya kasi ang pag- inom ng alak. Sige po! Pupuntahan ko na lang po siya," "Sige! Pupunta pa kasi kami sa palengke! Dito ka na rin manananghalian mamaya, Hale." "Wow! Na- miss ko po ang luto niyo Tita!" "Naku! Huwag kang mag- alala Hale, ipagluluto kita." Maya- maya pa'y tuluyan nang nagpaalam si Marga kay Hale. Marahan namang pumasok si Hale sa kwarto ni Akhee nang marating niya ito. Napailing ang binata nang makitang tulog na tulog pa ang dalaga. Nilapitan niya ito at saka umupo sa gilid ng kama. Niyugyog niya ito nang marahan. Umungol lamang ito. Napapalatak at napapailing na lang si Hale. Tumayo si Hale at inilabas ang kanyang phone. Nilakasan niya ang volume nito at pinindot ang ring tone na sumisigaw. Itinapat niya ito sa tainga ng dalaga saka pinindot ang play. Gulantang naman si Akhee at agad na bumangon saka naglulundag dahil sa gulat sabay sigaw. Tawang- tawa naman si Hale sa hitsura ng dalaga. Namimilipit na sa sakit ng tiyan si Hale sa kakatawa nito. Nang mahimasmasan si Akhee ay binato niya ng unan ang binata at matalim na tinitigan ito. "Bwiset ka!" singhal nito kay Hale. "Grabe kasi nang hilik mo eh! Dinig na dinig hanggang sa labas." "Tse! Hindi ako naghihilik 'noh? Haler!" "Pero, naglalaway ka?" "Bwiset ka talaga!" "Bakit pikon ka?" "Ewan ko sa'yo!" 'Yun lang at padabog na pumasok ang dalaga sa loob ng kanyang banyo. Natatawa pa rin si Hale kay Akhee. Kung kaya't lumabas na rin ito upang doon hintayin si Akhee. Dumiretso ang binata sa dirty kitchen. Nag- squeeze ito ng oranges, alam niyang hindi masyadong umiinom ng kape si Akhee. Nag- toast din ito ng bread saka pinahiran ng butter. Pagkalabas ni Akheela ay presko na ito dahil bagong paligo na. Napangiti si Hale nang makita niya ito. "Halika ka na at nang magkalaman ang iyong sikmura." Yaya nito sa dalaga. Lumapit naman si Akheela kay Hale at umupo sa silyang hinila ng binata "Ano ito, peace offering?" "Kung 'yun ang akala mo eh 'di 'yun na nga!" "So cheap!" "Cheap pero, made with love!" Umirap lang si Akheela ngunit kumagat naman sa bread at uminom ng juice. Tumabi naman si Hale sa dalaga at naupo rin. "Bakit hindi mo kinain 'yung dala ni Tita?" kapagkuwan ay tanong ni Hale. "Kinain ko, konti nga lang nakain ko!" "Ininom mo 'yung kape na tinimpla ni Tita?" "Konti," "Very good!" "Thank you Sir!" Nagkatawanan silang dalawa dahil sa kanilang kalokohan. Nang maubos na ni Akheela ang kanyang kinakain ay nagpunta na sila sa labas. Nagtungo sila sa may swimming pool at naupo sila sa mga upuang rattan na naroon. "Manananghalian ka ba rito?" tanong ni Akheela. "Yes! Na- miss ko ang luto ni Tita," "Takaw mo talaga! Wala ba kayong gimik? Sasama ako!" "Ah, meron pala! Bukas ng gabi, treat ni Renz kasi may work na siya. Saka, engagement party nila ni Ava sa isang resort gaganapin. So, we are invited!" Namilog ang mga mata ni Akheela. "Wow! Mukhang kailangan ko ng maraming energy! Kaya, pagkatapos mong kumain mamaya umuwi ka na at ako ay muling matutulog." Bulalas ni Akhee. "Daya naman nito! Warning lang Akheela Sabrina Gomez, strictly no drinking too much alcohol moderation only." "Hmmm, I will try Mr. Hale Ian Santos!" Muli silang nagkatawanan. Marami pa silang pinag- usapang mga kalokohan hanggang sa dumating ang step- mom ni Akhee. Doon na nga nananghalian si Hale kagaya ng sinabi ng binata. Sinabi rin ni Hale ang tunay nitong sadya. Sinabi rin ni Marga na mas mabuting kausapin din ni Hale ang papa ng dalaga para walang problema. Pumayag naman si Hale at hinintay na niya ang Papa ni Akheela. Nang dumating ito ay agad namang sinabi ni Hale na isasama niya si Akheela sa isang okasyon. Pumayag ang papa ni Akheela subalit may mga kondisyones ito at itinagubilin niya si Akheela kay Hale. Nangako naman ang binata na siya na ang bahala kay Akheela. Panatag naman ang loob ng papa ni Akhella kung si Hale ang kasama ng kanyang anak. Matapos ang pag- uusap nila ay natuloy din ang lakad nilang kumain ng fishball sa may tabing- dagat. Subalit sandali lang sila roon dahil nga medyo may hang over pa si Akheela. Hindi rin nito gaanong nakain ang nabili nilang fishball dahil sa hang over nito. Nang magsawa na sila ay inihatid na ito ni Hale sa kanilang bahay. Hindi na rin kumain ng dinner ang dalaga dahil sa nakatulog ito nang maaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD